Kinabukasan, maaga kaming nagising ni Icerael dahil sa tilaok ng manok namin. Lumabas ako ng kwarto para dumeretso sa banyo at makapaghilamos. Pagkatapos nun ay bumalik ako sa kwarto ko, basa ang buong mukha ko.
"Come here."
Umirap ako at lumapit kay Icerael na ngayon ay nakaupo sa kama ko. Tumigil ako sa harapan nya at lumuhod para maabot nya ang mukha ko. Gamit ang twalya nya, pinunasan nya ang basang mukha ko.
"Aray ko naman" reklamo ko nung napadiin ang pag pupunas nya ng mukha ko.
He chuckled, "Sorry."
Nung matapos nyang punasan ang mukha ko, ay sya naman ang tumayo para pumunta sa banyo at makapag hilamos. Ako naman ay lumabas na sa kwarto ko at pumunta sa sala.
"Oh tay, nasaan si nanay?" Tanong ko sa tatay ko nung hindi ko makita si nanay sa bahay.
"Ayun anak, nakay kumare nag susugal na naman" simpleng sagot ni tatay at sumimsim sa kape nya.
Nag salubong ang kilay ko, "Ho? Ano gamit nyang pera?"
"Edi yung peramg napanalunan nya kahapon sa sugal. Baka sakali raw dumami pa" sagot ni tatay sa akin.
Napasapo nalang ako sa noo ko at napailing. Pumunta ako sa kusina para tignan kung may pagkain ba. Mabuti na nga lang at may natira pang ulam kagabi kaya iyon nalang ang ininit ko. Nung makita kong bumukas na ang kurtina ng banyo at lumabas si Icerael, napangiti naman ako biglaan.
"Oh hijo, nanliligaw ka na ba dito sa anak ko?" Rinig kong tanong ni tatay kay Icerael.
"Yes sir" magalang na sagot ni Icerael sa tatay ko.
"Abay mabuti. Akala ko patatagalin mo pa yun eh. Salamat pala at nag paalam ka pa muna sa amin bago ka nanligaw" rinig kong sagot ni tatay kaya napakunot ang noo ko at tinignan sila pareho.
"Kelan ho?" Taka kong tanong.
Natawa ng bahagya si tatay at tinapik ang balikat ni Icerael, "Kahapon lang din anak. Nasa kusina ka ata non eh."
Napailing nalang ako at tumalikod para hindi makita ang pag silay ng ngiti ko. Bumalik ako sa kaserola para tignan kung pwede na ang iniinit kong ulam. Nung mapagtanto ko na pwede na ay inaya ko na sila tatay na pumunta dito sa kusina.
Tahimik lamang kaming kumain. Paminsan minsan ay chinichika ni tatay si Icerael sa mga bagay bagay. Madalas tungkol sa akin.
"Abay ingatan mo yang anak ko. Pag iyan may nangyaring masama, ihanda mo sarili mo dahil hahabulin kita ng itak" pagbabanta ni tatay kay Icerael.
Natawa ng bahagya si Icerael bago ako nilingon saglit, "Hindi ko naman ho sir pababayaan yung anak ninyo."
"Abay mabuti na ang sigurado, boi."
Pagkatapos namin kumain ay ako na rin ang nag ligpit, pero si tatay na ang nag hugas ng pinggan.
"Anak, may gusto ba kayong puntahan ngayon?" Tanong ni tatay habang pinupunasan ang basang kamay nya sa basahan.
Napatingin ako kay tatay, "Bakit po? Pwede ho ba kami umalis?"
Nginitian ako ni tatay bago ako tinabihan dito sa sofa na inuupuan ko, "Abay syempre naman. Ilibot mo dito ang iyong manliligaw, dahil kahapon eh naudlot kayo hindi ba."
Tinignan ko si Icerael na ngayon ay pinagmamasdan lang kaming mag ama. Binalik ko ang tingin ko kay tatay na ngayon ay nakangiti sa akin.
"Talaga po? Oh sige hindi ko ho iyan tatanggihan" masayang sabi ko at tumayo na mula sa pagkakaupo ko.
Tumayo naman si tatay at nag unat, "Punta nalang muna ako dun kay kumpare" paalam ni tatay bago pumasok sa kwarto nila ni nanay.
Tinignan ko si Icerael na ngayon ay tinitignan ako na para bang iniintay ako. Tumayo ako nilapitan sya, saka hinawakan ang braso nya at iniangat.
"Tara! Balik tayo sa Mayon Skyline!" Masayang sabi ko habang hinahatak sya patayo.
Tumayo naman na si Icerael kaya naglakad na ako patungo sa kwarto ko. Binuksan ko yung cabinet ko para kumuha ng damit, habang si Icerael ay nakaupo lang sa kama ko, habang gumagamit ng cellphone nya.
Sinara ko ang pintuan ng cabinet at nilapitan sya, "Ano ba ginagawa mo dyan?"
Inangat nya ang tingin nya sa akin, kaya nasilip ko kung anong ginagawa nya sa phone nya.
"Tangina seryoso, uso sayo ang ML?!"
Agad nyang tinago ang cellphone nya at pinulupot ang braso nya sa bewang ko kaya napalapot ako sa kanya. Nanatili syang nakaupo kaya nakatingala sya sa akin.
"Anong rank?" Tanong ko sa kanya habang pinaglalaruan ang buhok nya sa kamay ko.
"Mythic, kasisimula ko lang recently" he said in a deep voice.
"Sanaol, ako nga hindi umuusad sa pagiging warrior ko eh. Bobo kasi mga kakampi ko" sagot ko sa kanya.
"Mhm, lets play?" Aya nya sa akin.
Umiling naman ako, "Dinelete ko na, nakakaubos sa storage eh."
"You should take a shower" biglang sabi nya kaya napatingin ako sa kanya.
"Putangina! Bitaw na kasi" singhal ko at pilit na tinatanggal ang braso nya sa akin.
Natatawa naman nyang tinanggal ang braso nya mula sa pagkakayapos sa bewang ko at pinatitigan ako, kaya tinaasan ko sya ng kilay.
"What?"
"We should take sa shower, so we can conserve water" nakangising sabi nya habang naka kagat sa pang ibabang labi nya.
Nanlaki ang mata ko at agad na tinignan ang kurtina kung nandoon ba si tatay sa labas. Nung binalik ko ang tingin ko kay Icerael ay nakit kong natatawa pa ang loko, kaya hinampas ko sya sa braso.
"Tangina mo" sabi ko at pinakita ang middle finger ko sa kanya bago ako nag mamartsang lumabas ng kwarto.
Mabilis na ligo lang ang ginawa ko dahil malamig ang tubig ngayon. Gaya ng nakagawian ay sa loob na ako ng banyo nag bihis. Simpleng crop top na kulay purple ang suot ko, black ripped jeans at may checkered polo rin ako na nakatali sa bewang ko. After that ay lumabas na ako ng banyo, at naabutan ko si Icerael na nakahilig sa pader at iniintay ako lumabas.
Pinasadahan nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa kaya napaangat ang isang kilay ko sa kanya.
"What?"
Umiling sya sa akin pero hindi nakatakas sa akin ang pag ngiti nya, kaya hinampas ko sya.
"What?" Inosenteng tanong nya habang nakahawak sa braso nya kung saan ko sya hinampas.
"Eh nangingiti ka eh. Bakit ba?" Irita kong tanong sa kanya.
He bit his lower lip before licking it a little bit, "Nothing. You look wonderful."
Agad na nag init ang mukha at tainga ko kaya napayuko ako bigla. Narinig ko pa nga syang tumawa bago pumasok ng banyo.
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay binuksan ko ang electric fan para mapatuyo ko ang buhok ko. Pumasok si Icerael sa kwarto ko, mga kalagitnaan na rin ng pagpapatuyo ng buhok ko.
"Baka malamig sa Skyline kasi mahangin na at malapit na nga mag pasko" sabi ko sa kanya habang sinusuklay ang buhok ko.
Mula sa salamin na nasa harapan ko, kita ko si Icerael na naka upo sa kama ko at tinutuyo ang buhok nya gamit ang twalya nya. He's wearing his navy blue hoodie at naka black maong pants sya.
Nung mapatingin sya sa salamin, ay agad akong nag iwas ng tingin at nag kunwaring nag susuklay nalang ng buhok. Paglingon ko sa kanya, ay sinusuot na nya ang kanyang silver watch nya sa palapulsuhan nya, na hindi ko alam na dala pala nya. Kinuha ko ang white cap ko na nakasabit sa gilid at sinuot iyon, pati ang white sling bag ko.
"Tara na, bagal mo naman dyan!" Sabi ko at hinatak na sya patayo.
"Tangina, ang hangin! Ang sarap sa feeling!"
Nandito na kami ngayon sa Mayon Skyline. As expected, marami rami din ang nandito. May mga pamilya na kumakain ng tanghalian sa mga maliliit na cottage na nandito sa Skyline.
Humawak ako sa harang na gawa sa kawayan habang dinadama ang hangin na sumasampal sa mukha ko. Ipinikit ko pa ang mga mata ko para mas madama ko ang malamig na ihip ng hangin.
Ito ang namimiss ko kapag nasa Maynila ako.
Pagkadilat ng mata ko ay nakita ko si Icerael sa gilid ko at tinitignan pala ako.
"Ang ganda ng view oh!" Sabi ko at tinuro ang Mayon at ang mga bukiran na nasa baba nito.
"Yes, it's beautiful, so beautiful."
Napatingin ako sa kanya at naabutan ko syang nakatingin pala sa akin. Nakagat ko ang pang ibabang labi ko nung mapagtanto na ako ang sinabihan nya non, at hindi yung view na tinutukoy ko.
"Hindi ako, si Mayon mismo. Napakaganda nya, diba? Napaka perfect ang hugis nya" sabi ko habang nakatngin sa Mayon at binalik ulit ang tingin kay Icerael.
Umangat ang kamay nya kaya sumunod ang tingin ko doon. Nilagay nya ang yakas kong buhok sa likuran ng tainga ko. Agad na nag init ang pisngi ko sa ginawa nya at tumingin nalang ulit sa harapan kung nasaan ang view.
"Grabe, kung darating man ang araw ng kasal ko. Gusto ko dito sa Albay" biglang sabi ko habang ang tingin ko ay nakatingin sa Mayon na nasa harapan ko lamang.
Naramdaman kong yumakap si Icerael mula sa likuran ko at hinapit ako papalapit sa kanya, "Balang araw, matutupad iyang pangarap mo."
Itinaas ko ang kanang kamay ko at itinuro ang Mayon, "Sana nga matupad iyon."
Hinawakan ni Icerael ang kamay ko na nakataas at pinagsiklop ang mga daliri namin bago nya dahan dahang inilagay sa gitna ng dibdib ko.
"It will happen, Hosea."
Napapikit nalang ako habang dinadama ang lamig ng hangin habang yakap ako ni Icerael mula sa likuran.
I hope so.
"Since nandito tayo sa Albay, hindi ka uuwi ng hindi kumakain ng" pumalpak pa ako at itinuro ang pagkain na iyon sa menu.
"Sili ice cream?"
"Oo! Syempre, dito lang sa Bicol mayroon ang sili ice cream na iyan. Tsaka kilala rin ito sa Bicol, so don't miss that chance noh." sabi ko at tumawag na ng waiter para makuha ang order namin.
"Saka kuya, dalawa pong sili ice cream po level 2" nakangiting sabi ko sa waiter na kumukuha ng order namin.
Ngumiti sa amin yung waiter pagkatapos isulat sa mini notebook nya ang order namin, "Is that all mam, sir?"
"Yes, that's all. Thank you" si Icerael ang sumagot at nag paalam na ang waiter sa amin.
"Oh how was it? Diba masarap?"
Ninamnam nya muna yung sili ice cream na sinubo nya bago sya nag kibit balikat, "It's fine. I like spicy foods."
"You are?!" Gulat kong sabi at dinuro sya ng kutsara ko, "Dapat pala level 3 inorder ko sayo, para mas maamghang."
Natawa si Icerael habang inuubos ang ice cream nya, "Well, you didn't ask me about it, but it's fine."
Pagkatapos namin kumain ay pumunta naman na kami dito sa Our Lady of the Gate Parish. Suggestion naman iyon ni Icerael kaya hindi na ako sumalungat pa.
"Ate, kuya, sampaguita po."
Kinuha ko ang bag ko at kinuha ang wallet ko, "Yung bente nga hija."
Agad na kinuha ng bata ang sampaguita at binigay sa akin, kaya binigyan ko sya ng isang daan.
"Hala ate, wala pa po akong panukli. Malaking pera po kasi ito" nahihiyang sabi nung bata sa akin.
Nginitian ko sya at hinawakan sa ulo, "Huwag mo na akong suklian bata, dagdag mo na iyan sa ipon mo."
Agad na lumiwanag ang mukha ng bata, "Talaga po ate? Nako, ang bait nyo naman po" Humarap yung bata kay Icerael, "Swerte nyo po kuya, na mabait po nobya nyo."
Nakita kong napangiti si Icerael sa sinabi nung bata.
"Ate, sige po ibibigay ko lang po ito kay mama. Salamat po ng marami po talaga" masayang sabi nung bata sa akin bago sya umalis at tumakbo papunta doon sa matandang babae na nag bebenta ng rosaryo sa may paanan ng simbahan.
Pumasok na kami ni Icerael sa loob ng simbahan. Mabuti na nga lang at walang misa ngayon nung dumating kami. Naupo kami dito sa isang pew. Si Icerael ay nanatiling nakaupo, habang ako ay lumuhod sa luhuran.
Lord, alam ko pong may mga rason kung bakit po ito nangyayari ngayon sa akin. Naniniwala naman po ako na may mga rason ang lahat. Thank you po sa mga blessings na ibinibigay nyo po sa akin, sa pamilya ko po, sa mga mahal ko sa buhay araw-araw. Sanay po ay hindi sila magkasakit dahil hindi ko po iyon kakayanin.
Sana po ay huwag silang masaktan o mahirapan dahil masakit po iyon para sa akin. Kahit ako nalang po ang magkasakit, mahirapan o masaktan huwag nalang po sila. Ilayo nyo po sila sa masamang bagay po, o Diyos ko. Ang tanging hiling ko nalang po sa sarili ko ay sana mabuhay pa po ako ng mahaba para po makita ko po sila na successful at masaya po. Yun lang po hinihiling ko. Amen.
"Are you done?"
Nag sign of the cross muna ako bago ako umupo katabi ni Icerael, "Lets go?"
Nung dumaan kami sa gitna ng simbahan ay pareha kaming nag bow sa altar bago kami tumalikod at lumabas ng simbahan.
"Anong ipinagdasal mo?" Tanong ko sa kanya nung makapasok kami sa sasakyan.
"Wala, nagpasalamat lang ako. How about you?" Tanong nya habang inaatras ang sasakyan.
"Well, to many to mention lolz. Tara, saan tayo next?"
Tinapunan nya ako ng tingin bago ibinalik ang tingin sa daanan, "Lets just stay in your house."
Tumango naman ako, "Sure, tara."