Bigla namang nahagip Ng mata ko ang isang familiar na babae na patingin tingin sa bar. Pumasok ito sa loob. Umalis naman Ako para sundan ito.
“Bro saan ka pupunta?” tawag sa akin ni Zion.
“Wait for me bro. May titingnan lang ako.” At nagtuloy tuloy na sa paglalakad patawid sa kabila. Pagkapasok ko sa loob hinanap ko kaagad yong babae. Pero Hindi ko ito Makita. Isa Pala itong club kung saan may babaeng magsasayaw sa stage at baka may extra service pa. Anong ginagawa nong babae dito? Nagtatrabaho ba siya dito?
Patuloy pa Rin ako sa paghahanap. Napagpasyahan Kong lumabas nalang nang Hindi ko ito Makita. Baka namalikmata lang ako. Nitong mga nakaraang Araw kasi Hindi mawala sa isipan ko Ang Mukha ng babae.
Palabas na sana ako nang biglang may narinig akong nag uusap kaya napahinto ako. Hinanap ko yong nag uusap at lumapit dito na Hindi nila namamalayan.
“Ano na, napainom niyo na don sa babae?” tanong Ng Isang bakla don sa kausap.
“Opo Miss A. Maya Maya Po dadalhin na ito sa stage kapag tumalab na Ang gamot”
“Good. Siguradong tiba tiba Tayo ngayong Gabi dahil siguradong pag aagawan yong babaeng yon dahil maganda at mukhang inosente.” Excited na Sabi nito.
“Oo nga po. Medyo nahirapan nga po kami dahil nanlaban kaya nasuntok ni Carla sa tiyan.” Natigil Ang usapan nila nang maghiyawan Ang mga tao dito sa loob.
Nakita ko si Layne na nakatayo sa stage suot Ang kakapiranggot na damit. Kita ko Dito na nilalabanan nito ang kanyang Sarili. Napakuyom Ang kamay ko at nag igting Ang panga ko nang makitang halos dakmalin na siya ng mga lalaki. Hinubad ko Ang aking coat at tumakbo paakyat sa stage at dinaluhan ito. Hinatak ko ito sa likuran ng stage. Rinig ko pa ang pagsisisigaw ng mga kalalakihan dahil Hindi nagustuhan Ang ginawa ko. Pero hindi ko na ito pinansin.
“Nasaan Ang mga gamit niya?” Sigaw ko sa Isang babae. Nagmamadali naman itong kinuha at inabot sa akin ang bag ni Layne.
“Nasaan Dito Ang emergency exit?” sigaw ko ulit sa babae. Hindi naman ito natinag na parang walang balak sumagot.
“Sabihin mo kung ayaw mong Sumabog yang Ulo mo” pananakot ko sa babae. Effective naman dahil tinuro nito Ang pinto.
Nahirapan ako habang inalalayan ko si Layne palabas dahil kung saan saan naglalakbay Ang mga kamay nito sa katawan ko. Hindi ko na rin maiwasan Ang mag init kaya wala akong choice kundi patulugin ito. Natutunan ko ito nong nagtraining Ako ng self defense.
Nagulat Naman si Zion nang Makita niya Akong may dalang babae.
“You drive” Saad ko dito habang ipinasok si Layne sa likod ng sasakyan. Sumunod naman si Zion at sumakay sa driver side.
“What happened bro?” Tanong ni Zion.
“Later bro. Please drive to the nearest hospital” Saad ko dito habang hawak ko si Layne. Siguro nandoon ito para magtrabaho. Sa narinig Kong usapan kanina parang pinilit nila si Layne. Pagbabayaran nila itong ginawa nila Kay Layne. Hindi ko Rin maiwasang Magalit don sa manager dahil kung Hindi lang ito pinaalis sa trabaho Hindi sana ito sinapit ni Layne.
Pangalawang Gabi na ito ni Layne sa hospital. Iniisip ko baka hinahanap na Siya Ng pamilya Niya. Hindi ko Rin alam paano kontakin Ang pamilya nito dahil lowbat Ang cellphone nito. Nagising na ito kanina pero Hindi ko Rin nakausap dahil umalis Ako. Pagbalik ko naman natulog ulit ito.
Tinititigan ko Ang maamo niyang Mukha habang mahimbing na natutulog. Walang bakas sa mukha Niya Ngayon Ang sakit at lungkot Hindi katulad noon na lagi ko siyang nakikitang umiiyak. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit Ganon nalang Ako kung mag alala sa kanya sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak. Parang gusto ko siyang yakapin at pawiin Ang lungkot na nararamdaman Niya. Parang gusto ko siyang protektahan sa mga taong gustong manakit sa kanya. Gusto Kong masilayan Ang kanyang mga ngiti. Naaawa lang siguro Ako sa kanya.
Kinabukasan Maaga akong pumunta sa bar. Hindi ko na hinintay na magising si Layne. Nag Iwan nalang Ako Ng fruits at note. Pinabantayan ko din Muna Siya sa Isang nurse.
Sarado pa Ngayon Ang bar dahil Maaga pa. Pumunta lang talaga Ako Ngayon para makaharap Ang manager. Hindi Ako revengeful na tao pero Hindi ko Rin tinotolerate Ang maling Gawain Ng Isang tao Lalo na kung nakakasakit na sa kapwa.
Nadatnan ko si Zion at Ang manager Pagdating ko sa office. Nagulat pa Ang manager pagkakita Niya sa akin.
“Bro, This is Manager Richel and manager this is Ethan the owner of this bar” pakilala ni Zion sa aming dalawa. Bakas sa mukha nito Ang pagkagulat. Nagkumahog Naman itong tumayo para sana I greet ako pero pinigil ko ito.
“No need. Noong una nating kita ang lakas ng loob mo na sagutin at sigawan Ako dahil Ang alam mo Isa lang Akong mababang empleyado ngayong nalaman mo na Ako Ang may Ari nagkukumahog ka pang bumati. Bakit iba ang trato mo sa mababa at nakakataas Sayo gayong pareho lang Naman kaming tao?” nakayuko Naman ito at Hindi makatingin sa akin.
“Pasensya na po sir sa inasal ko”
“Remember Ms Vergara?” Tanong ko Imbis na sagutin Ang paghingi Niya Ng paumanhin. Nalilito Naman itong tumingin sa akin.
“Anong dahilan bakit mo Siya tinanggal sa trabaho?” naglumikot Naman Ang mga mata nito.
“Ahmm d-dahil Hindi niya nagagawa Ng mabuti Ang trabaho Niya.” Sagot nito
“Paano mo nasabi Yan? Anong basehan mo?” alam Kong nagsisinungaling Siya. Pero gusto Kong Malaman kung ano ba talaga Ang dahilan.
“Ayaw ko sa lahat Ang sinungaling. Don’t test my patience Miss Richel. You have no idea of what I’m capable of.”
“I’m sorry Sir. Napag utusan lang po ako. May pumunta po dito sa bar na babae at kinausap ako. Gusto Niya lang daw na matanggal si Ms Vergara sa trabaho kapalit Ng Hindi nila panggugulo Dito sa bar.” Pag Amin nito.
“Who?” gusto Kong Malaman kung sino at Anong dahilan Nila para Gawin yon Kay Layne gayong Mukha Naman itong mabait at inosente.
“H-hindi ko Po nakuha Ang pangalan Sir”
“Did they bribed you?” nataranta naman ito
“Clear your office now and leave” Saad ko. Sa galaw pa lang niya alam ko na Ang sagot.