Chapter 9: Newly Discovered

1030 Words
Hinila ako ni Miss A sa loob Ng room. Ito Ang narinig kong tawag sa baklang sumalubong sa akin kanina. “Bilisan mo at magbihis ka na. Ito isuot mo. Bilisan mo Kasi nagwawala na Ang mga customers natin. Bakit Kasi Ang tagal mo pumasok? Hindi ka ba nasabihan nong nag apply ka?” panenermon pa ni Miss A sa akin pero hindi ako sumasagot dahil mas natuon Ang pansin ko sa binigay nitong damit sa akin. Halos luwa na Ang kaluluwa ko nito kung isusuot ko ito. “Pasensya na Po pero waitress Po Ang inapplyan ko. At Hindi ko Po kayang isuot ito.” Iniabot ko naman pabalik sa kanya Ang damit. Nakaramdam na rin ako ng takot Ngayon. “Kaya nga. All around Ang trabaho ng Isang waitress Dito. Waitress/Dancer at kung matipuhan ka pa ng customer swerte mo kasi tiba-tiba Ang kikitain mo. Kaya bilisan mo na Dyan. Bawal dito Ang nag eenarte” Singhal pa nito. “Pasensya na Po. Baka nagkamali lang Po Ako Ng pinasukan. Aalis nalang Po ako.” Kinakabahang Sabi sa kanya. Pinagsalikop ko na rin ang mga kamay ko dahil sa panginginig nito. “At sinong may Sabi sayong aalis ka dito. Kung ayaw mo dito pwede ka namang umalis pero hindi Ngayon dahil Walang ibang magpeperform!” lalong nanginginig ako sa takot sa sinabi nito. Nag umpisa na ring tumulo Ang aking mga luha. “Maawa na Po kayo. Hindi ko kayang Gawin Ang pinapagawa niyo. Hayaan niyo na Po ako umalis please.” Pakiusap ko pa Rin sa kanya. Bakas na Rin sa mukha nito Ang pagkairita. May tinawag ito at pumasok Ang dalawang babae. “Alam niyo na Ang gagawin sa babaeng Yan. Bilisan niyo at Marami Ng customer Ang naghihintay” utos nito sa dalawang babae. “Anong gagawin niyo sa akin?” natatarantang Tanong ko sa dalawang babaeng papalapit sa akin. Kaya napaatras naman ako dahil sa takot. Panay pa rin Ang pagtulo Ng mga luha ko. Sumilay lang Ang mga nakakaloko nilang ngiti. Nagpupumiglas ako nang hawakan ako Ng dalawang babae. “Wag po. Bitawan niyo Ako. Please maawa na kayo sa akin” pagmamakaawa ko sa dalawa pero binalewala lang ako. Hindi ko kaya Ang dalawa dahil malalaki sila. Pilit nilang pinapabuka Ang aking bibig pero pilit ko din itong itinikom. Sinuntok ako sa sikmura Ng Isang Babae kaya napanganga ako sa sobrang sakit. Kinuha Naman nila itong pagkakataon para ipainom sa akin Ang Isang tableta at nagtagumpay nga Ang dalawang babae. Napaupo ako sa sahig sapo ang aking tiyan Ng bitawan nila ako. Namimilipit Ako sa sakit Dala Ng pagkakasuntok sa tiyan ko. Ilang minuto lang ay nakaramdam na ako Ng Hilo. Pilit akong pinapatayo Ng dalawang babae at sapilitang binihisan. Nanghihina ako kaya Hindi ko kayang pigilan Ang ginawa nila sa akin. Hinila naman nila ako sa kung saan. Tanging sigawan Ng mga tao lang Ang naririnig ko. Hindi ko naaninag Ang mga tao dahil sa nanlalabong mga mata at parang umiikot Ang paligid ko. Kaya pinikit ko Ang mga mata ko. Nakaramdam na Rin ako ng init sa aking katawan. Narinig ko Ang pagtugtog Ng music. Parang may sariling buhay Naman Ang katawan ko dahil automatikong gumalaw Ang kamay ko Ng marinig ko Ang tugtog. Malamang dahil ito sa pinainom nila sa akin. Pilit Kong nilalabanan Ang aking katawan habang may natitira pa akong katinuan. “Lord, please tulungan niyo po ako” mahinang usal ko habang umiiyak. Bakit ba nangyayari sa akin ito? Simple lang Naman Ang gusto ko. Gusto ko lang matupad Ang pangarap ko para balang Araw may maipagmamalaki Ako sa mga magulang ko pag dumating Ang panahon na magkita kami. Gusto ko maging proud Sila sa akin na kahit iniwan nila ako nagawa ko pa ring buhayin Ang sarili at tuparin Ang pangarap ko. Lalong tumindi Ang nararamdaman ko sa aking katawan. Anumang Oras mawawala na ako sa aking katinuan. Hindi ko na ito kayang labanan. Biglang may dumalo sa akin at hinatak Ako. Hanggang sa hindi ko na napigilan Ang Sarili ko. Para akong nalalasing. Nag umpisang naglakbay Ang mga kamay ko sa kung sino man itong nakahawak sa akin pero pilit niya akong pinipigilan. Hanggang sa nawalan Ako Ng Malay. Ethan- Nagpunta Ako sa bar para makipagkita Kay Zion Ang kaibigan ko. Matagal na Rin kasi Akong Hindi nakapunta Dito dahil abala Ako sa Isa ko pang negosyo. Si Zion Ang namamahala Dito sa bar. Naging kaibigan ko ito dahil nakasama ko ito sa basketball team. Ahead Ako sa kanya. Graduate na Ako habang Siya ay graduating pa lang this year sa parehong kurso. Marami na Ang tao sa bar dahil Friday night Ngayon. Dumerecho Ako sa isang VIP room na palaging tambayan naming magkakaibigan kapag naghang out kami dito. “Bro, long time no see” bungad sa akin ni Zion sabay fist bump. Kami lang dalawa Ngayon dahil may pag uusapan kami tungkol sa pagpapatayo ng bagong branch. “Kumusta bro. Ang tagal mong Hindi nagpakita ah.” “Im fine bro. Naging busy lang Ako sa pag aasikaso ko ng negosyo” sagot ko sa kanya. “Woah. Bilib na talaga Ako Sayo bro. Kita mo itong bar mo dinudumog pa Rin kahit matagal mong Hindi nabibisita” “Thanks to you bro dahil Hindi mo pinabayaan itong bar” “Nag enjoy din Naman Akong patakbuhin itong bar mo bro.” “Wait here bro. I want you to try my newly discovered drinks. If it passed your taste pwede na natin itong ipa free taste sa mga customers natin. Kapag maganda Ang feedback Ng mga customers pwede na natin itong idagdag sa ating menu.” Suhestiyon ko. Nakahiligan ko kasi Ang magmix Ng mga ibat iBang klase Ng drinks kaya naisipan Kong magtayo Ng bar. “Wow. That’s great bro. Iba ka talaga. Hindi ka talaga pupunta Dito na walang baon” Saad nito bago ako lumabas Ng room. Pagkadating ko sa bartender area nagtaka Ako dahil Wala Ang bartender. Baka nag Cr lang. Hinanda ko kaagad Ang mga gagamitin ko. Madali lang Naman itong gagawin ko. Nang matapos ako aalis na sana ako nang may lumapit na waitress.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD