"Hoy anong mukha iyan? Biyernes Santo aber?"
Agad kong binato kay Alysia ang lalagyan ng tissue dito sa Rodics. Lunch time na kasi at gaya ng nakagawian, dito kami kumakain magkakaibigan.
"Ano, saklap ng may crushie na papi!" Gail said while she was drinking her drink
Nag make face naman ako sa kanila, "Shunga! Sa ating magbabarkada, hindi lang ako ang nagkagusto sa isa sa mga Monteferante, diba Chelsy?" Saka ko nilingon si Chelsy habang nakangisi.
Tinignan nya ako at biglang inirapan, "Happy ka?"
Tinawanan ko nalang sya saka ko sinimulan kumain ng inorder ko. Sa gilid ng mata ko ay nakita kong pumasok sila Icerael dito sa Rodics. Napaiwas nalang ako ng tingin nung makita kong dumapo paningin ni Icerael sa pwesto namin.
Tangina, dito rin pala tambayan nila tuwing lunch? Pwede naman sila sa The Chocolate Kiss Cafe dahil tutal mayayaman naman mga yan.
"Pst, boylet nyo ni Chelsy nandito" rinig kong sabi ni Azure sa amin ni Chelsy.
"Hay, boylet lang ni Hosea yan. Huwag nyo akong idamay" bored na sabi ni Chelsy habang hinihimay ang tapa nya.
Pero teka--
"Ano?! Wala na kayo ni Taurus ng taga PolSci?!"
Agad na tinakpan ni Chelsy ang bibig ni Alysia dahil napalakas ang pag react nya.
"Nyemas ang ingay mo!"
Tinanggal naman agad ni Chelsy ang kamay nya sa bibig ni Alysia mga ilang minuto ang lumipas. Hinarap ko sya kaya napatingin sya sa akin.
"Tell me, anong rason? Kelan pa kayo nag breal, at bakit hindi ka nagsasabi?" Dire diretso kong tanong sa kanya.
Itinaas nya ang kamay nya na parang nag sasabi na huminahon muna ako. Walang nagsasalita ni isa sa aming apat nila Gail, at pare-parehang hinihintay na magkwento si Chelsy.
"Well easy kasi si ano pa rin" simpleng sagot ni Chelsy pero nagkaintindihan na kaming lima.
"Aysus! Rebound lang pala yang si zodiac sign na iyan. Kung makakilig ka naman akala mo seryoso eh" sabi ni Azure at sumandal sa inuupuan nya.
Napakunot naman ang noo ko, "Ikaw nakipaghiwalay, o sya?"
I saw how Chelsy pursed her lips, kaya alam ko na ang sagot doon. Kilala ko na iyan eh.
"By the way, uuwi ka ba sa Bicol? Kasi malapit na ang break, two days from now na. Sa probinsya ka ba magpapasko?" Tanong sa akin ni Chelsy para maiba ang topic namin.
Ngumuso naman ako bigla, "Ewan ko pa kung kasya yung budget ko para makabili ng ticket papunta at pabalik. Alam nyo naman, mahal na yun for sure."
Inubos muna ni Alysia ang iniinom nyang drink bago ako tinapik sa balikat, "Hatiian kita, gusto mo?"
Agad naman akong umiling, "Hoy hala, huwag na noh nakakahiya. Mukha namang sakto lang ang naipon ko eh."
Pagkatapos namin kumain ay bumalik na kami sa mga building namin. Hours passed by like a blur and then boom! Tapos na nag klase.
Maingay ang buong Melchor Hall dahil nga uwian na at labasan na ng mga estudyante. May ilan na tumatakbo na palabas para maabutan ang mga jeep na dumadaan dito. Yung iba naman, ay pachill chill lang habang kausap ang mga kaibigan. Habang yung iba, problemado kung paano dadalhin ang mga projects o folders ng hindi masisira.
"Gago, pagod na ako. Gusto ko na mag break!" Agad kong sabi nung mabuksan ang dorm namin ni Chelsy.
Diretso salampak naman ako sa kama. Walang hilahilamos, de bale ng madumihan hinihigaan ko at least nakahiga na.
"Hoy, maligo ka nga muna. Kadumi mo eh, hihiga ka dyan sa kama mo. Hindi ka ba kinakati?" Rinig kong sabi sa akin ni Chelsy habang hinahampas ang binti ko.
Bumangon ako para makaupo at maabot ang twalya ko, "Gago, masakit. Heto na ho, maliligo na!"
Hindi naman ako literally na naligo ng bonggang bonggang. Nag buhos lang ako at sabon and then charan, ok na ako. Inulit ko nalang yung damit na sinuot ko kagabi, dahil sayang naman saka malinis pa naman iyon. Hindi naman ako lumabas at nausukan eh.
"Uy, iyan ulit suot mo?" Puna sa akin ni Chelsy nung makalabas ako sa banyo.
Inirapan ko sya, "Pakielam mo ba? At least may suot, kaysa naman panty at bra lang diba? Mamili ka, ito, o panty at bra?"
Natawa naman sa akin ni Chelsy bago nya kinuh aang twalya nya para makapagbuhos na rin. Nung makalapit sya sa akin ay agad nya akong binatukan.
"Boba! Walang filter yang bunganga mo eh noh" sabi nya sa akin bago nya sinara ang pinto ng cr.
Saglit lamang ako nag luto ng Sinampalukang manok para may maiulam kami ni Chelsy ngayon. Dinamihan ko na rin para may left over pang bukas. Bukas kasi, ay half day lamang ang buong Engineering department dahil mabait ang dean namin, pinayagan na magliwaliw na kami ng mas maaga.
Saan pa kayo? Sa Engineer na!
Kinabukasan, naunang lumarga si Chelsy sa akin. Hindi nya pa ako inabalang gisingin, pero mabuti nalang at nakapagsaing na sya, at mainit na ang ulam. Kumain muna ako saglit bago ko hinugasan ang mga pinagkainan.
"Nyeta, hindi nag hugas. Akala mo sya nag luto eh" bulong ko sa sarili ko habang sinasabunan ang mga plato.
Pagkatapos kong mahugasan, pumasok na ako sa banyo para makaligo na. Simpleng puting shorts at pink off shoulder lang ang suot ko ngayon. Half day lang naman, kaya maliit na bag lang ang dadalhin ko. Sinuot ko na ang puting sapatos ko, ne medyo kulay brown na dahil hindi ko nalalabhan, saka ako lumabas ng dorm.
Habang nakasakay ako sa elevator, itinali ko ang buhok ko into a high ponytail. Kinailangan ko pa ngang iipit sa pagitan ng legs ko ang dalang folder para makapag ipit. Saktong pag bukas ng pintuan ng elevator, ay katatapos ko lang mag tali ng buhok.
"Tangina, kung kelan walang dalang payong saka sisikat ng todo ang araw" irita kong bulong sa sarili ko habang pinupunasan ng pawis ang noo ko.
Mabuti na nga lang at may hawak ang folder kaya may pantakip ako sa mukha ko. Nung matanaw ko na ang Melchor hall, tinakbo ko na ang distansya para hindi na ako maarawan pa.
Umagang umaga, amoy araw na ako! Kadugyot naman, tangina
Paakyat na sana ako ng stairs nung makita ko sa taas si Icerael na nakasandal habang nakapamulsa pa. Naka puting maong shorts sya, black polo shirt at nakasuot sya ng airpods habang nakatingin sa phone nya. He's wearing his white Gucci rubber shoes.
Ok, putangina sanaol may ganyan diba
Hinihingal akong umakyat at nung mapansin nyang may tao na papalapit, napalingon sya sa direksyon ko. Tipid akong ngumiti sa kanya at bahagya pa syang kinawayan. I saw how the corner of his lips rose up before nodding his head.
"Wala ng pasok ang PolSci?" tanong ko sa kanya nung makalapit ako sa pwesto nya.
Umayos sya ng tayo at tinignan ako, "Yeah."
Tumango tango naman ako sa kanya, "Bakit ka nasa Engineering building? May kailangan ka, o taga Engineerin ang girlfriend mo?" Tanong ko sa kanya.
Agad na kumunot ang noo nya sa akin, "Girlfriend?"
I pursed my lips and nodded my head, "I assume yung wrong send mo sa akin, para yun sa girlfriend mo. Mali ba ako ng hinala?"
He tilted his head before biting his lower lip. Agad ko nama syang tinaasan ng kilay.
"Ano na naman?" Nakakunot kong tanong sa kanya.
Tinignan ko ang suot kong wrist watch para tignan kung anong oras na. May isang oras pa naman ako bago mag simula ang unang klase ko, kaya okay lang na makipagchika minute muna ako dito sa yelong ito.
"I was texting my girl cousin last night. Sa kanya yung message na iyon. I don't have a girlfriend, yet" sabi nya sa akin habang nakatitig sa akin ng diretso sa mata.
I licked my lower lip at napayuko nalang.
Geez, tangina nakakahiya. Ikaw kasi Hosea, maling akala ka eh. Bobo!
Nag angat ako ng tingin sa kanya at naabutan kong seryoso syang nakatingin sa akin, "Ano, pasok na ako. Ikaw, ano saan ka?"
Nakita ko kung paano tumaas ang magkabilang sulok ng labi nya saka kinagat ang pang ibabang labi para mapigilan ang pag ngiti.
"I will just roam around the campus, while waiting for you."
Nanlaki naman nag mata ko at lumapit pa lalo sa kanya, "Huh? Pakiulit nga?"
He looked away while biting his lower lip. Hinabol ko naman ang tingin nya, pero nung nahuli ko, seryoso na ulit ang emosyon na mababasa sa mukha nya.
Ano, mood swings? Japan ba sya?
"Uy, ano nga iyong sabi mo? Mali ata narinig ko eh" pag pupumilit ko pa sa kanya pero inilingan na nya ako.
"Go inside now" seryosong sabi nya sa akin.
Ngumuso ako sa kanya pero tinalikuran ko nalang din sya. Lalakad na sana ako papasok nung tawagin na naman nya ako.
"Yes? Did you miss me, my love?" Nakangisi kong sabi sa kanya nung nilingon ko sya.
Agad na kumunot ang noo nya sa akin kaya tinawanan ko sya.
"Oh galit ka na agad nyeta. Bakit ba?" Tanong ko sa kanya ulit.
Ipinakita nya ang phone nya kaya kumunot ang noo ko.
"Aanhin ko yan?" Taka kong tanong sa kanya.
"Tsk, I will text you later. I assume your class will end at 12 today, right?" Tanong nya sa akin.
Tumango naman ako sa kanya, "Oo, paano mo nalaman sir? Yie, stalker kita noh. Aminin" panunukso ko pa sa kanya pero kumunot ulit noo nya sa akin.
"Tangina, gagalet eh. Japan ka ghourl?"
Halatang mas nairita sya sa akin nung sabihin ko iyon, "The f**k? I'm not a girl! Why would i experience that?"
Tumawa naman ako ng malakas sa reaction nya. Putangina, alam nya iyon?!
"Gago, papasok na ako. Puso mo ingatan mo, high blood ka eh. Good morning!"
Tumalikod na ako sa kanya at kinawayan sya. Mabuti na nga lang at hindi na nya ako tinawag pa, kaya diretso pasok ako ng building. Pagkapasok ko ng room ay nakita ko na si Chelsy na nakaupo sa may sulok. Yung bag nya ay nakalagay sa tabing upuan nya.
"Senyorita, ilalagay ko po muna itong Coach na bag mo dine" asar ko sa kanya nung makalapit ako sa pwesto nya at nilagay ang bag nya sa mesa nya.
Tinapunan naman nya ako ng tingin, "Lakas ng amats mo today sis, anyare?"
Sumalampak ako ng upo at ibinagsak ang bag ko sa sahig, "Nandoon kasi sa labas si Icerael kanina---"
"Ah, oo kanina pa sya doon eh" putol nya sa akin.
Napaayos naman ako ng upo at tinignan sya, "Huh?!"
Nang aasar naman nya akong tinignan habang idinuduro ako gamit ang lapis nya.
"Something's fishy. Sure ka, friends lang kayo?" Tanong nya sa akin at diniinan talaga ang salitang 'friends'.
Inirapan ko naman sya, "Oo nga, yun sabi nya eh."
"I don't know lang ah. Simula nung inaya ka nya kumain ng dinner together, palagi syang sumusulpot out of nowhere" sabi pa nya habang hindi nawawala ang ngisi sa labi nya.
"Tsk, aba ewan ko sayo. Lagyan pa ng meaning lahat eh" sagot ko sa kanya at buti hindi na nya dinagdagan pa.
Saktong 12 ay dinismiss na kami ng last prof namin. Tuwang tuwa na nga kaming lahat dahil sa wakas, makakatulog na ng maayos. Inaayos ko ang gamit ko nung biglang tumunog phone ko. Kukunin ko na sana pero agad na kinuh aiyon ni Chelsy at itinaas sa ere para hindi ko maabot.
"Uy! Akin na yan. Privcay act!" SInghal ko sa kanya habang pilit inaabot ang phone.
"Echos ka ghourl. Cellphone ko ito, palag?" Natatawang sabi nya sa akin kaya tumigil na ako sa kakaabot sa phone.
Putangina, nung nag paulan ng height tulog ako eh. Habang mga kaibigan ko, ayun nag sasabon pa sa labas!
"Really? Ice Ice Yelo talaga?" Sabi nya sa akin habang nakataas ang isang kilay nya.
Pinilit ko ulit abutin ang phone ko, pero itinaas na naman nya ulit.
"Tangina Chelsy, akin na nga" pikon ko ng sabi sa kanya.
Tinawanan naman nya ako bago ibinalik sa akin ang phone, "Nag iintay daw sya sa labas ng hall nito. Kaya halika na at gogora na tayo, nakakahiya pag intayin ang isang Monteferrante!"
Sa sinabi nyang iyon ay napatingin ako sa kanya ng gulat, "Wow ah."
Hindi na nya ako pinansin pa at hinatak na ako palabas ng room namin. Hindi kalayuan ay nakikita kong maraming girls ang kumakausap kay Icerael. Todo ngiti naman sya habang kinakausap ng mga ka block namin. Nung mag angat sya ng tingin at nakita ako, agad syang kumaway sa akin.
"Excuse me ladies" rinig kong sabi nya sa mga babae kong ka block para makadaan sya.
Nung makalapit sya sa akin ay nginitian ko naman sya. Napatingin naman ako sa paligid nung mapansin kung pinagtitinginan kami ng mga tao dito sa building.
I bit the the inside part of my cheeks while looking at him, "Anong ginagawa mo dito, ulit?"
"Hi Icerael, medyo masama pakiramdam ko eh, mauuna na ako umuwi. Ikaw na muna bahala dito sa kaibigan ko. Ciao!" Paalam ni Chelsy sa likod ko at agad na umalis ng building.
"Chel...........sy. Nyemas, mang iiwan!"
"Lets go?"
Natauhan naman ako nung mag salita si Icerael sa tabi ko.
"Hamburger? Huh?" Gulat at taka kong sabi sa kanya.
Hindi sya nag salita pero hinatak na nya ako palabas ng Melchor Hall. Nagulat nga ako nung pagkatawid namin, ay nakit ako yung sasakyan nya. Binuksan nya ang pintuan ng shotgun seat at iminwetra ang kamay nya na pumasok ako sa loob.
"Teka, saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.
"Just trust me" sagot nya sa akin habang nakangiti.
"Teka lang, mamaya kung saan mo ako dalhin, mahirap na" pigil ko sa kanya.
Kumunot naman nag noo nya sa akin, "I will not do anything to you, relax."
I inhaled a large amount of air before getting inside the car. Umikot naman si Yelo sa kabilang side para makaupo sya sa drivers seat.
"Curious talaga ako, saan ba tayo pupunta?" Pangungulit ko pa sa kanya.
"Where are you going this whole Christmas break?" He asked while his eyes are on the road.
Sumandal ako sa upuan ng sasakyan nya, "Sa ano, Bicol" simpleng sagot ko.
"I will go with you" sagot nya sa akin.
Ay yun lang naman pala----------
"Putangina, motherfucker, ano?!" Gulat kong sabi sa kanya.
Nilingon nya ako saglit bago ibinalik ang tingin nya sa daan, "We will stop first at your dorm to get your things and then I will go get my things. After that we will go to Bicol. Understand?"
Napakurap ako ng ilang beses habang nakatingin sa kanya.
"Please tell me you're not serious about this" sabi ko habang nakatingin sa kanya ng alanganin.
"Well I'm sorry Hosea, but I'm serious about this."
What the actual f**k?! Anong nakain nya?!