Chapter 13

1358 Words
Mika's POV December na pala, hindi ko man lang namalayan. Sa sobrang subsob ko sa trabaho ay hindi ko na namalayan na halos 5 buwan ko na din pala hindi tinetext si Rad. Oo namimiss ko siya pero nandiyan naman mga kaibigan ko eh. Si Cyd lang naman ang hindi gaanong nagcocomment pag si Rad na ang pinag-uusapan. Syempre alam niya yung side ni Rad. "Huy tama na daydream" Mika: Naisip ko lang bigla si Rad, haha tsaka December na pala daks, ang bilis noh. Ara: Oo nga eh, medyo busy sa grill. Buti nalang at tumutulong si Carol at ate Kim minsan. Tapos minsan andun din si Thomas. Mika: Wow. So kamusta naman kayo ni Thomas? Yieee. Yaan mo tutulong ako bukas :) Yep you heard it right, andun si Thomas. Hindi ko alam kung anong real score sa kanilang dalawa. Ang akin lang wag niya na ulit sasaktan ang bestfriend ko. Ara: Baliw ka! Ikaw lang naman. Mika: Ano? Ara: Wala. Siguraduhin mong tulong gagawin mo at hindi papak sa kitchen ha. Mika: Grabe siya oh, hahaha pero susubukan ko ;) Ara: Baliw ka talaga, maligo ka na baka malate ka pa. Mika: Yes boss. After ko mag ayos ng sarili ay sumakay na ako sa aking big bike. Papasok na ako ng school ng makita ko si Charleen na papasok palang din. Agad agad akong nagpark. Pagkahubad ko ng helmet ko ay nakita kong nakatingin na siya sa akin. Mika: Goodmorning Charleen :) Hindi siya sumagot pero nakatitig pa din siya sakin. Mika: May dumi ba ako sa mukha? Wala pa din akong sagot na nakuha, so I snapped my fingers Cha: Uyy.. Mika: Ano problema? May dumi ba ako sa mukha? Cha: Ah eh.. a..ano.. wa...wala. Mika: Ayy, gwapa noh? Hahaha. Joke, by the way your dress suits you :) Di ko alam kung nagblush ba siya or what, pero I shrug it off. Christmas Party ngayon ng mga teachers at staffs. May pa games pa, kainan at syempre exchange gift. Nakita ko namang papalapit sa akin si ate Mich at Charleen. Mich: Miks, regalo ko for you :) Siniko naman niya si Charleen. Cha: Mika, hope you'll like it. Mika: Uyy hala wala akong regalo para sa inyo. Hindi ko expected na bibigyan niyo ko haha. Mich: Okay lang Miks, si Cha naman nabunot mo. Mika: What?! Hahahaha! You mean ikaw si Sailor Moon? Code name kasi ginamit namin, hahaha. Wala akong ibang maisip kaya "gwapa" ang ginawa kong code name ko. HAHAHA taas ng Confidence ko. Cha: Bakit ba. Eh sa gusto ko yun. Nakatungo lang siya, siguro nahiya sa codename niya haha. Mika: Tara kain na tayo. Thank you ulit sa gift niyo. Sa pasukan nalang ako babawi :) Mich: You don't have to. Tara. Kumuha na kami ng foods and nagdaldalan as usual pero tahimik lang si Charleen. Mika: Charleen, may problema ka ba? Cha: Ah, eh wala to. Mika: You know naman na handa akong makinig diba? Cha: Can we hang out later? Mika: Uh sure, wala naman akong ibang lakad :) After ng party namin ay nag-aya siya sa isang bar. Mukhang malaki ang problema ng isang to. Naupo kami sa may sulok, at umorder ng inumin. Light lang kinuha ko, magdadrive pa ko eh. Nagulat naman ako ng nagbottoms up siya ng isang inumin at umiyak. Mika: Uyy.. Cha: She's getting married. Mika: Who? Cha: My ex is getting married. Mika: Ah ex mo... wait. What? She? As in she? Cha: Hindi ba kapanipaniwala na babae ex ko? Haha. Mika: Masyado kang maganda para dun eh. Joke, yung ex ko din dyosa. Kaso wala eh, nahumaling sa kagwapahan ko haha. Cha: Medyo mahangin lang Mika. Mika: Tuloy mo na kwento mo. Cha: Ayun nga, before naging kami eh magbestfriend kami. So as a bestfriend daw pinapaalam niya sakin na ikakasal na siya haha. Wala ang date pero gusto niya pumunta ako sa engagement party niya. Mika: Ang insensitive naman niya. Wait bakit kayo naghiwalay? Cha: She fell out of love. May nakita siyang babae, crush niya daw. Inistalk niya ng inistalk nainlove si gago kaso taken yung girl. Ayaw niya daw maging unfair sakin, so she broke up with me personally. Mika: Mahal mo pa? Cha: Hindi ko alam Mika. Pwedeng oo pwede ding hindi. Mika: Baliw ka na, halika nga dito. Lumapit naman siya kaya't niyakap ko siya. Jusko magpapasko na iiyak pa eh. Naalala ko namang amoy pawis na ko nakakahiya. Mika: Uh Charleen.. let me know kung yung iyak mo eh para pa sa ex mo or dahil na sa amoy ko ha? Cha: Haha, funny. Nagdadrama ako dito eh. Pero wag ka mag-alala mabango ka pa din kahit pawisan. Mika: Bago ka pa malunod sa alak akin na address mo. Binigay naman niya at ayun inom lang siya ng inom, well habang nakayakap sakin. Clingy naman ni ms. haha. Napatingin ako sa relo ko at anong oras na pala, tinignan ko na din ang phone ko. Bansot Ye san ka na? Nasa bar pa ko, nagpasama officemate ko. Hatid ko lang tapos uwi na ko. Sige. Ingaaaat  Tinignan ko naman ang katabi ko, mukhang isang ihip nalang eh knockout na to kaya binuhat ko na. So pano to? Baka mahulog pag nagmotor kami. Nagpara nalang ako ng taxi, babalikan ko nalang si baby mamaya. Nang makarating kami sa condo niya ay hiniga ko na siya sa kanyang kama. Buti nalang ako kasama mo kundi nako baka napagsamantalahan ka na. Napaka angelic naman ng mukha neto. Aaminin ko crush ko to noon eh haha. Napakabait niya kasi plus tinutulungan niya ako pag may hindi ako magets sa lessons ko. Umalis na ako at binalikan ang baby ko, mahirap na baka pati ito mawala eh. Nang makarating ako sa bahay ay nadatnan ko si Ara sa may sofa na natutulog. Hindi ko na siya ginising kaya't binuhat ko nalang siya papunta sa kwarto niya. Medyo mabigat din pala tong taong to. Nang maihiga ko siya sa kama niya, feeling ko eh naggym ako kaya't naupo muna ko sa tabi niya. Napatingin ako sa bestfriend ko, di ko alam kung bakit hanggang ngayon eh wala pang partner to. Maganda naman, matangos ilong, san ka pa diba? Ara's POV Naalimpungatan ako at naramdaman kog malambot na ang hinihigaan ko. Ramdam ko din na may tao sa gilid, humalik siya sa noo ko kaya't kilala ko na kung sino to. Hinatak ko siya at niyakap. We stayed like that, I pretend that I was asleep nang bigla ko nalang maramdaman ang pagtampal niya sa ulo ko. Mika: Victonara, ako ay wag mong pinaglololoko, alam kong gising ka. Ara: Aray Ye, tsaka full name talaga? Mika: Pwede ka naman magsabi, madali naman ako kausap. Ara: Magsabi na? Mika: Na gusto mo ako katabi, ikaw talaga. Pinagnanasaan mo ko noh? Ara: Kapal mo. Wala ka namang abs para pagnasaan. Tumayo siya at inangat ng konti ang kanyang damit. Nakita ko ang abs niya, shet kelan pa to nag work out? Napalunok nalang ako at napaatras sa may head board ng kama dahil palapit siya ng palapit sakin. Mika: See, pinagnanasaan mo. Ara: Hoy, ngayon ko nga lang nakita yang abs mo! Kelan ka pa nagwork out? Mika: Secret! Hahaha. Ara: Tabi muna tayo Ye please. Mika: Oo na sige na. Wag mo ko rereypin ha. Ara: Shh.. Dami mo alam. Labyu bes. Mika: Haha, style mo bulok. Wag ka kikiligin pero, Labyu too bes. Buti nalang dim lang ang ilaw sa kwarto. Hindi niya makikita kung gano ko pinipigilan yung kilig ko. She kissed me goodnight, I would do everything just to have nights like this every day. I kissed her cheek, napansin kong tulog naman na siya. Bilis eh, pingmasdan ko muna siya. Napakagwapo naman talaga netong taong to, tumagilid siy which means magkaharap na kami. Matagal na kaming magkaibigan pero hindi ko padin mapigilan ang mamangha sa kanya. Pinitik ko ang ilong niya, just to make sure na tulog na siya. Hindi siya gumalaw so tulog na to. :* @VSGalang #Stolen  I just stole a kiss from her lips hahahaha. Sorry Ye. This is a good night indeed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD