Chapter 35

2448 Words
Author's Note: Mula po dito sa chapter na ito hanggang sa last chapter ay ang minimum word count po ay 2 thousand plus na po. Iyon lang po and. Take your time to meditate and pray for your beloved love ones. ----------------------- "Dad, what do you think po kaya?"  We are currently here sa Land Rover para mag hanap ng sasakyan na bibilhin ko. Maagang natapos ang court hearing ni dad ngayon kaya nasamahan na niya ako pumili ng sasakyan. Although kahit hindi naman siya kasama today, ay tutuloy at tutuloy pa rin naman ako sa pagbili ng sasakyan. "Just choose whatever you like," sagot ni dad sa akin habang nag iikot din at mukhang mag hahanap ng panibagong kotse. Ewan ko ba dito kay daddy, bulletproof naman na yung sasakyan na ginagamit niya ngayon peor mukhang nag hahanap siya ng ipapalit sa sasakyan niya, Afterall, sasakyan niya pa iyon noong college siya. Hindi niya ma let go o maibenta dahil marami siyang memories doon sa sasakyan kasama si mommy, which I understand naman. Iyon daw ang sasakyan na sinakyan nila noong una silang mag date ni mommy noon. Iyon din daw ang sasakyan na ginamit nila noong pumunta sila sa Bicol kung saan ang hometown nila mommy. Speaking of, hindi pa pala ulit kami nakakadalaw kay mommy ngayong papalapit na nga ang All Saints day. Siguro mamaya after namin dito bumili ng sasakyan, ay pupunta kami sa sementeryo para dumalaw kay mommy. "Range Rover nalang po daddy," sabi ko habang nakatingin sa model nila na Range Rover. Pagpasok palang namin ni dad dito sa shope na ito, aagd na pumukaw sa atensyon ko yung Armored na Range Rover na model nila. May something kasi eh. Parang tinatawag ako palapit sa kanya at sinasabing, 'psst, bilhin mo na ako'. Oh diba, lakas maka akit ng demonyo eh. Mula sa pag titingin ni daddy ng sasakyan ay nilingon niya ako, "You sure?"  Tuamngo ako habang pinapasadahan ko na ng daliri yung sasakyan ko. Oo, cineclaim ko na kasi baka ma jinx pa, "Yes dad. Sure na sure na po." Nagkaroon lang ng kaunting breifing tungkol sa sasakyan. Mga techincal stuffs na bagay ang pinag usapan gaya ng mga insurance, yung model mismo, yung mga equipements at kung ano-ano pang mala out of this world na bagay. Mostly, si dad yung sumasagit sa mga tanonh at siya rin madalas nag tatanong para sa akin. Buti nalang talaga kasama ko si dad kasi baka umuwi ako ng nasa utak ko lang... Bumili na ako ng sasakyan After ng mga pag uusap na iyon ay nag bayad na ako. Full time payement na ang ginawa ko dahil ayoko itong hulug-hulugan dahil baka makalimutan ko...char! Hindi, gusto ko na kasi na nasa akin na yung mga papeles and all, para masabi talaga na akin na yun dahil bayad na siya full time! "Thank you po, have a great day!" Kumakaway na sabi ng lalaki nang inihatid niya kami ni dad sa may pintuan ng kanilang store. Ang sabi, mailalabas na daw yung sasakyan ko sa kasa by next week Monday or Tuesday. Sana nga sa Monday na para may service na ako bu Tuesday. "Saan tayo pupunta ngayon?" Tanong ni dad habang nag mamaneho na siya. "Puntahan natin si mommy, dad," suhestyon ko at nakita ko agad ang pag higpit ng kamay niya sa manibela. Napangiti ako ng tipid sa akin isipan at nakagat ko ang pang ibabang labi ko. Grabe mommy, ang lakas ng dating mo! Ilang taon na ang nakakalipas pero nanatiling loyal si daddy sayo. Prayer reveal naman dyan mommy eh! "Sige anak." Tinahak namin ang daan papunta sa sementeryo kung saan naka libing si mommy. Wala masyadong tao ngayon dahil patay na oras ang dating namin dito. Mabuti na nga lang at hindi masyado ma araw ang dating namin, para hindi nakakasunog sa balat ang sikat ng araw. "Hi mommy," bati ko kay mommy at inalis ang mga dahon na nasa lapida niya, gamit ang kamay ko. Naupo ako sa bermuda grass ni mommy at buti nalang naka maong ako ngayon at bagong gupit ang grass. Hindi siya gaano masakit upuan. "Guess what po. Bumili ako ng sasakyan ngayon lang, yey!" Pagkwento ko habang inaalis ko ang bulaklak na binili sa supot, "bulletproof siya mommy at Range Rover ang model. Ang shala diba po," humagikgik ako habang inaayos ang pwesto ng bulaklak sa lapida niya. Naramdaman kong naupo si dad sa likuran ko kaya napangiti ako, "Alam mo ba mommy, magiging lawyer ang anak mo," nakangiti kong aniya, "kahit wala pa akong isang linggo sa law school ay cinclaim ko na agad na magiging abogada ako," narinig ko aang impit na tawa ni dad sa likuran ko, dahilan para lingunin ko siya. "Daddy ang sama mo po!" Nag tatampo kunwari ako at mahunang hinampas ang hita ni dad, "bakit ka po tumatawa?" Nakanguso ko pang dagdag. Tumigil siya sa pag tawa pero nanatili ang ngiti sa labi. Umangat ang kamay niya para haplusin ang buhok ko, pababa sa pisngi ko at hindi ko maiwasan na mapapikit dahil doon. The simple touch of my father depicts how deep his love for me. Maya-maya pa ay binaba na niya ang kamay niya na nasa pisngi ko. "Hosea," pag tawag ni dad kay mommy, "thank you for giving me Hilary." Diretso lang ang tingin ni dad sa puntod ni mommy kaya malaya ko siyang natititigan. He is smiling, but I know behind those smiles, he wants to cry, pero hindi lang niya ginagawa. He does not want me to see him crying or in pain, kaya ginagawa niya ang lahat ng makakaha niya para itago iyon sa simpleng ngiti niya. "Our daughter is so much like you," narinig ko ang pag pitok sa boses ni dad kaya nilapitan ko siya para yakapin ng mahigpig, "how she speak, how she thinks and how she look. She really resemble you a lot," nakita ko ang pagkagat ni dad sa pang ibabang labi niya. "The only difference is, how she will become in the near future," nilingon ako ni dad kaya nginitian ko siya. "Pero yung iba, consider it yours, Hosea," narinig ko pa ang impit nitong tawa. "I actually visited the church we used to go before in Bicol. Pagkatapos mong......mawala," kwento ni dad. Wait, hindi ko ito alam ah.  "I came to visit you right after I tried to committ, suicide," mahinang sabi ni dad at naramdaman ko ang pag hagod nito sa likod ko, "Hilary doesn't know this yet, that's why I want to share this now." "I left early morning after the bathroom scene, leaving our daughter behind," dad looked up to me with teary eyes, "I planned to committ again suicide when I left," humigpit ang yakap ko kay dad at naramdaman kong may bumagsak na butil ng luha sa pisngi ko. "I was so ready to leave everything behind during that time. I inentionally laid Hilary down near my mother. Ganon kabuo ang desisyon ko noon na mawala sa mundong ito at sundan ka, Hosea," pag tutuloy ni dad sa kwento. Nanatili pa rin akong nakayakap sa aking ama habang siya ay nagkukwento. Curious ako kung ano ikukwento niya kasi hindi naman siya gaano makwento sa mga bagay-bagay. My father is a quiet type of person that rarely speak or make kwento...why so conyo Hilary? "Fortunateky, I was able to arrive Bicol safely, Ang sabi ko, bibisitahin ko lang ang simbahan kung saan tayo madalas pumuounta, and everything is hoing to be finished," I heard him gulped, "I saw the kid you are pertaining to when I went there," pagtuloy ni dad at nakita ko ang pag supil ng maliit na ngiti sa kanyang labi, "yung batang nakita natin before noong buntis ka dito sa ating anak," umangat ang tingin ni dad sa akin at bahagyang ginulo ang buhok ko, "nag pakita ulit siya sa akin." "The usual, suot niya yung palagi niyang damit na puti at may hawak pa rin siyang sampaguita. Naka pwesto rin siya sa may labasan ng simbahan, at lumiwanag nga ang mukha ng bata nang makita niya ako. It looks like she is really waiting for me to come back," yumuko si dad habang nakangiti at nag kukwento. I think yung tinutukoy ni dad na bata ay yung sinasabi ni mama na anghel na nakita niya noong pinagbubuntis niya palang ako. "She approached me saying, kuya huwag kang mag alala, masaya po siya kasama namin," dad licked his lower lip a bit, "those were the exact words she told me right after I approached her." "I was about to leave when I heard her say those words that kept running into my mind, hindi po magugustuhan ni ate Hosea iyan. Those were again the exact words of the kid," hinaplos ni dad yung puntod ni mommy, "at umulit-ulit ang mga katagang iyon sa aking isipan habang nasa sasakyan ako." That kid doesn't want dad to committ suicide. Pinigilan siya ng anghel na gawin ang bagay na iyon, sa pamamaraan na ginamit niya ang emosyon ni dad kay mommy. "That's when I realized that, she is truly an angel," lumawak ang ngiti ni dad, "I don't believe in them, not until I met that kid, Hilary. Palagi siyang lumalapit sa mga taong pinaghihinaan ng loob, at tulungan na makita ang magandang bagay sa mundo." I honestly want to meet that angel na pinangalanan sa akin. Kahit sa panaginip man lang, I want to thamk her na pinigilan niya si dad na magpakamatay, at sinigurado niyang magiging okay si mommy once nawala siya dito sa mundo. That everything is going go be okay. Magkatabi na kami ni dad ngayon habang nakaupo sa harapan ng puntod ni mommy. Walang nag sasalita sa amin pareho pagkatapos ng kwento ni dad tungkol sa binalak niya dati na mangyari sa buhay niya. The place is quiet and you can only hear the noise coming from the dancing trees.  "You thought I don't know, Hilary." Binasag ni dad ang katahimikan bigla, kaya napalingon ako sa gawi niya na nakakunot ang noo. Nakatingin din siya sa akin na para bang inaasahan niya na lilingunin ko nga siya. "I thought I don't know what?" Nag tatakha kong tanong. Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni dad, "That when you were a kid, you wanted to be the best among the rest to make me proud." I stiffened. Alam ni dad? How? "Anak," hinawaka ni dad ang kamay ko ng mahigpit, "I am not blind para hindi ko makita kung paano mo ipressure ang sairli mo sa pag aaral para maging valedictorian ka ng batch mo," seryoso niya akong tinitigan diretso sa mata. "When you were in preschool, grumaduate ka ng salutatorian, and I saw how you were sad and ashamed of yourself that you didn't make it to be a valedictorian. Tama ba ako, anak?" Tanong ni dad at tanging nagawa ko nalang ay tumango. "I assured you that you did your best, but I know you were not listening to me," natawa kami ng bahagya pareho, "kaya noong mag grade school ka, grabe ang effort na pinapakita mo sa pag aaral mo para grumaduate ka ng valedictorian sa batch niyo, na nangyari naman And when you are in high school, you didn't aphave the oppurtunity to make friends because you are too focused to achieve your dream, and that is to become a valedictorian." Hindi ko namalayan na sunod-sunod na pala ang patak ng luha ko habang sinasabi ni dad ang mga salitang iyon sa akin. So he knew all this time, but ne preffered to stay quiet for a long period of time.  "But I was thankful that you changed when you were in college," I saw that genuine smile of his, "you started to gain friends and you started to balance your time, Hindi lang sa valedictorian award umiikot ang mundo mo, and it's good that you realized it before it's too late," inakbayan ako ni dad para mahila niya ako palapit sa kanya. "I'm sorry dad," bulong ko at iyon na nga nag simula na akong umiyak ng tuluyan. "Hush," naramdaman kong sinusuklay ni dad ang buhok ko, "I know there is a reason behind that, and I want to know it," malumanay na sabi ni dad. "Yung nasa isip ko po kasi non ay, kailangan ko po maging valedictorian para po hindi niyo na po maisip na iwan ako dito sa mundo po mag isa," I covered my wet face with both of my hands, "That, I need to be one of the best students po para malaman niyo na, I am worthy enough po. Na worth it po ako, na kahit ako lang po eh pwede po kayong manatili dito sa tabi ko at hindi sumama kay mommy," humihikbo kong aniya. "Shhh, I didn't know you felt that way, anak," kahit hindi ko naririnig ang boses ni daddy ngayon, ay alam kong umiiyak din siya. "Sorry po." "No, I'm sorry okay," inangat ni daddy ang mukha ko para mahalikan ako sa noo, "you are more than enough for papa, anak. "Your existence is more than enough for papa to stay here, and be with you. Tandaan mo iyan," malumanay peor may diin na sabi ni daddy. "I'm sorry you need to feel that you need to be on the spotlight, para lang makita ko ang halaga mo anak," umiiyak na sabi ni papa habang pinupunasan niya ang luha ko sa mukha, "you don't have to do that, alright?" "Ang halaga mo anak, ay higit pa sa mga parangal na natatanggap mo sa eskwelahan," ngumiti si dad sa akin, "you don't have to be one of the top students para lang maipakita sa akin na you are worth living for and for me to be proud at you." "Dahil kahit hindi ka pa nabubuhay anak, mahal ka na ni papa," tumango ako habang umiiyak pa rin, "mahal na mahal ka ni papa, at gagawin ko ang lahat para sayo. Proud na proud sayo si papa okay? At hindi ka kailanman iiwan ni papa mag isa, tandaan mo iyan," hinalikan niya ulit ako sa noo bago ako niyakap ng mahigpit. Sa hindi maipaliwanag na pagkakataon, habang magkayakap kaming mag ama ay biglang umihip ng malakas na hangin na naging dahilan ng pag haplos ng malamig na hangin sa balag namin pareho. Nag tagal iyon ng mahigit limang segundo baho nawala ang hangin at ang malamig na pakiramdam sa paligid. Ma, naramdaman ko na sa wakas ang yakap niyo po Note: Mula po dito sa chapter na ito hanggang sa last chapter ay ang minimum word count po ay 2 thousand plus na po. Iyon lang po and. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD