Chapter 12: Hospital

1084 Words
Lumabas na ako. Hindi ko na hinintay Ang Sasabihin Niya. Sumunod Naman sa akin si Zion. Gusto Kong icheck sa CCTV kung sino yong babaeng tinutukoy nito kaya tinawagan ko si Alex Ang kaibigan ko. Ito Ang makakatulong sa akin para Malaman kung sino yong babaeng tinutukoy Ng Manager. “Bro, do you know that girl? Hindi ko Kasi yon napansin nong pumunta Ako dito sa bar.” tukoy ni Zion Kay Layne. Hindi nito nakikita Ang Mukha ni Layne nong hinatid Namin ito sa hospital. “No. Nakita ko lang siya ilang beses dito sa bar” sagot ko habang patuloy pa Rin sa paglalakad. Nagmamadali Ako dahil makikipagkita pa Ako Kay Nigel Ang kaibigan Kong Attorney para i-discuss Ang tungkol sa nangyari Kay Layne sa club na yon. “Bakit ganyan ka mag alala sa kanya?” usisa pa nito. “Naawa lang Ako sa sinapit niya bro. Gusto ko lang siyang tulungan. I have to go. May pupuntahan pa ako.” Paalam ko sa kanya at nagmamadaling sumakay sa sasakyan ko. “Bro, what’s up? Bati ni Nigel sa akin pagdating ko sa Office. Isa itong lawyer. Nagfistbump Naman kami. “Bro I need your help” Saad ko pagkaupo ko sa sofa. “What is it bro?” Tanong nito. Isinalaysay ko Naman ang nangyari Kay Layne doon sa club. “Is this girl your girlfriend?” tanong nito na may malokong ngiti. “No bro. I’m only a concern citizen” seryosong sagot ko. “Hmm, I see” sagot nito na parang Hindi kumbinsido at pangiti ngiti pa. “Hey! Stop what your thinking bro. It happened lang Kasi that she’s one of my employee sa bar that’s why I’m helping her.” Paliwanag ko sa kanya. “Your guilty bro. Your being defensive.” Natatawa nitong sabi. “Anyway, pag aralan ko itong case Niya. Please send me kung Anong evidence Meron ka Lalo na yong sa medical results Niya.” “Okay bro. Thanks” aalis na sana Ako nang may natanggap akong notification. Kinuha ko Muna Ang cellphone at tiningnan ito. Isa itong YouTube link na pinasa ni Zion. Dahil curious Ako binuksan ko Ang link. Nagulat Ako Ng Makita Ang video ni Layne na nangyari sa Club. “What’s wrong bro?” takang Tanong ni Nigel kaya binigay ko sa kanya ang cellphone para Makita Niya ito. “First you need to do something to stop this video bro. Then trace who’s behind it” Saad nito pagkatapos mapanood Ang video. “Thanks bro. I need to go bro” paalam ko sa kanya. Nagmamadali Naman Akong lumabas. Pagkadating ko sa sasakyan tinawagan ko agad si Alex. “Hello” sagot ni Alex “Bro, may pinasa Ako sayong link. Please help me stop spreading the video and find out who’s behind it” Saad ko Dito. “Got it bro. Do you want me to send it to you or you will come over.” “Let’s meet nalang sa office ko bro dahil may ipapagawa pa Ako Sayo.” Pagkatapos naming mag usap ay pinaharurot ko Ang sasakyan papuntang hospital. Nag aalala Ako Kay Layne baka Makita niya Ang video. Pagdating ko sa room ni Layne naabutan ko Ang Isang Babae na nagliligpit Ng higaan. “Nasaan Ang patient na nakaconfine Dito?” Tanong ko sa babae. “Nadischarge na po Sir” sagot nito. Iniwan ko na ito at pumunta sa nurse station. Nakita ko yong nurse na pinakiusapan Kong magbantay kay Layne. “Miss, yong patient sa Room 309? Tanong ko Dito. “Sir, nakiusap Po Siya Kay doc kanina na madischarge na siya dahil kailangan Niya daw Po pumasok sa school. Pinayagan Naman Po siya ni Doc dahil okay na Naman Po siya.” Paliwanag nito. Wala Naman Ako nagawa kundi umalis nalang doon. Gusto ko Sana itong makausap kaso Hindi ko na naabutan. Pagkasakay ko Ng sasakyan sakto namang nagring Ang cellphone ko. Si Zion Ang tumawag. “Yes bro” sagot ko dito. “Bro, have you watched the video? Yong girl sa video yon yong niligtas mo sa club non, right? “Yes bro” pag kompirma ko. “School mate ko pala Siya bro and girlfriend din Siya Ng friend Kong si James.” Nagulat Naman Ako sa sinabi nito. Marami pa itong kwenento pero Hindi ko na ito napakinggang mabuti dahil parang kumirot Ang puso ko nang malamang may boyfriend na pala ito. Pagkababa Ng tawag ay pumunta nalang Ako sa opisina ko. Charvi- Nagising Ako sa isang hospital. Inalala ko Naman Ang nangyari Kung bakit Ako narito. Naalala ko Ang nangyari sa bar, yong pwersahang pagpapainom Ng tablet sa akin. Tumulo na Naman Ang luha ko nang maalala iyon. Pero sino Ang nagligtas sa akin. Paano ako nakaalis doon at napunta dito sa hospital. Napansin ko naman Ang mga prutas at note katabi lang nitong higaan ko. Kinuha ko Ang note. “Good morning. Sorry Hindi na kita nahintay magising. May pupuntahan lang Ako pero babalik din Ako. E.D.G” basa ko sa note. Siya kaya yong tumulong sa akin sa club at nagdala sa akin dito sa hospital. Biglang bumukas Naman Ang pinto at iniluwa Ang Isang nurse. “Hi good morning, gising ka na Pala. May kakaiba ka bang nararamdaman?” malumanay nitong Tanong. Chineck din nito Ang suero ko. “Wala Naman” sagot ko sa kanya. “O Sige. Ipaalam ko lang Kay Doc na gising ka na” Saad nito. Aalis na sana ito nang magsalita Ako. “Ahmm Miss, sino Po yong nagdala sa akin dito?” “Si Mr. De Guzman Po Ma’am. Umalis lang Po si Sir. Babalik Naman daw po siya.” “Ilang Oras na Po Ako nandito?” Tanong ko ulit baka Malaki na Ang babayaran ko dito sa hospital mukhang private pa Naman ata itong pinagdalhan sa akin baka kulangin Ang ipon ko. “Pang 2 days niyo Po Ngayon Ma’am” “Po?” gulat Kong sambit. Ganon na Ako katagal dito. Hala magkano na kaya Ang babayaran ko. “Wag Po kayong mag alala Ma’am. Settled na Naman Po ni Sir Ang bills nyo” nakangiti nitong Sabi. Nabasa Niya ata ang iniisip ko. “Pwede na Po kaya akong lumabas?” “Hintayin niyo Po si Doc ma’am. Siya Po Ang magsasabi sa Inyo kung pwede na kayong lumabas. Maiwan ko Po Muna kayo Ma’am para mainform ko si Doc.” Paalam nito. Tumango lang Ako bilang sagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD