Chapter 8

2423 Words
"Oh ano, kaya mo pa ba? Nasa gitna palang ata tayo ng byahe." "Yeah, I can still drive." Natawa naman ako sa kanya. Nag stop over kasi kami dito sa may gasoline station sa express way. Nag aya na ako dahil nakakaawa naman ang itusra ni Yelo, pagod na pagod na sya at mukhang antok pa. "Sabi ko naman kasi sayo huwag ka na sumama. Ano bang nakain mo at natripan mong sumama sa kain pauwi ng Bicol, aber?" Tanong ko sa kanya habang hinahalo ang kape ko. He just shrugged before taking a sip sa kape nya, "I just want to go to Bicol, that's it." Kumunot naman ang noo ko, "Wala ka bang kasama sa Manila?" "My family is leaving in the states. I'm the only one who is still studying here" sagot nya sa akin habang nakatingin sya sa labas. Tumayo ako, kaya napatingin sya sa akin, "Lets go? Malayo layo pa byahe natin. Umalis tayo ng Manila around 3 so more or less, makakarating tayo doon by 4 ng umaga bukas." Hindi sya sumagot pero tumayo na rin sya dala ang kape nya. Pinindot nya ang remote control ng sasakyan nya at agad kong binuksan ang pinto sa shotgun seat.  "So, ikaw nalang pala ang naiwan dito?" Tanong ko sa kanya habang nag ddrive sya. "We're actually five. My other cousins are still studying here" sagot nya habang hindi tinatanggal ang tingin sa daanan. "Oh, gaya ni Sebastian ba?" Tanong ko at agad na napatakip sa bibig. Agad naman syang napatingin sa akin na parang gulat bago ibinalik ang tingin sa daan ulit. "How did you know the name of my cousin?" Tanong nya sa akin. I bit my lower lip at pasimple kong itinapat sa akin ang aircon, "Ano, kasi diba s-sikat kayong Monteferrante? Oo, ayun, oo. Tapos ayun, na alam ko pangalan ng isa sa pinsan mo. Oo, tama tama." He glanced at me before looking back sa daan, "I know you're lying, but I will not force you to say the truth. I know the word privacy, and either way malalaman ko rin naman" sabi nya habang nakatingin pa rin sa daan. Tangina! may floor wax ba ang bibig ko?! Nung mapansin kong 10 pm na, medyo nakaramdam na ako ng antok. Kinukurot ko na nga ng pasimple ang sarili ko para manatiling gising. Nakakahiya naman dib akung tutulugan ko sya? "Are you sleepy?" "Ay putangina, sleepy!' Napatingin ako sa kanya and I saw how the corner of his lips rose up. Isinandal pa nya ang kaliwang siko nya sa may bintana sa side nya at hinawakan ang baba nya habang nangingti pa rin. "Tawa ka? Happy ka?" Pagtataray ko sa kanya at nagdadabog na tumagilid ng upo. "Hey" mahinang sabi nya habang inaabot ang kamay ko. Nanatili ang tingin ko sa labas, para hindi nya mapansin na nangingiti ako. Tangina, ang rupok ko pag dating sayo! "Icerael, mata sa daan" pagtataboy ko sa kanya. "Okay, okay. I'm sorry." Mga ilang minuto ang nakalipas bago ko mapag desisyunan natumagilid ako ng upo, paharap sa kanya. Mukhang nagulat pa nga sya at pinasadahan pa ako ng tingin saglit. Dahil sa posisyon ko, nararamdaman ko ang pagbigat ng talukap ng mata ko, at mukhang napansin ni Icerael iyon. "You should sleep, Hosea" sabi nya bigla. "Huh? Hindi ako inaantok ah" tanggi ko sa kanya at umayos ng upo. I heard him chuckled kaya napatingin ako sa kanya. "Don't deny it Hosea, you look tired. You can sleep, I will not bother you" sabi nya at nilingon ako saglit. Bibigay na ako, "Sure ka?" Tinanguan naman nya ako kaya tumagilid ako ng upo paharap sa pintuan. Nag alarm pa nga ako ng 12 para hindi ako makatulog ng dire diretso. Medyo nakaramdam ako ng lamig kaya tinanggal ko ang jacket ko, para magawa kong kumot. "Hosea.....hey.....wake up" "Hmmmm" Unti unti kong iminulat ang mga mata ko. Automatic na napalingon ako sa paligid nung masilaw ako sa liwanag. "s**t, nasa Albay na tayo?" Gulat kong sabi kay Icerael habang pinagmamasdan ang paligid. Binalik ko ang tingin ko kay Icerael na ngayon ay hawak ang phone nya at naka on ang flashlight. Mukhang doon ako nasilaw kanina. "According to what waze said, 10 kilometers away pa" he answered. Agad kong tinignan ang oras dito sa sasakyan nya. "What the f**k? 2 am na?! Hindi ako nagising sa alarm ko" sabi ko sa sarili ko habang hinihimas ang noo ko. "I turned it off, so you can sleep more."  Nanlalaki ang mata kong napatingin sa kanya, "What?" Tumikhim sya bago istinart ulit ang makina ng sasakyan. Ngayon ko lang napansin na nakatigil pala kami sa gilid. "Well, I know you're tired, and you're sleepy so I turned off your alarm" simpleng sagot nya sa akin habang nakatingin sa harapan. "You're the one who's driving, ikaw ang mas pagod" puna ko sa kanya pero hindi nya na ako pinansin. Saktong 3:30 nung makarating kami sa Albay. Medyo napaaga pa ng 30 minutes dahil tuloy tuloy na ang byahe namin. Wala ng stop over at wala na rin namang traffic. "Yung maliit na bahay sa kanan" turo ko sa bahay namin. Hindi naman kasi kami nakatira sa subdivision dito sa labya. Nakatayo ang bhay namin sa gilid ng kalsada. "May parking space naman sa garahe namin, sa gilid. Nandoon naka park yung jeep namin" sabi ko sa kanya habang tinatanggal ang seatbelt para makababa. As expected, tulog pa sila mama ngayon kaya hindi bukas ang mga ilaw. tanging yung headlights ng sasakyan ni Icerael ang  nagsisilbing ilaw. Medyo mabato ang garahe namin kaya nahiya ako kay Icerael. "Mabato ah, sorry" sabi ko habang nakasilip sa bintana ng sasakyan nya. Agad syang umiling sa akin, "It's fine." Nung masigurado ko ng maayos ang pagkaka park ni Icerael sa sasakyan. Lumapit ako sa pintuan ng drivers seat para salubingin sya. "Tulog pa sila mama, mamayang 6 ang bangon nila sa pagkakatanda ko. Pasok tayo sa loob?" sabi ko sa kanya habang nakatayo sa harapan nya. Nakaupo pa rin kasi sya sa drivers seat kaya tiningala nya ako, "Is it okay?" Natawa naman ako sa tanong nya, "Ngayon ka pa nahiya, malupet! Don't worry mababait naman sila" sabi ko sa kanya at umatras na para makalabas sya ng sasakyan. Saktong pagkaapak nya sa mabato naming garahe, agad syang nag unat kaya naguilty naman ako bigla. Binuksan ko na lang ang backseat para kunin ang mga gamit namin. "Tara na sa loob, para makapagpahinga ka na" sabi ko sa kanya habang itinatali ang sleeves ng jacket ko sa bewang ko. "Give it to me." Nagtataka akong napalingon sa kanya, "Yung alin? Bag mo, wait lang." Yuyuko na sana ako para makuha ang bag nya pero hinawakan nya ang braso ko  para mapigilan nya ako. "I mean, give me your things" Icerael said while looking at my two bags. "Hamburger? Okay lang ano, kukunin ko na bag mo wait ka lang dyan" sabi ko at yumuko na para maabot ko ang bag nya na nakalagay sa dulo ng backseat. Agad kong inabot sa kanya ang backpack nya at agad naman nya itong sinuot saka inilagay ang bulsa sa khaki shorts nya. Sinabit ko ang isang bag ko sa balikat ko at yung isa, binitbit ko gamit ang dalawang kamay ko. "Tara na" aya ko sa kanya at nauna ng mag lakad. Umakyat kami sa maikling stairs dito sa gilid ng garahe para makapunta sa veranda ng bahay kung nasaan ang front door. Hinalungkat ko saglit sa bag ko yung susi habang si Icerael ay tahimik na nakatayo sa likuran ko. "Tara, pasok. Medyo maliit nga lang lol" mahina kong sabi sa kanya nung mabuksan ko ang pinto. Pinindot ko yung switch sa gilid ng pinto para mabuksan ang ilaw. Nilapag ko ang dalawang bag ko sa sofa at pabagsak na naupo. si Icerael ay tahimik na nilagay ang bag nya sa sofa habang pinagmamasdan ang kabuuan ng bahay. Nahiya at nailang nga ako dahil maliit lang sya, ni wala ngang pintura ang bahay namin eh. "Your house is clean"puri nya at naupo sa sofa na pang isahan lang. Tumango aman ako sa kanya habang tinatanggal ang sintas ng sapatos ko, "Ah oo, si mama kasi ayaw non sa makalat. Pag may nakita syang makalat, nako maghehelo ka sa tsinelas o sa hanger." Nung matanggal ko ang sintas ng sapatos ko, agad ko iyon hinubad at nilagay sa ilalim ng sofa. Tinannggal ko na rin ang suot kong medyas at nilagay sa basket na nasa gilid ng tv. "Kunin ko lang yung tsinelas sa kwarto ko. Feel at home ka lang muna dyan" sabi ko sa kanya at nakayapak na pumunta sa kwarto ko. SInilip ko ang kwarto nila mama para tignan kung natutulog ba sila, at tulog na tulog nga sila. Medyo kinabahan pa nga ako nung binuksan ko ang ilaw sa sala, dahil de kurtina lang naman ang harang sa bawat kwarto. Hindi uso pintuan sa amin dahil ayaw nila mama sa kadahilanan na para daw mas makapasok ang hangin. Wala pa sila ate at kuya dahil next week pa ang uwi nila dito sa Bicol. Hinawi ko ang kurtina na nag tatakip sa kwarto ko at agad na hinanap ang tsinelas ko. "Kasya naman na ata ito sa kanya, huwag syang maarte" bulong ko sa sarili habang pinagmamasdan ang tsinelas na medyo luma na. Nilatag ko na rin ang banig at sinapinan iyon saka nilagay ang dalawang unan para sa tutulugan ko. Bumalik ako sa sala at naabutan kong nakatakip ang braso ni Icerael sa mata nya habang nakatingala. Dahan dahan ko naman syang tinapik at agad naman syang tumingin sa akin. "Kasya na ba ito sayo? Hindi kasi kami pal tsinelas dito eh" nahihiya kong sabi sa kanya at ibinaba sa harapan nya nag tsinelas ko. "Anything will do" sagot nyat sinukat ang tsinelas ko. Mabuti na nga lang at may kalakihan sa akin ang tsinelas kaya nung sinuot nya ay sakto lang sa paa nya. "Uhm, tara na sa kwarto  ko" aya ko sa kanya habang kinukuha ang gamit ko sa sofa. Tumayo naman sya at nag pamulsa. Nung makuha ko ang dalawang bag ko ay nag lakad na ako papunta sa kwarto ko. Hinawi ko pa ang kurtina para makapasok si Icerael sa loob. "Ano, sa kama ka na. Sa banig na ako" sabi ko at tinuro ang banig na nakalagay sa sahig. "Take the bed, I will sleep there" Icerael said while he was taking off his backpack. Agad akong tumanggi, "Hindi okay lang, sanay naman ako sa banig eh." He looked at me with serious eyes, "Take the bed, Hosea. I can sleep there." Sandali akong tumahimik, "Baka kasi hindi ka sanay, mamaya sumait pa likod mo." Hindi sya nag salita at dumeretsong humiga na sa sahig. Ipinikit nya ang mta nya at nilagay ang braso sa ibaba wng mata nya para takpan. Wala naman na akong nagawa kundi tumayo at pumunta sa kama ko. "Pst, Yelo, pst. Hindi ka mag hihilamos?" Mahinang sabi ko habang sinisipa ng bahagya ang binti nya. Nakita ko syang gumulong patalikod sa akin. Napangiti naman ako at pilit pinigilan ang pag tawa ko sa ginawa nya. Mukhang pagod  nga talaga sya sa byahe. Tahimik akong kumuha ng damit at dinala sa banyo para doon mag bihis. Nag toothbrush at hilamos lang ang ginawa ko bago nag bihis ng pambahay. Simpleng maong shorts, at loose maroon shirt ang sinuot ko bago ako lumabas. "Nay!" Gulat kong sabi nung pag pagkahawi ko ng itim na kurtina ng banyo, ay nakita ko si nanay na nakatayo doon. "Susmaryosep naman anak, pati ako nagulat eh. Puso mo, anak" sabi nya sa akin habang nakahawak pa sa dibdib nya. Sinara ko ang pagkakahawi ng kurtina ng banyo sa likod ko, "Kelan ka pa gising nay?" "Aba'y kanina pa kami gising ng tatay mo. Teka muna, sino yung meztiso na kasama mo?" Tanong sa akin ni nanay. Napalunok naman ak at napabaling sa kwarto ko, "Ano nay, kaibigan ko" sagot ko. Pinatitigan naman ako ni nanay, "Hindi mo nobyo?" Agad akong umiling, "Hindi po nay!" Tumango tango naman sya, "Eh bakit kasama mo dito? Hindi ba iyan uuwi sa pamilya nya ngayong walang pasok?" "Eh sya lang po nandito sa Pilipinas, nasa ibang bansa pamilya nya eh" sagot ko habang pinupunasan ang mukha ko ng twalya. "Ano pangalan ni tisoy?" Tanong ni nanay sa akin. "Icerael po nay. Icerael Monteferrante" alanganin kong sagot. Agad na lumaki ang mata ni nanay sa gulat at nag sign of the cross pa, "Monteferrante?!" Napangiwi naman ako at tumango, "O-opo." Napailing iling si nanay habang hinihilot ang sentido nya. "Nakakahiya naman anak! Bakit mo sinama?" Mahinang sabi sa akin ni nanay. "Aba ewan ko po. Sya nag sabi na sasama sya eh" sagot ko agad. "Osya, mag pahinga ka na at mukhang pagod ka rin sa byahe. Ako na magpapaliwanag sa tatay mo, dahil kanina pa tinatanong kung kanino yung magarang sasakyan na nakaparada sa garahe." Agad akong tumango at binigyan sya ng halik sa pisngi, "Sige po, salamat po." Pumasok na ako sa kwarto ko at dumeretso na ng higa sa kama ko. Agad naman akong dinatnan ng antok dahil na rin sa pagod. Nagising ako kinabukasan at wala ni si Icerael sa banig. Nakatiklop naman iyon, pati ang unan ay nakaayos na rin. Nag unat muna ako bago ko tiniklop ang hinigaan ko at lumabas ng kwarto. "Ayan na pala ang anak ko, susko nauna pa magising kaibigan mo sayo anak!' Sabi ni tatay sa akin nung makarating ako sa sala. Nanlaki ang mata ko nung napatingin ako kay Icerael.  Tangina,  kumusta naman ang itsura ko?!  Agad akong napatakip sa bibig at kaagad na tumakbo papunta sa banyo. Nag sipilyo, hugas ng mukha at nag suklay muna ako bago ako lumabas ulit ng banyo. Naabutan ko sila nanay na masayang nagkukwentuhan pero napaangat ang tingin ni Icerael sa akin at agad na nginisian. "Osya. Hosea, anak, ikaw na muna bahala dito sa kaibigan mo. Magluluto muna ako ng almusal natin" sabi sa akin ni nanay nung makarating ako sa sala. Naupo ako sa sofa at agad na itinaas ang kaliwang paa ko sa sofa habang yung kanan ay nanatiling nakaapak sa sahig. "Magtitimpla muna ako ng kape, anak, hijo" paalam ni tatay at umalis sa pagkakaupo sa sofa. Naiwan tuloy kaming dalawa ni Icerael sa sala. Mabuti nga at nakabukas ang tv at may ingay sa paligid. Narinig kong tumikhim sya kaya napatingin ako sa kanya. "You're beautiful, even if you just woke up."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD