Dumating ang Sabado.
Nakakalat sa kama ang mga damit na kanina pa niya pinagpipilian ngunit hindi niya mapagpasyahan kung alin ang isusuot.
Ilang oras nalang ay darating na si Clark para sunduin siya.
Isang sulyap pa sa mga iyon at walang alinlangang hinablot niya ang isang floral imprint vertical stripes sleeveless chiffon maxi dress.
Mabilis siyang nagbihis ginamitan niya ito ng small brown braided belt na nag enhance sa maliit niyang beywang.
Lutang na lutang ang maputi at makinis niyang balikat.
Tamang tama lang sa panahon dahil summer naman at may kainitan.
Tinernuhan niya ang suot ng floral white earings at seksing sandalyas na puti rin.
Hinayaan niyang nakalugay ang mahabang brownish na buhok.
Tanging pulang lipstick lamang ang kolorete sa mukha.
She looks so fresh and stunning ng bistahan ang sarili sa salamin.
Sino ang mag-aakalang she's 34. Papasa siyang bente-anyos sa ayos niyang iyon.
Sabagay sa nature ng trabaho nila hindi pwedeng magpabaya sa katawan dahil ito ang nagsisilbi nilang puhunan.
Isang sandali pa. Ingay nang pumaradang sasakyan ang narinig niya mula sa labas.
Saglit pa at tunog ng doorbell naman ang kasunod.
Hudyat na dumating na nga si Clark.
Nagsimula siyang kabahan tuloy at gusto niyang umatras.
Marahan siyang naglakad palapit sa pintuan, humugot nang malalim na paghinga, bago dahan-dahang binuksan ang pinto.
Bumara sa lalamunan ni Anya ang hininga nang bumungad ang bulto ng lalaki.
Ang puso niyang naging eratiko ay halos gustong kumawala sa pagkakakabit sa dibdib niya.
Clark is wearing a blue ripped jeans. Ang pantaas ay isang gray turtle neck sweatshirt na ipinatong nito sa long white sleeve. Brown na sapatos ang sapin sa paa. Bagong gupit ang binata, cleancut style.
Malinis na malinis ang mukha gawa ng after shave at napakabango.
Bagong tubo din lang ang bigote at balbas nito na lalong bumagay rito. Iyong tinatawag na sexy kind.
Ang natural na amoy ng lalaki ay tila nakapagkit na sa kanyang sistema.
Ang suot na Rayban Aviator sa mata ay higit na nagpalakas ng karakter nito.
Mahihiya ang mga nag- uusbungang batang-batang mga modelo sa panahon ngayon sa awra ng lalaki.
How devilishly handsome this man. Nakapaloob ang isang kamay ni Clark sa bulsa ng pantalon nito, larawan nang pagkainip.
“I have an urgent meeting today, ” bungad agad ng lalaki ni walang good morning man lamang.
Barado agad siya.
"Kung han.."
"I'm ready," sagot agad ni Anya na hindi na pinatapos sa pagsasalita ang bagong dating.
He must be a busy man.
"Jeez Eunice!" Bulong ng dalaga Sa sarili.
Bahagyang tumango si Clark at nauna nang naglakad palapit sa kinapaparadahan ng sasakyan nito.
Nagmamadaling ini-lock niya ang pinto at sumunod agad sa lalaki.
In fairness to him, kahit sa gitna ng kasungitan ay nagawa naman siyang pagbuksan ng sasakyan.
Sabagay, a gentleman is always a gentleman.
Lulan ng Ford Mustang ay binaybay nila ang Edsa patungong Alabang.
Banayad lang ang takbo ni Clark. Mabuti na lamang at Sabado kaya walang gaanong traffic kaya tuloy-tuloy ang biyahe nila.
Lagpas trenta minutos na sila sa kalye ay napakapormal pa rin ng lalaki na ni hindi man lang nag-abala na magtapon ni konting sulyap.
Lihim niya itong pinagmasdan.
He’s changed a lot.
Malayo na ito sa dating malambing na si Clark Zantillan. Kung mayroon man sigurong hindi nagbago sa lalaki ay ang pagiging bohemyo nito.
Kagabi ay pinagkaabalahan niyang i+stalk ang social media account ni Clark.
Mapa-sss, IG, Twitter o kung You Tube account ba ito.
Nagkataon namang detalyado ang mga write ups patungkol sa binata.
Magaling ang may hawak ng account. Si Clark ba mismo ang gumawa noon o may PR consultant siya?
Nabasa niya roon ang mga 'di birong achievements at accomplishments ng lalaki.
Isa na itong tanyag na siruhano. Laman din ito ng mga charitable institutions, bilang pilantropong doktor.
Ang ibang artikulo naman ay kung saan-saan inili-link ang binata sa kung sinu-sinong modelo, actress at ang latest ay isang beauty titleholder.
Ngunit may isang bagay sana siyang nais na malaman sa lalaki na hindi masagot ng miske Google.
Bagay na labis niyang pinagtatakhan.
"Don't stare at me like the way you used to. Stop acting like a madly in love teenager. That's shit."
Nagulat man sa biglang pagsalita ni Clark ay hindi nagpahalata si Anya.
Diyata't pansin pala nito ang mga ginawa niyang manaka-nakang pagmasid.
Kung ganoon ay hindi lang siya ang nakikiramdam Sa mga oras na iyon. Masakit ang huling salita ng lalaki.
Ramdam niya ang paguhit ng kirot sa kanyang dibdib.
Isang impit at malungkot na buntong hininga ang ginawa.
"I'm sorry, gusto ko lang namang humingi ng paumanhin sa abala..." Basag ni Anya sa sumunod na katahimikan.
"How can I say no to Eunice? Oh, I should rephrase the question? How can I say no to the woman who's married to the best friend?" Agaw ni Clark sa sarkastikong tono.
How dare this man say such words? He's pissing her off.
Lantaran siya nitong ini-insulto.
Talagang pinangangatawanan ang paniniwalang isa siyang bayarang babae.
Nagpakahinahon siya.
“Look, Im just trying to be nice to you. Meron naman tayong pinagsamahan. W…we can be friends if..”
Sukat humalakhak si Clark.
Huli na nang tumimo sa isip niya ang huling sinabi.
”Really? Kinakaibigan mo ba talaga lahat ng lalaking nakakalaro mo sa kama?” Clark asked in a mocking way.
Her face went red sa tahasang patutsada nito.
Masyado nang kinukutya ng lalaki ang pagkatao niya. At isipin na lamang na ang lalaking ito ay buong laman ng puso't isipan niya sa mahabang panahon.
“You hate me right?” tanong niya kahit na nagmukha siyang istupida sa ginawa.
Once and for all ay gusto niyang malaman ang tunay na saloobin ni Clark towards her.
“Oh thank you. How nice of you to ask me that. Do You want an answer?” He said when he glared at her.
She didn't say anything. Napayuko ang dalaga. Minabuting manahimik.
Clark hates her. At hindi nakapagtataka ang bagay na iyon.
Hindi napaghilom ng panahon ang galit sa puso nito. Lihim siyang nagtangis. Ipinako ang paningin sa labas at hindi na muling nagsalita.
Shit! Mura ni Clark sa sarili. Hindi niya sukat akalaing sa mga oras na ito pa piniling itanong ni Anya ang bagay na iyon.
Nakita niya ang paglatay nang sakit sa maganda nitong mukha. Ang pananahimik nito ay ipinagpalagay niyang natumbok niya ang lahat ng katotohanan sa mga sinabi.
What she did to him eighteen years ago was too much to take.
He never anticipated in her young age, she has that capability to hurt him that much.
Kulang ang salitang kinasusuklaman niya ang babae.
Kung mayroon mang hindi nagbago ay ang nararamdaman niya para kay Anya.
The desire for her still haunt him and it was so intense.
At sa pagbabalik nito ay ginawa lang nitong kumplikado ang lahat.
Binulabog nitong muli ang mundo niya.
Habang pinagmamasdan niya ang babae sa kaakit- akit nitong galaw sa entablado at mapanuksong mga ngiti ng mata.
Halos ikabaliw niya na pinagpyi-pyestahan ang katawan nito ng mga kalalakihang naroon sa bulwagan.
Kulang na lang ay isa-isa niyang balian ng leeg ang mga lalaking naroon sa nasabing event.
Wala siyang ibang ginawa kundi ang bantayan ang bawat kilos at galaw ni Anya. He hates her and at the same time wanted her so badly.
Nang mabungaran niya ito kanina sa apartment kulang na lang ay bitbitin niya ang babae at ikulong sa kanyang mga bisig. Her scent is so tempting. So fresh and beautiful and the sight of her makes him wanting to make love to her right there behind the door.
Hindi siya napagkakatulog ng mga nakalipas na gabi.
The scent of her in his bed was so firm and intense na hindi niya mai-alis sa kanyang sistema.
Tutal si Anya naman ang nagbalik pagkakataon niya na ito to give her a taste of her own medicine.
Sa wakas ay narating nila ang mansion ng mga Villaroman.
Mabilis na lumabas ng sasakyan si Anya, hindi na hinintay na pagbuksan pa ni Clark.
Masayang sumalubong si Eunice. Kasunod ng babae si Vince na karga-karga ang bunsong anak na si Rigo.
“Hey lil man.” Salubong ni Clark. Lumarawan ang tuwa Sa bata nang mapagsino ang bagong dating.
Nagmuwestra itong magpapakarga Kay Clark.
Pinagbigyan ito ng binata at kinuha ito mula sa ama.
Habang papasok ng mansion ay nilalaro niya si Rigo.
“Get a wife man and be the best father you can be. Napag-iiwanan ka na ng panahon and besides you're not getting any younger, bro." Anang Vince.
“So, how do you find her? Papasa ba sa preference ng isang Clark Zantillan?” Ang tila ayaw paawat na tukso ng kaibigan.
Tumawa siya nang malakas. Dahilan upang mapako ang mata ni Anya Sa kanila.
Nagtama ang kanilang mga mata. May nabanaag siyang lambong sa babae na hindi niya sukat matukoy. Unang nagbaba ng tingin ang babae.
Sa wakas ay nakilala ni Anya si Senyora Consuelo, ang butihing lola ni Vince.
Kahit may pagka- aristocratic ang facial features ng matanda ay napakagiliw naman nito.
She reminds her of her Lola.
Saglit na dumaan ang lungkot sa kanyang mga mata.
Remembering Lola Mareng makes her feel emotionally fragile. She misses her so much. Mabilis siyang nagpunas ng mata bago pa may makapansin.
Natapos ang naging salu-salo na dinaluhan ng mga malalapit na kaibigan at kamag-anak ng pamilya Villaroman.
Masayang kuwentuhan ang naging kasunod. Hapon na nang mag kanya-kanyang paalamanan ang mga panauhin.
Inimbitahan siya ng lola ni Vince na mag sleepover doon dahil gusto pa raw siyang maka+kuwentuhan, subalit magiliw siyang tumanggi at nangakong babalik sa susunod na mga araw.
Si Clark ay hindi pa rin umaalis. Kakatwa dahil ang sabi nito kanina ay may urgent meeting ito.
Natanaw niya ang mag kaibigan sa beranda. Kung hindi ba naman sila pinaglalaruan ng tadhana.
Asawa pa ni Eunice ang kaibigan nito. Tila baga sila'y pinaglalapit.
Lumapit ang panganay ni Vince at tila may sinabi sa ama. Tumayo ang lalaki at sabay nang pumasok Sa mansion ang mag-ama.
Naiwan si Clark na noo'y naka-dekuwatro pang nakaupo.
Hindi na siya nagdalawang isip at marahang naglakad palapit sa lalaki.
“Can we talk?”
Nagsalubong ang mga kilay ni Clark, sa hindi inasahang paglapit niya.
Mabilis siyang naupo sa katapat nitong silya ng walang imbitasyon mula rito. At sa harap mismo ni Clark ay mabilis na inilapag niya ang isang tseke.
Tuluyan namang nagdikit ang mga kilay ng lalaki.
Tiningnan siya nang may pang-uuyam.
Huminga nang malalim si Anya. Nakipagsukatan ng tingin. Pinanatili ang pagka-mahinahon.
“it's an irresistible offer. " she said.
Clark smiled mockingly. Kinuha nito ang nakalapag na tseke. Binistahan. Sinulyapan siyang muli.
“The likes of yours is that expensive huh!?”
Hindi na nagulat ang dalaga Sa komento nito. Subalit Kung inaakala ni Clark na mananahimik siya ay masaya naman itong masyado sa ginagawang pang-iinsulto sa pagkatao niya.
“Take it as a bonus tutal may pinagsamahan naman tayo right? Isipin mo nalang na nagkautang ako sa'yo at ngayon ay bayad na. So we're even.”
Sukat nagdilim ang mukha ni Clark, ngunit halos dumaan lamang
Nahalinhinan agad iyon ng pagka-aliw. Animo katuwa-tuwang bagay ang narinig. Nagkibit-balikat.
“Okay, Ikaw na rin ang may sabi na may utang ka sa akin Anya. Then put in your pretty head the fact that what we've shared together can't be compensated by any amount you've written on the cheque!" Bulalas ni Clark.
What a jerk and psycho, iyon ang tingin niya ngayon kay Clark.
Habang nakangisi itong nakatitig sa kanya ay nanginginig naman ang panga niya sa sobrang ngitngit.
Siya ang nahulog sa sarili niyang laro.
Never in her fifteen years sa fashion industry na may gumiba ng depensa niya bilang babae.
Tanging si Clark lamang ang nakakagawa non.
Tumayo ang binata at sa pag-aakalang aalis na ito ay lumuwag ang kanyang pakiramdam, ngunit umikot lamang si Clark at pumuwesto sa kanyang likuran.
Inilapat nito magkabilang palad sa mesa tuloy ay napaloob siya sa mga bisig nito. Yumuko ang lalaki upang mailapit nang husto ang sarili.
Ramdam niya ang hininga niting banayad na humahaplos sa kanyang punong taynga.
Mas lalong bumilis ang pagtahip ng kanyang dibdib hanggang sa halos mabingi na siya sa lakas ng kabog niyon.
“What if…hingin ko ngayon ang paunang bayad?.” sambit ni Clark sa mapanuksong tono.
”Ang laki na ng interes ng utang mo sa akin baby.” Bulong ng lalaki.
Naramdaman niya ang paghawi ng binata sa kanyang buhok, nanulay ang init sa balat niya ng lumapat ang mga daliri roon ni Clark.
Nanigas ang likod niya nang maramdaman ang labi nito sa kanyang punong taynga pababa sa kanyang leeg.
“Let’s get out of here baby.” muling bulong ni Clark habang hinahagkan ang mga balikat niya.
The sound of "baby" tickled her senses.
Mula noon hanggang ngayon ay sanay na sanay itong tawagin siya sa ganoong endearment.
Nagpatuloy si Clark sa banayad na paghalik at ang init na hatid niyon ay tuluyang kumalat sa pandama niya.
“Let’s go somewhere else.” patuloy ng binata.
Pakiramdam ni Anya ay nagtayuan lahat ng balahibo niya sa batok.
Alam niya kung ano ang ibig nitong tukuyin. Hindi niya maiwasang makaramdaman ng kiliti sa mga sinasambit na panunukso ni Clark.
Nakailang paglunok siya naramdaman din niya ang paggitaw ng pawis sa noo.
Nagkamali siya nang tawirin ang barrier na nilikha ng binata. Siya ang nahuhulog sa patibong nito at mabilis na umaayon ang puso niya sa mga panunukso nito, kaysa sa isinisigaw na pagtanggi ng isip nya.
“Hmmp.” Tikhim mula sa likuran.
Sa gulat ay mabilis na tumayo si Anya upang makawala sa lalaki.
Si Vince ay nakangiti at tila may nakitang kaaliw-aliw.
Hindi tuloy malaman ni Anya kung paano tutugon sa lalaki.
Kinain siya ng sobrang kahihiyan sa pagkakahuli sa kanila ni Clark sa ganoong tagpo.
Mabilis siyang nagpaalam sa dalawa at nagmamadaling pumasok na sa loob.
Ngiting+ngiti at napapa-iling na binalingan ni Vince ang kaibigan.
“What?” si Clark kay Vince.
“Look at her..." na sinundan nang tingin si Anya.
"Para siyang munting sisiw na nakawala sa kuko ng mabangis na agila. Be nice to her man or else my wife could kill us both.”
Nanatiling kalmado si Clark. Tumiim ang mukha na hindi nakaligtas sa pansin naman ni Vince.
“You know what? I have a feeling of unfinished business here. May hindi kaba naikukuwento sa akin pare?” Tanong ni Vince sa matalik na kaibigan.
“In time man, in time” sagot ni Clark na sinabayan ng malakas na paghinga. Naisuklay ang kamay sa buhok.
“That sounds interesting.” baling ni Vince kay Clark, na may halong ngiti at maraming katanungan.