Mika's POV
After 11 months ngayon lang ako ulit magtatrabaho. Buti nalang at may mga mababait akong kaibigan. Papasok na ako ngayon sa school, nasabi sa akin ni Charleen na after ng interview ko ay nagpasyang mag resign ang kanilang guidance councillor. Swerte ko naman.
"Hi ikaw si Mika Reyes?"
Mika: Ayy yes po.
Girl: Mich nga pala, so basically, dun ka magstay sa guidance. Don't worry andun din si Cha :) Samahan na kita sa room niyo.
Nagtungo na nga kami sa room s***h office ko. Bumungad naman sakin si Ms. Charleen.
Mika: Goodmorning ms :)
Cha: Stop being too formal Mika. Anyway goodmorning din. Kumain ka na ba?
Mika: Yes, ako pinagluto nila ngayon kaya nakakain ako ng marami kaka tikim haha.
Cha: Funny kid :) Dalhan mo naman ako next time.
Mika: Ah eh.. nakakahiya. Pang tropa lang yung luto ko eh.
Cha: Then I want to be one of your tropa :)
Mich: Ehem ehem. I gotta go guys, and Mika, ingat ka kay Cha ;)
Umalis na si ate Mich at inayos ko na ang mga gamit ko sa table ko.
Mika: Haha, nangangagat ka ba?
Cha: What?! No!
Mika: Eh bakit mag-ingat daw ako sayo?
Cha: Don't mind her nalang.
Mika: Sabi mo eh :)
Nakakastress naman tong pinapagawa sakin. Ni hindi ko nga maintindihan bakit binigay sakin to.
Mika: Argh!
Cha: Need help?
Mika: Ay hindi na po kaya ko na to.
Cha: Grabe ka para namang hindi ka nagpapatulong sakin noon.
Mika: Matagal na yun eh tsaka sabihin mo pang wala akong natutunan sa'yo noon haha.
Same lang course namin and yes, she is my senior. Di ko nga alam pano kami naging friends. Niyaya niya ako maglunch. Andito lang naman kami sa canteen ng school.
Cha: Matunaw naman ako niyan Mika.
Mika: Ah eh.. Sorry haha, inaalala ko lang pano tayo nagkakilala haha. Which is hindi ko talaga alam hahaha.
Cha: Hindi ko na din alam haha.
Nagkwentuhan pa kami ni Charleen bago bumalik sa desk namin. Mag 5 pm na ng matapos ako sa ginagawa ko, chineck ko ang phone ko.
Bansot
Pst! Dinner?
No money. Libre mo?
Hello, may grill ako
hahahaha! See you
here! Sunduin ka
daw ni Carol.
Oo nga pala. Sabi ko nga may business ang bestfriend ko eh. Muling tumunog ang phone ko kaya't chineck ko ito still hoping eh.
From: 8080
Wow naman, hindi ko na binuksan. Hindi pa naman mag eexpired load ko. Pero buti pa 8080 nakakaalala. Samantalang yung pinakagusto kong makausap hayun wala.
*Ting
Wait.. Bakit ngayon ko lang naisip to..
Mika: Uh, ms. Charleen?
Cha: Isa pang ms mo jan hindi na kita papansinin.
Mika: Ah eh Charleen, may pantawag ka ba?
Cha: Meron naman, makikitawag ka ba?
Mika: Sana.
Pinahiram naman niya ang kaniyang phone, tinype ko na ang number niya, hoping she'd answer. Gusto ko lang marinig ang boses niya.
Ilang ring pa bago niya sinagot.
"Hello sino po sila?"
A tear escaped from my eyes. Sobra kong namiss ang boses niya.
"Hello?"
I gathered every ounce of courage I had in me.
Mika: Hi babe. I miss you. Namiss ko boses mo. Miss na miss na kita! I love you!
Hindi siya sumagot. As usual, atlis narinig ko ang boses niya kahit papaano. Hindi ko alam kung guni guni ko lang yung narinig ko pero parang may mga hikbi akong narinig bago ko maend ang tawag.
Naramdaman ko naman ang isang malambot na bagay sa mukha ko. Si Charleen may hawak na panyo.
Cha: It will be alright, wag ka na umiyak.
Mika: Sorry ang drama ko.
Cha; Okay lang yan, lahat naman tayo may pinagdadaanan eh.
She flashed a sweet smile, just like how Rad used to cheer me up whenever I'm down.
Cha: I won't ask you why pero kung gusto mo ng kausap I'm here okay?
Tumungo lang ako ng biglang tumunog ang phone ko, nagtext si Carol na nasa baba na siya kaya't nagpaalam na ako kay Charleen.
Tahimik lang ako sa buong biyahe namin ni Carol at nang makarating kami ng grill ay sinalubong naman ako ng yakap ni Ara. Hinatak naman niya ako papunta sa office niya.
Ara's POV
Pagkapasok palang ni Mika ay alam kong may problema dahil iba ang aura niya. At tama ako dahil ng malapit na ako sa kanya ay nakita ko sa kanyang mga mata ang lungkot kaya't niyakap ko siya baka sakaling gumaan ang pakiramdam niya. Nang kumalas ako ay hinatak ko siya sa office ko para makausap, kahit papaano ay nag oopen na siya sakin. Oo masokista na kung masokista, ayoko lang malungkot ang mahal ko.
Ara: Sino nanaman nagpaiyak sa'yo ha?
Mika: I called her. Namiss ko yung boses niya. Sobra kong namiss, ngayon ko lang ulit narinig yung boses niya.
She broke down and cry. So ginawa ko lang naman ang ginagawa ng mga bestfriend, yayakapin siya at pilit papatahanin.
Inorasan ko nalang ang pag iyak niya , baka pwede na isubmit sa Guinness book of records eh.
Ara: Stop hurting yourself Ye. You don't deserve what you are experiencing right now.
Mika: Daks, sakit mo sa ilong.
Ara: Wow wala ka ngang ilong. Saka nakuha mo pang magjoke, pero seryoso na. Tama na pag iyak please. Kahit ako nasasaktan eh.
Mika: In time daks, in time.
Ara: Andito naman kasi ako.
Mika: Gutom na ko daks.
Ara: Lupit mo magdrama Ye.
She smiled, pinipilit niyang maging okay. I need to do something to make her smile every day.
Rad's POV
"Hi babe. I miss you. Namiss ko boses mo. Miss na miss na kita! I love you!"
Parang sirang plaka sa utak ko nag play ang mga sinabi niya. Kung alam mo lang babe kung gaano ko gustong makasama ka at bumawi sa mga oras na hindi kita kasama.
"Iha, hindi mo dapat pinaglalaruan ang pagkain mo"
Nasa hapag kainan kami ngayon, nasita pa tuloy ako ni Mr. Gonzaga.
Rad: Sorry po.
Jovs: Okay ka lang?
Nginitian ko lang siya. Wala naman akong problema kay Jovelyn. She's not pushing herself, hindi naman kami close kaya hindi kami masyadong nagpapansinan. Maghapon lang naman ako nakakulong sa kwarto.
Nang matapos kami kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko at nagpunta sa balcony. Napakayaman ng mga Gonzaga. Narinig kong may kumatok at iniluwa ng pinto si Jovs.
Rad: May kailangan ka?
Jovs: Wala naman, gusto ko lang kamustahin ka.
Rad: I'm fine. Gusto ko mapag-isa.
Jovs: I'm really sorry Rachel.
Rad: Ano ba?! Stop saying sorry! Wala naman magagawa yung sorry mo! Hindi niyo naman maibabalik sakin si Mika!
Jovs: When will you move on?!
Rad: Una sa lahat, hindi ko ginusto ang sitwasyon na'to. Pangalawa, hindi ako ang may utang sa inyo. Pangatlo, hindi ako ang may gustong lumayo sa mahal ko. Pang-apat, how can I move on from a girl like her?! She's one of a kind! She was my everything, pero dahil sa punyetang utang na hindi naman ako ang may gawa, nawala lahat!
Jovs: I...
Rad: Umalis ka na ng kwarto ko.
Umalis na siya at heto ako ngayon, iyak nanaman ng iyak. Bakit ba ang kumplikado ng buhay ko?
*Ting
From: Cyd
Umiiyak si Mika, ano nanaman ba ang nangyare?
Tinawagan ko nalang si Cyd para mas madali ang pag uusap namin.
Cyd: Hello!
Rad: Wag ka sumigaw.
Cyd: Umiiyak ka din? Ano ba problema ng mga tao ngayon?
Rad: She called me using a different number.
Cyd: I see, so narinig ka niya noh?
Rad: Ganun na nga.
Cyd: Sobrang miss ka na nung tao eh.
Rad: Ako din naman. Kung nahihirapan siya, mas nahihirapan ako. Hindi ko naman to gusto eh.
Cyd: Hindi, mas mabigat lang sa loob mo pero mas nahihirapan siya.
"Cyd si Mika nawawala!"
Sigaw mula sa kabilang linya. Parang si Kim yun.
Rad: Ano nangyare?
Cyd: Hindi ko din alam couz. Update kita later. Bye.
San naman kaya nagpunta yung babaeng yun.
Ara's POV
There's only one place I know na maari niyang puntahan pag ganitong pagkakataon, kaya't dali dali na akong pumunta doon. Hindi naman ako nagkamali, andito siya. Nakaupo sa swing habang nakatingin sa malayo.
Ara: Pinag-alala mo kaming lahat.
Mika: Pagod na ko daks.
Ara: Suko na ba?
Mika: Matagal na kong talo pero ngayon lang ako susuko hahaha.
She forced a smile. f**k! Bakit ba hindi nalang ako ang masaktan? Okay naman ako na masaya sila ni Mika eh. Masaya naman ako na makita silang masaya, okay lang ako yung masaktan basta masaya lang tong mahal ko.
Ara: Ano plano mo?
Mika: Move on and be a better person.
Ara: Do this for you and not for her okay? She'll realize na she let a diamond go :)
Mika: Wow naman sa diamond daks!
Ara: Kasi you're precious and rare :)
Ginulo nanaman niya ang buhok ko at nakita kong napangiti siya.
Mika: Thank you for making me feel na I'm special.
Ara: Yupp. Special child :P
Tumakbo ako kaya't hinabol niya ko, binato pa ko ng tsinelas. Buti nalang magaling ako umiwas mwahahaha!
I can hear her laughters, I would do everything just to hear those everyday. Kahit mag mukha pa akong tanga ayos lang.
Ganun naman talaga pag nagmamahal ka diba? Ang importante yung masaya yung mahal mo.