Maaga akong nakarating sa bar dahil sa pag undertime ko kanina. Mag 6 pa lang ng Gabi pero may mangilan ngilan na ring pumapasok na customer. Pangmayaman itong bar na napasukan ko. Mabuti nalang tumatanggap Sila Ng part time. Binati naman ako Ng mga kasamahan ko at mga bouncer. Mabuti din at magkakasundo kaming lahat dito. Naging kaibigan ko din sila.
Pumunta Muna ako sa locker ko para makapagpalit Ng uniform. Isang white polo shirt na may design na red sa gilid at above the knee white shorts Ang uniform Namin Dito. Pinusod ko ang mahabang buhok ko para Hindi sagabal pag nagseserve. Siguradong maraming tao Ngayon dahil Friday. Pagkatapos Kong mag ayos lumabas na Ako at pumunta sa counter para magtime in.
Maya Maya lang dumagsa na Ang mga taong pumapasok sa bar kaya naging busy kami. Nandito Ako Ngayon SA counter habang hinihintay Ang order na drinks na hinahanda Ng bartender. Hindi ko Naman maiwasang isipin Ang nangyari kanina. Panay Rin Ang tawag ni James sa akin kanina.
“Miss…miss are you okay?” untag sa akin ng Isang lalaki. Hindi ko namalayan na nakatulala na Pala Ako at umiiyak. Pinahid ko Muna ang mga luha ko bago sumagot.“
“Sorry. Okay lang ako”sambit ko nalang. May inabot Naman Siya sa akin. Tiningnan ko ito. Isang panyo. Nakatitig lang Ako Dito. Nilagay Niya ito sa aking kamay nang Hindi ko ito kinuha at umalis. Hindi ko masyadong namukhaan ito dahil medyo dim Ang light Dito. Employee ba yon Dito? Nasa bartender area kasi ito. Tsaka Ngayon ko lang din ito nakita.
Pinasok ko nalang sa bulsa ko Ang panyo at umalis na din para iserve Ang drinks. Medyo napagod Ako Ngayon dahil sa sobrang Dami ng tao. Pero Masaya Naman Ako dahil marami rami Ang natanggap Kong tip. Tapos na Ang duty ko Kaya pumunta na ako sa locker para magbihis ulit.
Bigla namang nalaglag Ang panyo sa bulsa ko habang nagbibihis. Pinulot ko ito at tiningnan. May Nakita akong initial na nakaukit sa panyo. E.D.G. Kapansin pansin din Ang Amoy Ng panyo na amoy mamahalin. Sino kaya yong lalaking yon?
Nagmamadali kong niligpit Ang mga gamit at lumabas nagbabakasakali na mahanap ko ulit Ang lalaki para maibalik ko Ang kanyang panyo. Hindi ko Naman ito nagamit. Ngunit Hindi ko pa rin ito nakita. Nagtanong Tanong pa ako sa mga kasamahan ko kung Kilala nila ang lalaking hinahanap ko pero puro hindi Ang mga sagot nila.
Napagdesisyonan ko nalang umuwi. Dala Dala ko pa Rin ang panyo sa mga sumunod na Araw na pasok ko sa bar umaasa na Makita ko ulit Ang lalaki. Hindi ko alam kung bakit Ganon nalang Ang kagustuhan Kong Makita ulit Ang lalaki siguro gusto ko lang magpasalamat. Hanggang sa natapos Ang duty ko Hindi ko pa Rin Nakita ang lalaki.
Monday Ngayon at pasukan na Naman. Maaga akong pumasok Ngayon dahil baka sunduin na Naman ako ni James. Hanggang Ngayon Hindi ko pa Rin sinasagot Ang text at tawag nito. Hindi ko alam kung paano ko ito haharapin.
Mga bulong bulongan Ng mga estudyante Ang bumungad sa akin pagkapasok ko Ng campus.
“Hay grabe Naman. Nakuha pa niyang pumasok sa kabila Ng nangyari. Pag Ako talaga sasabihan Ng Ganon Hindi na Ako lalabas ng bahay.” Rinig Kong Sabi Ng Isang studyante. Tumingin naman ako sa gawi nila. Alam Kong Ako Ang pinaparinggan nila dahil nakatingin Silang lahat sa akin. Hindi ko nalang Sila Pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.
“Babe” tawag Ng Isang lalaki. Pero Hindi ko ito nilingon. Alam Kong si James ang tumatawag kaya Nagtuloy tuloy at binilisan ko pa ang paglalakad. Pero Hindi pa man Ako nakakalayo nahawakan Niya na Ang kamay ko.
“Please let’s talk” pakiusap nito. Lalo namang nagbulongan Ang mga studyante. Sumama nalang Ako Kay James total Maaga pa Naman sa first subject ko. Hindi ko Rin pwedeng iwasan nalang Siya palagi. Mabuti na Rin Ang mag usap kami tungkol sa nangyari.
Lumabas ulit kami Ng campus at pumunta sa kanyang sasakyan. Doon lang Naman kami sa loob. Hindi kami umalis.
“I heard Mom talked to you” panimula niya. “I want to apologize on her behalf” seryosong Sabi nito.
“Hindi dapat Ikaw Ang humingi Ng sorry para sa iba James. At Ang pagsosorry ay para lang don sa mga taong nakagawa Ng Mali o kasalanan na hindi nila sinasadya. Pero sa kaso ng Mommy mo sinabi Niya yong mga masasakit na katagang yon Ng walang pag alinlangan.” Nag umpisa na namang tumulo Ang mga luha ko.
“Aminado Naman Ako na mahirap lang Ako at Hindi ko kinakahiya yon. Kaya nga nagpupursige ako sa pagtatrabaho para makapagtapos sa pag aaral. Pero dahil sa kahirapan ko masyado nilang minaliit at hinusgahan Ang pagkatao ko. Okay lang sa akin na lait laitin, maliitin Ng ibang tao. Hindi ko Sila pinapatulan Basta Hindi nila idadamay Ang mga mahal ko. Pero James sa ginawa Ng Mommy mo sobrang nasaktan ako.” Tuloy tuloy na Ang daloy Ng luha ko. Gusto ko lang ilabas Ang saloobin ko.
“Im sorry babe” niyakap Naman Niya Ako.
“Gusto Ng Mommy mo na hiwalayan kita” Saad ko. Bumitaw naman ito sa pagkakayakap sa akin at tiningnan ako na parang gustong basahin Ang nasa isipan ko.
“Handa pa niya akong bayaran Ng Malaki para hiwalayan ka” dagdag ko pa. “Ang tingin niya sa aming mahirap kaya niya kaming bayaran kahit Buhay pa namin. Bat Ganon? Wala na ba kaming karapatang umibig sa taong gusto namin dahil mahirap lang kami?” himutok ko pa.
“Aware Naman Ako na malayo Ang estado natin sa buhay. Pero Hindi ako nakipagrelasyon Sayo dahil sa yaman mo. Kaya Kong buhayin at iangat Ang Sarili ko na Hindi umaasa sa iba. At Hindi Rin Ako naghangad na yumaman. Ang gusto ko lang Naman matupad Ang pangarap ko at makasama Ang mga mahal ko.” Patuloy pa rin sa pagtulo Ang luha ko.
“Babe. I know your hurt but please don’t give up on us. Malalampasan din natin to. Kakausapin ko si Mommy. Maybe nagalit lang siya dahil Hindi ko nasabi sa kanya ang tungkol sa atin”
“Mahal kita James. Kung kailangan Kong ipaglaban ka sa pamilya mo gagawin ko. Ayaw ko lang maapektuhan ka. Ayokong maging dahilan na magkagalo kayo ng pamilya mo. Kahit Hindi ko naranasang magkaroon ng pamilya, pinapahalagahan ko ito.”
“I know babe that’s why I love you because you have a good heart. Let’s face this together hmm? Just don’t avoid me again. If something like this happens again please tell me right away.” Masuyong Saad nito. Hinalikan nito ang noo ko at niyakap Ako. Medyo gumaan din Naman Ang nararamdaman ko.