Sa bayan ng San Isidro ay kilala si Lola Mareng sa may pinakamasarap na lutong pinangat na gabi.
Paborito ito ng kaibigan nitong si Nanay Luding at ng mag-asawang Zantillan.
Maaga pa lang ay nasa Villa na ang dalagita.
Ngunit sa malas ay wala si Nanay Luding ng araw na iyon dahil nanganak ang anak nitong babae at sinamahan daw sa ospital.
Maging ang kaibigang si Kate ay kasama raw lumuwas ng mag-asawang Zantillan patungong Maynila.
At ayon kay Mang Kulas ang matandang hardinero at nagsisilbi na ring tagapagbantay ay tanging si Clark lamang ang naiwan sa Villa.
Ang malamang naroon ang lalaki ay nagpa-kaba muli kay Anya.
Minabuti niyang ihabilin na lamang kay Mang Kulas ang dalang pinangat na nakagawian na ng kanyang lola para sa mag-anak na Zantillan.
Subalit unti-unti namang bumuhos ang malakas na ulan.
Mariin siyang pinigilan ni Mang Kulas sa tangkang pag-alis .
Anito ay baka maging dahilan pa ng pagkakasakit niya kung susuungin niya ang ragasa ng ulan.
Inimbitahan siya nitong pumasok muna sa loob ng villa upang magpatila.
Bantulot man ay nagpatiayon siya. Hindi rin kasi biro ang buhos ng ulan.
Inilibot niya ang paningin sa kabuuuan ng tahanan ng mga Zantillan. Larawan ito ng karangyaan, moderno ang arkitektura at disenyo.
Maging ang mga kagamitan ay makabago at bawat muwebles ay nagbabadya ng 'di birong halaga.
Napukaw ang pansin niya sa malaking kuwadro sa malaking sala.
It's a family portrait, larawan ng isang buo at masayang pamilya.
Natuon ang pansin niya sa nakangiting larawan ni Clark.
Kay guwapo nito.
He was indeed a fantasy material, at isa na siya sa mga nangangarap na mabigyan-pansin ng binata.
Sa naisip ay nakaramdam siya ng hiya. Suntok sa buwan na mangyari ang bagay na iyon. Kaya't pinagkasya na lamang niya ang sarili sa pagtanaw rito.
"Ineng!" si Mang Kulas na larawan nang pag-aalala.
"Mang Kulas may problema po ba?"
"Mangyari ineng Si Clark ay inaapoy ng lagnat. Kahapon pa masama ang pakiramdam ng batang iyon."
Ang sabi ko'y samahan ko na sa ospital, likas naman ang tanggi at di na raw siya bata para isugod pa." Sagot ng matanda
"Napainom niyo na po ba ng gamot?" Anang niyang nag-alala.
Umiling ang matanda at sinabing walang nakatabing gamot para sa lagnat ang binata.
At maging ito ay ganoon rin dahil tapal-tapal lang naman daw ng dahon o halamang gamot ang ginagamit niya kapag siya'y nagkakasakit.
Dagdag pa ni Mang Kulas ay pambihira raw ang binata, naturingang nag-aaral ng pagka-manggagamot ay walang nakahandang gamot para sa sarili.
Hindi raw boy scout si Clark.
Lihim siyang napangiti sa komento ni Mang Kulas. Sa gitna ng pangamba ay nagawa pa nitong idaan sa biro ang sitwasyon.
"Saan po naroon si Clark?" Muli niyang tanong na hindi na nag-isip.
Iginiya siya ni Mang Kulas patungo sa pangalawang palapag ng villa, na ayon dito ay naroon ang kuwarto ng binata.
Sinamahan siya nito hanggang silid.
Nakita niya si Clark nakapikit ang mga mata, na hindi niya matanto kung natutulog ito dahil pansin na pansing panginginig ng katawan.
May dahilan nga si Mang Kulas na mabagabag.
Mabilis siyang lumapit at sinalat ang leeg ng lalaki.
Hindi nga nagkamali ng sapantaha si Mang Kulas maaaring umabot ng kuwarenta ang temperatura nito sa katawan.
"Mang Kulas, pasuyo po sana ng malamig na tubig sa palanggana at kung may yelo pakilagyan na rin po."
Mabilis na sumunod ang matanda.
Siya naman ay pinangahasan ng buksan ang close-in cabinet na naroon upang maghanap ng magagamit na pamunas.
Nakita niya agad ang hinahanap subalit na-eskandalo naman ng tumambad sa kanyang mga mata ang mga personal na kagamitan ni Clark.
Mabilis niyang hinila ang kailangan at nagpakawala ng isang malalim na paghinga.
Nilingon niya ang binata at pinagmasdang mabuti.
Napangiti siya. Kay guwapo pa rin nito kahit na may sakit. Pormal siyang naupo sa tabi nito ng maramdaman niya ang pagbukas ng pinto.
Pumasok si Mang Kulas, bitbit ang mga bagay na hiningi niya.
Sinimulan niyang punasan ang noo ni Clark. Napaungol ito.
Si Mang Kulas ay nagpa-alam na pasumandali na munang paroroon sa bayan upang makabili ng gamot sa botika.
Bagamat nag-alangan na maiwang mag-isa ay pumayag na rin siya.
Alam niya ang ang ginagawa niyang lunas ay panandalian lamang at nangangailangan pa rin ng agarang medikasyon ang lalaki.
Dahan-dahan niyang hinawi ang makapal na kumot na tumatabing sa katawan ni Clark.
Mabilis siyang napasinghap ng makitang sa ilalim niyon ay ang h***d nitong katawan.
Tumambad sa kanyang paningin ang malapad nitong balikat, solidong dibdib at impis na tiyan.
Mabilis na napatda ang dalagita mas lalo siyang na-eskandalo sa nakita.
Dagli niyang inilihis ang tingin at sinimulan itong punasan sa kabila ng panginginig ng mga kamay.
Pakiramdam niya ay siya ang lalagnatin sa ginagawa.
Humigit kumulang ay isang oras na siya roon ngunit wala parin si Mang Kulas at nag-aalala na siya.
Ilang comforter na ang nailabas niya pero patuloy parin sa panginginig si Clark.
Ang ulan sa labas ay patuloy pa rin at tingin niya ay mas lalo pa itong lumalakas. Nahahati ang isip niya sa pag-aalala sa kanyang lola at sa binata.
Naupo siyang muli sa gilid ng kama at dinamang muli ang leeg ni Clark. Muli siyang napailing tumaas na naman ang temperatura ng lalaki. Muli niyang binasa ang bimpong ipinatong sa noo nito.
Saglit siyang nag isip maya-maya ay umangat ang kanyang mga kamay at isa isang tinanggal sa pagkaka-butones ang suot na blusa.
Inangat niya ang mga comforter at marahang inilapat ang murang katawan kay Clark.
Napaungol ito nang makaamot ng init mula sa kanyang katawan.
Napa+pikit mata ang dalagita kasabay ng pagtahip ng dibdib.
Umusal ng panalangin nang paghingi ng tawad sa Diyos sa ginawang kapangahasan.
Ito lang ang tanging paraang naisip niya upang maibsan ang pangangalaykay ng lamig kay Clark.
Subalit ang sampung minutong pagkakadaiti ng kanilang mga balat ay nagbigay ng bulta- boltaheng pakiramdam sa kanya.
May mga binubuhay itong sensasyon sa mura niyang katawan na hindi niya sukat maipaliwanag.
Pinakiramdaman niya ang binata, naramdaman niyang unti-unti ay bumabalik sa normal ang paghinga nito.
Naibsan rin ang panginginig ng katawan.
Marahan niyang iniangat ang sarili mula rito, ingat na ingat na makalikha ng gahiblang ingay.
Nag+aalala siyang maabutan sila sa ganoong tagpo ni Mang Kulas.
Malaking kahihiyan 'pag nagkataon at hindi niya nais na magpaliwanag.
Subalit nanlaki ang kanyang mga mata, Clark was surprisingly gazing at her bagamat nanlalamlam ang mga mata nito ay pilit siyang inaaninag.
Muli rin nitong ipinikit ang mga mata pagkatapos ng ilang segundo.
Maaaring iginupo rin ito ng antok.
Gulat na gulat siya, ni hindi niya magawang kumilos.
Nang makabawi ay mabilis niyang inabot ang hinubad na pantaas at ibinutones nalang nang kung paano.
Mahigpit na niyakap ang sarili. Mariing pinakatitigan si Clark. Ni hindi niya maikurap ang Mata.
Nagsimula na niyang maramdaman ang kaba.
Kumakalat at tila pumaparalisa sa buo niyang katawan.
Nagising ba si Clark?
Nakilala ba siya ng binata?
Anong gagawin niya paano niya ipaliliwanag ang lahat kung sakali? Baka mag-isip ito ng hindi maganda.
Samut–sari na ang mga naglalaro sa kanyang isipan at natatakot na siya.
Sa ganoong ayos siya nadatnan ni Mang Kulas.
Nagpaliwanag ito kung bakit natagalan.
Ngunit hindi na niya pinag- aksayahan pang pakinggan.
Nagmamadali na siyang lumabas ng silid sa pagtataka ng matanda.