Chapter 11

1266 Words
Mika's POV Pauwi na ako galing ng trabaho, it's the 24th of the month, and its Friday so no work tomorrow. Pwedeng pwede ko lunurin sarili ko sa alak. Haaay. "Mika!" Mika: Uyy, ate Mich, bakit po? Mich: Mag hangout lang sana kami ni Cha, gusto mo sumama? Mika: Uh.. Ano kasi ate.. Mich: I won't take no as an answer :) Mika: May magagawa pa ba ako? Sana hindi ka na nagtanong ano? Nakita ko namang papalapit na sa amin si Charleen. Cha: Hey Miks, uuwi ka na ba? Mich: Niyaya ko siya :) Cha: Oh I see, tara :) Nagtungo na kami sa bar na medyo may kalayuan sa school. Mukhang regular customer tong dalawang to ah. Mika: Lagi ba kayo dito? Mich: Ayy hindi, boyfriend ko kasi ang may ari nito kaya kilala na kami ng mga staffs dito. Mika: Yayamanin pala ang boyfriend mo ate. Mich: Hard working lang. Sa may pinakasulok lang kami nakaupo dahil may bisita ang family ng boyfriend ni ate Mich kaya hindi kami pwede sa VIP rooms ngayon. Okay na din to, wala naman sigurong choosy sa amin. Naramdaman ko naman ang pagvibrate ng phone ko kaya chineck ko naman ito. Bansot From: Heeeey! Pauwi ka na ba? To: Nope. Nagkayayaan kami mag bar eh. From: Ganun ba, sige. Text mo ko kung saan yan para masundo kita mamaya :) To: Wow! Sweet naman, abisuhan mo ko daks kung nililigawan mo na ko ah? HAHAHAHA!  JOKE! Ingat ka pauwi, mukhang mapapadami kami eh. From: Hangin mo , pero wag ka mag-alala, aabisuhan talaga kita hahaha, tatanungin pa kita, nakakahiya naman kasi kung bigla nalang kita liligawan diba . Hiyang hiya ako sa pagiging magandang gwapo mo eh. Sige na, basta text mo ko. Nag-uusap lang kami ni ate Mich at Charleen about how stressful yung nakaraang linggo sa dami ng ginagawa namin. Mich: Cha, akyat muna ako ha, andun daw si boyfie eh. Cha: Sure sure. Mika: Charleen, laro tayo. Isang tanong, isang sagot. Cha: Sige okay ako jan. Mika: Nakailang relationship ka na? Cha: 1 palang, we broke up 2 years ago. You? Mika: Yung seryoso? 2 lang, ang dami ko naging ex sa totoo lang. HAHAHA. Cha: Wow naman. Mika: Maganda ba ko? Or gwapo? Cha: Isa kang magandang gwapo :) Mika: Crush mo ko noh? Hahaha Cha: Ako na ang magtatanong, hindi ikaw haha. Kada sagot naman namin sa mga tanong ay shot lang kami ng shot, di ko alam kung nakailan na kami. Napatingin ako sa dance floor at parang may isang taong pamilyar. Rad? Tumayo ako at nilapitan siya, walang ano ano'y niyakap ko siya. Nakaramdam nalang ako ng sampal. Girl: The hell are you doing?! Guy: May problema ba dito? Mika: Queeny, sawa ka na ba talaga sakin? Girl: Hindi naman kita kilala, anong pinagsasasabi mo? Cha: Sorry, medyo napadami na inom netong kasama ko. Ugh, akala ko si Rad na. Hinatak naman ako ni Charleen pabalik sa pwesto namin. Medyo nahilo naman ako sa bilis ng lakad naman pabalik. Mika: Sorry. Akala ko kakilala ko. Hindi ko alam kung dahil ba to sa alak o ano pero naiyak nanaman ako. Ano ba yan, napakaiyakin ko na ata. Nakakahiya, ano na nangyari sa magmomove on? Hahaha! Cha: Sino ba? Mika: Akala ko siya yung ex ko haha. Imagine, 3 years and 2 months kami. Nakita niya akong may kahalikan, putang ina nung katrabaho kong yun. Ginawa lahat para masira kami. I tried to explain myself, kinukwento ko naman sakanya lahat ng ginagawa nung katrabaho kong yun sakin, pero argh! Di pa din niya ako pinaniwalaan. Cha: Well jealousy could eat a person. Ngumit nalang ako ng pilit. Cha: Mika, be strong enough to let go and patient enough to wait for what you deserve. Mika: I am, and I will. Let's hope na this will be the last time. Cha: So who's the lucky girl na kinalolokohan ng isang Mika Reyes? Mika: Hahaha, Rachel. Rachel Anne Daquis. Siya pa nga nanligaw sakin eh! Cha: She's lucky you've chosen her. Mika: I am just lucky as her. The time I've spent with her was one of the happiest moment in my life. Cha: She's stupid enough to let you go. It's not your lost Mika, siya yung nawalan. Mika: Big words! Hahaha. Cha: Unleash Mika 2.0! Hahaha Nagdecide na kami na umuwi na kaya't tinext ko na si Ara, hihintayin daw muna nila akong masundo bago sila umuwi. Bansot To: Daaaks. Sunduin mo na ko! Bilisan mo! From: Wow! Di pa nga kita nililigawan ang demanding mo na! HAHAHA, I'm on my way daks. To: Hahaha! Bilisan mo baka maunahan ka pa sa puso ko. From: Whatever! Nang dumating si Ara ay nagpaalam na ako kay ate Mich at Charleen. Ara: Oh para sa'yo Mika: Ano to? Ara: Cotton candy. Ano sa tingin mo? Muka bang tinapay yan ha? Mika: Alam ko! Pero bakit may ganito? Ara: Wala, balita ko gusto mo daw niyan eh. Mika: Aww ang effort naman ng manliligaw ko. AHAHAHHAHA. Ara: Hahaha dami mong alam. Ligaw ligaw, mag move on ka muna. Mika: Sarap mo asarin. Ara: Sarap mo mahalin. Nagtungo na kami sa bahay at pag uwi ko naman ay binigyan nila ako ng mga paborito kong goodies. Sweet naman talaga ng mga tropa ko oh. Mika: Thank you guys. Iiyak na ba ako? HAHAHA, ang sweet niyo. Ara: Iiyak ka jan, tama na iyak huy. Life is too short to frown so I'll make the most out of it. Rad's POV *Ting It's the 24th of the month, and umaasa akong magtetext siya. From: My King Babe  Pagkakita ko ng name niya sa screen ay natuwa na ako, ngunit pagkabasa ko pa lang ng bungad niya sakin ay agad ng napalitan ng luha ang aking mga ngiti. "Hi Rad :) Una sa lahat maraming maraming salamat sa lahat ng memories, they are so special kaya hindi ko kakalimutan. Those memories are something to cherish. You were worth fighting for, but how could I fight kung ikaw mismo sinukuan yung "tayo" diba? I'm letting go. You let go a long time ago and I realize that it is time for me to do the same. I'm thankful na dumating ka sa buhay ko, I don't have any regrets kasi naging masaya ako. :) I love you and I still do, but I need to love myself now. I hope someday we could be friends again. I hope someday you'd learn to forgive me. Thank you for everything my queen. Thank you for being my nanay, tatay, bestfriend, anak, and lover for 3 years and 2 months. It was not enough to show how much you really mean to me, it was never enough to show you how lucky I am that you're mine. I hope na kahit papano naparamdam ko sa'yo yun. You were my MikChel (pitchel) kung naaalala mo pa yung lagayan ng tubig joke ko. Ako yung tubig, ikaw yung nagpapanatili sa akin ng buo, pero you left me. Hindi ko mabuo yung sarili ko without you since you left. But I am on my own now. Babangon ako pero hindi kita dudurugin wag ka mag-alala  haha. Sometimes you just gotta be your own hero and save your own little heart. Because sometimes, the people you can't imagine to live without, can actually live without you. ~Unknown So again for the last time, I love you my queen :) take care coz I'll always care.❤️" Alam ko naman dadating yung araw na 'to pero hindi ko pa din pala talaga kaya. Ang sakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD