Chapter 7: Trabaho

957 Words
Samantala pagdating ni James sa mansion sinalubong Siya Ng kanyang Ina na Galit na Galit ngunit Hindi ito Pinansin ni James. “Iyan ba ang napapala mo sa pakikipagrelasyon mo sa babaeng yon! Kaya mo na akong balewalain dahil sa babaeng yon!” Sigaw ng Mommy nito kaya napahinto ito at napakuyom Ang mga kamao. “Ikaw ang dahilan kung bakit ganito Ang pakikitungo ko Sayo Mom” mahinang Saad nito pero may diin. Halatang nagpipigil lang ito ng galit. “I loved and respect you so much Mom but please hayaan mo na kami. Mali Ang pagkakakilala mo Kay Layne. If you just let her prove to you. She’s one of a kind hearted woman Mom.” Pangungumbinsi pa nito. “No! Ang katulad niyang mahirap ay gagawin ang lahat para maiahon ang Buhay sa kahirapan. I know you’ve been deceived by her innocent look. I’m sure you will thank me later after revealing to you her true intention.” Pagkasabi non ay tinalikuran na Ang anak. Bahagya pang Napahinto ito nang makita Ang Asawa. “I think you’ve gone too far this time” mahinahong saad ni Edward sa Asawa. Tiningnan lang ito ng masama ni Allison. “I know what I’m doing” sagot nito “Does your hatred have anything to do with your past?” may pagdududang Tanong nito. Natigilan Naman si Allison sa Tanong ng asawa at tumulo Ang luha nito. “No. I just know what’s best for my son” pagkasabi non ay nagpahid ito ng luha at nagtuloy tuloy na sa paglalakad. Napabuntong hininga nalang si Edward. Kahit Hindi nito gusto Ang pinaggagawa Ng Asawa Hindi Naman nito pinapakinggan Ang sinasabi Niya. *** Nang matapos Ang klase ni Charvi ay dumerecho na ito sa Café. Pero nagtaka Siya dahil walang mga customers Ang café Ngayon. Pag ganitong oras kasi Marami Ng studyante Ang tatambay dito sa café. Pumasok Naman ito sa loob. Nadatnan Niya Ang mga taong nagliligpit ng mga kagamitan. Lumabas Naman Ang amo nito. “Layne, mabuti Naman at nandito ka na. Ito na Ang huling sahod mo.” Saad nito sabay abot Ng sobre “Po?” nagtatakang Tanong nito. “Pasensya na Layne. Pinagbili ko kasi itong café dahil nagipit ako” malungkot na Saad nito. Nanghinayang Naman si Charvi dahil mabait Ang amo Niya at nagustuhan niyang magtrabaho Dito dahil malapit lang sa school. “Ganon Po ba Ma’am. Sa inyo nalang Po ito ma’am” inabot naman pabalik nito Ang sobreng binigay Ng Amo. “Naku Hindi na Layne. Okay na Naman Ang lahat. Medyo Malaki din Ang ibinayad nong buyer kaya may sobra pa. Maghahanap nalang ako ulit ng pagtatayuan ko Ng panibago kong Café.” “Maraming salamat Po dito Ma’am.” Itinaas pa nito ang sobre. “Alam mo nagustuhan talaga kita dahil Ang bait at Ang sipag mo. Magpakatatag ka ha. At sana Hindi ito Ang huli nating pagkikita.” Niyakap Naman Siya nito. Malungkot na umuwi si Charvi sa kanyang boarding house. Problema na naman nito kung saan siya mag apply Ng part time. Imbis na magmukmok nag ayos Siya para maagang pumunta Ng bar. Makikiusap Siya doon kung pwede siyang magpart time Ng buong week imbis na 3 nights lang per week. Kahit na mahirap kakayanin Niya yon. Dahil Maaga pa nakarating si Charvi sa bar tumulong Muna ito sa paglilinis at pag hahanda ng mga gagamitin habang hinihintay nito Ang Manager. Saktong natapos Siya sa kanyang ginagawa ay dumating Ang Manager. Naghintay pa siya Ng ilang minuto bago siya pumasok sa opisina nito. Kumatok muna Siya Ng tatlong beses Bago pamasok. “Mabuti naman at nandito ka Ms. Vergara dahil may sasabihin ako sayo” bungad sa kanya ng Manager pagkapasok Niya. “Ito na Ang huli mong Gabi na magtatrabaho Dito sa bar” Saad nito na nagpagulat sa kanya. “Bakit po Maam? May nagawa Po ba akong mali. Please po bigyan nyo po ako ng chance itama Ang pagkakamali ko. Pag iigihan ko pa po Ang trabaho ko.” Natatarantang Saad ni Charvi. “Wala Kang pagkakamali so far Ms. Vergara pero kailangan Namin ng full time sa trabaho.” Paliwanag nito. “Pwede Naman Po ako magfulltime Maam. Kaya ko pong pagsabayin Ang pag aaral at trabaho ko. Makakaasa Po kayo na Hindi bababa ang kalidad Ng serbisyo ko dahil sa pag aaral ko. ” agad niyang sagot. “I’m sorry Ms. Vergara pero may na recruit na kaming mga bagong empleyado” pinal na Saad nito. Nakatulala namang nakatingin si Charvi sa manager. “Makakaalis ka na” pukaw nito Kay Charvi na Hindi pa rin gumagalaw. Pero dahil Hindi pa rin tumitinag Si Charvi ay ito na Ang naghila dito palabas Ng opisina. Natauhan naman si Charvi sa ginawa Ng manager. “Maam, please po kailangan ko po itong trabaho. Willing po ako magfulltime wag niyo lang Po ako paalisin. Pagbubutihan ko pa po ang trabaho ko.” Pagmamakaawa ni Charvi habang hawak Ang braso Ng manager. Nakatingin na rin sa kanila ang mga katrabaho Niya. “Hindi ka ba nakakaintindi. Hindi ka na nga kailangan Dito” sigaw nito sa kanya at iwinaksi Ang mga kamay nitong nakahawak sa manager. Hindi na napigilan ni Charvi Ang kanyang mg luha. Pilit man siyang nagpapakatatag pero pilit din siyang sinusubukan Ng hamon Ng Buhay. “Wag ka na ring magtrabaho Dito ngayon. Umalis ka na. At kayo magsibalik na sa trabaho” puna nito sa mga empleyado bago pumasok sa opisina nito. Napaupo naman si Charvi. “Paano na Ako Ngayon? Ano Ng gagawin ko?” mahinang sambit nito. Nilapitan Naman Siya Ng mga kasamahan niya sa trabaho at inaalo ito. May Isang lalaki din Ang nakamasid sa di kalayuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD