Chapter 36

2231 Words
Pagkatapos ng heart to heart talk namin ni dad doon sa sementeryo, ay pansamantala muna kaming nanatili doon ng mga ilang minuto. Pagkatapos ay nag paalam na rin kami agad kay mommy dahil baka maabutan pa kami ng dilim. "What do you want for dinner?" Tanong ni dad habang binabagtas namin ang daan pauwi sa bahay. "Mhm," nilagay ko ang hintuturo ko sa baba ko habang nakatingala, "drive thru nalang po tayo," sagot ko at nilingon ai dad ng nakangiti. Grabe, pagkatapos nang pag uusap namin ni dad kanina, parang lumuwag yung pakirmdam ko. Para bang, nawalan ng tinik yung dibdib ko, dahil sa mga sinabi ni daddy sa akin kanina. I didn't expect that he will say those words to me while crying, because I know my father, he is not that showy when it comes to his feelings. Hindi siya gaano nag papakita ng vulnerability sa ibang tao, kahit pa anak niya ako. And those words he said to me, made a huge impact to myself. Sobrang saya pala sa pakirmadam pag nailabas mo yung mga gusto mong sabihin na ilang taon mong kinimkim sayo. Saka yung paraan ng pag yakap ni mommy sa akin kanina sa sementeryo, iba talaga eh. Sa iba siguro sasabihin nila na hangin lang iyon an dumampi sa balat namin ni daddy kanina, pero hindi, hindi siya simpleng dampi ng malamig na simoy ng hangin. Parang may yumakap talaga sa amin ni daddy habang nag iiyakan kami pareho, at alam namin pareho na si mommy yun. "About our talk a while ago pala dad," napansin ko ang bahagyang pag lingon sa akin ni daddy, "thank you po pala," I gave him my sweetest and genuine smile. Kumunot naman ang noo ni daddy, "Why? Why are saying thank you?" Nakagat ko ang pang ibabang labi ko saka bumuntong hininga, "I felt relieved po na nailabas ko po yung pain ko na itinago ko po for how many years. Saka po, doon sa mga comforting words po na sinabi kanina," I stretched my hands, "sobrang laking tulong po sa akin non." "Anak, you are worth it okay?" Pasimple niya ulit akong nilingon, "hindi sinasadya ni daddy na mahina pa ang loob ko non. I admit, I was a coward back then. I have no ideas of how I will become a good father to you....or will I become one," narinig ko siyang bumuntong hininga at nanatili ang tingin ko sa kanya. "When your mother passed away, I felt like my whole world is sinking. I was blinded with darkness and with the fact that Hosea left me, though I already know she is sick and there is a possibility that she will not survive giving birth to you," nilingon ako ni dad at tipid na nginitian, "and it happened. Hindi ko alam kung paano ako noong babangon at harapin ang reyalidad. Reyalidad na kung saan iniwan na ako ni Hosea, at wala kang inang kalalakihan. It was a mixed emotion," he then looked at me again, "nung nakita kita sa nursery room at nung nakita ko si Hosea so morgue, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. I saw the woman I love lifeless, and I saw my daughter alive both at the same time." Inabot ko ang kamay ni daddy at mahigpit ko iyon hinawakan, "I understand dad where you are coming po." "Wala akong ideya kung paano ka palalakihin mag isa. I don't have any idea of how to become a father," narinig ko ang pagak niyang pag tawa, "wala akong karanasan sa pag aalaga sa bata. I was only living for myself during that time, and in a snap, I already have a child that I need to support. That relays to me, when I am still relaying to myself and family." He breathe a large amount of air before he stopped the car in front of our house. Tinanggal lang namin pareho ang suot naming seatbelt, pero hindi pa rin kami umaalis ng sasakyan. "Anak, pasensya na kung naramdaman mong kailangan mong galingan sa larangan ng pag aaral para mapansin kita," nilingon na ako ni daddy ng buo, "sa sobrang pagkangulila ko kay Hosea, nakalimutan kong mayroon siyang iniwan sa akin na pamilya," inabot ni daddy ang pisngi ko at marahan niya itong hinaplos. "Dad honest question lang po," pukaw ko sa atensyon ni daddy. Tumikhim siya at umayos ng upo, "What is it?" "You don't want to remarry po?" Tanong ko at nakita ko ang pagkakunot ni daddy, "I mean, hindi po kayo nabigyan ng pagkakataon ni mommy na maikasal dahil maaga nga po siyang nawala sa inyo, but I know that in your heart you are married to her. Pero hindi niyo po ba talaga gusto ikasal po ulit?" Mahabang litanya ko. "I already andwered you before with these question, Hilary," nginitian ako ni daddy, "and I answered you that your mother is the only precious girl in my life, aside from you and your lola." Tipid akong ngumiti saka tumango, "Baka po kasi nag bago ang isip niyo po. It's been how many years din po noong huling pag uusap natin tungkol dito po." After that ay pareho na kaming bumaba ni daddy sa sasakyan. Dala-dala ko ang paper bag ng Mcdonalds na pagkain na binili namin kanina ni daddy. Nauuna akong mag lakad papasok sa bahay dahil inaayos pa ni daddy yung sasakyan sa labas. "Manang, we are home na po!" Pagpasok ko ng bahay ay tinanggal ko ang suot kong sapatos at nilagay iyon sa shoe rack namin dito sa loob ng bahay, Tuloy ay naka medyas lang ako habang naka suot ng indoor slippers ko. Nag lakad na ako papunta sa kusina kung saan nakita ko si manang na kalalabas lang ng laundry area. Nilapag ko sa mesa yung drinks na hawak ko bago ko lapitan si manang. "Ay, anak, nandito na pala kayo," pinunasan ni manang ang kanyang kamay sa basahan na naka sabit malapit sa ref. Lumapit ako kay manang para halikan siya sa pisngi, "Huwag na po kayo mag handa ng hapunan, bumili nalang po kami ni daddy kanina pauwi," pinakita ko ang paperbag na hawak ko. "Osya sige, akin na at aayusin ko na ang lamesa para makakain na ng hapunan," kinuha ni manang sa akin ang paperbag sa akin. Ngumiti ako, "Salamat po!" Pumasok ako sa laundry area at tinanggal ang medyas na suot ko. Ipinasok ko iyon sa laundry net bago ko iyon pinasok sa washing machine. Pinatunog ko rin muna ang mga daliri ko sa paa saka nag hugas ng kamay, bago ako lumabas ng laundry area. "Bihis lang po ako manang," paalam ko at tinanguan naman ako ni manang. Bago ako maka akyat sa kwarto, ay naabutan ko si daddy na papasok na ng bahay. Tinatanggal niya ang sapatos niya at medyas niya, saka niya ako napansin. Sinensyasan ko si daddy na aakyat ako para mag bihis, at tipid naman niaya kong tinanguan. Pagpasok ko sa kwarto ko ay nag bihis na ako ng pambahay na damit. Simpleng dolphin short na pink ang suot ko at itim na loose shirt at tinanggal ko ang pagkakatali ng buhok ko para nakalugay ang buhok ko. Medyo kumulot pa nga ang buhok ko dahil naka messy bun ang tali ng buhok ko mag hapon. Palabas na sana ako ng kwarto ko nang tumunog ang phone ko bigla. Inabot ko ang phone ko na kanina initsa ko sa kama ko para tignan ang notification non. Class beadle: Here are the cases sent by our prof Tsi Ming Choi vs CA Caltex vs Palomar Torres vs Limjap Manila Lodge vs. CA Matunog akong bumuntong hininga at nangigil na pinatay ang phone ko, "Bagong case na naman," mahaba pa actually yung listahan pero naduling na agad yung mata ko kababasa ng mga case. Sumalpak ako sa higaan ko habang nakatingala at nakatunganga sa kisame, "Bakit nga ulit ako nag law school? Pwede ba ipaalala ko sa sarili ko kung bakit?" Kulang nalang ingudngod ko ang sarili ko dahil hindi ko alam ano pumasok sa kukote ko at nag enroll ako sa law school bigla. Chineck ko ang mga case para makuha ko na ang mga librong babasahin ko sa bookshelf at nilagay iyon sa study table ko. Although meron kaming soft copy sa aming account, pero maganda pa rin na marami akong mga sources ng cases na babasahin, para mas marami ang knowledge ko. Minsan kasi kulang ang informations sa ibang sources. Pinicturan ko ang study table ko na may nagpatong patong na dambuhalang libro at nag post ako sa myday ko ng andami na namang readings. Tumunog ulit ang phone ko kaya nanginginig ko itong binuksan. Baka mamaya may pahabol na listahan ang beadle namin, at maitatapon ko na ang phone ko sa asar kung ganon.  From Kiel: Need help? "Psh, anong nakain nito?" Bulong ko sa sarili ko. To: Kiel Luh. Anong nakain at ang seryoso? Tatayo na sana ako nang tumunog muli ang cellphone ko. From: Kiel Ano ba dapat? 3xCu$3 m3 M!$s Gu$t0 m0 nG TuL0nG? Tumawa ako ng napakalas to the point na nahuloh ko pa ang cellphone ko sa lapag. Ang gago naman nitong hayop na ito. Dapat pala hindi ko nalang bintai ang pagiging seryoso niya kanina! To Kiel: Pakyu kang gago ka. Tangina mo! From Kiel: Ang lutong naman non Mag rereply na sana ako nang katukin ako bigla sa kwarto. Agad naman akong tumayo at iniwan ko ang phone ko sa kama ko, bago ako lumabas ng kwarto. Nakita ko si daddy na inaabangan na ako malapit sa hamba ng hagdan namin, kaya mukhang siya ang kumatok sa akin dito sa kwarto ko. "Ang lakas ng tawa mo," iyon agad ang sinabi ni daddy nang makalapit ako sa pwesto niya para sabay kaming bababa. Nanlaki ang mga mata ko at nilingon siya, "Po? Hala, wala po iyon." Tumikhim siya at nakita kong napangisi naman siya at binigyan ako ng nakakalokong tining, "I'm not saying anything. Why so defensive?" Natutop ko ang bibig ko sa sinabi ni daddy. Oo nga pala. He is a judge for Pete's sake kaya malakas ang kutob niya kapag may nag sisinungaling sa kanya. Bakit ko nga ba tinangka magsinungaling sa kanya, eh lagi naman niya akong nabibisto kahit anong gawin ko. Pagdating namin pareho ni daddy sa dining area ay naka handa na ang pagkain namin. May mga plato na at nasa lalagyan na rin ang fried chicken na binili namin kanina. Pati ang mga fries at gravy, ay nasa kani-kanila ng lalagyan. "Upo na po kayo," sabi ni manang at iminwestra niya ang upuan namin ni daddy. Tahimik kami parehong kumakain ni daddy kasabay ni manang. Nang matapos na kaming kumain ay agad naman na niligpit ni manang ang kinainan namin at hinugasan iyon. Habang ako naman ay dumeretso na sa kwarto ko para makapag simula na sa gagawin ko. Si daddy naman ay dumeretso na rin sa kanyang office dito sa bahay. "Hindi...hindi ako bobo," nakaka ilang ulit na akong nag sasalita at puro iyon ang sinasabi ko, habang nag babasa ng readings ko. Wala pa ako sa kalahati ng mga case na sinend sa amin, pero ramdam kong hinahatak na ako ng kama. Malapit na rin kasi mag 12 midnight kaya talagang nawawala na sa wisyo ang utak ko. Nag simula ako mag basa ng mga 7:30 pm ata, at nangangalahati palang ang nababasa ko.  Nag unat ako saglit bago ako tumayo para mag timpla ng kape. Pag labas ko ng kwarto ko, ay madilim na ang paligid. Tanging ang ilaw mula sa poste sa labas, at ang dim light dito sa hallway ang siyang mag bibigay liwanag dito sa bahay namin. Pagbaba ko ng first floor ay binuksan ko ang ilaw namin sa may dining area. Balak ko na rin na dito  nalang ipagpatuloy ang pagbabasa ko para kahit papaano ay hindi ko makikita ang kama ko na iniinvite na akong mahiga. Nakatulala lang ako sa kawalan habang iniintay ko na matapos ang pag gawa ng kape namin dito sa coffee maker namin. Naka sandal lang ako sa counter top namin at nakahalukipkip. Nang tumunog na ito ay kumuha ako ng tasa para pag lagyan ng kape ko. Pagkatapos ay dinala ko iyon sa mesa at umakyat ako saglit para kunin ang mga gamit ko. Nag patuloy ako sa pag babasa ng may kapeng iniinom na. Again, ginagawa ko yung pomodora techinque kasi working naman siya para sa akin, Every 5 minutes break ay nag sscroll ako sa social media ko. Around 3 am nang biglang mag notif ang pangalan ni Kiel sa messenger ko. Hindi ko agad iyon nabasa dahil hindi pa tapos ang 30 minutes na pag babasa ko, kaya nabasa ko lang siya noong 5 minutes break na. From Kiel: Free ka ba bukas? Kumunot naman ang noo ko nang nabasa ko ang message niya. Ano na naman bang kailangan nito? To Kiel: Bakit? Hindi naman nag tagal ay nag reply naman na siya agad. From Kiel:g Gala kasama si Jos Agad naman lumundag ang puso ko sa nabasa ko. Weh?! Sinasama niya talaga ako para maka kota ako sa crush ko?! To Kiel: G! Tuloy nakangiti akong nagpatuloy sa pagbabasa. Mukhang sa tulong ni Josiah, mag susurvie ako sa law school Biruin niyo yun, may law student na nakangiting nag babasa ng halos ilang daan na case? Baka ako lang ito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD