Chapter 9

2435 Words
"Hamburger? Pinagsasasabi mo dyan?" Umiling nalang sya sa akin at nanatiling nakaupo pa rin at nangingiti. Since hindi pa naman luto ang pagkain namin sa almusal, naisipan kong lumabas ng bahay para magpakain ng manok ni tatay. "Where are you going?" Tanong kapagkuwan sa akin ni Icerael nung tumayo ako. Itinuro ko ang nakabukas naming pintuan, "Lalabas lang. Papakainin ko mga manok. Sama ka ba?" Walang imik imik ay tumayo sya at namulsa, "Where are the chickens?" Natawa naman ako sa kanya bago ako nag lakad palabas ng bahay namin. Nasa garahe nakapwesto ang mga manok namin. Malamang hindi nya nakita nung nakarating kami kanina dito dahil madilim ang paligid. "Ayun sila oh" turo ko sa mga manok na nag lalakad sa batuhan naming garahe. Pumalakpak ako para makuha ang atensyon ng mga manok namin. Nagulat pa nga sila at nag lililipad pero dahil nakatali ang paa nila, ay hindi nila magawa. "Rise and shine mga deputang ampon sa bahay! Kakain na mga senyorita!"  Pumunta ako sa gilid kung nasaan ang mga kainan nila. Nilagyan ko sila ng tag iisang takal ng pagkain nila, bago nag pagpag ng kamay at hinarap si Icerael na nakahilig sa pader ng bahay namin. "You have a lot of chickens" sabi nya nung makalapit ako sa pwesto nya. Itinali ko ang buhok ko into a high ponytail dahil nakaramdam ako ng init, "Aba iyan inaatupag ng aking itay dito sa Albay. Kaliwa at kanang pagsasabong kaya nagagalit si tito eh. Na kesyo tinutustos sa aming magkakapatid ang pera, hayon nag papakasasa sa pag sabong." Hindi na sya ang salita pa kaya pumunta na ako sa veranda namin. Naupo ako dito sa hamba ng maliit na bakod ng veranda namin at tumingin sa labas. Kung nasaan dumadaan ang mga kotse. Naramdaman kong lumapit si Icerael sa akin at sumandal din sa maliit na bakod ng veranda namin, paharap sa bahay namin. Walang nag salita sa amin kaya naisipan kong mag kwento nalamang sa kanya. "Nakwento ko naman sa iyo noon diba na walang trabaho sila nanay" panimula ko at nakita kong tumango sya. "Well, gaya nga ng sabi ko rin noon. Si tito ang nag pa aral sa aming tatlong magkakapatid. Kumbaga kung hindi naman kay tito, hindi naman kami makakapag aral  sa Maynila" sabi ko habang nakatingin lamang sa daanan. "May trabaho naman yung mga magulang ko noon. Janitress si nanay sa opisina ni tito, habang si tatay ay namamasada ng jeep" Bahagyang humangin kaya inilagay ko sa gilid ang bangs ko. "Kaso ewan ko sa kanilang dalawa. Nalulong sa bisyo sila pareha eh. Si nanay nahilig mag sugalan kasama ang mga kapitbahay namin. Si tatay naman, ayun ipinagsasabong ang manok namin" mahinang sabi ko habang nakayuko na. "Hindi nga dapat magtatapos ng high school si kuya, at hindi na kami mag aaral ni ate dahil wala naman na kaming pera. Naubos ng dahil sa pag sugal at pag sabong nila nanay" pagtutuloy ko habang nanatiling nakayuko pa rin. Hindi nagsasalita si Icerael na ultimo mas eneenganyuhan pa akong mag kwento. "Mabuti na nga lang at naawa sa amin si tito. Nakitaan nya kasi kaming magkakapatid na may mararating sa buhay, kaya pinag aral nya kaming magkakapatid" sabi ko at tinuro ang bahay namin, "Nagkaroon lang kami nyan nung grade 6 ako. Nakatira kasi kami noon sa pinagtagpi tagpi na kawayan. Doon ako talaga lumaki." "Hanggang sa naging ganap na abogado si kuya. Naging ganap na doktor si ate, pero sila nanay ganon pa rin. Ika nila na may mga pera naman na mga kapatid ko, kaya pwede ng sila mag tustos ng mga bagay bagay dito sa bahay o sa kahit ano man." Tinignan ko sya at naabutan kong nakatingin din pala sya sa akin. Nginitian ko sya at bahagya pang kinagat ang pang ibabang labi ko para mapigilang maluha. Nung mapansin nya na naiiyak ako, lumambit ang expression sa mukha nya at umangat ang kamay nya para hawakan ang pisngi ko. "Tangina. Ganon ang mindset nila. Talagang wala silang balak na kumayod para may sariling pera sila. Baliktad nga eh. Mga anak ang nag tutustos sa magulang, hindi yung magulang ang nag tutustos sa anak. Parang gusto lang nls magkaroon ng pamilya, pero iaasa nila sa iba pagdating sa financial. Nakakatangina lang." naluluha kong sabi sa kanya. Pinunasan nya ang mga luha ko gamit ang thumb nya. After that, his hands went down to my shoulders, "It's okay if you don't want to continue. I'm not forcing you." Umiling ako sa kanya, "It's fine. At least diba, nakikilala mo ako." I breathe a large amount of air before looking up, pursing my lips, "Kaya siguro ako lumaki ng palamura. Lumaki ako sa environment na puro ganon ang naririnig ko. Mura doon, mura dito." "But don't get me wrong, mahal ko mga magulang ko kahit ano pa ang ginawa nila. At the end of the day naman kasi, sa kanila rin naman ako uuwi" sabi ko at nginitian sya. "Mga anak, tara luto na pagkain." Sabay kaming napalingon ni Icerael sa pintuan nung marinig namin ang boses ni nanay. Nakasilip ang kalahating katawan nya mula sa pintuan. Tumango ako, "Sige po nay, papasok na po kami." Tumango si nanay sa akin at umalis na sa kinalalagyan nya. Bumaba ako mula sa pagkakaupo ko sa bakod ng veranda, at pinaypayan pa ang sarili gamit ang kamay. "Whoo! Tara!" Aya ko sa kanya at hinatak sya papasok ng bahay. "Pasensya na hijo, ito lang meron kami eh. Pritong tilapya at itlog na pula" nahihiyang sabi ni tatay habang kumakain kaming apat. Nilingon ko si Icerael habang ngumunguya, at nakita kong umiling lamang sya habang nakangiti, "Anything will do, mam, sir." Nung matapos kaming kumain, ako na ang nagligpit ng pinagkainan namin.  "Let me wash the dishes" sabi nya habang inuusog ako patagilid para sya ang humarap sa lababo. Ibinaba ko ang ininuman kong baso at tinignan sya, "Ako na, maupo ka na sa sala dali." Umiling sya, "I insist." Sasagot pa sana ako nung sumingit si nanay sa usapan namin. "Nak, punta lang ako sa kabilang bahay. Nag aaya mag pusoy dos si kumare" paalam nya habang hinuhugasan ang kamay nya. "Huh? Eh si tatay ho?"  As if on cue ay dumating si tatay dito sa kusina, "Nak punta ako doon sa plaza. May sabong ngayon." Bumuntong hininga ako at napairap sa kawalan. Batid kong nakatingin ngayon si Icerael sa akin. "So, kami lang maiiwan dito?" Tanong ko sa mga magulang ko. Hinarap ako ni nanay pagkatapos nyang hugasan ang kamay nya, "Oo nak. Dadating dito tito mo mamayang hapon, may ibibigay syang pera sa atin. Mag linis ka nalang ng bahay para may gawin ka." Bumukas ng bahagya ang labi ko bago ako tumango, "Ah, ganon po ba? Oh sige po." Ngumiti sa akin si nanay bago ako niyakap, "Salamat talaga ank. De bale, pag maganda ang baraha ko, ibibili kita ng kahit ano." Napangiwi naman ako, "Okay lang po nay, itabi nalang natin kung sakali." Saglit na nag paalam sa akin si tatay bago sila umalis dala ang jeepney. Napailing nalang ako bago ko tignan si Icerael na nakahilig sa hamba ng lababo, tinitignan ako. "Oh ano na naman ba?" Tanong ko sa kanya at binuksan ang gripo para mag simulang mag hugas. Nagulat ako nung inagaw nya sa akin ang plato at sponge kaya napatingin ako sa kanya. "Putangina?" Itinuro nya ang sala, "You should start cleaning the house. I will wash the dishes here." Nameywang ako at kinunotan ng noo, "Pwede ko namang gawin yan pagkatapos ko mag hugas. Wala naman akong hinahabol na oras." Tumigil si Icerael sa pag sabon ng pinggan, "Well you have now." Kumunot ang noo ko sa kanya, "Hamburger? Saan? Wala naman akong lakad ah." "Lets go somewhere. Mamasyal tayo ngayon." Nanalaki naman ang mata ko, pero agad naman akong natuwa. Matagal tagal din ako simula nung pumunta ako dito sa probinsya namin. Last year pa nung huli dahil hindi naman ako madalas umuuwi dito, tuwing Pasko lang. "Talaga?" Masayang sabi ko sa kanya. He nodded his head, "Yeah so you should start cleaning the house now." Masaya akong tumakbo papunta sa sala at nag simulan mag linis. Pinunasan ko muna ang cabinet na nilalagyan ng picture frames at ng tv bago ako nag lampaso.  "Saan mo ba gusto pumunta ngayon?" Tanong ko sa kanya. Nandito kami sa kwarto ko at katatapos ko lang linisin ang buong bahay, kasama na banyo. Ang oras ngayon ay exactong 1 pm na. "Tourist attractions maybe?" Tanong nya sa akin habang nag sscroll sa phone nya. Naupo ako sa kama ko at sinandal ang siko ko sa binti ko at nilagay ang kamay sa baba ko, "Maraming toursit attraction dito sa Albay, mamili ka kung saan habang maliligo ako." Tmayo na ako para pumnta sa cabinet ko at kumuha ng damit. Nag angat sya ng tingin sa akin, "Mayon Volcano?" Tinignan ko sya habang nag hahalungkat ng damit, "Mayon Volcano lang?" "I mean be the one to choose" sagot nya sa akin. Sinara ko ang pintuan ng cabinet ko at tinignan sya, "Okay, sabi mo yan ah. Walang sisihan kung saan tayo mapapadpad ah." Hindi ko na inintay kung ano ang isasagot nya doon dahil pumunta na ako sa banyo. Pagakatpos kong maligo at gawin ang mga ritwal ko sa loob, nag bihis na ako ng damit ko. Simpleng checkered na polo na kulay blue at white ang suot ko, at may sando ako na kulay puti sa loob na spaghetti strap. Naka black shorts naman ako bilang pang baba. "Oh ikaw na maligo. Malinis yan huwag ka mag alala" sabi ko pagkapasok ko ng kwarto. Hindi naman sya nag salita at kinuha ang nakahanda nyang damit na kalataga sa kama ko saka sya tumayo at lumabas ng kwarto ko. Tumapat ako sa electricfan at inisteady iyon sa isang pwesto para makapagpatuyo ng buhok ko. Nasa kalagitnaan ako ng pagtutuyo nung pumasok si Icerael sa kwarto ko. Nakasuot sya ng color blue na polo shirt at white shorts lamang. Basa pa ang buhok nya kaya tinutuyo nya iyon gamit ang twalya nya. "Himala, hindi ka ata nakajacket o hoodie ngayon" puna ko sa kanya habang pinagpapatuloy ang pagpapatuyo ng buhok ko. "It's hot" simple at plain na sagot nya sa akin. Nung napatuyo ko na ang buhok ko, agad ko iyon itinali into a high ponytail at tinignan si Icerael na nakaupo sa kama ko at pinapatuyo ang buhok gamit ang twalya nya, at gimagamit ng phone. "Gusto mo sa electricfan?" Tanong ko sa kanya while pointing sa fan na nakabukas. Agad nya akong inilingan, "It's fine. Are you good?" Tumango naman ako sa kanya bilang sagot. Isinampay nya sa hanger ang twalya nya bago tumayo. "Lets go?" Tumango ako sa kanya kaya lumabas kami sa sala. Sinuot nya ang puting rubber shoes nya na Nike pati yung apple watch nya na puti. Habang ako ay naupo sa sahig habang sinisintas ang rubber shoes ko na leather. Nung lumabas kami ng bahay, sinara ko ang front door at sinampay ang twalya namin sa veranda. Si Icerael ay nauna na sa sasakyan para mai-on na ang makina at aircon, para mamaya malamig na. "Lets go sa Mayon Volcano muna" sabi ko pagkaupo ko sa shotgun seat. Since hindi ko alam kung paano pumunta doon, in-on ko ang waze para sya ang mag guide sa amin papunta sa Mayon. "Sa Mayon sa pagkakatanda ko, may mga tao na nag aalok sayo ng picture pero may bayad. I suggest na, sariling sikap nalang sa pagkuha, para tipid. Kung okay lang sayo" sabi ko sa kanya habang nag mamaneho sya. "Yeah, lets do that." Nung na bored ako ay binuksan ko ang radio ng sasakyan nya para may tugtog naman kahit papaano. Kaso it's either panget ang kanta, luma ang kanta, o sadyang mahina signal kaya nag glicth. "Makinig nalang tayo sa balita" sabi ko at bumuntong hininga nalang. Nung matanaw namin ang Cagsawa ruins, pansin na namin na maraming mga tao ditp dahil nga mag papasko na at may mga turista na dumadayo dito. Talagang ito ang dinadagsa nila kapag nasa Albay ang mga tao. Nahirapan pa kami makahanap ng parking space dahil sa dami ng sasakyan. Mabut na nga lang at sakto may papalabas na sasakyan nung dumating kami. "Ayt, shy si Mayon" agad kong sabi nung lumabas ako ng sasakyan. "Mam, sir, picture po." "Ay kuya, okay lang po salamat" agad kong sabi. Narinig ko ang pag tunog ng sasakyan kaya napalingon ako kay Icerael na ngayon ay nag lalakad papunta sa akin. "Tara, pasok na tayo" aya ko sa kanya at hinatak na sya. Medyyo maulap nga lang kaya natatakpan ang tuktok ng b****a ng bulkan, pero ok na rin at least hindi yung half nya ang natatakpan. "Give me your phone" biglang sabi ni Icerael sa akin sa gilid. "Hamburger? Huh?" "I said give me your phone" ulit nya. Kinuha ko sa bulsa ko ang phone ko at iniabot sa kanya. Nagulat ako nung lumuhod sya sa sahig at itinaas ang camera ng phone. "Move to your left, and then itaas mo ng bahagya yung kamay mo" sabi nya habang nakaluhod sya. Kahit nagtataka ay sinunod ko ang utos nya, "Like this?" Umiling sya, "Form your hand as if you're holding something, and then put it on the side of your righ shoulder." Agad kong sinunod ang sinabi nya. "Medyo itaas mo yung kaliwang paa mo" sabi nya ulit sa akin at agad kong sinunod naman iyon. "Tsk, patingin ng baka kung anong itsura ko dyan. Pag yan pangit, tangina mo nalang" sabi ko sa kanya nung mag okay sign sya sa akin. Lumapit sya dala ang phone ko at ipinakita ang picture na kinuha nya. Just wow. Parang hawak ko yung bulkan sa mga kamay ko dahil sa kuha nya. "How was it?" Tanong nya habang tinitignan ang reaction ko. Hinampas ko sya sa balikat mg mahina, "Galing mo kumuha ah. Pumwesto ka rin kuhanan din kita. Don't worry maganda ako kumuha, sing ganda ko." sabi ko at kinindatan pa sya. "Ah talaga?" Sarkastiko nyang sabi sa akin. Pumwesto ako, doon sa pinupwestuhan nya kanina at nag squat naman. "Pose ka naman, kunwari may itinuturo ka sa baba. Dali!" Walang sabi sabi ay sinunod naman nya ang payo ko. Kinuhanan ko sya ng dalawang shot bago ako tumayo at ipinakita sa kanya. "Oh diba, maganda rin" pagmamayabang ko sa kanya. "Yeah right" nangingiti nyang sabi sa akin at pumwesto ulit sa baba para kuhanan ako ng picture. Mga 20 minutes kaming ganon bago kami nag decide na lumipat ng lugar na bibisitahin namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD