Chapter 8: Bagong Recruit

857 Words
Mabigat sa pakiramdam ni Charvi ang umalis sa bar na pinatatrabahuan. Malaki Kasi Ang naitutulong nito sa kanyang pag aaral at sa pang araw-araw na pangangailangan. Panay pa Rin sa pagtulo Ang mga luha sa kanyang mga mata habang naglalakad. Hanggang sa dinala siya ng kanyang mga paa sa Isang chapel. Close na ito kaya nasa labas lang siya nakatayo habang nakatingala sa langit. “Lord Hindi Naman Po ako naghahangad ng mataas. Hindi rin po ako nagrereklamo pero wag niyo Po sana akong pabayaan. Bigyan niyo Po ako ng lakas para makayanan ko Ang lahat ng mga pagsubok na darating sa aking buhay.” Mahinang usal ni Charvi. Nanatili Muna Siya Ng ilang minuto bago tuluyang umalis at umuwi sa kanyang tinitirhan. Samantala sa bar pagkaalis ni Charvi Doon ay pumasok naman Ang Isang lalaki sa opisina Ng manager. “Hindi Naman yata maganda yong ginawa mo don sa babae” Saad Ng lalaki na nagpakuha Ng atensyon sa manager. “At sino ka para sabihin sa akin Yan? Bagong empleyado ka ba dito? Kabago Bago mo pa lang Hindi ka na marunong lumugar.” mataray na sagot Ng manager Dito. “I’m someone you don’t dare to mess with” seryosong sagot ng lalaki “Bibigyan kita Ng tatlong Araw para mapabalik Ang babaeng pinaalis mo sa trabaho kanina.”dagdag pa Ng lalaki na may pagbabanta. “Empleyado ka lang at Ako Ang manager dito kaya Wala Kang karapatan na bantaan Ako! Pwede kitang tanggalin sa trabaho kahit kailan ko gusto!” gigil na sambit Ng manager. “Let’s see.” Saad ng lakaki sa naghahamong tinig at lumabas. Naiwan namang nagngitngit sa Galit Ang manager. Hinanap nito Ang BioData nong lalaking may lakas loob na pagbantaan Siya. Ngunit nahalungkat na nito lahat pero Hindi pa Rin niya ito nakita. Nagtataka Naman Ang manager dahil tanging mga empleyado lang Ang pwedeng pumasok sa kanyang opisina. Nahinto ito sa kanyang ginagawa nang tumunog Ang kanyang cellphone. “Hello?” sagot nito sa tumatawag. “Nagawa mo na ba Ang pinapagawa ko sayo?” sagot ng nasa kabilang linya “Opo Ma’am. Napaalis ko na Po” sagot Naman nito “Good. Dahil Dyan may reward ka sa akin” ngumiti Naman ito dahil sa sinabi Ng kausap. Masaya itong binaba Ang cellphone pagkatapos nilang mag usap. Hindi na nito pinansin Ang sinabi nong lalaki baka pinagtitripan lang siya nito. *** Sabado ngayon kaya maagang umalis si Charvi para maghanap Ng trabaho. Nakapag apply Siya sa isang Resto bar at natanggap Naman Siya at mag uumpisa na Siya mamayang Gabi kaya umalis siya doon na may ngiti sa labi. Pumunta naman Siya sa Isang karenderya malapit lang sa kanilang school nagbabakasakali na pwede siyang magpart time Doon. Hindi Naman ito nabigo dahil tinanggap naman Siya at pwede Ng mag start sa Monday kapag may vacant Siya. Masigla siyang umuwi sa kanyang tinitirhan. Kailangan Niya pang magpahinga dahil mahaba Ang Oras ng trabaho niya mamayang Gabi. Sa mansion Naman Ng mga Leveste ay kasalukuyang nasa opisina nito si Allison. Sa trabaho lang inuubos ni Allison ang kanyang Oras. Bihira lang din ito pumunta sa kanyang kompanya dahil mas gusto nitong magtrabaho sa Bahay lang. Ang kanyang assistant Ang nag aasikaso sa kanyang kompanya at pupunta lang sa kanya para ireport ang mga pangyayari Doon. Halos Hindi nga ito kilala Ng mga empleyado dahil bihira lang ito magpunta sa kompanya. Ang mga meetings nito kadalasan via virtual. Kapag mga investors naman sa labas naman Ang meeting nila. Nakikinig Siya Ngayon sa report Ng kanyang assistant. Binilinan din nito ang kanyang assistant sa mga dapat Gawin. Strikto ito at perfectionist pagdating sa trabaho kaya laging napepressure Ang mga empleyado nito tuwing pupunta ito sa kompanya. “Anong progress don sa pinagawa ko Sayo don sa hampaslupang babae?” Tanong nito sa assistant pagkatapos nito magreport. “Nabili ko na Po Madam yong Café at natanggal na Rin Po yong babae sa pinagtatrabahuan nitong bar. Patuloy Rin Po siyang sinusubaybayan Ng Isang tauhan natin. Naghihintay Pa po ako ng report Mula Dito” paliwanag Ng assistant. “Good. I can’t wait to see her suffer and kneel in front of me while begging” sumilay naman ang nakakatakot na ngiti nito. Tahimik lang na nakatingin Ang kanyang assistant sa kanyang boss. *** Charvi- Masigla ako Habang nag aayos Ng sarili para pumasok sa aking unang Araw sa bagong trabaho. Inagahan ko Ang pag Alis dahil hindi ko pa kabisado Ang Lugar Ng bar na papasukan ko. Past 6 na ako nakadating dahil hinahanap ko pa ang bar kaya nagmamadali na akong pumasok sa loob. Pagkapasok ko sa loob sinalubong agad ako Ng Isang bakla na natataranta. “Ikaw ba Ang bagong recruit? Tanong nito kaagad sa akin. Tumango lang Ako bilang sagot. Ngayon ko lang ito nakita dahil hindi Naman ito Ang nag interview sa akin. Ginala ko naman ang mga mata ko sa paligid habang may kinakausap ito. Marami ng mga customers pero kakaiba ito sa dating bar na pinapasukan ko. Medyo Hindi maganda Ang pakiramdam ko sa Lugar na ito pero mas iniisip ko Ang magkaroon ng trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD