(1997) "Magandang umaga po nanay Luding," ang magiliw na bati ng dalagitang si Anya sa matanda.
"Maganda ka pa sa umaga Ineng," ganting tugon naman ni Aling Luding ang matandang naninilbihan sa pamilya Zantillan.
Kasalukuyan nitong binubuksan ang gate na bakal upang makapasok si Anya sa loob.
"Naku! ang kaibigan mo e nahilik pa ata sa kanyang silid," dagdag pa ng matanda habang nakangiti.
"Okay lang po. Ako nga po ata itong napaaga ng dating."
Nahihiya man ay magalang na sagot ni Anya.
Nang tuluyang makapasok ay inilibot niya ang tingin sa Villa. Naroon ang lagi na'y panggigilalas Sa tuwing mamamalas ang kabuuan nito.
Ang villa Zantillan ay isa sa pinakamalaki at pinakamarangya sa bayan ng San Isidro. Napaliligiran ng samu't saring puno't mga halaman ang palibot nito.
Ang mga halamang namumulaklak ay organisadong nakatanim sa hardin at bago makarating sa mismong villa ay ang pinong-pinong berdeng bermuda grasses sa malawak na lawn.
"Dito ko nalang po hihintayin si Kate nanay Luding" anang dalagita habang tinatanaw ang patio garden.
Ngumiti ang matanda batid nito ang pagkahilig ni Anya sa mga halamang namumulaklak.
"O siya sige at ako'y maghahanda pa ng almusal. Maya-maya lang ay bababa na iyon si Kate. Siya nga pala gusto mo bang maiinom? Ipagtitimpla kita ng kape o di kaya'y gatas," Alok ng matanda.
"Wag na po Nay Luding tapos na po ako sa bahay at maraming salamat po," magalang na muling sagot ni Anya habang nakangiti.
Tumango na si Nay Luding at nagsimula nang humakbang papasok ng Villa.
Tumuloy naman ang dalagita sa patio garden kung saan ito ay nagsisilbi ring recreation area ng pamilya Zantillan.
Sa dulong bahagi ay ang malawak na flower garden kung saan iba't-ibang halamang namumulaklak at ornamentals ang nakatanim.
Kumpleto Ito mapa rosas, orkidyas, sunflower, daisy at marami pang iba, ngunit ang pangunahing pakay niya roon ay ang iba't-ibang uri ng hibiscus o kilala sa tawag na gumamela.
Ayon kay Kate ay personal itong minamantina ng inang si Donya Isabel.
Mahilig raw itong mangolekta ng mga gumamela at ang iba pa raw sa mga ito ay inangkat pa ng ginang mula sa ibang bansa.
Siya man ay ganoon rin, mahal niya ang mga gumamela.
Katunayan ay ito ang pinakapaborito niya sa lahat ng uri ng mga bulaklak.
Marami silang tanim sa bakuran nilang mag-lola pero ang kanila ay yaong common nang nakikita sa mga hardin.
"Magandang umaga! Aba naman sa araw araw ay parang lalo kayong gumaganda."
Si Anya habang kinakausap ang mga bulaklak.
Ugali na nitong gawin ang bagay na iyon. Naniniwala kasi siyang ang mga halaman ay nangangailangan rin ng paglalambing na parang tao.
Inabot ni Anya ang isang may kataasan ng tangkay. Isa iyong Hawaiian Hibiscus.
Isa sa pinakapaborito niya sa lahat dahil sa malalaking petals at matitingkad nitong kulay.
Bawat talulot nito ay iniinspeksyon niyang maigi pero duda siya kung may makikita siyang higad sa dahon niyon.
Nang makuntento ay nilapitan ng dalagita ang katabing rosemallow o kilala sa tawag na gumamela ng Pilipinas.
Inilapit ang tangkay sa ilong.
"Hmmm...ang bango+ bango," aniya habang pikit matang sinamyo ang bulaklak na iyon.
"At kailan pa naging mabango ang isang hibiscus?" anang baritonong boses mula sa likuran.
Nandilat ang Mata ni Anya. Nagulat o nabigla. Alin man sa dalawa ay hindi agad siya nakakilos.
Hindi pa man ay nahulaan na niya kung sino ang nag mamay-ari ng naturang tinig.
Mabilis na nakaramdam siya nang pagkabog ng dibdib.
Marahan siyang lumingon. Magiging katawa-tawa siya Kung mistula siyang magiging tuod.
Si Clark ay naroon nakasandal sa poste.
Base sa suot nitong puting sando na Nike ang tatak na tenernuhan ng itim na jogging pants at rubber shoes.
Mukhang kagagaling lang ng lalaki sa pagtakbo.
Tumutulo pa sa guwapo nitong mukha ang mga butil na pawis at sa balikat ay nakasampay ang isang katamtamang puting tuwalya.
Pakiramdam ni Anya ay Mas lalong nanigas ang kanyang mga binti para siyang itinulos sa pagkakatayo, lalo nang pinalubha nang makitang unti-unting humakbang palapit ang binata
sa pwesto niya.
Nagsimulang mag-rigodon ang kanyang dibdib
Hindi niya inaasahan na makakatagpo ang nakatatandang kapatid ng kaibigan sa umagang iyon.
Ayon kay Kate ay hindi uuwi ang kapatid dahil sa Amerika nito nais na magbakasyon.
He comes closer and closer to her at halos gahibla na lamang ang distansiyang inilaan nito sa pagitan
nilang dalawa.
"I asked you young lady. Kailan pa naging mabango ang isang hibiscus?" Muling tanong ni Clark.
Halos ikabingi naman ni Anya ang kabog na nararamdaman sa dibdib.
Tila ito tambol sa lakas sa nakakaligalig na presensiya ni Clark. Wala siyang maapuhap na salita.
Paano ba naman nakatunghay pa ang guwapong mukha ng binata sa kanya. Sino naman ang makakapag-isip nang tama kung totally distracted na.
"A....ang ibig kong sabihin they smelled good b... but not in a flowery nature. D... depende naman...sa tumitingin yon kung paano nila ia-apreciate ang isang bulaklak h...hindi ba?"
Bagamat kabado at nahihiya ay ismarte niyang sagot.
"Really...?" ang binata na kinakitaan ng amusement ang mukha. Tila nag-isip.
"Then, let me try it," ani nito.
Sa pagkagulat ni Anya ay mabilis na naabot ni Clark ang kanyang kamay kung saan ay hawak niya roon ang tangkay ng gumamela kaya ang siste ay napaloob sa malapad na palad ng binata ang kamay niya.
Matangkad si Clark sa karaniwang lalaki.
Naglalaro sa anim na talampakan ang taas bagamat bente dos pa lamang ang idad.
Yumuko ang binata at sinamyo ang gumamelang hawak na nilang pareho. Halos mag-ugpong na ang kanilang mga ulo. Dahilan upang pigilin niya ang hininga.
Ipinikit rin ni Clark ang mga mata Kung kaya't malaya niyang napagmasdan ang guwapo at makinis nitong mukha, matangos na ilong na tila nililok, makakapal na kilay, manipis at mapulang mga labi.
Lumarawan ang saya Kay Anya. Sumilay ang matamis na ngiti sa sulok ng kanyang mga labi.
Larawang tumambad Kay Clark nang imulat nito ang mga mata. Kinindatan nito ang dalagita at syang muling dahilan upang pamulahan ng mukha si Anya.
Kuya...?"
Si Kate na tangan tangan sa kamay ang gitara nito.
Mabilis na binawi ni Anya ang kamay mula kay Clark.
Save by the bell ang biglang paglitaw ng kaibigan lihim niyang ipinagpasalamat na bumaba na ito.
Kulang nalang ay hilingin niyang maglaho na lamang dahil sa kahihiyan.
"Hello sweetheart... miss me?" anang binata pagbaling sa kapatid.
Rumehistro sa mukha ni Kate ang tuwa at excitement.
Patakbo itong lumapit sa kapatid at humalik sa pisngi nito.
"I thought you're in San Francisco." ani Kate
"I've changed my mind aren't you happy?" sagot ni Clark na ginulo ang buhok ng kapatid.
"Nah! Super happy kuya. I'd miss you." Si Kate na tuluyan nang naglambing sa kapatid.
Hindi maiwasang mapangiti ni Anya nakakaaliw pagmasdan ang closeness ng dalawa. Hindi tuloy niya maiwasang isipin sa kabila ng pagiging bohemyo ni Clark ay masuwerte parin ang mga babaeng napauugnay rito.
Bakit?
He was kind of a sweet man and a very generous person. Sa bagay na iyon ay gusto niyang mangiwi, kilala ang binata sa pagiging galante money is not an issues in him at ginagamit nito iyong pambawi sa mga babaeng nais nang kalasan.
Sa madaling salita suhol sa napagsawaan na. Very expensively. Very consoling.
"Anya, are you okay?" Kate asked.
Anya glanced at her sheepishly and then her eyes landed to Clark scowling look.
"H...ha? Oo. " Sagot niya na halatang nagulat.
"I'd better get going...I think I need a shower." Baling ni Clark sa kapatid pagkatapos ay sumulyap sa kanya and nodded.
Nahihiya man ay matipid na ngiti ang isinukli niya sa binata. Pakiwari niya ay nababasa nito ang mga bagay na naglalaro sa kanyang isipan sa uri ng mga titig nito.
Nagsimula nang humakbang si Clark at tinungo ang daan patungong front door nang tila ito matigilan.
He quickly glanced back at them.
"Hey Anya! " sabay na napalingon ang magkaibigan .
"Thank you for the trivia." Clark murmured with a mischievous smile.
Laglag ang panga ng dalagita.
"Ano raw?...anong trivia? " sa pagtataka naman ni Kate.