Chapter 13

2227 Words
"Merry Christmas!" "Merry Chirstmas, nay, tay, ate, kuya, Icerael" bati ko isa isa sa kanilang lahat. Kakauwi lang namin ngayon pagkagaling sa simbahan. May kalayuan ang bahay namin mula sa simbahan, kaya pagtungtong namin dito sa bahay, ay eksaktong 12 midnight na. Mabuti na nga lang at nakapag luto na kami ng pagkain, pang Noche Buena. "Oh Icerael, kain lang ng kain hijo. Ito pa" alok ni nanay kay Icerael ng plato na may laman na carbonara. Ngintian ni Iceral si nanay at kinuha ang plato sa kamay nya, "Thank you tita." Kain lang kami ng kain. Wala ng pake kung mabundat ng sobra sobra, o mawala ang diet na sinusunod basta gusto namin kumain. Pagkatapos namin kumain ay sila at at kuya na ang nag presinta na mag hugas at mag ligpit ng pinagkainan. Dumertso ako sa kwarto ko para kunin ang cellphone ko saka lumabas sa veranda namin. Dito kasi malakas ang signal tuwing madaling araw. Agad kong binuksan ang gc naming magkakaibigan para batiin sila ng Merry Christmas. Hosea De Sanjose: Merry Pasko mga gaga! Chelsy Makinano: Paskong pasko, ang lutong ng mura mo. Pero Merry Christmas din! Azure Demecilio: Hoy, Maligayang Kaarawan ni Hesus! Gail Shin: Merry Christmas guys! Sana next year magkakasama pa tayo! Hosea De Sanjose: Asan si @Alysia Mañarez? Himala ata Alysia Mañarez: Hoy nandito ako! Na miss nyo naman ako eh. Merry Pasko! "You're chatting with your friends?" Napatingin ako sa may pintuan nung marinig ko ang boses ni Icerael. Nakahilig sya sa pintuan at nakakrus ang dalawang braso nya sa may dibdib nya. Ngumiti ako sa kanya at tinignan ang phone, "Oo, binati ko lang yung mga gagang iyon." Umalis sya sa pagkakasandal sa pintuan namin at naglakad patungo sa akin. Bahagya pa akong napatili nung iniangat nya ako para makaupo sa hamba ng veranda namin. Agad nyang ipinulupot ang braso nya sa bewang ko habang nakatingin sya sa akin. "First time na nag pasko ako dito, na may kasamang iba" sabi ko habang lumilingon sa paligid. Iniiwasan ang tingin nya. "Well, there's always a first time" he said in a low baritone voice. Tumikhim ako at sinubukang salubungin ang mga tingin nya. Napagisip ko na kung kelan ko sya sasagutin. Halos isang linggo na nya akong nililigawa, at napag isip isip ko na why not sagutin na sya, hindi ba? Huwag ng sayangin ang oras dahil hindi ko naman alam kung ano pa sng mangyayari sa mga susunod na araw. Inilagay ko ang dalawang braso ko, paikot sa leeg nya. I bit my lower lip at huminga ng malalim bago ko tinignan ng diretso sa mata si Icerael. "Uhmm" Umangat ang kanang kamay nya upang ilagay muli ang mga takas kong buhok sa likod ng tainga ko, bago nya muling ibinaba ang braso nya para mahapit ako sa bewang. "Ano, Icerael....." f**k asan ang tapang ko?! "Yeah?" Tumikhim muna ako saglit at pumikit ng mariin bago ako dumilat muli. "L-lets, make it official" sabi ko sa kanya habang hinahaplos ang buhok nya. Kahit wala syang iniinom o kinakain ay nasamid sya bigla. Nung maka recover sya ay pinatitigan ako na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "W-what?" Utal at gulat nya paring sabi. Humagikhik ako sa reaction. Tangina ang cute. "I said, lets make it official. The boyfriend and girlfriend thing" seryoso kong sabi habang nangingiting pinagmamasdan sya. "f**k, yes!" Mahinang sigaw nya bago nya isubsob ang mukha nya sa kandungan ko. Natatawa akong hinaplos ang likuran nya. Iniangat naman nya ang ulo nya at tinignan ako ng diretso sa mata. "Thank you." Lunes na ngayon at kahapon umalis na sila ate at kuya pauwi ng Manila. Kami ni Icerael ay uuwi na rin ngayon, dahil sa Manila naman kami mag diriwang ng bagong taon. Yung tungkol sa relasyon namin ni Icerael, ay suportado naman doon ang magulang ko. Sila kuya at ate nga lang ang medyo alanganin. Sinabi ko naman na aalagaan ko naman ang sarili ko, kaya huwag silang mag alala. "Ikaw bunso, huwag kang masyadong dumepende dyan. Baka mamaya pag mag hiwalay ko, na sana huwag mangyari, ay masaktan ka ng todo. Alam mo naman na bawal sayo yun" bilin sa akin ni ate habang nandito ako sa kwarto nya. "Oo naman ate. Grabe naman yun noh. Ayoko pang mamatay!" Biro ko at tumawa pero hindi sya tumawa gaya ko. "Bukas, uuwi na kami sa Manila ni kuya. Kayo sa susunod pa na araw diba?" Tanong ni ate sa akin muli. Sumandal ako sa inuupuan ko, "Yup. Pagkauwing pagkauwi ko sa dorm ate, pupunta ako sa hospital kung saan ka nag tatrabaho para matignan mo lagay ko." Tumango naman sa akin si ate at hinaplos ang buhok ko, "Asahan ko iyan ah." Nag lalagay na kami ngayon ng gamit ni Icerael sa sasakyan nya. Mas marami ngayon ang dala ko, dahil pinauwian nila nanay sila Chelsy ng pasalubong. "Mag iingat kayo mga anak" bilin ni tatay sa amin habang naka akbay kay nanay at nasa veranda nakatayo. Sinara ko ang pintuan ng backseat at naglakad papunta sa kinaroroonan nila nanay at niyakap sila pareha. "Mamimiss ko po kayo. Mag iingat din po kayo dito ah" sa,bit ko habang nakayakap sa kanilang dalawa. Naramdaman kong hinaplos nila ako sa likuran, "Ikaw ang mag ingat. Pumunta ka sa hospital ng ate para matignan ka ah" sabi ni mama sa akin habang hinahaplo na ngayon ang pisngi ko. Nakita kong nilingon ni tatay saglit si Icerael bago ibinalik sa akin ang tingin nya, "Kelan mo balak sabihin ang sakit mo?" Natigilan ako sa sinabi ni tatay sa akin. Hindi ko pa kasi naiisip kung kelan ko sasabihin, o kung may balak ba akong sabihin sa kanya. Nginitian ko sila, "Soon po, sasabihin ko po." Naramdaman kong lumapit si Icerael sa amin at hinapit ako sa bewang palapit sa kanya. "Mauuna na po kami. Thank you po" magalang na sabi ni Icerael at saglit na nag mano sa mga magulang ko. "Ingatan mo hijo ang anak namin ah" bilin ni nanay na parang maiiyak na. Ngumiti si Icerael kay nanay, "I will take good care of your daughter, mam, sir." Tumango tango naman si tatay sa akanya, "Mabuti na ang sigurado. Osya, baka traffic na sa daan, at gabihin pa kayo." Kumaway na kami ni Icerael kayla nanay bago kami nag lakad patungo sa sasakyan nya. Binuksan ko ang pintuan ng shotgun seat at agad na nag seatbelt. Pumasok naman na rin sa drivers seat si Icerael at sinuot ang seatbelt nya bago ako nilingon. Hinawakan nya ang kamay ko at dinala sa bibig nya para patakan ng mababaw na halik ang likuran ng palad ko. Ramdam ko ang bilis ng pag t***k ng puso ko sa ginawa nya kaya pilit kong pinakalma ang sarili ko. "Lets go?" Aya nya at tumango naman na ako. Iniatras na nya ang sasakyan at nag maniobra pagkalabas ng garahe namin. Kinawayan ko pa sila nanay mula sa loob ng sasakyan bago nawala ng tuluyan sa paningin ko ang bahay namin. "Nasabi mo na ba sa magulang mo ang tungkol sa atin?" Tanong ko habang nag mamaneho sya. Tumikhim sya saglit, "Yeah, I called them the night after we became official." Tumango tango naman ako. Hinarap ko sa akin yung aircon dahil medyo maiinit sa labas, at nararamdaman ko iyon kahit nasa sasakyan ako. "Nga pala, may tanong ako sayo. Dadaldalin nalang kita imbes na mah patugtog sa pukinginang radio na puro luma ang kanta dahil nasa probinsya." Natawa naman ng bahagya si Icerael bago tumango, "Okay, game." "Sabi mo sa akin dati na family of doctors at lawyers pamilya nyo diba" panimula ko at napalingon sya sa akin saglit. "Yeah, what about it?"  "So yung buong angkan nyo, ay puro lawyers at doctors? Ganon ang pagkakaintindi ko eh" dagdag ko at agad naman syang umiling. "What I'm saying is, my mom is a lawyer, while my dad is a doctor. Hindi yung buong angakan ko, doctors and lawyers. Some of them are businessmen, engineering, seaman, and chef" sagot nya habang hindi inaalis ang tingin sa daanan. "Ohhh, okay." Tumagilid ako ng upo paharap sa kanya. He consiously looked at me using the corner of his eyes, bago sya tumingin ng diretso sa daanan muli. "So, first choice mo nga ang lawyer?" Tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan sya mag maneho. Tumikhim sya at tumingin saglit sa bintana nya bago ibinalik ang tingin sa harapan. "Yeah. Ever since when I was a kid, pinagarap ko ng maging abogad" he answered while his right hand went down to touch the gear. "How about you?" Tanong nyo sa akin at tinapunan ako saglit ng tingin. Ngumuso ako at inalala ko ang pangarap ko simula nung bata pa ako, "Well, ayoko naman talaga mag engineering. Never pumasok sa utak ko na mag engineering." He glanced at me, "Then why are you studying engineering?" Bumuntong hininga ako, "Kasi yun ang gusto nila nanay sa akin. Saka pangarap iyon ni tatay noon palang, pero hindi natuloy dahil wala silang pera, kaya sinabihan nyang ako nalang ang tumupad aa pangarap nya. Pero bata palang ako, gusto ko maging photographer, dahil mahilig ako mag picture. Tapos, sabi nila nanay na huwag daw ako maging photographer at mababa lang naman daw ang kita non." "So you choose to follow them, kahit iba ang gusto mo?" Tanong ni Icerael sa akin. Napabuntng hininga ulit ako at umayos ng upo, "Well you can say that. Saka sabi rin kasi nila nanay na bakit daw hindi ako tumulad sa mga kapatid ko, mga abogado at doctor. Mga big time daw. Bakit daw ako mag sesettle sa pagiging photographer lamang. Nakakahiya daw." "And, you still love them kahit hindi ka nila sinuportahan?" Tumango naman ako, "They are my family after all. Kahit hindi nila ako sinuportahan sa gusto ko, it's okay. I still love them. Saka, habang tumatagal naman nagugustuhan ko na ang engineering. Not because pinressure ako, o dahil iyon ang pangarap ni tatay noon na naudlot, pero dahil nakikita ko na ngayon ang sarili ko na maging engineer." "You're so selfless. Napaka family centered mo, and you have a good heart" biglang sabi nya kaya napatingin ako sa kanya. "Well, ano ba akala mo gago ka? Na hindi ako ganon, o kabaliktaran?" Sabi ko at tumagilid ng upo at pinagkrus ang dalawang braso ko. Tumawa sya ng bahagya, "No, silly." "Gago, palamura lang ako pero mabait ako!" Sigaw ko sa kanya bago hinampas ang dashboard ng mahina. "Okay, okay, relax, love." Natigilan ako at napakurap ng ilang beses. Pinoproseso kung ano ang sinabi nya, o kung tama ba ang narinig ko. "Gago, ano sabi mo?!" Gulat ko tanong sa kanya. "Nothing." "Ehh, may sinabi kang gago ka, ano yun. Uulitin lang eh" pangungulit ko sa kanya. "It's nothing, forget it" sagot nya at tumingin ulit saglit sa bintana nya bago tumingin sa harapan. Napansin ko ang pamumula ng tainga nya kaya mas inechos ko pa sya. "Hoy, namumula ang tainga ni gago!" Asar ko sa kanya at tumawa pa. "It's not!" Defensive nyang sagot. Tawa lang ako ng tawa habang nakahawak sa tyan ko, "Gago! Deny pa eh kotang kota ang ebidensya!" "Love, stop." Automatic na napatigil ako sa pagtawa at napatikom ng bibig. This time sya naman ang natawa habang nakatingin sa daanan. "You're blushing" nakangising sabi nya sa akin kaya agad ko syang hinampas sa braso. "Gago!" Sigaw ko sa kanya at tumagilid ng upo, paharap sa pintuan. "Hey, I'm sorry. You can take a rest, babe" malambing na sabi nya at inabot ang kamay ko. "Icerael! Mata sa harap nga!" Reklamo ko at pilit na tinatabig ang kamay nya dahil kinikilig ako. Naramdaman kong hinalikan nya ang likuran ng palad ko at dahan-dahan na binitaan iyon. "Take a rest, Hosea." Nakaramdam naman ako ng antok kaya ipinikit ko nalang muna ang mga mata ko. Nagising na lamang ako nung may yumuyugyog ng mahina sa balikat ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at tumingin sa paligid. "Oh, nasa express way na tayo?" Inaantok ko pang sabi habang kinukusot ang mata ko. "Yes. Nag stop over lang ako, because I'm hungry. How about you?" Tanong nya habang may inaabot sa backseat. "Medyo gutom na rin. Tara kain tayo" aya ko at ambang lalabas ng sasakyan nung hinawakan nya ang braso ko. "Nag drive thru na ako sa Mcdo" he said while he was giving me the paperbag. Gulat akong napatingin sa paperbag ng Mcdo, "Ohh, hindi mo ako ginising?" Umiling sya, "You look so sleepy, so I didn't bother to wake you up." Napangiti naman ako sa kanya, "Thanks." Saglit lang kaming kumain ni Icerael habang naka park ang sasakyan. Nakabukas ang makina ng sasakyan kaya hindi mainit. Ang oras kasi ngayon ay 3pm na ng hapon, at tirik na tirik ang araw sa labas. Umalis kami ng bahay ng eksaktong 9am. 6hrs palang ang nakalipas simula nung makalabas kami ng Albay. "You look tired" puna ko sa kanya habang nag mamaneho sya ulit. Umiling naman sya sa akin agad, "I'm fine, don't worry about me." "Kung alam ko lang kung paano mag drive, nakipagpalitan na ako sa pagmamaneho" nakanguso kong sabi habang nakatingin sa side mirror sa labas. "Hey I'm fine, it's fine. I can manage it" nakangiting sabi nya at tinignan ako saglit. "You sure? Nakakahiya na sayo." "Stop asking me, so you can take a rest."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD