Mika's POV
It's Christmas at sama sama na kaming nagcelebrate ng mga kaibigan ko. Masaya lang kaming kumain at nagkantahan. Naalala ko nanaman si Rad, sobrang miss ko na siya. I decided to text her, hindi naman masamang bumati diba
Hindi naman na akong umasa na magrereply pa siya, ilang text ko naman na ang nareject niya pero atleast binati ko siya diba.
Tumunog ang phone ko kaya chineck ko din naman ito agad. Nagreply si Rad. Dahil sa sobrang saya ko ay napindot ko ang call button at agad agad niyang nasagot.. Napasapo nalang tuloy ako sa noo ko at lumabas muli sa garden.
"Hello"
Kinabahan ako, alam niyang ako ang tumatawag, syempre number ko to, di naman ako nagpalit pero sinagot niya padin.
Isang Himala. Napakalaking himala.
"I miss you"
At dahil sa sinabi niyang iyon ay tumalon ang puso ko, halo halong emosyon ang nararamdaman ko.
Mika: I miss you more my queen.
Napangiti nalang ako sa sinabi ko. Pero binalot ng katahimikan ang paligid ngunit hindi naman niya pinatay ang tawag.
Mika: Kamusta ka na?
Rad: I feel fine just by being able to talk to you.
Mika: Hindi mo inaalagaan sarili mo noh? I can picture you na nangayayat ka.
Rad: Ano ka si madam Mika? Pero you don't wanna know.
Mika: Pwedeng summary? Hehe.
Rad: Without you I am completely lost.
Nakarinig ako ng mumunting mga hikbi.
Mika: Hey it's Christmas, hindi ka dapat umiiyak.
Rad: Life without you is also like a broken pencil, it's pointless.
Mika: Wow, umiiyak ka na bumabanat ka pa.
Rad: I have to go.
Mika: Agad? Can't we just talk for a few more minutes?
Rad: I would love to but the situation won't allow us. Ingat ka palagi. Alagaan mo din sarili mo. I miss you, I miss you so much and it really hurts na hindi kita kasama ngayon. Goodnight, you will always be my king. I hope someday I'll be able to tell you everything and I hope you'll understand me. I love you.
Mika: I..
Toot toot toot
Bigla niyang ibinaba ang tawag. I really miss my queen. Sa mga sinabi niya hindi ko mapigilan ang hindi umasa pero mas nananaig sakin yung kagustuhan na makawala na sa lahat ng sakit. Nakakatawa dahil siya ang gumagamot sa mga sugat ko.
Flashback
Dec 24, 2018
Pauwi na kami ni Queeny galing sa date namin, mas pinili namin mag lakad.
Rad: Babe, yung sintas mo oh. Teka bibili lang ako ng isaw.
Nagsintas muna ako, malas lang at nakaapak pa ako ng bubblegum kaya't ipinahid ko muna sa may batuhan. Pag tingin ko naman kay babe ay may 2 lalaking nasa tabi niya. Pag lapit ko naman ay biglang nag-init ang ulo ko sa narinig ko.
Guy1: Miss sexy mo ah.
Sumipol pa si gago.
Guy2: Magkano isang oras?
Aba'y gago talaga! Mukha bang pakawala yung girlfriend ko?! Agad kong sinuntok yung bastos niyang mukha.
Mika: Bastos ka ah!
Guy2: Sino ka ba?!
Mika: Girlfriend ko lang naman yung binabastos niyo.
Guy1: Puta! Babae din ang habol! Sakin ka nalang miss!
Sinuntok ko din yung isang lalaki. Mga wala namang binatbat. Nang akala ko tapos na ay tumalikod na ko at hinawakan ang kamay ng babe ko. May kumalabit naman sakin at pag lingon ko isang solid na suntok ang tumama sakin. Tumakbo naman sila agad. Duwag.
Rad: Babe naman dapat hindi mo na pinatulan eh.
Mika: Ayoko binabastos ka nila babe. Tignan mo, balot na balot ka na sa lagay nayan nabastos ka pa. Bakit ba kasi ang dyosa mo?
Rad: Sus bolera. Halika na gamutin na natin yan. Pumutok yung gilid ng lips mo oh.
Nang makarating kami sa condo ay agad niyang kinuha ang medkit at ginamot ako.
Rad: Okay ka na?
Mika: Masakit pa po.
Nagpout ako, nagulat naman ako ng hinalikan niya ako sa gilid ng lips ko.
Rad: Oh Masakit pa ba?
Mika: Hindi na pero masakit din to oh.
Tinuro ko naman ang lips ko hehe. Para-paraan.
Pinalo niya naman ako at tumawa pero binigyan niya ako ng napakatamis na halik.
Rad: I love you babe. Happy 24th :)
Mika: Babe wait.
Pumunta ako sa kwarto at may kinuha. Inabot ko naman ito sa kanya.
Mika: I love you more babe. Happy 24th din po.
Rad: Sweet naman ng babe ko haaay. Thank you.
Mika: Picturan kita babe :)
*Click
End of flashback
*kring kring
Napansin kong nakailang tawag na pala siya.
Mika: Napatawag ka ulit Charleen?
Cha: Wala namiss lang kita agad.
Mika: Nyeeh. San na gift ko? Haha.
Cha: On the way na! Haha.
Mika: Gaano katagal?
"Mika! May bisita ka!"
Mika: Wait lang ha.
Lumabas ako at nakita si ate Mich na nakabusangot ang bumungad sakin at may inabot na regalo. Pinakita ko na kausap ko si Charleen at hayun naghimutok na haha.
Mika: Ikaw talaga, inabala mo pa si ate Mich.
Cha: Siya naman may kasalanan eh, nakalimutan niyang ibigay sayo eh. Kulit kulit kasi.
Mika: Thank you. Dalawa na gift na natanggap ko sayo.
Cha: Ako din naman eh. Buksan mo na yan.
Binuksan ko naman at isang t-shirt ang bumungad sakin.
Mika: Yung totoo? Anong meron sa bear? Haha.
Cha: Di ko din alam hehe. Pero malay mo dahil meant to be tayo kaya parehas bear gift natin.
Mika: Aww lakas naman po! Haha.
Cha: Miks, my ex called me pala.
Mika: What happened?
Cha: Wala nangamusta lang?
Mika: Affected ka naman sus!
Cha: She still has that effect on me you know, pero konti lang haha.
Mika: Ako naman, I accidentally called my ex. HAHAHA.
Cha: Baka tayo talaga ang destined for each other! Hahaha!
Mika: Malay mo nga naman! Hahaha
Cha: What if tayo pala talaga?
Mika: What if nauna kitang nakilala kaysa sakanya?
Cha: What if tayo nalang kaya?
Mika: Haha, what if's would kill us.
Cha: Definitely! Can I be honest with you?
Mika: Sure!
Cha: It's kinda odd but I think I'm starting to like you Ms. Mika Reyes.
Ngumiti siya bago tuluyang yumuko. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
Cha: You don't have to answer! Hahaha. I miss you na talagaaaa!
Mika: Uwi na kasi!
Cha: I will go home soon. I want to see you so bad. Wait I gotta go! Gotta do some errands! Bye! See you soon!
Ang kulit talaga ni Charleen haha. Bumalik na ako sa loob at nagkakantahan sila.
Kim: Ye! Kanta ka naman! Miss na ni Ara boses mo hahaha!
Ara: hahaha! Gago!
Natawa nalang ako kay Ara, lasing na e.
Mika: Ano bang kanta gusto mo baby Ara ha?
Kim: Hahaha oyy namula! Shet hahaha!
Mika: Ano na baby? Anong kanta ba? Hahaha.
Lumapit siya sakin at niyakap ako.
Ara: Why don't you just love me? Again.
Nagulat ako sa sinabi niya. Well alam ko pag lasing to nagiging vocal eh.
Mika: Right now I can't, pero once I find myself, I know I'll learn how to love again.
Hindi naman siya nakikinig, baliw lang to. Kinuha ko na ang songbook at pumili ng kanta.
Mika: I dedicate this song for myself haha.
Cams: Go ye!
Oh my eyes became blurry when I look at you
And so as my heart how it feels
The sparks that you had for me has gone away
By your words I have been compromised
Coz this is the last time I'll think of you
It's right time to keep my head up so high
From the pain that you left me
It's the last time I'll put your heartprints on my mind
No matter how hard it takes
Coz they said it takes time to heal
It takes time to heal all wounds. Lumapit naman ako kay Ara.
Mika: Daks, ano na. Isang bote palang bangenge ka na.
Ara: Nalasing ako sa pagmamahal ko para sa'yo eh. Hahaha!
Mika: Ikaw talaga, may pagnanasa ka pa din pala sakin.
Ara: Wahahaha! Wala! Mahal lang talaga kita bes.
Mika: Kikiligin na ba ako daks?
Ara: Para kang ulap dakshh.
Mika: Bakit?
Ara: Tanaw kita pero di ko maabot.
Mika: Hahaha, ang drama mo.
Ara: Dakshh. Can you spend your new year with my family?
Mika: Papakilala mo na ba ako?
Ara: Hahaha! Oo sasabihin ko "Ma eto yung matagal ko ng mahal oh"
Mika: Hahaha, patola ka daks!
Ara: Love you beshh.
Mik: Love you too bes tulog ka na. Inom ka ng inom dali mo naman malasing.
Ara: Mahal na mahal kita Mika. Mahal na mahal.
Mika: I'll spend my new year with you :)
Ara: zzzZZzzzZzzzZZ