Chapter 6

1972 Words
"Care for a drink?” Alok ni Clark. Bahagyang Tumango si Anya bilang tugon. Tingin niya ay kailangan niya iyon para makalma ang mga nagwawalang senses sa katawan. Sinundan niya ang bawat galaw ni Clark. Hinubad ng lalaki ang coat and tie nito, tinanggal ang ilang butones sa uhales ng suot nitong long sleeve at tinupi ang manggas hanggang siko. Tinungo ng binata ang custom bar cabinet nito sa 'di kalayuan. Nagsalin ng alak sa dalawang goblet pagkatapos ay marahang naglakad palapit sa kanya. Ibinida ni Clark ang wine na koleksyon ng kanyang ama. Chateau Margaux raw ang brand, one of the finest and most expensive, na mula sa bansang Francia. Binili ito ng magulang sa kanilang world tour. Nagdaiti ang kanilang mga kamay ng iabot nito ang wine glass, na nagpakislot sa kakaibang init sa mga ugat ni Anya. Nanunulay. Ganoon pa rin kalaki ang epekto ng binata sa kanya sa simpleng pagkakalapit lamang ay mabilis na nag re-react ang kanyang mga pandama. Mabilis na dinala niya sa bibig ang inumin halos sairin niya ang laman niyon. She was kinda refreshed. Naupo si Clark sa mahabang sofa at ikrinus ang mga hita. Mataman siyang tinitigan, animo isa siyang specie na dapat pag-aralan. Nanatiling pormal ang lalaki. Tuloy ay hindi niya maiwasang mailang. Ano ba ang naisip niya at nagpatianod siyang sumama rito. Kanina ay walang pag a-alinlangang sumakay siya sa kotse nito. Humantong sila Sa luxurious condo penthouse nito sa Eastwood. Iniiwas ni Anya ang paningin Kay Clark. Dumako ang mata niya sa bintana na pulos salamin na ni walang kurtina or blinds na nakakabit man lamang, kundi pitched black na tint. Mula roon ay makikita ang napakagandang tanawin sa labas at ang kabuuan ng siyudad na nagliliwanag sa gabi. The place has a perfect overlooking view of the city-scape. Ang arkitektura at disenyo ng bahay ay nagsi-simbolo ng kung gaano ka powerful o moneyed ang nakatira. It has a masculine touch, na very much impressive para kay Anya. At base sa obserbasyon niya ay wala siyang makitang indikasyon na may ibang tao roon maliban sa binata. “So how do you find my place? Are you thinking that I'm with somebody in this house?" Clark interrupted. Mabilis na lumipad ang tingin rito ni Anya. Namula siya sa tahasang tanong ng lalaki. Whew! Basang-basa nito kung ano ang tumatakbo sa brain cells niya. Tinabihan siya nito sa mahabang sofa. Bahagya mang nagulat ay nanatili ang kanyang composure. Nagpa-unlak siya nang muli nitong salinan ang kopita niya. Muli niyang nilagok ang laman noon nang hindi man lang tinatapunan ng sulyap ang katabi. May patak ng pawis na namuo sa kanyang noo. Ano't tila kinakabahan siya. Talo pa niya ang isang teenager sa inaasal. “Scared?” Muling tanong ni Clark. Muli ay walang sagot mula sa kanya. Natatakot? No! Malayo roon ang nararamdaman niya. “Gaano mo kadalas gawin ang bagay na ito Anya? ” Clark asked again in a reproachful tone. Nalito siya. Hindi makuha ang ibig tukuyin ni Clark. “What do you mean?” Sa wakas ay sambit niya. Bilang tugon ay marahas na kinabig ni Clark ang dalaga hinuli ang mga labi nito at siniil ng halik. Marahas na may diin at walang pakundangan. Nagulat man sa intensidad ng halik ni Clark ay awtomatikong tumugon ang mga labi ni Anya. How she longed for this kind of kiss from Clark for the longest time. Ramdam niya ang galit at poot sa bawat hagod ng mga kamay nito sa katawan niya. Walang suyo. Walang pag- iingat. Mapag-parusa. Nasasaktan man sa paraan ni Clark ay kakatwang nagbibigay ito ng kakaibang sensasyon na ngayo’y lumulukob sa buo niyang katawan at pagkatao. Naramdaman niya ang unti- unting pagbagsak ng kasuotan sa paanan niya. Hindi niya namalayang natanggal na nito sa pagkaka-zipper ang suot. Wala siyang b*a kaya malayang tumambad sa harap ni Clark ang dibdib niya. Nahuli niya ang pag-daan ng kislap sa mga mata nito. Saglit na iniwan ni Clark ang mga labi ng dalaga. Malaya niyang pinagmasdan ang kagandahan sa harapan. Napasinghap si Anya nang damhin ni Clark ang dibdib nito at ikulong sa kanyang mga labi. Pinaglaro niya ang labi roon. Pinaglandas niya ang kamay sa buo nitong katawan, dinidiskubre maging kaliit-liitang detalye nito. Halos magsalubong ang kanyang mga kilay. Kay sarap batiin ni Anya sa pagiging magaling nitong artista. Paano nito nagagawang palabasing inosente sa mga ginagawa niya sa katawan nito. Oh, he hates her. Muli niyang binalikan ang mga labi nito. The lips that taste so divine. Pero sa pagkakataong iyon ay nagbago ang paraan ni Clark nang paghalik. Nagkaraon ng pagsuyo at wala nang pagmamadali. Sinadya niyang akitin at sabikin ang dalaga upang maghangad pa ito ng higit pa roon. Sasabayan niya ang babae sa larong gusto nito. Si Anya ay tuluyang nalunod. The pleasure that this man gives her ay sapat na upang tuluyang makalimot. Siya na ang kusang nagtanggal ng mga butones sa uhales ng suot nitong long sleeve. Kulang nalang ay hiklasin niya ang mga iyon sa pagmamadali. Nang tumambad ang katawan ng binata ay naging sunod-sunod ang ginawa niyang paglunok. The man before her is one hell of a hunk. His nakedness makes her shivered, wanting him more. Matalim na sikat ng araw mula sa labas ang nagpabalikwas kay Anya mula sa mahimbing na pagkakatulog. Inut-inot siyang bumangon at sumandal sa headboard ng kama. Nakaramdam siya ng konting pagbigat ng ulo maging ng pagkahilo. Nagulat pa siya nang malaglag sa harapan ang puting kumot at tumambad ang h***d niyang katawan. Nanlalaki ang mga matang nilinga niya ang buong paligid. Nag-i-isa na lamang siya sa silid, magulo ang ayos ng kama. Napaungol siya nang maalala ang nangyari ng nagdaang gabi, dahil doon ay muling uminit ang kanyang pakiramdam. Mabilis na ibinalot niya sa katawan ang puting sapin. Nais niyang tumayo upang hanapin si Clark. Nakakahiyang tinanghali siya ng gising. Hindi sinasadyang napahawak siya Sa lamesitang katabi ng kama. Nakapa niya ang isang nakatuping papel. Kinuha niya ito nang makitang nakasulat ang kanyang pangalan. Sa ilalim noon ay isang tseke na naglalaman ng hindi birong halaga. “Last night was amazing. Till next time.” Ayon sa mensaheng nakasulat. Nanlata si Anya. Nanghihinang muling napaupo sa kama. Diyata’t iyon pala ang tingin sa kanya ng lalaki - isang bayaran. Wala naman siyang dapat sisihin kundi ang sarili sa pagiging mahina pagdating kay Clark. Mula noon hanggang ngayon para siyang teenager sa tuwing napapalapit sa lalaki. Mabilis siyang nagbihis at saglit na inayos ang sarili. Sa lobby ay may mangilan -ngilang guest na napapatingin sa kanya. Kakikitaan ang mga ito ng paghanga, at ang iba ay tila kinikilala siya. Magiliw siyang binati ng babaing nasa front desk. Nasa mukha ang rekognisyon maaaring naalala nitong siya ang kasama ng binata nang nagdaang gabi. Lihim siyang napabuntong hininga. Biglang nakaramdam ng pagkailang. Ano na lamang ang iisipin ng mga empleyadong ito. Mabilis siyang naglakad palabas. Hustong palabas na siya ng glass door nang may tumawag sa pangalan niya. “Miss Collins?” Isang nakangiting lalaki ang ngayo’y palapit. Nagpakilala ito sa pangalang Mark. Sinabayan siya nitong palabas at iginiya sa isang nakaparadang sasakyan. Nagsasalubong ang mga kilay na sinuyod niya ng tingin ang lalaki. Naroon ang pagtataka Sa dalaga. “W…wala akong kinukuha…" “Kabilin bilinan ni Doctor Zantillan na ikuha kayo ng masasakyan na maghahatid sa inyo sa hotela,” agaw-banggit ni Mark. Nakaramdam siya nang ngitngit. What a nobleman huh! Sa loob-loob niya. Ganunpaman ay hindi siya nagreklamo. Tahimik siyang lumulan sa kotse at nagpasalamat sa lalaki. Walang dahilan para tanggihan ang isang magandang alok. Isa pa ang tanging gusto niya ay ang makalayo agad sa lugar. Sa tulong ng mag-asawang Eunice at Vince ay nakahanap agad si Anya ng apartment na maaaring tirhan sa loob ng isang buwang pamamalagi sa bansa. Tinanggihan niya ang condo na inaalok ng mag-asawa. Preferred niya ang simple lang. She was a nature lover kaya ang apartment na nakuha niya sa isa sa mga pribadong subdivision sa Quezon City ay akmang-akma. Tama lang ang laki ng apartment na napipinturahan ng puti, napakalinis tingnan at mukhang bagong gawa. Simple at maganda ang disenyo, pulido ang pagkakagawa at mamahalin ang mga ginamit na materyales. Kahit papano ay may konti rin siyang nalalaman. Isang civil engineer ang daddy niya at naisasama siya nito sa sites kaya nakikita niya ang mga materyales na ginagamit. May isang palapag at dalawang kuwarto sa itaas. Nabistahan na niya ang bahay kaya nakita niyang kumpleto na rin ito sa mga kasangkapan magmula sa kusina, living room at silid. Hindi biro ang mga iyon at talagang mamahalin. Wala nang bibilhin pa tila sinadya para sa kung sinumang titira. Ayon sa kaibigan, pinasadya raw talaga iyon ng may-ari para hindi na kaabalahan sa uupa ang kagamitan. Kasama raw iyon sa prebehiliyo ng isang nagnanais ng isang simpleng bakasyon. Simple? She doubts it. This place makes her feel comfortable. Naisip niyang napaka- generous naman ng may-ari dahil napaka-kunbinyente nito para sa kanya. Pinili niyang maging kuwarto ang katapat ng hardin mula sa salaming bintana, na mamamalas ang kagandahan ng munting hardin sa ibaba. May nakita siyang iilang rosas na nakatanim Sa paso. Lihim siyang napangiti, tingin niya ay magiging punong abala siya sa mga susunod na araw. Matagal na panahon na rin mula nang huli siyang mag- gardening. Sinimulan niyang isalansan ang mga damit sa nag- iisang built in cabinet na naroon. Ganoon din ang mga personal na gamit sa tokador. The bed is covered by white sheets, so refreshing and very clean. Naalala tuloy niya ang kuwarto ni Clark na purong puti rin. Ba't ba ang daming bagay na nakakapagpa-alala Sa kanya sa lalaki. Pinalis niya ang isipin sa binata at tinungo ang kanugnog na banyo upang isalansan naman roon ang mga personal belongings. Napataas ang kilay ng dalaga, diyata't maging sa banyo ay may mga nakahanda na ring toiletries. Hindi na siya magtataka kung maging ang two-door na refregirator sa kusina ay may laman na ring mga pagkaing iluluto. Mabilis siyang bumaba para tingnan ang laman ng ref at hindi nga siya nagkamali. Kibit-balikat na bumalik siya Sa kuwarto. Hula niya'y si Eunice ang may gawa n'yon at ayaw lang sigurong magsabi. Knowing her. Tatawagan na lamang niya ito mamaya para pasalamatan. Masyado na niya itong naaabala. Ang mga sumunod na araw ay naging interesante Sa dalaga. Punong abala ito sa pag-aayos ng bakuran. Tulad ngayon tanging sandong puti na namantsahan na ng putik at maong shorts na maiksi ang suot nito. Ipinusod na lang nang kung paano ang mahabang buhok. Tagaktak na rin ang pawis nito sa noo at maging sa buong katawan pero ayaw parin nitong tumigil. Hindi rin alintana ni Anya ang sikat ng araw na malayang humahaplos sa malasutla nitong balat. Tinatanggal niya ang guwantes sa mga kamay nang tumunog ang telepono niya. Rumehistro sa screen ang pangalan ng kaibigan. Excited na sinagot niya si Eunice. Pinaalala ng babae ang munting salo-salo Sa darating na Sabado sa bahay nito sa Ayala Alabang. “Para namang hindi ako sisipot. Hindi pa ba sapat sa'yo na narito lang ako sa Manila?” Natatawang sagot niya sa kaibigan. Narinig niya ang malakas na tawa ni Eunice sa kabilang linya. “Oh dear, to make sure na makakarating ka ay pinakiusapan ko si Clark na daanan ka. Tutal ay pareho naman kayong inimbita ni Lola Consuelo." “W…what?" Aniya Sa pagkabigla. "Eunice, I can manage myself,” protesta niya sa gustong mangyari ng babae. Ang ideyang magkikita silang muli ng lalaki ay talagang nagpapasakit sa ulo niya. Hangga’t maaari sana ay ayaw niya munang makaharap si Clark. “What’s the big deal? Vince's bestfriend is a good man, Anya. He didn’t eat you alive. Did he?” biro ng kaibigan. "Kung alam mo lang…" Bulong niya sa sarili. Ngunit wala na rin siyang nagawa dahil pinutol na ng kaibigan ang kabilang linya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Anya. Siguro nga’y hindi nila maiiwasang magtagpong muli ni Clark. Isa pa ito na siguro ang tama at magandang pagkakataon para sa pakay niya sa lalaki. Maganda na rin sigurong personal niya itong makausap. Sana nga lang ay hindi pangungutya ang abutin niya kay Clark.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD