Chapter 12

2497 Words
An enemy has been slayed Killing spree! Request backup "Tangina Iceral intay!" Reklamo ko at hinampas ang foam ng kama ko. Narinig ko syang tumawa sa tabi ko. Nakaupo kami pareho sa sahig at parehang nakaharap na naupo sa kama ko. "Gago ka ba Icerael? Sa mid nga eh, mid!" Reklamo ko ulit habang ginagalaw ang hero ko. Humalakhak sya sa tabi ko, "Chill Hosea. Why, are you alone there?" "Iniwan ako gago nung mga kasama ko. Putangina!" You have been slayed Humarap ako kay Icerael na ngayon ay tumatawa na habang nag lalaro pa rin. Inis kong nilagay ang kamay ko sa ibabaw ng screen ng phone nya kaya naharangan ko ang paglalaro nya. Gumawa sya ng bagong account nya para daw makapag laro kami. "s**t, Hosea stop it! Mamamatay ako!" Sigaw nya habang pilit iniiwas ang phone nya sa kamay ko. You have been slayed Tumawa ako ng malakas sa naging reaction nya. Tinapunan nya lamang ako ng tingin bago sya nag resume sa pag lalaro, dahil 10 seconds lang ang resurrecting time nya, habang ako ay 30 seconds pa. Oo, ilang beses na akong namatay sa laro na ito. Saglit pa kaming nag laro ni Icerael. Magkakampi kami pero malas dahil talo kami, dahil bobo mga kalaro namin. Sabing pumunta sa mid dahil nandoon yung kalaban, nasa gilid pumupunta. Tuloy puro minions yung nandoon, tangina lang. "Icerael?" "Hmm?" Nakaupo ni si Icerael sa kama ko habang ako ay nanatiling nakaupo sa sahig. Ang kinaibahan nga lang ay nakasandal na ang likod ko sa kama ko. Nakalagay ang dalawang braso ni Icerael sa magkabilang balikat ko na ultimo hinahawakan ako para hindi gumalaw. "Bakit ako?" Tanong ko at tumingala sa kanya. Naabutan ko syang nakayuko at makatingin ng diretso sa mga mata ko. Iniiwas ko ang tingin ko dahil nakaramdam ako ng hiya, kaya pinanatili ko ang tingin ko sa harapan. Naramdaman kong yumuko si Icerael palapit sa akin, at pinulupot ang braso nya sa leeg ko, na parang niyayakap ako. Ipinatong nya ang baba nya sa kanang balikat ko. He started to caressed my both shoulders. "Honestly speaking, I actually don't know" he said in a low tone. Napalunok ako bigla before licking my lower lip a little. "Alam mo ba na crush kita noon palang?" Tanong ko sa kanya at tinagilid ang ulo ko para makita ko ang mukha nya. Inaasahan ko na magugulat sya sa sinabi ko, pero ngumiti lang sya sa akin. He looked away, avoiding my gaze. Hindipa rin nawawala ang ngiti na nakalagay sa labi nya ngayon. "Hindi mo alam yun noh? Kaya kinikig ka ngayon, aysus!" Pang eechos ko sa kanya nung hindi nya binabalik sw akin ang tingin nya. He looked at me, "I already know that." Nanlaki ang mata ko sa gulat, "What the f**k? Paano?" He smirked at me, "Silly. Wala akong alam na you have a crush on me. I was just shocked a while ago and I don't know what to say about your confession" he said while stroking my hair gently. Napahinga naman ako ng malalim at ako naman ang umiwas ng tingin, dahil sa ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. I heard him chuckled before holding my chin gently, so I can look at him. Napalunok ako ng mga ilang beses nung makita kong halos isang dangkal nalang ang layo ko sa mukha nya. Kaunting kebot at kaunting tulak nalang ay mailalap ko ang labi ko sa kanya. Umangat ang kamay nya at marahan nyang nilagay sa likuran ng tainga ko ang takas kong buhok, before caressing my right cheek. I looked at his lips na bahagyang nakaawang, anticipating for his kiss. Mukhang napansin nya iyon kaya napatingin din sya sa labi ko. Dahan-dahan nyang nilapit sa akin ang mukha nya, at automatic na napapikit ako. I was waiting for his lips to touch mine, but it never happend. Iminulat ko ang mga mata ko at naramdaman ko ang pag dampi ng labi nya sa noo ko. He looked at my reaction, before pulling away slowly. Nanaig ang katahimikan sa amin at tanging kulilig lang ang maririnig sa paligid. Binasag lang ni Icerael ang katahimikan nung mag salita sya. "Sorry, I shouldn't have done that" nakayuko nyang sabi. Tumikhim ako, "It's fine." It's actually not! Nagulat ako nung tumayo sya, kaya napatingala din ako sa kanya. "I should take a shower" paalam nya at dali-daling lumabas ng kwarto ko. Sinundan ko sya ng tingin bago ako naupo sa kama ko. Hinawakan ko ang noo ko at bigla akong napangiti. Putangina! Ninakawan ako ng halik ng gago! Agad kong kinuha ang phone ko at binuksan ang gc naming magkakaibigan. Hosea De Sanjose: Gago! Azure Demecilio: Tanga, ang ganda ng bungad mo! Gail Shin: What?! Ano nangyari?! Alysia Mañarez: The f**k, nag s*x kayo?! Aba, nabinyagan ang bahay nyo! Chelsy Makinano: Spill the tea @Hosea De Sanjose Nangingiti akong nag tipa ng mensahe sa kanila. Hosea De Sanjose: He kissed me.......sa noo lang Alyisa Mañarez: What the f**k?! Bakit sa noo lang?! Sabihin mo pati sa labi rin! Gail Demecilio: Sanaol, punyeta! Azure Demecilio: Nag Bicol lang ah. Oras na yata na pumunta ako sa probinsya namin Hosea De Sanjose: Mga ulol Chelsy Makinano: Hay nako, kunwari nagulat ako Napatingin ako sa kurtina ng kwarto ko nung makita kong humawi iyon. Pumasok si Icerael suot ang kanyang sweatpants nya na gray at white shirt. Amoy na amoy ko rin ang shampoo at sabon nya mula sa kinauupuan ko. Ibinalik ko ulit ang tingin ko sa phone ko, at nag kunwaring parang hindi ko sya nakita. Hosea De Sanjose: Putangina! Ano ginawa ko nung nakaraan kong buhay para manligaw sa akin ang gwapong nilalang na ito?! Gail Shin: Aya mo ba nun? Para pag nagkita kayo ni San Pedro pag dating ng panahon  ay......basta! Chelsy Makinano: Cut that s**t put Gail, hindi pa magkikita si Hosea at si San Pedro Azure Demecilio: Huy, kalma. Ito kasing si @Gail Shin eh Hope De Sanjose: Mga depungol, kalma nga "Who's chatting you?" Nilingon ko si Icerael na ngayon ay nakaupo na sa tabi ko, at sinisilip ang phone ko. Agad ko naman iyong iniwas sa kanya kaya napakunot ang noo nya sa akin. "Chismoso ka rin eh noh. Girls talk ito!" Defensive kong sagot sa kanya. Umiling iling naman sya bago tumayo at lumabas ng kwarto ko. Binalik ko ang tingin ko sa phone ko at nag paalam na sa mga kaibigan ko. Pagkatapos non ay kumuha ako ng damit ko, at lumabas ng kwarto para makaligo. Simpleng maong shorts at lime green sa shirt lang ang suot ko saka ako lumabas ng banyo. Yung twalya ko ay nakalagay sa buhok ko na parang ice cream. Naabutan ko na si Icerael ay nakaupo sa sala, nanonood ng tv namin. Lumapit ako sa kanya at bigla nya akong tinapunan ng tingin bago sya nanood muli ng news. "Hoy gago, anong arte yan?" Tanong ko sa kanya at hinampas pa ang braso nya. He looked at me, irritated, "What the heck? Para saan iyon?" Ngumuso ako at ipinagkrus ang braso ko sa may dibdib ko, "Anong arte iyan? Iniiwasan mo ba ako aber?" "No." Umalis ako sa pagkakasandal sa sofa namin, "Edi ano nga?!" "Wala. Forget it" sabi nya at tumayo at inabot sa akin ang remote ng tv, "Here, ikaw na manood. Sa kwarto lang ako." Hinarang ko ang paa ko para hindi sya makaalis. Bumalik sa akin ang tingin nya at magkasalubong na ngayon ang dalawang kilay nya. "Nag seselos ka ba?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang mukha nya, sinusubukan basahin ang naiisip nya. I saw him breathe a large amount of air before looking up, "Why? Bakit ako mag seselos?" Pumalakpak ako ng isang beses kaya naptingin siyang muli sa akin, "Exactly! Why would you get jealous sa mga kaibigan ko?" Sabi ko at ngisian sya. Nakita ko kung paano sya natigilan at kumurap ng ilang beses. Tinawanan ko naman sya habang nakaduro sa mukha nya. Umupo sya ulit ng tahimik sa tabi ko, pinagmamasdan pa rin ako na tumatawa. "You're chatting with your friends?" Paninigurado nya. Tinignan ko sya, tumatawa pa rin, "Whooo! Putangina ang sakit ng panga ko kakatawa......Wait lang may pahabol pa" sabi ko at tumawa ulit. "I'm serious here, Hosea." Tinignan ko sya habang tumatawa pa rin, "Sanaol serious, ako kasi hindi eh." Tumikhim sya para makuha ang atensyon ko, kaya bigla akong napatigil sa pag tawa. "Oo nga, kausap ko sila Chelsy kanina nung pumasok ka sa kwarto" I said para naman hindi na nya ako tignan ng seryoso. Tumango tango naman sya, "Okay." "Huy Iceral, mag lagay ka na ng pinggan at okay na itong niluluto ko." Gabi na kasi at hindi pa rin umuuwi dito sa bahay sila nanay at tatay. Nag luto nalang ako ng Adobo bilang ulam namin. Nag lalagay ng pinggan si Icerael nung may kumatok sa pintuan namin. "Ako na mag bubukas, baka sila nanay na iyon" sabi ko at agad na pumunta sa sala para buksan ang pintuan. "Surprise bunso!" Napakurap naman ako sa gulat nung makita ko sila ate at kuya na nandito ngayon sa harapan ko. Tumabi ako para makapasok yung mga kapatid ko sa bahay. "Oh, akala ko ba next week pa ang uwi nyo?" Taka kong tanong sa dalawa kong kapatid na nakaupo na ngayon sa sala. "Wala na kasi akong duty ngayon hanggang next week" sagot ni ate habang tinatanggal ang sapatos nya. Si kuya ay nanatili ang tingin sa kusina kaya napasunod din ang tingin ko doon. Putangina, si Icerael nga pala nandito! "A-ano kuya, ate , si Icerael" kinakabahan kong sabi sa dalawang kapatid ko. Gulat na napatingin sa akin si ate, "Manliligaw mo?!" Tumango naman ako kay ate bilang sagot. Si kuya ay wala namang naging reaction, kaya umalis ako saglit para puntahan si Icerael. "Tara, pakilala kita sa mga kapatid ko" sabi ko kay Icerael at hinatak na ang braso nya papunta sa sala. Nanlaki ang mata nila ate at kuya nung dinala ko si Icerael sa sala. Tumikhim ako para maibsan ang kaba ko. "Ate, kuya, si Icerael po.........m-manliligaw ko." Mahinang sabi ko pero sapat na para marinig ng dalawa kong kapatid. "It's nice to meet you" magalang at pormal na sabi ni Icerael. Nanaig ang katahimikan sa amin, pero mabuti na lang at binasag iyon ni ate. "Oh hello, Icerael! I'm doctor Heaven, call me ate Heaven or kahit ate nalang ah, no need to be formal" nakangiting sabi ni ate kay Icerael. Pinagmasdan ko ang reaction ni kuya, pero hindi ko iyon mabasa. Tumayo si kuya at nag lahad ng kamay kay Icerael. "Atty. Hachilah, kuya will do" seryosong sabi ni kuya kay Icerael bago sila magkamayan. "Okay," pumalakpak pa ako para maputol ang tensyon na nabuo sa dalawang lalaki, "Nag luto na ako ng hapunan, so tara kain na tayo ate, kuya." "Kumusta naman ang engineering sa UP, bunso?" Tanong ni ate sa akin habang kumakain kami. Nag salin ako ng tubig sa baso ko, saka iyon ininom, "Ayun engineering pa rin naman." "Anong course mo, Icerael?" Tanong ni ate habang nag sasalin ng tubig sa baso nya. Tumikhim si Icerael saglit bago pinunasan ang bibig nya gamit ang tissue, "Political Science." Tumango tango naman si ate sa kanya, "Oh politics. Ano ba gusto mo maging?" "I want to be a lawyer, someday" sagot ni Icerael at agad na nakuha ang atensyon ni kuya na tahimik lang na kumakain. "Oh, lawyer naman pala eh. Kuya, magkakasundo pala kayo nitong manlikigaw ni Hosea eh" pang eechos ni ate kay kuya na ngayon ay kumakain nalang din. "Civil or criminal?" Tanong ni kuya kay Icerael. Uminom si Icerael sa baso nya bago tinignan si kuya, "I want to become a civil lawyer, so I can give justice to people." Tumango tango naman si kuya, "Mukhang magkalaban pala tayo pag nagkita tayo sa korte eh. Criminal lawyer kasi ako, Icerael." Si ate ang nag ligpit ng kinainainan namin, habang kami ni kuya ang nag hugas ng pinggan. Si ate at si Icerael ay parehong nasa sala na, nanonood ng tv. "Hosea, sigurado ka ba na kaya mo?" Rinig kong tanong sa akin ni kuya. Nilingon ko naman sya at ngumiti, "Oo naman kuya. Kaya ko naman." Bumuntong hininga naman si kuya, "Inaalala ka lang naman namin." "Alam ko naman po iyon kuya. Nag iingat naman po ako, at iingatan ko naman po na huwag madamay itong inosenteng puso ko pag nagkataon" sagot ko kay kuya habang nag sasabon ng plato. "Ayaw lang namin na mawala ka sa amin ng maaga, Hosea." Napangiti naman ako. Kahit kelan napaka over protective ni kuya sa akin. Well, yung buong pamilya ko naman ay over protective sa akin. Isa nga sa rason kung bakit nag doktor si ate, ay para maalagaan ako. "Umiibom ka naman ng gamot sa Maynila? Hindi ka ba pumupunta sa mauusok na lugar? Hindi mo ba pinapagod sarili mo, ng todo?" Sunod sunod na tanong sa akin ni kuya. Umiling naman ako sa kanya, "Huwag kang mag aalala kuya, iniingatan ko ho ang sarili ko." "Hosea! Pagkatapos mo nyan punta ka sa kwarto ko ah!" Rinig kong sabi ni ate mula sa sala. "Opo!" Alam ko naman na kasi kung ano ang gagawin ni ate sa akin. Sya kasi ang doctor ko at sya ang nag momonitor sa lagay ko. Mapa Maynila man o Bicol, sya talaga eh. "So far, okay naman ang lagay mo. Alagaan mo lang sarili mo and, inumin mo yung gamot na binibilin ko sayo" sabi ni ate pagkatapos nya ako icheck up sa kwarto nya. Natawa naman ako, "Oo naman ate noh. Ayoko pang mamatay." Nandito kasi yung mga kagamitan nya, na ginagamit para sa akin. Sumeryoso naman ang mukha ni ate sa akin, kaya alam ko ng may sasabihin sya na seryoso kaya tumigil ako sa pagtawa. "Spontaneous Coronary Artery Dissection is a serious disease. The fact na rare pa syang sakit, ay dapat mag ingat ka pa rin. 70% naman ang survival rate mo pero huwag kang pakampante. I also suggest na sana huwag kang magpabuntis" sabi ni ate ng seryoso. Agad akong napatingin sa kanya nung sabihin nya ang last sentence, "Bakit?" Huminga ng malalim si ate bago naupo paharap sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko, "I'm not saying na don't do s*x, basta make sure hindi ka mabuntis." Napakunot naman ang noo ko, nag tataka, "Bakita nga po ate?" "If ever na mabuntis ka, you have to options. One is to abort it and two, you will give birth to the baby, pero ikaw naman ang mamamatay." Napakurap naman ako sa sinabi ni ate. Either way, may buhay na mawawala. It's either ako, o ang future baby ko. "Eh hindi naman ako ate mabubuntis and mag iingat ako na huwag" sabi ko at ngumiti sa kanya. "Huwag kang mag salita ng tapos, Hosea. Hindi mo pa alam ang mangyayari sa future" seryosong sabi ni ate bago tumayo at lumabas ng kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD