Kinuha ko Ang aking bag para sana tingnan kung may tumawag o nagtextpp sa akin kaso lowbat ito kaya binalik ko ulit ito sa bag.
Hindi Naman nagtagal pumasok Ang Isang Doctor.
“Good morning Po Doc” bari ko sa kanya.
“Hi, good morning din. Hindi ba masakit Ang Ulo mo or nahihilo?” Tanong nito habang chinecheck Ang mata ko.
“Hindi Naman Po Doc. Medyo masakit lang Po itong sa tyan ko.” Sagot ko sa kanya at tinuro ko pa Ang tyan ko.
“Dahil Yan sa pagkakasuntok Sayo. Aware ka naman sa nagyari Sayo right? Kung gusto mo magsampa Ng kaso magrequest ka lang Ng medical records mo para evidence”
“Okay po Doc. Salamat Po. Pwede na Po ba ako makalabas Doc?
“Yes. Base Naman sa huling lab test mo ay normal Naman na lahat Ng results. Resetahan lang kita ng gamot para bumalik agad Ang lakas mo.
Pagkalabas ko ng hospital ay dumerecho na Ako sa aking boarding house. Kumain din Muna Ako Ng lunch Bago pumunta Ng school. Maghalf day nalang Ako.
Pagkapasok ko Ng gate nakatingin Naman lahat Ng mga studyanteng nadadaanan ko. Kanya kanya itong bulongan. Hindi ko nalang ito pinansin dahil sanay na Naman Ako. Ito Naman Lagi Ang ginagawa nila tuwing papasok Ako Ng school.
“Oh my God. Nakuha pa Niya talagang pumasok. Di na Siya nahiya!” Rinig Kong Sabi Ng Isang babae.
“Ano ka ba. Hindi na Yan marunong mahiya. Nakuha nga niyang magtrabaho sa ganong lugar eh” sagot Naman Ng Isa. Nagtuloy tuloy nalang Ako sa paglalakad.
Humahangos namang sinalubong sa akin si Jelo kasunod din Ang iba naming kaibigan.
“Oh my gay. Nakailang tawag na ako Sayo pero Hindi kita makontak. Ano bang nangyari Sayo?” hingal nitong Sabi.
“Pasensya na lowbat Kasi Ako. Galing akong hospital. Kanina ko lang nacharge Ang cellphone ko pagdating ko sa boarding house pero Hindi ko pa ito nabuksan dahil nagmamadali na akong pumunta Dito sa school.” Paliwanag ko.
“Hospital? Anong nangyari Sayo? May kinalaman ba yon Dito?” kinuha Niya Ang kanyang phone at may pinakitang video sa akin. Nanlaki Naman Ang mga mata ko at kinuha ko pa Ang phone niya para makitang mabuti kung Ako ba talaga yong nasa video.
Nag umpisa na namang tumulo Ang luha ko habang pinapanood ito. Sino Ang nag upload nito?
“Totoong Ako Ang nasa video pero Hindi ko kagustuhan Yan. Pinilit Nila Ako. Pumunta Ako Doon para magtrabaho bilang waitress pero iba Ang pinapagawa nila sa akin. Pinainom nila ako Ng drugs dahil Hindi Ako pumayag sa pinapagawa nila” hagulhol Kong paliwanag sa kanila.
“Sshh..naniniwala Naman kami sayo Besh. Kilala ka namin. Alam naming Hindi mo yon magagawa.” Niyakap Naman Ako nito. Pati yong iba niyakap na rin Ako. Kaya Lalo akong humagulhol.
“I’m sorry Bhe, Hindi Namin alam Ang nangyari Sayo. Hindi ka man lang Namin napuntahan sa hospital.” madamdaming Saad ni Leila. Patuloy pa Rin ako sa pag iyak.
“Tama na Cha. Kailangan mong tatagan ang Sarili mo.” Si Maureen
“Oo nga Cha. Basta nandito lang kami. Hindi ka namin iiwan. Handa kaming tumulong Sayo.” Si Stacey. Pinahid ko Naman Ang mga luha ko at ngumiti sa kanila. MaButi nalang may mga taong kagaya nila na may malasakit at nagmamahal sa akin.
“Yan. Wag Kang umiyak dahil Wala ka namang ginawang Mali” Saad ni Jelo habang inayos Ang nagulo Kong buhok.
“Pero kailangan mong pumunta sa guidance dahil pinapatawag ka doom. Wag Kang mag alala dahil sasamahan ka namin. Sabihin mo lang lahat Ang nangyari” Sabi ni Jelo at nagtungo na kami sa guidance office pero nasa labas lang sila dahil Ako lang Ang pinapasok sa office.
“Please sit down Ms. Vergara” Sabi Ng guidance councilor.
“Pinapatawag kita dahil dito sa kumakalat mong video. Are you aware of this?” Tumango lang Ako bilang sagot. Sinalaysay ko Naman sa kanya Ang buong pangyayari.
“If that’s really what happened Miss Vergara I want you to provide evidence na magpapatunay na Hindi mo kagustuhan yong nangyari Sayo. Meanwhile, bibigyan Kita Ng 1week suspension dahil may sinusunod tayong rules Dito sa school regarding misconduct. But if you can clear your name right away pwede ka namang makapasok ulit dito.” Saad nito.
Pagkatapos naming mag usap malungkot akong lumabas sa office.
“Anong sinabi Niya?” tanong agad ni Jelo pagkakita sa akin.
“1 week suspension” malungkot Kong sagot.
“Bakit daw” Tanong pa niya ulit.
“Misconduct daw” tipid Kong sagot
“What? Misconduct? Eh yong mga studyante Dito na hayagan Kung mambully Sayo Wala naman Silang ginawang action tapos ikaw 5 days suspension agad? Gigil Ako ha” gigil sa saad ni Jelo.
“Hayaan mo na. Ayokong madamay pa kayo. Tsaka pwede Naman daw akong bumalik pag naclear ko na yong name ko. Yon nalang asikasuhin ko habang suspended Ako.” Pag aalo ko sa kanya.
“Pag kailangan mo ng tulong bhe magsabi ka lang ha” Saad ni Leila.
“Salamat talaga sa inyong lahat. Wag na kayong mag alala sa akin dahil okay lang Ako” Sabi ko sa kanila. Bakas kasi sa mukha nila ang pag aalala.
“Sige na pumasok na kayo. Punta lang din ako sa Locker para Kunin Ang mga books ko para may mareview Ako habang nasa boarding house.”
“Okay. Magset nalang din Tayo Ng meeting para Naman maituro Namin Sayo Ang mga lessons para Hindi ka behind” si Jelo