Chapter 3

1663 Words
"Hoy!" Gulat na napalingon si Anya. Si Magda ay nasa likuran bitbit ang isang bayong ng mga sariwang gulay. Mukhang galing pa ito ng Bayan. Malamang naglakad lang ang babae dahil pangitang hinihingal pa ito. Kasambahay ito Sa Villa at ulilang pamangkin ni Nanay Luding. Sa pagkaka-alam niya ay paaral din ito ng mag-asawang Zantillan. "Ano bang ginagawa mo diyan at para kang espiya na pasilip-silip," anang babae na nagtataka. Binuksan nito ang gate ng sariling susi. Humakbang si Anya habang mahigpit na nakahawak sa laylayan ng suot na blusa. "Ate Magda, si Kate po Kaya nariyan?" tanong niya. "Oo, ilang araw ka na kayang hinihintay ng kaibigan mo." Niluwangan ni Magda ang bukas ng gate para sa kanya. Niyaya siyang pumasok. Bantulot man ay marahan siyang sumunod. Nauubusan na siya ng alibi kay Kate sa kaiiwas niyang makaharap ang kapatid nito. Kaya kahit na nag- aalinlangan ay naglakas- loob na siya baka magtaka ang kaibigan sa mga inaasal niya at ayaw naman niyang tuluyan itong magtampo. Pagkatapos kasi nang pangyayaring iyon sa kuwarto ni Clark pakiramdam niya ay wala na siyang mukhang maihaharap pa sa lalaki. Kahit na hindi naman siya sigurado kung nagkaroon nga ito ng malay nong araw na iyon. Natatakot pa rin siya sa maaaring maging konsekwensiya ng pangyayari. Muli ay sa patio garden siya tumuloy. Naupo sa isa sa mga upuang bakal doon. Pilit na kinakalma ang sarili dahil hindi mawala ang kaba sa kanyang dibdib. Ilang linggo na rin ang nakalilipas. Baka siya Lang ang napa-paranoid. Mukang tahimik naman sa parte ni Clark. Napapitlag siya ng mapansing paggalaw sa front door. Palabas ang mag-asawang Zantillan. Mabilis siyang tumayo upang batiin ang mga ito. Wearing a plain white top turtle neck pairing a blue jeans and a crisp red sweater Donya Isabel looks simple yet stunning in her short hair. Maganda ang bukas ng mukha ng Donya palangiti at masayahin. Idagdag pang napakabata nitong tingnan sa gulang na limangpo. Ang matandang Zantillan ay ganoon rin. Katulad ni Clark ay matangkad ito at sa kabila ng idad ay mababakas ang kagandahang lalaki because of his foreign ancestry. Dito namana ng binata ang features ng mukha mga tipikal na Filipino mestizo kung tawagin. Parehong nakangiti ang mag asawa. "Magandang araw po." Bagamat nahihiya ay magiliw niyang bati. "Magandang araw din sayo Anya," ganting bati ni Donya Isabel. “Hinihintay mo ba si Kate?” “Opo.” “Ang batang iyon talaga at inisturbo ka na naman.” “Wala po iyon.” Tugon niyang nakangiti. “Anya, iha, ikaw na ang bahalang magpasensya sa kakulitan ng bunso namin ha?" 'Masyadong spoiled ang batang iyon at natutuwa kaming isang katulad mo ang napili niyang maging kaibigan," wika ng Don. Namula siya. Alam niya ang ibig tukuyin ng matandang Zantillan. Kate before is one hell of disastrous brat. Maraming galit sa dalagita at siya lamang ang bukod tanging nakagaanan nito ng loob. O mas tamang sabihing nakakatiis sa mga pambu-bully nito sa SMA. Nagkataong may nakagalit itong grupo at inabangan ang dalagita at saktong naroon s'ya sa lugar. Nakita niyang dehado si Kate dahil nag-iisa lamang ito kaya’t nagmagandang loob siyang tulungan ang babae. At ang kinahantungan ay umuwi silang parehong puno ng latay at pasa ang mga katawan na bandang huli ay pinagtawanan na lamang nila. Mula noon ay nagkapalagayang loob sila ni Kate na nauwi sa pagkakaibigan nilang dalawa. "Mabuti naman at wala ka nang maidadahilan ngayon...." Si Kate na nakapamaywang at kunwa'y nakairap. "Talagang nagtatampo na ako sayo..." dagdag pa ng dalagita. "Sorry na marami lang akong ginagawa...o peace offering," ang apologetic na wika niya, sabay pakita ng hawak na maliit na basket. "Bagong luto?" Tanong ni Kate. Nakasimangot pa rin. Marahan siyang tumango. Maya-maya ay kumawala sa labi ng kaibigan ang matamis na ngiti. Lihim na nagpasalamat si Anya. Nakuha sa sumang muron ang kunwa'y tampong pururot ng kaibigan. Pumuwesto na silang dalawa sa upuang bakal. Humalik muna si Kate sa mga magulang bago napapailing at nangingiting nagpa-alam na ang mag asawa sa kanila. Saglit siyang napanatag ng malamang wala si Clark sa villa. Lumuwas raw ng Maynila ang binata dahil may mga kakailanganing asikasuhin regarding business matter, ayon na rin kay Kate. Masaya niyang pinakikinggan si Kate sa bago nitong komposisyon nang sunod-sunod na busina ng sasakyan ang maulanigan nila sa labas. Nagmamadaling tinakbo ni Mang Kulas ang gate upang pagbuksan ang kung sinumang dumating. Ilang saglit pa at pumasok sa driveway ang isang four- wheel pick up na kulay lumot. Bumundol ang kaba. Pamilyar ang sasakyan. Hindi pa man ay may ideya na si Anya kung sino ang lulan nito. Ilang saglit pa nga at umibis mula roon si Clark. Humakbang palapit sa kinaroroonan nila ang lalaki nang matanaw sila sa patio. Nagsimulang tumahip ang kanyang dibdib. Mabilis siyang tumalikod. Naging tensiyonado. "Hello, ladies?" Masayang bati ni Clark ng tuluyang makalapit. Hindi siya lumingon kahit na tumayo si Kate upang salubungin ang kapatid para batiin. Naramdaman niya ang paghila ni Clark sa upuang bakal malapit sa tabi niya. Hindi na siya mapakali ramdam na ramdam niya ang presensiya ng binata. "It’s good to see you again Anya!" wika ni Clark Gusto niyang humaruhab. Husmiyo! Ito na nga ba ang pinaka-iiwasan niyang mangyari. Gawa ng kagandahang asal ay marahan siyang bumaling sa lalaki. Pilit na ngiti ang pinakawalan. Halos gustong lumundag ng puso niya nang mapagmasdan ito. His full-out smiles pushed dimples into both cheeks. So damn handsome that took her breath away. Gusto niyang mapasinghap at kiligin. Suot ang simpleng puting kamiseta na medyo hapit sa katawan at tinernuhan ng faded maong pants na humahakab sa mapipintog nitong mga hita at binti. Idagdag pa ang brown boot designer shoes bilang sapin sa paa, tila modelo na pinilas sa magazine ang lalaki. Nasasamyo rin ang gamit nitong mamahaling pabango na napakasarap sa pang amoy. This man is sinfully attractive. Kaya hindi nakapagtatakang marahuyo ang mga kababaihan sa lalaking ito. Muli siyang nag-iwas ng tingin at kunwa'y inabala ang sarili sa music book ng kaibigan. Pilit ini-ignore ang tambol sa dibdib. Si Kate ay inabot ang maliit na kitchen knife at nag slice ng muron nagawi ang pansin roon ni Clark. "Mukhang masarap ah." Inabot nito ang isang slice. Awtomatikong sumunod ang mga mata ni Anya sa binata. "Yeah, one of my favorite and that is Anya’s recipe,” pagmamalaki ni Kate. Husme. Gusto niyang masamid sa tinuran ng kaibigan. May pa resi-recipe pa itong nalalaman. E bigas lang naman iyon na pinagiling at nilagyan ng kulay tsokolate tas iniluto sa gata at sinamahan ng mani. Simpleng pagkain lang iyon kung ikukumpara sa mga pagkain ng mga ito sa hapag. "Talaga?" sumulyap muli si Clark sa dalagita at sabay isinubo ang hawak. "Hmm. Yummy!" Anito habang kumuha pa uli ng isa pang slice. "I told you," segunda ni Kate. Nang bigla ay mahirinan ang binata, sabay pa sila ni Kate na inabot ang juice para idulot sa lalaki. Ngunit inangat ni Clark ang isang kamay senyas ng pagtanggi. "No...I preferred water instead," wika ni Clark sa gitna ng pag ubo. Nilingon ni Kate ang paligid ngunit wala itong makitang kasambahay na pwedeng mautusan. "A...ako nalang ang kukuha." Boluntaryo ni Anya na akma na sanang tatayo. "No! Stay right there..." mabilis na sansala rito ni Clark. Binalingan nito si Kate at tumingin ng makahulugan. Saglit na kumunot ang noo ng kaibigan, maya-maya ay nagpaalam itong siyang kukuha ng inumin para sa kapatid. Hindi naman nakaligtas kay Clark ang pagkadismaya ni Anya abot-abot ang tanaw nito kay Kate na tila ay gusto pang sumunod sa kapatid. Pansin niya ring masyado itong tensiyonado. "Afraid of me?" Clark asked. Napapitlag ang dalagita halatang nagulat ito. "H...hindi ." anito kasabay ng sunod-sunod na pag-iling. “You've been avoiding me for weeks. " Hindi iyon tanong kundi isang pahayag mula sa binata. ”H...hind b... bakit ko n...naman g...gagawin iyon?" Kandautal na sagot ni Anya. Naging malikot ang mata. " You're sure?" Anya nodded tightly. Ginitiwan ng pawis sa noo. "Liar!" anang binata na nagpakawala ng mahinang tawa. Oh gracious! Pati ang simpleng pagtawa lang ng lalaki ay tila musika na sa kanyang pandinig. Mula sa sulok ng mga mata ni Anya ay nakita niyang tumayo si Clark at lumipat sa katapat niyang upuan. Impit siyang napaungol ng protesta. Sa ginawa nito ay mahihirapan na siyang iiwas ang tingin rito. Nang mga oras namang iyon Clark is enjoying Anya's aloofness. Halos hindi na malaman ng dalagita kung saan ibabaling ang paningin . Tila itong uod sa asin at hindi mapakali. Pansin niya ang higpit nang hawak nito sa songhits ni Kate. Indikasyong tensiyonada ito. "Alam mo...hindi malayong magka-stiff neck ka kapag ipinagpatuloy mo iyang kaiiwas ng tingin sa akin," tudyo niya. Namula ang dalagita napayuko. "B... Bakit kasi ganyan ka m...makatingin?" "I find you beautiful and smart. Mahirap magpigil kapag maganda ang kaharap,” diretsang sagot ni Clark. Nag-init ang mukha ni Anya. Sa biglang pag-angat ng ulo ay nasalubong ang titig ni Clark, nakita niya ang panunukso sa mga mata nito. She ends up embarrassed. Ito ang pangalawang pagkakataon na kinausap siya ni Clark sa ganoong paraan. Lagi na'y tinatapunan lang siya nito ng sulyap sa tuwing nakikita niya ito sa villa. Hindi tuloy niya malaman Kung paano ito approach. Tila s'ya suspect na guilty sa krimen at naghihintay ng kaparusahan. Ramdam niya ang pagpapawis ng mga palad. Nilingon niya ang pinasukang pinto ng kaibigan. Gaano ba kahirap kumuha ng inumin at hindi pa ito bumabalik. Talo niya pa ang inahing hindi mapa-itlog. At si Clark, sa nakikita niya ay mukhang hindi naman nito kailangan ng maiinom. Tila siyang-siya ito sa panunuksong ginagawa. Pakiramdam tuloy niya ay mukhang sinadya nitong mapag-solo silang dalawa. Bakit kaya? Pakiramdam tuloy niya ay siya ang inuhaw. "You know what Anya? You always surprised me." "A…ano bang sinasabi mo?" usal niya sa mahinaang boses. Tuluyang nalito. Tumuwid nang upo si Clark at pilit na hinuli ang mga mata niya. "You know what I mean---or do I have to make you remember...” He paused a bit and looked her straight in the eye. ”Imagining how it would feel your skin touching mine. So lovely!" Anya's eyes went wide. Maging ang paglaki ng ulo ay ramdam niya. Hindi niya maitago sa mukha ang labis na pagkabigla. Nanginig siya. Tuluyang tinakasan ng kulay ang mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD