Chapter 6: I’m sorry

876 Words
Lumabas din kami pagkatapos naming mag usap at hinatid Niya Ako sa classroom. Hindi ko na rin pinansin Ang mga estudyanteng masamang nakatingin sa akin at walang ginawa kundi pag usapan Ako. “Ayos ka lang?” Bungad agad sa akin ni Leila. Inabangan talaga nila ako sa may pintuan Ng classroom. “Oo naman. Wala Naman akong mapapala kung magpadala ako sa mga pangmamaliit nila sa akin.” Malungkot kong Sabi. Kailangan ko lang making matatag para sa pangarap ko. Niyakap Naman Ako ni Leila. “Hay naku. Lumaban ka Kasi girl. Nangigigil na talaga Ako sa kanila ha. Nakakaproud ka nga dahil kaya mong buhayin Ang Sarili mo na Hindi umaasa sa iba” gigil naman na Sabi ni Jelo. “Hayaan mo na sila, wala lang Sila magawa Kaya pinagtitripan na Naman nila Ako.” “How about yong ginawa Ng Mommy ni James Sayo? Nagkausap na ba kayo?” nag aalalang Tanong ni Leila. “Yes. Nagkausap na kami tungkol doon. Kakausapin daw Niya Ang Mommy Niya.” Sabay buntong hininga. Hindi ko Rin Kasi alam Ang gagawin ko. Lumipas ang Araw Ganon pa rin Ang natatanggap Kong panghuhusga dahil sa pagkalat Ng nangyari sa Amin Ng Mommy ni James. Naghahanda Ako Ngayon dahil nag invite si James na magdinner kami sa labas. Isang simpleng black chiffon romper dress at beige blouse Ang suot ko. Nilugay ko lang din Ang medyo waivy ko na hair. Tamang natapos Ako sa pag aayos nagtext na si James na nasa labas na ito kaya lumabas na Ako. Nagtaka ako dahil huminto Ang sasakyan ni James sa isang mamahaling restaurant. “Let’s go” anyaya nito “Diyan ba tayo kakain?” alangang Tanong ko. “Yes. May problema ba” “Wala naman pero Kasi Hindi ako sanay sa mga ganitong Lugar.” Gusto ko man umayaw dahil paniguradong Hindi ako maging komportable pero ayoko din namang sayangin Ang effort niya dahil nandito na Rin kami. “Don’t worry babe. Nandito Naman ako. Just be yourself okay?” tumango nalang ako. Inalalayan Niya ako pababa Ng sasakyan at magkahawak kamay na pumasok sa restaurant. Hindi ko naman maiwasang manliit sa Sarili nang tuluyan na kaming nakapasok sa loob Lalo na Ang mga tinging ipinukol Ng ibang customers sa akin kaya napayuko nalang ako. Pinisil maman ni James Ang kamay ko kaya napaangat ulit ako. Nginitian ko lang siya para Hindi ito mag alala. Guminhawa Ang pakiramdam ko nang makarating kami sa table. Si James na Ang nag order lahat Ng pagkain dahil Hindi ko alam Ang mga nakasulat sa menu. Hindi naman nagtagal dumating din Ang mga inorder Niya at nag umpisa na Rin kaming Kumain. Hindi pa man kami nakapangalahati sa pagkain may bigla nalang lumapit sa table Namin. Saktong pag angat ko ng Mukha para sana tingnan kung sino ito nang Bigla nalang nito akong sinabuyan Ng tubig sa mukha. Napasinghap at Napatayo Ako dahil sa gulat. “Mom!” sigaw ni James at napatayo din ito. Nasa Amin na Rin Ang attention ng ibang mga customers. “Makapal talaga Ang Mukha mo! I told you already to leave my son!” nanggagalaiting sigaw ng Mommy ni James sa akin. “Hindi ko po hihiwalayan Ang anak niyo dahil lang sinabi niyo. Wala pong valid reason para sundin ko Ang sinabi nyo. Mahal ko po-“ hindi ko pa natapos Ang sasabihin ko nang makatanggap Ako Ng sampal Mula dito. “Enough Mom!” rinig kong sigaw ni James at dinaluhan ako. Hindi ko na napigilan Ang pagtulo ng luha ko. Halo Halo Ang nararamdaman ko ngayon. Kailangan bang maranasan ko Ang mga ito? Nagmahal lang Naman Ako. Simula noong bata pa ako pinangarap ko na sana may ibang taong magmahal sa akin maliban Kay sister Anna. Pero ngayong may tao namang nagparamdam sa akin ng pagmamahal ganito Naman Ang nangyayari. Bakit ba ipinagkakait nila ito sa akin? Hindi naman Ako masamang tao. Hindi ba Ako karapat dapat mahalin? “Hindi ako titigil hanggat Hindi ka lalayuan ng pobreng babaeng yan!” nanatili lang akong nakayuko habang hawak Ang namamanhid kong Mukha. “She’s my girlfriend Mom at Wala ka ng magagawa don.” Dinig kong sabi ni James at inalalayan na ako palabas. “Where are you going James. We’re not yet done. James!” sigaw ng Mommy nito pero tuloy tuloy pa Rin Ang pag alis Namin. Hindi man lang ito nilingon ni James. Hindi ko tuloy maiwasan Ang maguilty dahil sa nangyari ngayon sa kanilang mag Ina nang dahil sa akin. Walang imik naman kami sa loob ng sasakyan habang binabaybay Ang daan. Gusto ko Mang magsalita pero Hindi ko alam kung paano ko umpisahan. Hindi ko namalayan nakarating na pala kami sa boarding house ko. Pinapakiramdaman ko muna si James. Nakatutok lang ito sa kanyang harapan kaya gumalaw na ako para sana bumaba nang magsalita ito. “I’m sorry for what happened” Saad nito pero Hindi nakatingin sa akin. Tumango lang Ako dahil Hindi ko masabing okay lang dahil Hindi Naman talaga okay. Hindi na ito nagsalita kaya bumaba na Ako Ng sasakyan. “James, please wag Kang magalit sa Mommy mo.” Bilin ko bago ko Sinara Ang pinto. Malungkot akong Nakatanaw Nalang sa papalayong sasakyan. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD