Chapter 10

2503 Words
[Anak naman, diba sabi ko pupunta dyan ngayong hapon tito mo. Bakit naman kayo umalis dalawa ni Iceral?] Kausap ko ngayon si nanay habang nandito kami ni Icerael nakasandal sa sasakyan nya. Nandito kami ngayon sa Mayon Skyline View Deck, at tumawag nga sa akin si nanay. "Opo nay sorry po nawala ho sa loob ko. Masyado po akong na natuwa---" [Ah basta umuwi na kayo ngayon. Walang pero-pero.] Kumunot ang noo ko at nag angat ng tingin kay Icerael na ngayon ay nakapamulsa at pinagmamasdan ako. "Nay naman, nasa Mayon Skyline ho kami ngayon. Hindi po ba pwede na kayo nalang muna po umuwi tutal malapit lang naman ho kayo sa bahay?" [Ano? Ako pa ngayon ang uuwi? Hindi ako pwede dahil hindi pa ako tapos mag sugal dito, matatalo tayo. Saka pera iyon pang kain, pang allowance mo saka pang---] Napakamot ako sa buhok ko, "Opo, opo, sige ho uuwi na kami." Nakita kong umalis si Icerael sa pagkakasandal sa sasakyan nya para umikot sa driver seat at buksan iyon, para makapasok na sya sa loob. [Ayan, madali ka palang kausap. Osya, isusugal ko na ito lahat ng pera, baka sakaling manalo dahil nasa akin ang kapalaran ngayon. Swerte ako ngayon.] "Nay---" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil binabaan na ako ng tawag. Napailing nalang ako saka ko ibinulsa ang phone ko bago ko buksan ang pintuan ng passengers seat. "Sorry ah, next time nalang tayo mamasyal" nakangiwi kong sabi habang sinusuot ko ang seatbelt. "It's okay, no worries" sagot naman ni Icerael sa akin bago sya nag maneho pauwi. "Hosea! Akala ko hindi kayo agad makakauwi, balak ko na ngang sana umalis at bumalik nalang mamayang gabi para iabot sayo ang sobre ng pera" sabi ni tito sa akin pagkalabas ko ng sasakyan. Nag mano ako sa kanya saglit bago binuksan ang pintuan, "Sinabi po sayo ni nanay?" "Oo hija" sagot sa akin ni tito. Kinailangan ko pang pwersahin ang pinto para mag bukas iyon. Medyo mahirap na kasing buksan iyon dahil kulang sa langis ang pintuan namin. "Pasok ho kayo tito, mag hahanda po ako ng meryenda. Pasensya na ho at natagalan kami sa pag uwi. Nawala ho sa loob ko na darating nga po pala kayo ngayon" nahihiya kong sabi habang tinatanggal ang supt kong sapatos. "Ano ka ba Hosea, ayos lang iyon sa akin" sabi ni tito at naupo sa sofa namin na mahaba, "Hindi ko nga alam at bakit pinwersa pa kayong umuwi ng nanay nyo, eh nandyan lang naman sya malapit." Tipid na ngiti lamang ang ginawa ko bilang sagot. Hindi naman kasi alam ni tito na pati si nanay ay nalulong sa bisyo. Ang alam lang nya, si tatay ay nag sasabong pero si nanay hindi nya alam na nag susugal. Nakakahiya nga dahil kamag anak kami ng mayor, tapos nag bibisyo pa magulang ko. Nakita kong naupo rin si Icerael sa pang isahan na sofa, at kinalikot nalang ang cellphone nya. "Hosea, hindi ba kayo naiinitan dito? Iisa lang ang bentilador nyo dito sa sala" rinig kong sabi ni tito habang nandito ako sa kusina, nag hahanda ng makakain. "Hindi naman ho. Medyo malamig naman na po kasi ngayon, lalo na at mag papasko na ho" sagot ko naman. Naisipan ko nalang na mag palaman ng tinapay at gawan ng kape si tito. Lumabas pa ako galing sa kusina para tanungin kung anong iinumin ni Icerael. "Yelo, ano gusto mo? Kape, o juice?" Tanong ko sa kanya habang nakatayo sa harapan nya at naka pamewang. Nag angat sya ng tingin sa akin mula sa pag gamit nya ng phone nya, "Juice will do." Tumango ako sa kanya bago ako bumalik sa kusina. Simpleng tinapay na may cheese spread lang at isang kape at dalawang juice ang ginawa ko, bago ako lumabas papunta sa sala. Naabutan ko na nag uusap na sila tito at Icerael about politics. "Kain na po tayo" singit ko sa usapan nila nung maibaba ko na ang pagkain sa center table namin, at naupo sa pang isahan na sofa, paharap kay Icerael. "What do you want ba hijo, criminal lawyer o civil lawyer?" Tanong ni tito kay Ice at kinuha ang tinapay at kape nya. "Gusto ko po sana na criminal law, but at the same time I also want to give justice to people, so I also want civil law. I prefer to choose the latter" pormal na sagot ni Ice kay tito. Tumingin sa akin si tito bigla "Ikaw Hosea, kumusta naman ang pag aaral mo ng engineering?" Uminom muna ako sa baso ng juice ko bago ko binalingan si tito, "Okay naman po ako, so far so good pa naman po." Kumunot ang noo ni tito na parang nag iisip pa at hindi nakuntento sa sinagot ko, "Isang year ka pa diba hija bago mag board exam?" Tumango tamgo naman ako, "Opo tito. Kung suswertihin nga po eh, isang take lang po sana ng board exam." "Kapag ikaw na ay naging isang ganap na engineer, ipapag apply kita doon sa kakilala kong may magandang kumpanya" sabi ni tito habang nakatingala pa. "Isipin mo iyon, kayong tatlong magkakapatid mga may pangalan na ipagmamalaki. Ang kuya mo, abogado. Ang ate mo, doktora, at ikaw naman engineer. Hay ang sarap sa pakiramdam na ako nag pa aral sa inyo" emosyonal na sabi ni tito. Sandali pang nag stay sa amin si tito bago sya nag paalam na aalis na. Naiwan na naman kaming dalawa ni Icerael dito sa bahay namin. Gumagabi na nga, at hindi pa umuuwi sa bahay yung mga magulang ko, kaya ako na ang nag luto ng hapunan. "Gabi ba sila palagi umuuwi?" Tanong ni Icerael habang nag lalagay ng pinggan sa mesa. Nilingon ko sya saglit bago ko ibanalik ang tingin ko sa niluluto kong Sinigang. "Actually, madaling araw na sila umuuwi. Si tatay kasi after mag sabong, dumederetsonsa kumpare nya para mag inuman. Si nanay naman, talagang nag sstay dun sa kumare nya kahit tapos na mag sugal. Milagro na nga lang na pag 10 ng gabi ay nandito na sila pareho" sagot ko sa kanya habang hinahalo ang sabaw ng Sinigang. Nung matapos kong lutuin ang ulam, sumandok ako ng ulam sa bowl at iyon ang inilagay ko sa mesa. Tahimik lang kaming kumakain ni Icerael pareha. Rinig na rinig ko ang tunong ng kubyertos at yung kulilig sa paligid namin. "I will was the dishes" presinta nya pagkatapos namin kumain. Sasagot na sana ako nung nilagay mya ang index finger nya sa bibig ko. "No buts." Hindi na ako nakipag talo at pumasok na sa kwarto ko para makakuha ako ng damit. Pagkatapos ay pumunta ako sa banyo para makapag hilamos. Simpleng pink na shorts at puting t-shirt ang sinuot ko at lumabas na ng banyo. Sakto naman na kakatapos lang mag hugas ni Icerael ng pinagkainan namin. "Ikaw naman gumamit ng banyo, sa sala lang ako" paalam ko at umalis para pumunta sa sala. Sinaksak ko ang tv namin at kinuha ang remote saka ako naupo sa sofa. Ang mga paa ay parehong nakataas sa sofa, kaya nakatagilid ako paharap sa may banyo. Payapa lang akong nanonood nung makita kong lumabas ng banyo si Icerael. Mukhang naligo sya dahil basa ang buhok nya, tumutulo pa ang mga tubig papunta sa damit nya at gulo gulo pa iyon. Nakasabit pa sa balikat nya ang twalya habang tinutuyo ang buhok nya. Nakasuot sya ng black hoodie at white jersey shorts. Napaiwas ako ng tingin sa kanya nung mapatingn sya sa gawi ko. Nararamdam ko na nag iinit ang pisngi ko, kaya kinagat ko ang pang ibabang labi ko at nanatili ang tingin sa pinapanood ko. Naupo sa sofa sa kanan ko si Icerael at tinignan ang pinapanood ko rin. Mula sa pweto ko ay amoy na amoy ko ang manly scent nya lalo na ngayon na bagong ligo sya. Ang serep.... Tangina Hosea, ano?! "Hosea." "Putanginang Hosea. Ano?!" Napatingin naman ako kay Icerael na ngayon ay nakangisi sa akin and he licked his lower lip a little. "Bakit ba?" Tanong ko sa kanya. "Can we talk?" Napaayos naman ako ng upo at tinignan sya, "Gago, talk lang ah. Pag iyan umabot sa iba, sinasabi ko sayo. Tangina ka." Umiling naman sya sa akin at maging seryoso ang emosyon sa mukha nya. Medyo na weirduhan nga ako kung bakit ganon sya makatingin. "Can you turn off the television first?" Iritang sabi nya habang nakaturo sa tv na bukas. "Arte nito. Osya, wait lang mag hintay ka" sabi ko at lumapit sa tv para i switch off na. Bumalik ako sa sofa at sumalapka ng upo saka tumingin kay Icerael, "Oh wala na ho master, ano hong sunod nyong utos?" Kumunot naman ang noo nya sa akin. Naiirita na, "Can you be serious?" Bumuntong hininga ako saka umayos na ng upo, "Shoot! Ano iyon?" "Hosea" tawag nya ulit sa akin. "What?"  "I don't know if I have a standing, but I want to court you." Hamburger? Standing? Standing ovation? "Putangina ano?Teka slow ako, wait lang"natatanga kong sabi sa kanya. I don't know if I have a standing, but I want to court you. I don't know if I have a standing, but I want to court you. WHAT THE f**k?! "Teka, kung tama ang pagkakaintindi ko sa lawyers pick-up line mo kineme dyan. Nag tatanong ka sa akin, kung pupwede ka bang manligaw, tama ba? Correct me if I'm wrong, baka nag aassume assume lang akong tanga" Naguguluhan kong sabi sa kanya habang itinuturo sya. Tumango sya sa akin, "Yeah, you're right." I blinked once. I blinked twice. I blinked thrice. Tumawa naman ako ng malakas to the point na hindi na ako makahinga. Nakita ko kung paano kumunot ang noo ni Icerael sa akin habang pinagmamasdan akong tumawa ng todo todo. "Whoo! Tangina! Kung nag ggood time ka lang, punyeta nakakatuwa" sabi ko habang tumatawa pa rin ng sobra. Nakita kong umiling sya, "Tsk, you're not taking it seriously." Natahimik naman ako. Putangina, seryoso sya doon?! "Tangina seryoso yun?!" Gulat kong sabi at tumayo mula sa pagkakaupo ko sa sofa. Nagulat naman sya kaya napatingala sya bigla. Ako naman ay napasapo sa bibig ko at napasuntok sa ere. "Putangina! Nananaginip ba ako?! Kasi kung oo, puta huwag nyo akong gisingin!" "Stop cursing, may makarinig sayo" sita ni Icerael sa akin. Naupo ulit ako sa sofa at hinarap sya, "Pero, seryoso ka nga talaga?" Kumunot ang noo nya sa akin habang tinitignan ako, "How many times should I have to tell you that I'm serious about that." Sumandal ako at nilagay ang kaliwang braso ko sa sandalan ng sofa, saka itinagilid ang ulo ko, "Malay ko ba. Baka kasi diba nag bibiro ka lang." "Hosea, if I said I want to court gou, I want to court you. Plain and simple." Ipinagkrus ko ang mga braso ko sa may dibdib ko, "Mister Icerael Jeron Monteferrante, mahirap naman kasi paniwalaan yung sinasabi mo. Okay lang sana kung magkaibigan, pero ikaw liligawan ako?" Napailing ako, "Ang hirap paniwalaan." "Ganon ba kaliit ang tingin mo sa sarili mo?" He said, a little bit irritated. "Hindi mo ako masisisi, Icerael. Ikaw nasa taas ka, ako hindi pa nga sapat ang salotang mababa eh" sagot ko sa kanya habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. "Hope, I will not go here in Bicol just for fun. If it's only for fun, ginawa ko na noon pa, but no, I want to go with you." Napalunok naman ako bigla at napabuntong hininga nalang. "Yeah yeah, fine fine. Pero ano kasi eh---" "Just let me court you, Hosea" He looked at me diretso sa mata, "I will not ask if I have a chance, kasi hindi naman doon nasusukat iyon. With or without, I will try. I will try to make you fall inlove with me, little by little. Slowly but surely. But if it didn't work, I will accept if you say no" seryoso nyang sabi sa akin Napabuntong hininga namana ako at napatingala saka tumayo at tumalikod sa kanya. "Ikaw bahala, gawin mo kung anong gusto mong gawin." Pumasok ako sa kwarto ko at kinuha agad ang phone ko. Rinig na rinig ko ang tunog ng puso ko, kaya kinabahan ako kaya agad kong kinuha ang gamot ko para kumalma at hindi ako atakihin. Huminga ako ng malalim ng mga ilang beses bago ko naramdaman na bumalik sa normal ang t***k ng puso ko. Napatingin ako sa kurtina ng kwarto ko nung pumasok si Icerael doon. Naupo sya sa sahig, paharap sa kama ko at kinuha ang dalawang kamay ko para ilagay sa mukha nya. Unconsciously, I caressed his right cheek a little, habang nakatitig sya ng diretso sa akin, watching me. I pursed my lips and stop what I'm doing dahil bigla akong nahiya. I looked at him in the eyes, while he's looking at me seriously. We stayed like that for a little while. Pero naputol nung marinig kong tumunog ang phone ko. Sabay kaming napatingin sa phone ko na tumutunog dahil may tumatawag. Ibaot ko iyon at sinagot ang tawag ni Chelsy. "Hello?" [What the f**k Hosea! Bakit hindi mo sinabi na magkasama kayo ni Icerael sa Bicol?!] Kumunot naman ang noo ko, "Huh? Paano mo nalaman?" [Duh, nakalagay sa IG story ni Icerael yung picture nyo together sa Cagsawa ruins! It's all over the UP Freedom wall kaya!] Napatayo ako sa gulat at napahawak sa pang ibabang labi ko, "What the f**k?!" [You heard it right. Kaya sa January, goodluck nalang sa inyo both. What's the real score between the both of you ba?] Alanganin akong napatingin kay Icerael na ngayon ay payapang nakatingin sa akin. Yung siko nya ay nakalagay sa kama ko at nakahilig ang ulo habang pinagmamasdan ako. Iniwas ko amg tingin ko sa kanya at tumingin sa cabinet ko na nasa harapan ko lang. "H-he's courting me." [What the f*****g s**t! I knew it! Doon din punta nyo both!] "Ako na magsabi kayla Alyisa, for now ano. Bahala na si pukinginang batman." Narinig kong tumawa si Chelsy sa kabilang linya, [Go girl! We got you! Oh sige baka naiistorbonko kayo, advance Merry Christmas!] "Yeah, advance Merry Christmas" sagot ko at ako na ang nag baba ng tawag. Binalik ko ang tingin ko kay Icerael na ngayon ay nag scrol na sa phone nya. "Kalat na daw sa UP Freedom wall yung tungkol sa picture natin na nasa IG story mo" sabi ko nung maupo ako sa kama. Nag angat sya ng tingin sa akin bago nilagay ang dalawang braso nya sa magkabilaang gilid ko. Sumunod naman ang tingin ko sa braso nya bago ko ibinalik ang tingin ko sa kanya. "Is it bad?" Inosenteng tanong nya sa akin. Bumuntong hininga naman ako bago umiling, "Nope, it's not." Nakita kong sumilay ang ngiti sa labi nya bago insinubsob ang mukha nya sa kandungan ko. Nagulat naman ako sa ginawa nya at tatanggalin na sana ang ulo nya nung niyakap nya ako sa bewang, kaya naharang din ang braso ko. "5 minutes."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD