Kung ito siguro ang pakiramdam ng nasa langit.
Parang ang sarap asaming wag nang bumaba sa lupa. Kay gaan sa pakiramdam. Para kang nakalutang sa ulap.
Ipinikit ni Anya ang mga Mata. Dinama ang luwalhating dulot ng kalikasan. Pagkatapos ay nagpakawala ng malalim na paghinga.
Nagbabadya na ang pag halik ng araw. Malapit nang mag dapit-hapon.
Niyakap niya ang sarili ng maramdaman ang malamig na hangin.
Dinungaw niya ang kailaliman ng burol.
Mula roon ay matatanaw ang pribadong Liang Beach resort na pag-aari ng mga Zantillan.
Mangasul-ngasul ang tubig sa dagat. Kay-linaw at kay-linis. The velvety white crystal sand delights the visitors. Kaya't naging pamoso ang resort.
Nakaramdam siya ng konting pagkahilo Umatras siya nang bahagya para lang bumunggo sa malapad at matigas na dibdib ni Clark.
She froze nang maramdaman ito sa kanyang likuran.
Nagsimulang maging erratic ang t***k ng kanyang puso. Muling nanigas ang kanyang mga paa.
Clark slowly wrapped his arms around her and pulled her against him. Kasabay niyon ay ang panlalaki naman ng mga mata niya. Parang tinambol ang kanyang dibdib at sa sobrang lakas ay Para na siyang nabibingi.
Nanindig ang balahibo niya ng maramdaman ang hininga ng lalaki na humahaplos sa kanyang punong taynga at batok.
"C.. Clark... " Anas niya.
"Sshhh... Lemme hug you baby."
Napaloob na siya ngayon sa mga bisig ng binata.
Napakislot siya ng simulan nitong hagkan ang kanyang buhok.
"You like it here, don't you?"
Napapalunok si Anya. Husmiyo! Napakalambing ni Clark. Kahit malakas ang hangin ay gusto niyang pagpawisan.
Dahan dahan siyang ipinihit ng binata paharap dito.
Ni hindi pa rin sya makakilos. He touches her cheeks kasabay nang pagsalubong ng kanilang mga mata.
Hindi maitago ang fondness sa mukha ni Clark.
"I'm sorry for being rude," simula nito.
"Listen...I don't know how to deal with this... But... I like you... or in other words, I want you."
Hinawakan ni Clark ang isa niyang kamay, dinala sa mga labi patungo sa diddib sa mismong tapat ng puso nito.
"lt didn't go as planned. I never thought I would feel what it's like to be in love."
Natulala ang dalagita, nag- init ang mukha. Naglalahad ba ng pag-ibig si Clark sa kanya?
What was he saying something special? Is it special and personal affection? Love, perhaps?
"Nauunawaan mo ba ang mga sinasabi ko Anya?” Magiliw na tanong ng binata.
Larawan ng pagka-aliw at sa labi ay nakapagkit ang matamis na ngiti.
Subalit nanatili siyang nakatitig lamang Kay Clark.
Hindi niya mapaniwalaan ang mga naririnig.
Is he professing love?
“ Oh my Anya! Gusto mo rin ba ako?”
Napanganga ang dalagita, nagdumilat ang mga mata.
Si Clark ay hindi na maitago ang pagka-giliw at natutukso na siyang halikan ang kanina pang naka-awang na mga labi ng dalagita.
Wala sa diskarte niya ang mga ganitong panunuyo Sa isang babae.
Kadalasan ay wala nang mga salita pa.
But Anya is different. Kung ibang babae lang ito, malamang ay kanina pa sila nagpagulong-gulong sa damuhan.
Anya was overwhelmed.
Si Clark Zantillan ba ay nagtatapat ng pag ibig sa kanya?
Si Clark na isang Zantillan?
Ang hirap paniwalaan, pero heto si Clark, lumulukob sa pagkatao niya ang presensya.
Nang tuluyang tumimo sa isipan ang mga sinambit ng binata ay hindi niya napigilan ang sarili at siya na mismo ang yumakap dito.
Napahagulhol siya sa mga bisig nito.
It was her fantasy. And If it were a dream, then she'd rather want to sleep entirely.
"Hey, I'm confessing my love and what I get back? A crying baby?" tudyo ng binata.
He bent his head and showered kisses on top of her head.
Anya closes her eyes, she was very nervous and then Clark gently touches her lip, her heart racing.
His tongue slightly pulls apart her lips for a slow deepening kiss.
Her first.
A warm amazing sensation flowed all over her body.
Clark slowly stopped and released her.
Then he begins kissing her eyelid and forehead and afterwards, give her the sweetest hug she ever felt.
Clark has to stop...at gusto niyang batiin ang sarili sa pagkakaroon ng matibay na self control sa pagkakataong iyon.
"Kailan mo nalaman na mahal mo ako," lakas loob at malambing na tanong ni Anya sa binata.
"Since nalaman kung mabango rin pala ang hibiscus," tugon ni Clark sabay kindat.
And then he look at her seriously.
"I've loved you since that very first morning. "
Umalon ang dibdib ng dalagita. Hindi makapaniwala.
"Gusto mo bang malaman ang lihim ko?" Malambing na wika niya Kay Clark.
"Matagal ko nang alam na 'P na P' ka sa akin."
"Anong :P na P:?"
"Patay na patay."
"Conceited!." Natatawang wika ni Anya.
Hinaplos niya ang guwapong mukha ni Clark.
Pinaglaro niya ang daliri sa mga mata nito patungong ilong at mga labi. Hinuli ng binata ang kamay niya at dinala sa labi nito.
Her monster crush with Clark started when she was ten.
He was 15 then. Hindi matatawaran ang popularidad ng lalaki sa kanilang bayan.
Liban sa pagiging anak mayaman ay isa siya sa pinakamagaling pagdating sa larong basketball.
He was a captain ball in the team.
Hindi niya pinapalampas ang bawat laro nito kung saan sa sulok ng gym ay lihim niyang ipinagbubunyi ang binata.
"I started loving you when I was ten." Punong puno ng pagmamahal na sagot niya sa binata.
Nabitin sa ere ang sana'y sasabihin ni Clark. Saglit itong nawalan ng imik at napapantastikuhang napatitig Sa nobya.
"Really?" Anito.
Anya nodded. Habang nakaplaster ang matamis na ngiti. Banaag Sa mukha ang labis na kaligayahan.
"O wow! That's amazing."
"I love you." He whispered
Sa gabi ng anibersaryo ng mag-asawang Buenavista ay naroon si Anya upang tumulong sa pag-aayos ng mga pagkaing ihahanda na pinangangasiwaan ni Manang Yoly ang tumatayong mayordoma ng pamilya.
Halos punong abala ang lahat sa hacienda. Dapat ay kasama niya ang kanyang lola subalit tinamaan ng trangkaso ang matanda.
Labag man sa kalooban na iwanan niyang mag-isa sa kanilang bahay si Lola Mareng ay ito naman mismo ang nagpumilit na pumaroon s'ya sa hacienda.
Anito ay nakakompromiso na ito at nakakahiya raw sa
mag-asawang Buenavista.
Malaki ang utang na loob nila sa pamilya.
Noong mga panahon kasing nagkakasakit ang kayang ina ay ang senyora ang tumulong sa pagpapagamot nito.
Kaya anumang pwedeng maitulong ay ibinabalik ni Lola Mareng.
Ganap na ika-pito ng gabi ay nagsimula ng magsidatingan ang mga inanyayahang panauhin kabilang, ang mga kilalang personalidad, malapit na kaibigan ng pamilya, kasama na ang mga Zantillan.
Kanina ay natanaw niya ang kaibigang si Kate kasama ang mga magulang nito maliban kay Clark.
Nakaramdam siya ng lungkot. Isang buwan narin ang nakalilipas mula nang lumuwas ang nobyo patungong Maynila.
Sa gulang na bente dos ay pinagkakatiwalaan na ito ng ama pagdating sa pamamalakad ng negosyo.
Karamihan sa mga kilalang beach resort at hotel ay pag -aari ng mga Zantillan, liban sa isa rin sila sa mga stock holder ng real state business ng mga Buenavista.
Ayon kay Kate, malayo ang interes sa negosyo ng kapatid dahil ang gusto nito ay maging isang siruhano o doktor.
Ganunpaman, hindi naman daw pabaya ang binata pagdating sa kabuhayan ng pamilya.
Nagtapos ito ng Business Ad bilang c*m laude sa SMA.
Pagtapos ng undergrad course, nagpa-alam at pinayagan ng magulang na ituloy ang pangarap ni Clark na maging manggagamot.
Sa Unibersidad ng Pilipinas-Manila campus pareho nag-aral ng premed at medicine si Clark.
Kaya naman mas lalo siyang bumilib Sa kasintahan.
Binabagabag man ng kalungkutan ay nahihiya naman niyang mag-usisa kay Kate. Baka makahalata ang kaibigan.
Napagkasunduan nila ni Clark na ipanatiling lihim na muna ang kanilang relasyon sa pakiusap na rin niya.
Konserbatibo at mahigpit si Lola Mareng higit sa lahat iniiwasan nitong matulad siya sa pumanaw niyang ina.
Hindi naging maganda ang reputasyon ng nanay niya sa kanilang baryo.
Ngunit para sa kanya walang masama sa napagdaanan ng ina. Hindi naman nito kasalanan na labis itong nagtiwala at nagmahal sa hindi nakagisnang ama.
Ayon sa ina, kaakibat na ng pagmamahal ang sumugal anuman ang maging kahihinatnan niyon.
Kailangan lang ay maging matapang ka sa pagharap sa bunga, epekto at resulta ng iyong mga kapasiyahan.
Hindi ito natakot o ikinahiya man lang ang pagkakaron ng anak ng walang kinikilalang ama. Bagkus ay minahal siya nito ng labis at lagi na'y puring-puri.
Mabilis siyang nagpahid sa mata. Baka magtaka si Nang Holy at akalain pa ay hindi bukal sa loob niya ang ginagawa.
Maya-maya pa ay pumailanglang na ang tinig ng tagapagsalita, hudyat na magsisimula na ang seremonya ng programa na gagananapin sa malawak na bakuran ng hacienda.
Unang nagsalita ang senyor.
Napahinto si Anya sa ginagawa nang marinig na inihayag nito ang presensiya ng anak. Mabilis na bumundol ang kaba sa dibdib niya.
“Nakabalik na po si Miss Rada?” baling niya kay Manang Yoly.
“Oo kahapon lang dumating. Hay naku, ang batang iyon, walang pagbabago, pabigla-bigla pa rin. Sinorpresa ang mama’t papa sa anibersaryo nila ngayon,” masayang sagot ni Manang Yoly.
Si Rada ay ang nag-iisang anak ng mag-asawang Buenavista.
Ipinadala ito ng ama sa Amerika upang doon ipag-patuloy ang pag-aaral.
“O anak, kung tapos ka na d'yan ay pwede ka nang magpahinga hah?"
“Sige po, malapit na rin po ito.”
Habang isa-isang niyang isinasalansan ang mga tinuyong kagamitan.
Nagpa-alam saglit si Manang Yoly. Sisilipin raw nito ang mga nakahaing pagkain at baka may mga kailangang i-refill.
May mga tauhan sa hacienda na inupahan para siyang magsilbi sa mga bisita.
Subalit ang mga pagkaing inihanda ay ipinagkatiwala ng senyora kay Manang Yoly dahil mas tiwala rito ang ginang.
Kung tutuusin ay maaari na siyang umuwi dahil tapos na ang kanyang trabaho ngunit naengganyo siyang silipin ang kasiyahan.
Sa likod ng kusina siya dumaan na medyo may kadiliman, ngunit ang tanglaw na nagmumula sa buwan ay sapat na upang maaninag niya ang dinaraanan.
Malapit na siya sa b****a nang makarinig ng mga nag -aanasang boses sa di kalayuan.
Naaninag niya ang dalawang bulto. Umatras siya upang hindi makuha ang pansin ng mga ito. Ang malamlam na liwanag ng buwan at mga halaman sa paligid ang nagsilbi niyang kublihan.
Nakakahiyang mapansin siya ng dalawang pareha baka akalain pa ay nagmamatyag siya.
Nakaharap ang babae sa pwestong pinagkublihan.
Saglit siyang natigagal.
Hindi niya ito maipagkakamali sa iba.
Si Rada Buenavista.
Hindi niya maiwasan ang humanga sa babae.
Her beauty is indeed alluring. Nagdikit ang mga kulay niya nang may mapansin. The woman has an almond shaped eyes.
Mahihimigan ang lambing sa tono ng pananalita nito.
Nakasalikop ang magkabila nitong mga kamay sa leeg ng lalaking nakatalikod.
Tila mga magsing-irog sa ilalim ng buwan. Napaka-romantikong tignan.
Pumihit ang lalaki kaya nagkaroon siya ng pagkakataonng masilayan ito ganoon na lamang ang pagpipigil niya na mapasinghap tila nanginig ang kanyang mga tuhod.
Bagamat hindi nakayakap ay mababanaag sa mukha ni Clark ang pagsuyo para sa babaeng kaharap.
When he bent his head ay tumalikod na si Anya, kasabay ang pagpipigil sa namuong luha sa mga. mata.
“O Anya, akala ko’y tumuloy ka nang umuwi?”
Si Manang Yoly na bumungad sa pintuan ng kusina.
Maaring nagtaka ang matanda nang mapansing may konting awang sa pinto.
Mabilis siyang tumayo mula pagkakaupo sa bangkito.
Pinagpag niya ang suot na palda at nilingon si Manang Yoly.
“B…baka po kasi kailangan niyo pa ng tulong Nang Yoly .” Magalang niyang sagot.
“Naku! Maraming salamat anak at kailangan ko ngang talaga."
Sumunod si Anya papasok ng kusina.
"Maaari mo ba itong idulot kay Clark? Ang batang iyon kahit kailan ay hindi nahilig sa mga inuming may kulay. ”
Natigilan si Anya. Gusto man tumanggi ay hindi siya nagreklamo.
Inabot niya ang nakatuping puting pantaas na mahaba ang manggas at nagpalit.
Iyon ang nakita niyang suot-suot ng mga tagasilbi.
Kinuha ang pitsel kay Manang Yoly at tinungo ang kasiyahan.
Marahan siyang naglakad palapit sa mesa kung saan magkasama ang dalawang pamilya. Nanginginig man ang mga kamay ay maingat niyang idinulot ang inumin sa mga naroon.
Si Clark ay nakatuon ang buong pansin Kay Rada.
Habang pinagmamasdan ang dalawa ay nagdudumilat sa harap ni Anya ang katotohanang nasa puso pa rin ni Clark ang babae.
Nang maalala ang nasaksihan kanina ay hindi siya nakapagpigil at nawalan ng balanse sa hawak na pitsel.
Imbes na sa chalice ay sa balikat ng binata tumapon ang tubig na sana’y isasalin niya sa goblet nito.
Sa pagkabigla ay mabilis na nag-angat ng mukha si Clark. Nagsalubong ang mga mata Nila. Bahagya itong nagulat tila hindi nito inaasahan na makikita siya roon.
Siya naman ay abut-abot ang paghingi ng paumanhin sa mga nakapaligid sa kahihiyang inabot.
Muli siyang napatingin Sa binata.
Nakita niya ang pagdaan ng munting kislap sa mga mata nito o baka dinadaya lamang siya ng kanyang paningin.
Yumuko siyang muli at iniiwas na ang tingin Kay Clark.
Natatakot siyang mabasa nito ang pait na lumarawan sa kanyang mata.
Mabilis niyang tinapos ang ginagawa at tumalikod, subalit damang-dama naman niya ang mga titig nito mula sa likuran.
Napansin niya ang pagkaway ni Kate. Nasa munti itong entablado kasama ang mga ka banda.
Gumanti rin siya ng kaway sa kaibigan.
Habang inaawit ni Kate ang isang popular na awitin ay nakita niyang hinila ni Rada si Clark patungong dance floor.
"Two old friends who meet again...
Wearin' older faces
And talk about the places they've been
Two old sweethearts who fell apart
Somewhere long ago
How are they to know
Someday they'd meet again
And have a need for more than reminiscin'
Maybe this time
It'll be lovin' they'll find
Maybe now they can be more than just friends
She's back in his life
And it feels so right
Maybe this time, love won't end."
“Oh, they're good to be together.” Ika ng isang panauhin sa kabilang lamesa.
“Indeed a perfect couple.
Ilang panahon pa at nahihinuha kung may merger ng mangyayari sa pagitan ng kanilang mga pamilya.” Bulalas ng isa pa.
Dahil sa mga naririnig at nasasaksihan ay hindi maiwasang masaktan ni Anya.
Kaya't bago pa mag-unahan sa pagpatak ang bumukal na luha sa mga mata ay mabilis na siyang tumalilis.
Tinungo ang daan palabas. Gusto niyang kumaripas ng takbo upang lisanin ang lugar at tuluyang makalayo.
Rada was Clark's childhood sweetheart at batid iyon ng lahat.
Tama ang mga panauhin, bagay na bagay nga ang dalawa. At ang katotohanang iyon ang unti-unting nagpapahirap sa kalooban ni Anya.
Kinakain ng sobrang paninibugho at insekyuridad ang kanyang buong pagkatao.
Ang mga nakikita sa paligid ay nagpapa-alala lamang na hindi siya nababagay sa mundong ginagalawan ng mga ito.
Isang bagay na hindi niya naisip at napaghandaan.
Mas lalo niyang binilisan ang paglalakad nang biglang impit na mapasigaw.
May biglang humila sa kamay niya at hinapit siya mula sa likuran.
Ang akmang pagsigaw ay naudlot. Bumara ang tinig sa kanyang lalamunan nang mapagsino ang pangahas.
“Hey, why in a hurry huh?” bulong nito sa likod ng kanyang punong taynga.
Awtomatikong nanindig ang balahibo niya sa batok.
Ganoon kalaki ang epekto ni Clark Sa sistema niya.
Pilit siyang kumuwala.
Madilim sa bahaging iyon ng hacienda. Naisip niyang Kaya siguro naglakas-loob na sumunod ang lalaki.
Walang maliligaw sa parteng iyon lalo't abala ang lahat sa kasiyahan.
“Clark, bumalik ka na roon baka hanapin ka…nila.” Pangalan sana ni Rada ang nais niyang isasa-tinig.
Tumawa ang binata lalo pa siyang hinapit nito palapit.
“Baby, hindi na nila mapapansin kung wala ako roon and besides you’re here. I missed you.”
Hinagkan ni Clark sa buhok pababa sa batok si Anya.
Napakislot naman ang dalagita at pilit na kumuwala mula sa pagkakayakap ng binata.
“What’s wrong?” Anito.
Hindi siya sumagot bagkus ay mabilis na tumalikod at humakbang palayo rito. Ang mga luhang pilit sinisikil ay tumuloy na sa pagpatak at ayaw niyang makita iyon ni Clark.
Ngunit sumunod ang binata at mabilis siyang napigilan sa braso. Hinarap siya ng nobyo. Masuyong hinawakan sa magkabilang pisngi.
“Hey, are you crying? ”
“Anong mangyayari ngayong narito na si Miss Rada?” Ang hindi niya mapigilang itanong.
“W..What?” lumarawan ang pagtataka kay Clark.
“Anong kinalaman dito ni Rada?”
Hindi siya sumagot.
"Wait, dahil ba ito sa nakita mo kanina?"
Iniiwas niya ang tingin.
" Are you... Are you jealous?”
Isang marahas na ungol ng protesta ang naging tugon niya kay Clark.
Nang makumpirmang ganoon nga ay sukat humalakhak si Clark.
Dahilan para mas lalo siyang magngitngit.
Ano bang alam nito sa totoong nararamdaman niya at ginagawa nitong katatawanan ang lahat.
“Baby, ngayon lang kami uli nagkita ni Rada masyado lang kaming natuwa,” paliwanag ng binata.
"At dahil masyado kayong natuwa kung kaya’t nahuli ko kayong naghahalikan sa likod..? Gusto niya sanang isatinig ang bagay na iyon kay Clark pero heto at nagsisimula ng magsinungaling ang lalaki.
Sa ginagawa nito ay mas lalo niyang gustong maiyak.
“Mas mabuti pa sigurong tapusin na natin ito…wala namang patutunguhan ito,” aniya sa pagitan ng paghikbi.
Unti-unting napawi ang ngiti sa labi ng binata. Nagdikit ang mga kilay.
“Are you serious?"
Binirahan niya ng lakad palayo. Sumunod si Clark na takang-taka sa inaasal niya.
"Hey, Anya. Are you breaking up with me? Or you’re implying something?”
Nagpatuloy lamang siya sa paghakbang. Kunwa ay walang narinig. Kaya ba niyang aminin rito ang nasaksihan kani-kanina lamang?
Kaya ba niyang tanggapin na sa kabila ng pagkakaroon nila ng relasyon ay si Rada pa rin ang nasa puso nito?
Sumunod si Clark. Nilagpasan siya.
Huminto ito sa tapat ng pickup at binuksan iyon.
Saka Lang napansin ni Anya na nasa kinapaparadahan na pala sila ng sasakyan nito.
“Sakay.” Anang Clark Sa pormal na tono.
Ngunit hindi siya natinag o kumilos manlang.
“Ang sabi ko sakay.” Matigas na pahayag ng binata.
Nataranta ang dalagita at mabilis na pumaloob. Pumaikot naman sa may driver seat si Clark. Madilim ang mukha.
Binuhay ang makina at pinaharurot ang sasakyan nang walang pakundangan. Ni hindi alintana ang mga lubak patuloy parin sa mabilis na pagpapatakbo.
Hindi mapigilan ni Anya ang makaramdam ng takot. Kapara ni Clark ay torong sumisingasing hindi niya alam kung naaaninag pa ba nito ang kalsada sa sobrang dilim.
Paano kung mawalan ito ng kontrol at mahulog sila sa bangin o di kaya't sumalpok sa isa sa mga puno dapat niya bang ikatuwa na mamatay siyang kasama ito?
Paano na lamang ang kanyang lola maiiwan itong mag-Isa. Pinalis ni Anya ang masamaang isipin. She'd gone too far. Pinili na lamang niyang manahimik. Gusto tuloy niyang pagsisihan na hindi siya nakapagpigil ng emosyon kanina.
Limang minuto ay narating nila ang burol pinatay ni Clark ang makina at sumandal sa sandalan. Maya’t mayang napapabuga ng hangin at pilit na kinakalma ang sarili.
Nilinga niya ang dalagita na tahimik lang sa isang tabi at humihikbi. Pinagmasdan niya itong mabuti. She's so young and vulnerable.
Ang outburst nito kanina ay nangangahulugang may hindi ito nagustuhan.
Hindi niya inaasahan na makikita ang dalagita sa kasiyahan. Hindi niya maitatangging nanabik ang puso niya ng masilayan si Anya roon.
Halos madaliin niya ang mga transaksiyon sa Maynila upang makabalik agad ng San Isidro maging ang biyahe patungong Japan ay kinansela niya because he terribly miss her at walang araw na hindi niya ito naiisip.
He doesn’t know what she up to para mag isip itong tapusin ang lahat.
But if it was kind of a joke ay hindi siya natutuwa. Inabot niya ang kamay nito at mahigpit na ginagap.
“ Baby…let’s talk. Please.” Aniya sa tonong nagsusumamo.
“Im sorry kung tinakot kita." He took a deep breathe.
" Rada is a good friend nothing else.”
Hindi man aminin ni Anya ay alam niyang nagseselos ito. At gusto niyang ipaunawa sa nobya na wala itong dapat na ipag-alala.
“I don’t want us to be ended like this. Alam kung bago ang lahat ng ito sayo. But please just trust me. Okay?’ patuloy niya.
Nagugulumihanan man ay nagalak ang puso ni Anya sa mga binitawang salita ng nobyo. Parang kay dali lamang para sa kanya ang maniwala sa mga sinasabi nito.
Tila bulang Kay bilis na naglaho ang lahat ng insecurities mayroon siya. Bumaling siya Sa binata at kusa nang niyakap ito. Oh, he wanted him so much.
Inangat ni Clark ang baba niya at ikinulong sa mga palad nito ang maliit niyang mukha. Tinuyo ng mga halik nito ang mga butil na luha na humulagpos sa kanyang pisngi.
Hinuli nito ang kanyang mga labi at ginawaran siya ng masuyong halik. Tuluyang pinawi ng mga halik nito ang mga agam agam sa sa isip niya.
He is kissing her so gently may suyo at napakahirap para sa kanya ang hindi tumugon. She slowly parted her lips at tumugon sa paraang alam niya.
Napaungol ang binata sa mga receptions na natatanggap lumalim ang mga halik nito naging mapaghanap at nalulunod siya nadadarang.
Napapitlag siya nang maramdaman ang mga palad nito sa ibabaw ng kanyang dibdib marahang humahaplos at dumadama.
Ang init na hatid nito ay nagbibigay ng erotikong pakiramdam.
Bago ang lahat sa kanyang pandama pero nagugustuhan ito hindi lamang ng katawan niyang pisikal kundi maging ng kanyang puso. Walang ni gahiblang pagtutol man lang siyang nararamdaman isinantabi niya ang mga inhibisyon at takot. Nang mga oras na iyon all she wanted is this man.
Si Clark ay humihingal na idinaiti ang noo sa kanya saglit nitong pinakawalan ang kanyang mga labi.
“Stop me, please. " Bulong nito sa namamaos na boses. Tila nahihirapan.
“Bakit ko pipigilan ang isang bagay na gusto ko ring mangyari?.” Matapang at malambing niyang sagot.
Matagal siyang pinagmasdan ni Clark. Hindi makapaniwala. Binabasa nito ang katapatan sa kanyang mga sinabi.
Malambing niyang nginitian ang nobyo dahilan upang muli siya nitong siilin ng halik sapagkat maging ito’y hirap naring paglabanan at pigilin ang sarili.
Nang gabing iyon ay pikit matang isinuko niya ang lahat kay Clark. Her love…her innocence…all of her. At Nang gabi ring iyon ay mas higit niyang naunawaan ang ina.