bc

LIHIM NG KAHAPON.

book_age18+
4
FOLLOW
1K
READ
second chance
friends to lovers
first love
like
intro-logo
Blurb

May kasabihan sa buhay natin that FIRST LOVE NEVER DIE, maaaring ito ay totoo maaaring hindi, but base on my own Experience, masasabi kong may katotohanan ito, kasi kapag nagmahal tayo sa unang Pagkakataon, darating man ang panahon na maghihiwalay kayo, at makatagpo ka ng panibagong Pag-ibig. Subalit ang mga alaala ng kahapon kailan man ay hindi na mabubura, maaaring nawala sila sa buhay natin at hindi na muling babalik pa, Pero alam natin sa Puso natin na nandoon pa rin sila at ang Iba naman ay bumabalik upang muling madugtungan ang naudlot na pagmamahalan, Pero ang tanong handa ka bang sumugal ulit ? To love the same person who added so Pain in your life?

chap-preview
Free preview
ANG MULING PAGTATAGPO
   Dahil sa nakikita kong pananakit ng aking ama noon sa aking ina at maging ang pambubugbog ng aking mga tiyuhin sa kanilang mga asawa ay natakot akong makipag relasyon sa kapwa ko filipino, kung kaya naman hindi ko pinapansin ang mga kapwa ko Filipino na nanliligaw sa akin, hanggang sa naging uso ang f*******:, isang araw nakatanggap ako ng notification that one of my friends add me sa isang dating site. The name of the group is Precious Filipina for lovable foreign men. na curious ako sa kung ano ang group na ito, then when I viewed the group site, doon ko nabasa ang maraming post ng iba’t ibang member, at dito rin sa group na ito nakita ko ang lalaking nagpapatibok ng aking puso sa pangalawang pagkakataon.    “Hi to all of the Precious filipina here I am James kaiser thirty-nine years of age from Germany and I’m currently looking for a Filipina twenty-one to thirty-five years of age, for those who are interested add me or follow me and send me a message.” ito ang post na kaagad na nakaagaw ng aking pansin. lalo na at nakita ko na ang dami ng kababaihan ang nag comment. and mostly halata namang nagpapansin lang, at hindi ko rin lubos maintindihan ang aking sarili, subalit ramdam ko ang kakaibang pintig ng aking puso ng masilayan ang kanyang litrato. tila ba ay nakikilala siya ng aking Puso pero dahil nahihiya naman akong e add siya kaya ni like ko na lang ang post niya and I also put my picture as a comment on his post na nilagyan ko ng caption na. “Hello everyone have a nice day to all of you and God bless us all.” then just a few seconds after that ay nakatanggap ako ng friend request from James, pero bago ko pa man tinanggap ang friend request niya ay nakatanggap na ako ng mensahe galing sa kanya. “Hallo magandang umaga sayo, magandang binibini.”  “You know how to speak tagalog?” tanong ko sa kanya. “opo, matagal po kasi akong naninirahan diyan sa pilipinas dati.” “Ah okay. buti naman natuto kang mag tagalog, ilang taon ka po ba rito dati?” “Ten years, actually kababalik ko lang rin dito sa Germany last December, and maybe babalik rin siguro ako diyan this year, but I’m not sure.” “Nakakatuwa ka naman, sigurado ka bang hindi ka gumagamit ng google translator?” “Dati po, oo pero ngayon hindi na. bakit niyo po naitanong?” “Kasi parang hindi ako makapaniwala na ang isang German na katulad mo ay natutong magsalita ng tagalog in just ten years na paninirahan dito.” “Eh bakit ikaw po, bakit marunong kang mag English eh nan diyan ka lang naman sa pilipinas.” napaka pilosopo naman ng taong ito. nasabi ko sa aking sarili.  “Eh kasi po, out of nine subject po sa school namin dalawa lang po yong tagalog subject the rest po is English language na po.” “Ah okay, ano pala natapos mo?” “High school graduate lang po ako, mahirap lang po kasi kami at nine pa po kaming magkakapatid.” “Ganoon ba, pero gusto mo bang mag aral kong sakali?” “Oo naman po, kahit sino naman po nangangarap na makapagtapos sapag-aaral. lalo na at ang hirap maghanap ng trabaho kapag wala kang kurso na natapos.” “Gusto mo bang yumaman someday, I mean gusto mo bang makapag asawa ng foreigner like me para makapunta sa ibang bansa?” “Naku po, simple lang po ang pangarap ko sa buhay ang makatagpo ng lalaking magmamahal sa akin at lalaking who are willing to keep me in his life forever at tsaka isa pa, hindi ko po pinangarap ang manirahan sa ibang bansa, mas' gusto ko po rito sa pilipinas, kasi nandito po ang pamilya ko, at batid kong hindi ko kakayanin ang hindi sila mayakap sa loob ng mahabang panahon o kahit masilayan man lang.” “Pero foreigner ang gusto mong mapangasawa?”  “sa totoo lang naman po, ok lang naman sana kahit Filipino kaso, sa nakikita ko pong pananakit ng papa ko at mga tiyuhin ko sa mga asawa nila, takot po akong makipag relasyon sa kapwa ko Filipino.” “Cassiopea, huwag mong gawing basehan ang nakikita mo sayong paligid, dahil hindi naman lahat ng tao ay pare-pareho and being a violent person ay hindi lamang likas sa mga kapwa mo Filipino, marami ring foreigner na kagaya ko ang nanakit ng kani-kanilang mga asawa.” “Isa ka rin po ba sa kanila?”  “Hindi dahil para sa akin ang mga babaeng katulad mo ay minamahal at hindi sinasaktan by the way how old are you?” “Twenty -two. turning to twenty-three two months from now.” “Ah okay, may boyfriend ka na ba ?” “wala na eh, matagal ng wala tila ba’y naglaho na lang siyang parang bula. At Siguro hindi pa ipinapanganak ang lalaking para sa akin.” “hahaha you're so funny, my dear malay mo , nandiyan lang pala siya sa tabi-tabi hindi mo lang nakikita , at malay mo rin isa pala sa mga ka chat mo ngayon ay siyang soulmate mo . Pero maari ko bang malaman kung ano ang nangyari noon sa inyo ng ex mo? “Soulmate? naniniwala ka sa soulmate? but speaking of my ex sa ngayon ayoko ko na muna siyang pag-usapan.” “oo naman po. at sa katunayan nga pakiramdam ko ay natagpuan ko na ang soulmate ko, at masaya ako nang malaman kong wala pang nag mamay- ari sa puso niya , pero sana naka- pag move on na siya sa dati niyang Pag-ibig. “talaga , kapwa mo German or a filipina like me?” “she’s a Filipina and I’m talking to her right now.” “Really magkasama po kayo ngayon ?” “hindi we’re just talking here in f*******: .”  “Maganda po ba siya ? at paano mo naman po nasisigurado na siya na nga ang babaeng para sayo? “Yes, as a matter of fact she’s the most beautiful woman I’ve ever meet in my life and weird man pero iwan ko ba but parang na love at first sight yata ako sa kanya noong unang beses ko pang Nakita ang Picture niya. At ngayon pakiramdam ko it’s a destiny na isinali ako ng kaibigan ko sa dating site na kinabibilangan natin. Kasi hindi ko akalain na ang babaeng matagal ko ng gusting muling makasama ay makikilala ko ulit dito. “seryoso po kayo? naniniwala po kayo sa love at first sight?” “dati hindi , pero simula ng makita ko ang Picture niya nasabi ko sa sarili ko ay totoo pala ang tinatawag nilang Love at sight.” “Hmmm, sige po sir ipagpapatuloy niyo lang po yan , sorry po ha, mukhang naka disturb pa po yata ako sa inyo ng girlfriend mo .” “hindi ko pa siya girlfriend, ni hindi ko pa nga siya ulit nililigawan eh, pero malakas ang kutob ko na iisang tao lang sila ng unang babaeng minahal ko.” “ibig niyo po bang sabihin na kamukha siya ng dati niyong Girlfriend o siya talaga ang dati mong Girlfriend?” “malakas ang kutob na iisang Tao lang sila.” “Ah sige po talk to you again next time. may gagawin pa po kasi ako , oo nga po pala , ang sabi niyo po maganda po siya , kaya suggestion ko lang po sana sa inyo , ligawan niyo na po siya at baka maunahan pa po kayo ng iba .” sa totoo lang wala naman talaga akong gagawin subalit iwan ko ba bigla yatang nagdurugo ang aking puso na sabihin niyang natagpuan niyang muli ang babaeng una niyang iniibig. “Eh ikaw ilan na ba ang nanliligaw sayo ngayon ?” “marami po kaso iisang tao lang po ang gusto ko, eh na meet ko po siya sa Precious, pero sa pagkakaalam ko ay imposible ng maging kami. siya sige po Mr .kaiser I have to go na po. take care.” “Mag iingat ka rin , keep safe and God bless you and to your family as well.” “Salamat din po and God bless you too!” sa Totoo lang hindi ko nga alam sa sarili ko at bakit pa ako nag suggests kanya na ligawan niya na yong babae , gayong ramdam ko ang panghihinayang , pero bakit nga ba ganito na lamang ang nararamdaman ko. ilang oras ko pa nga lang siyang nakilala at sa online lang, possible kayang umibig online o baka ito na yong sinasabi ng mga kaibigan ko na long distance relationship. Pero kahit na walang magawa ay mas pinili ko pa rin ang mag log out na , ayoko naman kasing isipin niya na nagsisinungaling lang ako na meron akong gagawin , “hayzzz lord sana akin na lang siya .”    Araw ng lunes nang mag update ako ng status ko sa f*******: . “I miss you, sana ako na lang yong babaeng napupusuan mo , hayzzz life sana dalawa yong puso mo para sa akin yong isa. (Feeling sad)” after one-minute na nakatanggap ako ng notification that James commented on my post. “kalokohan dapat ang hilingin mo na sana dalawa siya , kasi kahit naman dalawa ang puso niya at iisa lang yong pagkatao niya ay wala pa ring mangyayari kasi iisang tao pa rin siya diba . pero alam mo kung sino man siya ang swerte niya sayo , kahit na manhid ka.” I have no idea kung bakit niya nasabing manhid ako . but I also replied on his comment. “Kung dalawa ang pagkatao niya baka naman mamaya ako na naman ang malito and excuse me I’m not numb very sensitive po kaya ako .” “Kung sensitive kang tao dapat nararamdaman mong may nasasaktan ka sa post na ito .” “Weird at sino naman ang masasaktan dito sa post ko, hindi naman po ito nangangagat o naninipa .” “yong taong may gusto sayo at marahil nga hindi ito naninipa o nanakit physically, but it’s hurting the person who love you emotionally. you should be careful sa mga salitang bibitiwan o isusulat mo .”“hindi kita ma gets just pm me please.” sagot ko naman sa kanya. and then I receive a message from him. “kong yong taong mahal mo ay mag po post ng ganoon , anong mararamdaman mo ?” “masasaktan syempre , pero pwede namang isipin na ako yong taong nilalaman ng post niya diba .” “bata ka pa kaya ang maipapayo ko lang sayo , hanapin mo yong lalaki na katulad ko , kagaya ko wala akong ibang hiling noon kundi ang matagpuan muli ang babaeng una kong minahal at pangarap ko n asana mahalin niya rin ako katulad ng pagmamahal ko sa kanya , sa kung ano at sino man ako at hindi dahil sa kung ano man meron ako , o dahil batid niyang maging daan niya ako para makaapak o makapanirahan sa aking bansa , o di kaya ay magiging bread winner ng kanyang pamilya .lalo na at marami akong nalalaman na ginagawang gatasan ng kapwa mo Filipina ang mga foreigner na katulad ko .”  “of course, that’s not true, at kung meron man, iilan lang din, sapagkat kaming mga filipino ay likas na masisipag , marunong kaming mag trabaho para sa sarili namin . at kaya naman ginagawang gatasan ng iba kong kalahi ang mga asawa nila kasi paano , ginagawa rin lang din naman silang katulong ng mga asawa nila .” “bakit ayaw mo bang pagsilbihan ang magiging asawa to the future?” “of course, I will, pero hindi naman yon na kulang na lang magpapakamatay na ko sa pag- aalaga sa kanya tapos wala lang naman akong matatanggap kahit thank you, o diba , sorry ha, marami po kasing akong narinig na complain from some of my friends na nakapag- asawa ng foreigner.” “anong complain nila ?” “linis daw sila ng linis at todo ligpit ng kalat aayusin ng mabuti ang dresser ng mga asawa nila tapos , napakaburara naman ng mga asawa nilang dayuhan na pagkatapos nilang magligpit basta na lang hahalukayin at minsan pag nahulog ang damit sa sahig di man lang magawang pulutin at meron pa, pagdating raw ng bahay nila nasa harapan na raw ang hamper pero iiwan pa sa sahig ang hinubad na damit .” “Eh baka naman kasi nagmamadaling makapasok kaya, kaya iniiwan na lang ang damit sa sahig” “nagmamadaling makapasok eh, kararating nga lang daw po.” “sa kalangitan LMAO, just kidding honey.” “Kalangitan duh .patay lang yong nakakapasok sa langit lol.” “your already twenty-two pero parang napaka inosente mo pagdating sa word na yan , but why you are using the bad words , your not suppost to say it unless if you are not a Christ believer .” “What bad word you are talking about?” “You said lol.” “What is wrong with lol, it is an abreavation of the word laugh out loud.” “Nope the real meaning of that word is Lucifer is our lord so everytime you say that word, ay para mo na ring ina advertise si Lucifer.” “iwan ko sayo basta para sa akin ang ibig sabihin niyan is laugh out loud, and not Lucifer is our lord.” “ikaw ang bahala , but as a Christian you should avoid saying that word again.” “Ok po sir. your wish is my command to myself sir .hehehehe” “How I wish to see your smile in person, maybe you look so beautiful in person now.” “nako po Mr. Woods baka tatakbo ka, kapag Makita mo ako sa personal.” “malamang tatakbo talaga ako , palapit sayo . alam mo , may ipagtatapat sana ako sayo , sana huwag kang magagalit ha.” “paano ako magagalit eh hindi ko pa naman po alam kong ano ang sasabihin mo .” “I still like you.” sagot niya sa akin, iwan ko pero pakiramdam ko ay parang bigla yatang tumigil ang ikot ng mundo I feel so blessed, kaso ng maaalala ko yong sinabi niya na meron na siyang ibang babaeng napupusuan ay bigla na rin akong nalungkot . At isa pa sa nagpagulo sa aking isipan ay ang sinabi niyang I still like you. Na tila ba’y ang ibig niyang sabihin ay may gusto na siya sa akin noon pa man. “Akala ko ba meron ka ng ibang babaeng napupusuan ?” “Oo kaso manhid yata siya eh. O baka alam niya naman siguro na siya ang babaeng tinutukoy kaso nagmaang maangan lang siya dahil may iba na siyang gusto Pero ganoon pa man ay mahal ko pa rin siya ,lagi ko kasi siyang naiisip at higit sa lahat ramdam ko na totoo siyang tao . dahil noon pa man ay masaya na ako sa piling niya. Maaaring bata pa ako noong mga panahong yon pero until now wala pa ring pagbabago sa nararamdaman ko sa kanya. Kahit na nasaktan ako noon, noong malaman ko na may mahal na siyang iba, Oo lumayo ako pero kahit saan man ako magpunta nanatili pa rin siya sa Puso. And when I decided to find another woman after of trying many times to find her, di ko akalain na sa kanya pa rin pala mapapadpad."“ang sabi mo nakakausap mo lang siya dito sa f*******: so malamang totoong tao siya kasi, wala pa naman akong nabalitaang hayop na marunong mag f*******: eh." “May pagka pilosopo ka rin pala hanggang ngayon ?” “Not really naman po, slighty lang po hahaha. Pero teka anong sabi mo? Hanggang ngayon? Bakit kilala mo na ba ako noon pa man?”  “Cassiopea, can I ask a personal question.” “Sure, ano ba yon? Pero teka lang hindi mo pa sinasagot ang Tanong ko ah.” “What kind of a man, ang gusto mong makasama habang buhay ?” honestly naloloka na yata ako sa mga sinasabi niya, ang sabi niya may iba na siyang napupusuan then ngayon, tinatanong niya ako kung ano ang gusto ko sa isang Lalaki. At hindi niya pa rin sinasagot ang tanong ko. Pero naisip ko rin na wrong grammar kang siya Lalo na at di naman talaga siya Filipino. At sa halip ay sinagot ko na lamang ang katanungan niya. “Simple lang yong lalaking gusto ko yong mamahalin ako , lalaking handa akong ipagmalaki despite of my imperfection. at higit sa lahat lalaking rerespituhin ako bilang asawa. At hiling ko na sana pag nakatagpo ako ulit ng lalaking aking mamahalin sana hindi yong katulad ng dati na iniwan ako bigla ng wala man lang paalam. Pero ikaw ano ba ang gusto mo sa isang babae ?”“Gusto ko ang babaeng tulad mo, Pero tila’y ang lalim yata ng pinaghuhugutan mo , alam mo mas mababawasan ang sama ng loob mo sa ex mo kung e share mo sa iba ang hinanakit mo , kung pwede lang naman nais ko sanang malaman kung sino ng aba ang lalaking tinutukoy mo na nanakit sayo ? siya ba yong lalaking ipinagpalit mo sa lalaking nagmahal sayo ng tapat? .” kahit na batid kong meron na siyang ibang babaeng napupusuan subalit parang gusto ko pa ring mangarap na sana nga hindi lang isang babaeng tulad ko ang gugustuhin niya kundi sana ako na lang talaga. Pero nahiwagaan ako sa kanyang mga sinabi maging sa kanyang mga tanong, yong tipong tila ba’y kilala niya ako. “Bakit anong klaseng babae ba ako sa pagkakaalam mo? At paano mo naman nasabi na ang nanakit sa akin ay ang lalaking ipinalit ko sa isa kong ex? Eh isa lang naman yong ex ko.” “Mabait at napaka lambing. Pero talaga ba isa lang ang naging ex mo?”  “naku po ang totoo po niyan mabait lang po ako kapag tulog at malambing lang din po ako sa Papa ko, pero suplada po ako sa ibang kabaro mo. And to answer your Question yes, iisa lang po ang naging ex ko.” “kabaro ? what is that?” “What I mean is kapwa mo lalaki .” “Ah ok, so I think I should be thankful kasi good girl ka pagdating sa akin. Pero maaari ko bang malaman kung anong pangalan ng ex mo ng nang-iwan sayo?”  “Andrew Kaiser, o wow akalain mo yon magka apelyedo pa pala kayo. By the way I have to go.” “Where are you going?” “At barangay hall to get cedula and barangay clearance, and after pupunta ako ng city to get a police clearance and NBI as well.” “bakit naparaming credential naman yata ang kailangan mong kuhanin para saan po ba yan ?” “I’m going to apply for a job, sobrang hirap ng buhay dito sa province namin kaya balak kong lumuwas ng manila to find a a job.” “anong trabaho ang gusto mong pasukan ?” “sa ngayon balak kong magtrabaho kahit sa bahay na lang muna as a housemaid, kasi wala pa akong sapat na pera to apply for an outside job, o kahit pang boarding house man lang, pero kapag nakapag-ipon na ako , siguro that’s the time na , na maghanap na ako ng ibang trabaho .” “Are you going to apply through agency or personal?” “Agency. Bakit niyo po itinatanong ?” “What is the name of Agency?” tanong ni James sa akin, ayaw ko sanang sagutin ang tanong niya pero dahil naisip ko na wala naman sigurong masamang malaman niya so, sinabi ko na lang sa kanya. “O siya sige bye na , I really have to go, take care and God bless.” “Bye, I will miss you, ikaw ang mag iingat kasi ikaw ang aalis ng house mo God bless you too.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
30.2K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
79.3K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Daddy Granpa

read
291.8K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
61.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook