Pagkatapos kong makuha ang lahat ng Credential na kakailanganin ko, ay kaagad na akong nag apply ng trabaho through online. After three days ay nakatanggap na ako ng response, I was feel so blessed after ko mabasa ang response, nakalagay rin sa feedback na fifteen thousand ang matatanggap ko na sahod kada buwan at may once a week pa na day off, I was so amazed by this offer kasi parang lumalabas na talo ko pa ang ibang nangingibang bansa na kumikita lang ng ten thousand a month .Pinadalhan na rin ako ng agency ng pamasahe .
Isang matandang babae ang sumundo sa akin sa airport, this is not my first time dito sa manila pero , namangha pa rin ako sa mga naglalakihang bahay na nadadaanan namin patungo sa bahay ng magiging amo ko, na nasa loob ng Forbes Park.
“Ate ilan po ba tayo sa isang bahay ?” tanong ko kay ate Rosa.
“dalawa tayo pero ikaw lang ang stay in kasi stay out ako, every Saturday on Sunday lang ang pasok ko. Saturday ako naglalaba at nag ge general cleaning, at every Sunday naman ako nag pa plantsa.”
“Ilan po ba ang amo natin?”
“Sa ngayon wala pa tayong amo kaya pwede ka pang mag setting pretty. Ang trabaho mo lang sa bahay ay pagbuksan ng Gate ang amo natin at ipaghanda siya ng makakain niya, pero hindi rin naman siya nag si stay sa bahay, nag oopisina kasi siya at minsan lang din siya kumakain sa bahay, yong food mo naman ay bibigyan ka niya ng food allowance mo good for one week at ikaw na ang bahala sa kong ano ang gusto mong bilhin na pagkain para sa sarili mo.”
“Ay ganoon po ba? nasaan po pala ang amo natin?”
“Nasa Germany pa siya, Meron lang inaayos sa Negosyo nila doon.”
“Nasa Germany, pero Filipino po ba siya katulad natin o German?”
“German pero wala kang dapat alalahanin dahil sobrang napakabait ni Sir. At mag isa na lang siya na pagsilbihan natin, at marunong rin siyang magtagalog at sa pagkakaalam ko naghahanap siya ng pinay na mapapangasawa so kong ako ikaw naku gagalingan ko ang serbisyo ko sa kanya, malay mo magustuhan ka niya diba ?”
“Naku naman po ate, ikaw na lang po ayoko pong makipag agawan.”
“Ano ka ba, may asawa na ako at mga anak, at yong asawa ko naman ay siyang taga pag-alaga ng garden.
“Ganoon po ba, kaso meron na po kasi akong lalaking nagugustuhan kaso hindi po siya taga rito sa atin.”
“taga saan ba siya ?”
“Taga Germany rin po katulad ng Boss natin, pero ka chat ko lang po siya .” sagot ko naman kay ate Rosa
“mahilig ka rin pala sa Foreigner, anong pangalan at ilang taon na ?”
“James po at sa pagkakaalam ko po thirty-nine years old na po siya .”
“Congratulation sana kayo na nga ang para sa isa’t isa.” ani ate Rosa na may makahulugang ngiti sa kanyang mga labi.
“hindi ko pa po siya__.” Hindi pa ako nakatapos magsalita magsalita si ate rosa.
“ Nandito na tayo, Welcome to your new House.”
Pagkapasok namin sa kabahayan ay kaagad akong dinala ni ate rosa sa aking magiging silid. But I was surprised, dahil hindi mukhang servants' quarter ang aking magiging silid .
“Ate are you sure po ba na ito ang magiging silid ko, parang Guest room po yata ito eh.”
“Oo at tama ka isa nga ito sa mga guest room kaso, ang sabi ni Sir ito ang silid na ibibigay sayo ayaw niya kasi na doon ka matulog sa servants' quarter kasama namin ng asawa ko.”
“Akala ko po ba stay out po kayo.”
“Oo pero every Saturday dito kami natutulog ng asawa ko pati na yong dalawa naming anak .” sagot naman ni ate rosa sa tanong ko, ng tingnan ko ang kabuuan ng silid, napansin kong kompleto ito sa gamit, maliban sa electric fan.”
“Ate hindi naman po sa pagiging mareklamo, pero tanong ko lang po, wala po bang electric fan dito, alam niyo naman po ang sobrang init po ng panahon ngayon.”
“Wala kasi meron naman aircon.”
“Ate katulong lang po ako dito at hindi amo para gumamit ng aircon nakakahiya naman po kung sakali .”
“Eh di simula ngayon ituring mo na ang iyong sarili na amo sa pamamahay na ito.” At tsaka ano ka ba kahit naman sa servants Quarter may Aircon din, sobrang bait kasi ni Sir ayaw niya na hindi comportable ang mga staff niya dito sa Bahay.
“Palabiro rin po pala kayo ate.” pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko sa loob ng bago kong silid, ay bumaba na rin kami at pinakita na rin sa akin ni ate Rosa ang kabuuan ng buong bahay. Sa laki ng bahay na ito iisipin mong baka sampung tao ang nakatira dito, then naisip ko paano ko kaya matapos linisin ang bahay na ito every day, Sa laki nito malamang abutin ako ng magdamag sa paglilinis.
Kinabukasan magdidilig sana ako ng pigilan ako ni ate rosa.
“kapag nandito ako, hindi mo kailangang akuin ang pagdidilig o kahit ang paglilinis ng bahay, kasi trabaho ko po iyon .”
“Pero ate pumunta po ako dito para magtrabaho at hindi magiging Senyorita .”
“Diba ang sabi ko sayo, ang trabaho mo lang dito ay ang alagaan si Sir, ipaghanda mo siya ng pagkain, at damit niya sa pagpasok sa opisina at syempre kong kayo lang ang nandito so kailangang ikaw ang maghugas ng pinagkainan niyong dalawa at dahil wala pa naman siya dito at masyado pang maaga bakit kaya di ka na lang bumalik ng tulog o di kaya mag faceboook ka na lang muna kausapin mo yong boyfriend mo siguradong na mi miss ka na nyon. At kapag nandito na si Sir sana Alagaan mo siya t mahalin”
“Hindi ko pa po boyfriend ang ka chat ko, at tsaka ang sabi niya sa akin meron na daw po siyang nagugustuhan. Pero Ate teka lang ano po yong sabi mo kanina? Alagaan at mahalin ko si Sir?"
“Oo alam mo kasi kapag inaalagaan mo ng Mabuti yong Boss natin na mas kasamang pagmamahal, mas magiging madali ang
“naku po ate ayoko pong maging assuming sino ba naman po ako para magustuhan niya . Lalo na at alam niyang katulong lang po ako .”
“alam mo Pea , huwag mong mailiitin ang trabaho natin bilang katulong , kasi tayong mga katulong ang nagpapagaan sa buhay ng mga amo natin at hindi basehan ang estado ng buhay ng tao pagdating sa pag-ibig .o siya sige na pumasok kana doon at magpahinga habang wala pa rito si sir .” di ko maintindihan parang gusto ko ng magduda , sa mga naging kilos ni ate Rosa at sa sinasabi niyang amo namin , kasi bakit ganoon , bakit guest room ang pinapagamit sa akin at bakit ang laki ng sahod ko gayong wala naman pala akong ibang iintindihin kundi ang amo namin . at ang mas lalo pang nakapagpagulo sa isipan ko, ay kung bakit ayaw pang sabihin sa akin ni ate rosa kung ano ang pangalan ng amo namin .
Dahil walang magawa ay nag f*******: na lang muna ako . gamit ang Chery mobile phone ko, buti na nga lang at may libreng wifi dito sa bahay ng amo ko kaya, naman medyo makakatipid na rin ako sa load.
“Hello Cassiopea, I’m glad your back.”
“Hello James, pasensiya kana kung ngayon lang ako naka reply sa mga mensahe mo , nagtatrabaho na kasi ako eh.”
“bakit libre naman ang wifi diyan ah.”
“Huh, how do you know? na libre ang wifi dito ?”
“I’m just assuming, kasi ang sabi mo ay nagtatrabaho ka sa house so, I think na libre kayo ng boss niyo ng wifi .”
“Honestly nahihiya na nga po ako dito , laki ng sahod ko, pero parang wala naman akong ibang ginagawa dito kundi ang kumain , at matulog .”
“Eh ayaw mo noon, for me mabuti nga yon eh, para naman lagi kang may time for me, na mi miss kasi kita kapag hindi kita nakakausap .”
“Hmmm … bola, hindi po ba nagseslos yong girlfriend mo everytime nakikipag chat ka sa akin, kasi kong ako siguro ang girlfriend mo , pagbabawalan talaga kitang makipag chat sa iba .”
“Hindi ko pa siya girlfriend, at bakit naman siya magagalit kong sakali eh sa kanya lang naman ako nakikipag-usap .”
“weee pinagloloko mo ata ako eh .paanong sa kanya lang gayong nakikipag usap ka nga sa akin ngayon dito sa f*******: .”
“how’s your work, ok naman ba yong pakikitungo sayo ng mga kasamahan mo diyan ?”
“Ok lang mabait naman si ate Rosa at ang asawa niya naman daw Saturday lang pumupunta dito , at alam mo sobrang bait daw ng amo namin , imagine mo ba naman guest room yong pinapagamit sa akin. at kompleto pa sa gamit .”“do you have any idea kung sino yong boss mo ?”
“Wala eh, ayaw nga pong sabihin sa akin ni ate Rosa ang pangalan ng amo namin tsaka na daw kapag nandito na , as of now kasi nandiyan pa sa Germany yong boss namin .”
“Alam mo excited akong makabalik diyan sa Pilipinas, gusto na kasi kitang makita sa personal.”
“nako iyan ang huwag mong pangarapin kasi baka mamaya ma disappoint ka lang kapag nakita mo ako , at baka tatakbo ka hehehe .”
“talagang tatakbo ako , palapit sayo , I love you at hiling ko na sana matutunan mo rin akong mahalin , alam mo ba dati rati di naman ako mahilig mag f*******: , pero ng matagpuan kita dito sa f*******: parang gusto ko na lang mag babad dito kasi ilang sandali lang na hindi kita nakakausap na mi miss na kita kaagad .” napaiyak ako pagkatapos kong mabasa ang mensahe ni James hindi ko akalain na may katugon rin pala ang pag-ibig na nararamdaman ko para sa kanya. Pero napaisip rin ako ng maalala ko ang sinabi niya sa akin noon na meron na siyang ibang gusto.
“Akala ko ba meron ka ng ibang mababaeng napupusuan ?”
“ikaw ang babaeng tinutukoy but your numb, at kung alam mo lang kong gaano ako nasaktan noon ng mabasa ko ang post mo , patungkol sa lalaking iniibig mo , and I’m sorry for loving you again more than friends, pinigilan ko naman eh, hindi ko lang magawa
“Bakit ngayon mo lang sa akin sinabi ? And what did you say loving me again?” nalilitong tanong ko sa kanya.
“sapagkat ayokong isipin mo, na sinasamantala ko ang pagkakaibigan natin at sa tamang pagkakataon mauunawaan mo rin kung ano nga ba ang nais kong sabihin.”
“iyan lang ba talaga ang dahilan o baka meron ka naman talagang ibang nagugustuhan noon, at tinanggihan ka niya , at ngayon , gusto mo lang akong gamitin para kalimutan siya .”
“ganyan ba ang tingin mo sa akin isang manggagamit .”
“Sorry James hindi ko intension ang saktan ka, pero gusto ko lang makasigurado na ako talaga ang babaeng iniibig mo , at hindi isang panakip butas lamang at sa totoo lang nalalabuan talaga ako sa mga sinasabi mo. Sa naaalala ko kasi sinabi mo dati na nag Babaeng gusto mo ay matagal mo ng mahal at kaya ka, naghahanap ng mapapangasawa sa Dating site ay para makalimutan mo na siya, pero sa halip ay natagpuan mo siyang muli.
“nasa iyo kong maniniwala ka, pero totoo ang sinasabi ko ikaw ang babaeng iniibig ko at nais kong makasama habang buhay at Katulad ng sabi ko darating yong panahon na magiging malinaw rin sayo ang Lahat.”
“Thank you, James.” in my twenty-two years of age living in this world, masasabi kong ito na yata ang pinaka maligayang sandali sa buhay ko, kasi akala ko noon hindi na ako makatagpong muli ng Lalaking aking mamahalin.”, pero sana nga totoo siya sa mga sinasabi niya at sana ay darating ang panahon na maipaliwanag niya sa akin ang lahat ng mga bagay na hindi ko lubos maunawaan.
“Thank you for what?” tanong ni james sa akin.
“For loving me. kahit na alam mong magkaiba ang antas ng pamumuhay natin.”
“Love is unconditional Cassiopea it doesn’t need the same status of life, ikaw mahal mo rin ba ako .”
“kailangan ko pa bang sagutin ang tanong mo ?” patanong na sagot ko sa tanong ni James.
“Paano ko malalaman kong hindi mo ako sasagutin ?”
“Honestly iwan ko James, natatakot kasi ako eh, hindi ko sigurado kong pag-ibig nga ba ang nararamdaman ko para sayo . ngayon lang kasi ako nakakaramdan ng ganito ulit pagkatapos ng ilang taong lumipas.
“Pero naka pag move on kana ba sa kanya completely?”
“Yan ang tanong na hindi ko pa sigurado ang sagot at tsaka medyo takot na kasi akong umibig muli, kasi sabi nila masarap lang daw talaga ang magmahal kung mahal ka rin ng taong mahal mo, pero sadyang napakasakit naman daw kapag malaman mong pinapaasa ka lang pala at na experience ko na yon, pero Aaminin ko hindi pa rin ako sigurado kong tuluyan na nga ba nakalimutan ng Puso ko si Andrew mahirap nga talaga kapag First love, baka nga siguro totoo ang kasabihan na first love never die. But if first Love never die naniniwala ako that the greatest love also wins againts first love.”
“naiintindiahan ko ang nararamdaman mo , at hindi kita pipiliting paniwalaan ako ngayon , pero ito lang ang sasabihin ko sayo , the word I love you for me is a mortal word na hindi dapat ipinagsasabi kung kani-kanino lang , lalo na at hindi ito bugtong na kailangan mong hulaan kong ito ba ay may katotohanan o wala , and I will be much appreciated kung tatanggapin mo ako sa buhay mo dahil totoong mahal mo ako , at hindi dahil sa kung ano ang meron ako, And yeah your right greatest loves always win, Pero malay mo your First love is also your greatest love.”
“I want to live here in Philippines for good, are you willing to stay here with me? just to prove that you really love me.”
“Love is unconditional Cassiopea, pero kung yon ang makapagpasaya sayo , yes I’m willing to stay there for good, pero sana pag dumating ang araw na kailanganin nating lisanin ang lugar na yan , sana pagbigyan mo rin ako , alang-alang na rin sa magiging anak natin to the future.”
“Sure, but as of now wala pa naman akong nakikitang dahilan para lisanin ang bansang ito .”
“diyan ka lumaki , nagkaisip at nasanay sa mga pangyayari sa iyong paligid , pero kung maranasan mo ang tumira rito sa Germany baka ikaw na rin mismo ang hihiling sa akin na dito na lang tayo maninirahan .”
“Mahal na mahal ko ang pamilya ko, at hindi ko kakayanin ang hindi sila Makita ng matagal .”
“pero kong makapag desisyon kang magpakasal sa akin, we can start our own family, and if darating ang panahon na yon, ay hindi naman pwede na sariling kaligayahan mo pa rin ang iyong papairalin .”
“kasal , ni hindi pa nga tayo nagkakilala sa personal ,kasal na kaagad yong iniisip mo . at bakit ba parang ayaw mong tumira rito sa Pilipinas ?”
“hindi sa ayaw ko kundi dahil sa mga kaguluhang nangyayari diyan sa pilipinas , ay natatakot ako para sa atin , at higit sa lahat talamak na sa bansang yan ang corruption, at sa pagkakaalam ko kaya nagnanakaw ang mga tao diyan kasi walang pakialam ang inyong pamahalaan sa mga taong nagugutom , una hindi sila nagbibigay ng food allowance sa mga jobless people, pangalawa walang libreng pagamutan . pangatlo ay sobrang napakabagal ng hustisya sa bansang iyong minamahal . at ang pinakamalaking problema ay dahil nangingibaw sa inyo ang kaugaliang amor propio , ugali niyong mga Pilipino ang hilahin pababa ang mga taong nasa itaas.” Simula’t sapul ay hindi ko pinangarap ang manirahan sa ibang bansa , pero my point si James ,kakaiba nga ang kalakaran ng pamahalaan dito sa pilipinas lalo na at hindi lamang ang mga opisyales ng pamahalaan ang mga corrupt kundi maging negosyante na rin . idagdag pa ang mga news caster na tumatanggap ng bayad sa mga opisyales upang pagtakpan ang mga anomaliyang kanilang ginagawa at ang pagtanggap ng suhol para siraan ang kabilang partido. Tama si James kakaiba nga ang kalakaran dito sa mundong aking ginagalawan, pero ganun pa man mas nakakatakot pa rin ang makipag sapalaran sa ibang bansa lalo na sa mga nababalitaan ko ngayon na maraming Filipina ang pinapatay ng mga asawa nilang dayuhan.
"Hey, are you still there?"
"Yes, I'm here! Oo nga pala may gagawin lang ako mamaya na tayo mag-usap ulit."
"Ganun ba, O sige Pass auf dich auf!"
"What do you mean? I don't understand."
"I mean mag-iingat ka, Bis Spater (see you later)."
"Thank you ikaw din, mag iingat ka rin palagi." Sa totoo lang wala namna talaga akong gagawin kaso gusto ko kasi magkaroon ng enough time para pag-isipan kung tama ba na pumasok ako sa isang panibagong relasyon, oo nga at ramdam ko na mahal ko na rin si James, pero sapat ba dahilan yon, lalo na at pakiramdam ko mahal ko lang siya dahil naaalala ko sa kanya si Andrew, posible kayang maging isang tao sila, pero tila napakalabo naman yata, dahil Paano naman maging iisang nilalang ang dalawang taong magkaiba ang pangalan.