Chapter 4: Support

1250 Words
Charvi- Friday Ngayon kaya nandito Ako sa Café dahil vacant Ang schedule ko buong maghapon. Ang mga kaibigan ko Naman ay may kanya kanyang pinupuntahan. Masigla along nagseserve Ngayon sa MGA customers. Masaya lang Kasi sa pakiramdam na smooth Ang relasyon namin ni Michael. Kinikilig pa ako habang iniisip ko Ang mga ginigawang kasweetan nito sa akin. Bigla Naman may dumating na Isang sopistikadang babae. Nakatulala pa akong nakatingin Dito. Pero nakakapagtaka lang Kasi parang Hindi ito yong tipo na pumunpunta sa ganitong Lugar. Pero sinalubong ko pa rin ito na may malapad na ngiti. “Good afternoon po!” masiglang bati ko Dito pero nilagpasan lang ako. Sumunod Naman ako Dito para makuha Ang orders nila. Nagtataka Naman ako dahil Hindi umupo Ang babaeng nasa 50’s Ang edad at patingin tingin lang sa buong Café. “Maam dito Po kayo umupo” Alok ko Dito at pinaghila pa ng upuan. “No need. I will not stay long in this filthy place” nandidiring Sabi nito. Nagtinginan tuloy Ang mga iBang customers dito na kadalasan mga estudyante. Madalas kasi Dito tumatambay Ang mga estudyante sa school Namin. Nawala naman Ang sigla at ngiti ko dahil sa sinabi Ng Ginang. Mukha itong mayaman at ito yong tipo na Hindi mag aabalang pumunta sa ganitong Lugar. Bat Siya nandito kung Ganon. “I want to talk to you” seryosong Saad nito na nagpakunot sa akin. Tiningnan pa niya Ako Mula Ulo Hanggang paa na parang nang uuyam. “Po?” naguguluhang tanong ko. Anong kailangan Niya sa akin? Hindi ko naman ito kilala. “Tss. Slow. Sabagay Ganon naman pag mahirap” pang maliit pa niya kaya napakuyom Ang mga kamay ko. Hanggang dito ba naman. At sino Siya para maliitin Ako. Huminga akong malalim at pinakalma Ang sarili. “Leave my son!” Saad nito na nagpagulat sa akin. Ibig Sabihin Mommy Siya ni James. “Ang mga katulad mo ay Hindi nababagay sa anak ko. Look at you! Have you seen yourself? Hindi ka ba pinagsabihan Ng mga magulang mo kung saan ka lulugar?” dagdag pa nito. Hindi naman Ako nakapagsalita. Naramdaman ko Ang mga luhang nangingilid sa mata ko. “How much?” May kinuha Naman ito sa kanyang bag. “Siguro Naman this is enough para layuan mo ang anak ko” Sabi nito habang nagsusulat. Inabot nito sa akin ang isang Cheque. Pero Hindi ko ito tinanggap. “Leave my son or else you will suffer with the consequences” may diin nitong sabi sabay hagis ng Cheque sa mukha ko at umalis. Natulala lang ako sa nangyari. Nang mahimasmasan Ako pinulot ko Ang cheque na nalaglag sa sahig. Ni Hindi ko tiningnan ang nakasulat Doon. Hinabol ko Ang ginang na naabutan ko sa labas Ng Café pasakay na sana ng sasakyan. “Maam” tawag ko sa Ginang. Napahinto naman ito at lumingon sa akin. Tinaasan pa niya Ako Ng Kilay. “Kulang pa ba? My bad, Hindi pala kayo marunong makontento” saad pa nito “Kaming mga mahihirap ay Hindi tumatanggap Ng Pera na Hindi Namin pinaghihirapan. Kunin niyo to at ipunin baka darating ang panahon maghirap kayo at Hindi nyo kakayanin.” Sabay abot ko sa cheque. Tiningnan Niya lang ito at Hindi tinanggap kaya tinapon ko din ito sa harapan niya at umalis. Pumasok ulit ako sa Café habang pinapahid Ang luhang tumutulo sa mga mata ko. Sobrang sakit Ng mga binitiwan nitong salita Lalo na Ang pagbanggit nito ng mga magulang ko. Ano kaya ang Buhay ko Ngayon kung Hindi ako iniwan Ng mga magulang ko sa ampunan? Wala ding nag ampon sa akin dahil napakasakitin ko daw noon. Noong 5 years old na ako hindi Naman Ako pumapayag sa tuwing may mag aampon sa akin dahil hinihintay Kong babalikan ako ng pamilya ko Doon. Nakikiusap Ako kina Sister Anna na kahit magtrabaho Ako Doon para lang Hindi nila ako ipaampon hanggang sa lumaki ako. “Ok ka lang Layne?” tanong ni Ma’am Giselle Ang may Ari nitong Café. Tinatawag Niya ako sa second name ko. Hindi ko namalayang lumapit ito sa akin. “Opo Ma’am. Pasensya na po” pinahid ko Ang luha ko at inayos Ang Sarili. Mabait Naman ito sa amin kaya nagtagal ako dito. Bumalik Naman ako sa pwesto ko. Nakatanggap Ako Ng message galing Kay James na susunduin niya Ako Kaya nag undertime ako. Hindi ko alam kung paano Siya harapin dahil sa ginawa Ng Ina niya. Umuwi Muna ako sa boarding house para magbihis at pupunta naman Ng bar para sa pagpapart time waiter ko Doon. Byernes, sabado at linggo Ng Gabi ang pasok ko doon. *** Samantala sa Mansion ng mga Leveste nag aalburutong umuwi si Allison. Hindi niya akalain na magagawa iyon sa kanya ng babae. Dumerecho Siya sa kanyang opisina at Doon nilabas Ang kanyang Galit. Pinaghahagis nito Ang anumang bagay na Makikita niya. “Ahh..Ang kapal Ng Mukha mong kalabanin Ako! Isa ka lang hampaslupa!” Pagsisigaw nito habang pinaghahagis Ang mga gamit. Nasa labas lang Ng opisina nito ang kanyang assistant naghihintay na kumalma ito. Kilala na nito Ang boss na Ganon kapag nagalit kaya hinayaan Niya Nalang ito. Nang Hindi na nito naririnig Ang pagsisigaw Nito ay pumasok na ito sa loob. Bumungad sa kanya Ang mga gamit na basag basag at nagkalat sa sahig. Parang binagyo Ang loob Ng opisina. Nakita Niya Ang kanyang boss na nakaupo at nakasandal sa kanyang upuan habang nakapikit. “Gipitin mo Ang may Ari ng Café na pinagtrabahuan Ng babaeng yon. Kahit bilhin mo pa ang Café na yon. At yong iba pang pinapasukan ng babae na yon. Tingnan natin kung Hanggang saan ang kaya Niya kung Wala na siyang mapagtatrabahuan. Gusto Kong maghirap Lalo Ang babaeng yon at lumapit sa akin na nagmamakaawa.” Puno Ng Galit nitong sabi. “Masusunod po Madam” sagot Naman Ng assistant. “Anong nangyayari dito?” biglang Sabi Ng Isang lalaki na nasa pintuan. Kaya napatingin Ang dalawa Dito. “Ano ba sa tingin mo!” inis na sagot ni Allison sa Asawa niyang si Edward. Lumapit Naman ito sa table Ng Asawa at tiningnan pa Ang mga nagkalat sa sahig. “Sino na naman ang nagpainit ng ulo mo?” “Wag mo nalang akong pakialaman. Ang pakialaman mo yong anak mo!” Singhal nito. “Hindi kita pinapakialaman and what about James?” kalmadong Tanong nito. “See. Hindi mo alam kung Anong pinaggagawa Ng anak mo! Kahit nilalandi na Siya Ng babae! Wala ka man lang pakialam” “Malaki na si James at matalino. Alam Niya Ang mga ginagawa Niya. Isa pa lalaki Ang anak natin. I know he has a girlfriend.” “And okay lang Sayo? Paano kung mabuntis Niya Ang babaeng yon! Alam mo ba kung Anong klaseng babae yong girlfriend Niya?” sigaw ni Allison sa asawa. Nagbuntonng hininga Naman si Edward. “Look, as I have said Malaki na Ang anak natin. Kung sino man Ang nagugustuhan Niya hindi na natin hawak yon. I will support him Kung saan Siya Masaya.”saad nito at tumalikod na. Hindi pa man ito tuluyang nakalabas lumingon ulit ito sa asawa at nagsalita. “I know you’re worried about your son, but please don’t do anything that will hurt him.” Saka ito tuluyang umalis. Lalo namang nagngitngit sa Galit si Allison. “Hindi ko hahayaan masira Ng babaeng yon Ang Buhay ng anak ko!” mahinang usal nito habang nakakuyom Ang mga kamay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD