"So, saan naman tayo ngayon Yelo?"
"Will you please stop calling me 'yelo'. Nakakairita."
Halos matawa naman ako sa kanyang reaction kasi sobrang nakakunot na ang noo niya ngayon. Pinigil ko lang ang tawa ko, dahil baka itapon niya ako sa labas ng sasakyan niya sa sobrang asar.
Putragis nalang, pag nangyari iyon.
"So saan nga tayo, Icerael?" Tanong ko ulit sa kanya at diniinan pa ang salitang Icerael, para mas dama niya na seryoso na ako at hindi nag bibiro.
"I have a reservation sa isang buffet," simpleng sagot niya sa akin bago siya nag u-turn.
Napahampas ako bigla sa kanyang dashboard, na naging dahilan kung bakit napatingin agad siya sa akin ng gulat, "What?!"
"Pucha! Buffet?! Saan? Gutom na ako!" Excited na sabi ko sa kanya kaya napailing-iling nalang siya at natatawa pa.
Hindi na niya ako sinagot, kaya nanahimik nalang ako. Hello, marunong naman ako makiramdam kung ayaw na makipag usap ng tao.
Don't tats me, I'm a sensitive person!
Nang makarating kami sa UP Town, nag pa valet parking siya kaya diretso labas na kami.
"Saan?" Agad kong tanong sa kanya nang maibigay niya na ang susi ng sasakyan sa valet boy.
"Tsk, can you wait?" Irita nyang sabi sa akin, kaya napanguso ako habang pinaglalaruan ang daliri sa kamay.
Kinausap niya saglit yung valet boy kaya dumistansya ako sa kanila. As usual, he's wearing an oversized black hoodie, black maong pants at yung white Balenciaga na rubber shoes. He looked at my direction kaya ngumiti ako sa kanya at bahagya pang kinawayan siya.
He walked towards me while his hands are inside the pocket of his maong. Pinasadahan pa niya ang kanyang buhok using his fingers when he stop right in front of me.
"Lets go."
Pumasok kami sa air conditioned area dito sa UPTC. Bahagya pa ngang tumaas ang laylayan ng dress ko, kaya agad ko iyon hinawakan para hindi ako makitaan. I think he noticed that I was gripping on the hem of my dress, kaya nilingon niya saglit ang suot ko.
"Are you comfortable wearing that?" Tanong niya habang nakataas ang isang kilay.
Napangiwi ako, saka tumango, "O-oo naman! Hehe."
Kumunot pa ng bahagya ang noo niya na parang tinitignan kung nagsasabi ba ako ng totoo, kaya naman itinaas ko ang kamay ko na naka thumbs up sa harapan ng mukha niya.
"Lets eat, gutom na ako eh," pag iiba ko ng usapan at hinatak na siya.
Si Chelsy kasi ang namili ng suot ko ngayon. Ang malas nga lang dahil nananadya si putanginang iyon, at pinili ang ang floral dress na kulay navy blue. Spaghetti strap nga siga kaya nag suot ako ng denim jacket para matakpan ang balikat ko. Naka sneakers naman ako na puti bilang sapatos.
Tumigil kami dito sa isang buffet restaurant. Base sa disenyo niya, ay mukhang mamahalin at may class lang ang pumupunta dito. Mula sa labas naman ay kitang kita mo na ang maraming klaseng pagkain. Agad na nanubig ang lalumanan ko habang tinitignan ang mga pagkain.
Ok, mamaya Hosea ikalma mo iyang putanginang tyan mo. Nakakahiya sa crush mo makita na matakaw ka. Sabihin niya baboy ang sinama niya ngayon.
"Good afternoon sir, mam. Any reservation po?" Bati ng babaeng nasa labas ng buffet restaurant.
"Under Icerael Monteferrante," tipid na sabi ni Icerael habang may tinitignan sa wallet niya.
"This way sir, mam," nakangiting sabi ng babae sa amin at binuksan ang pintuan.
Pagkapasok palang ay agad ko ng naamoy yung mababagong pagkain na niluluto. Pinagmamasdan ko lahat ng pagkain na madadaanan na namin papunta sa pwesto na uupuan namin dito.
Mamaya yan lahat sa akin!
"You can now start sir, mam," sabi sa amin ng babae nang maupo kami bago siya umalis.
Nag hiwalay muna kami ni Icerael para makakuha ng sailing pagkain. Pakunti-kunti lang muna dahil pwede naman ako bumalik mamaya. Kaso, mukhang wala pa ako sa kalagitnaan ng pagkuha ng pagkain ay napuno ko ang plato ko.
Kumuha na muna ako ng drinks bago ako maupo sa mesa namin. Nandoon na si Icerael at payapang nag kakalikot sa phone niya. Nang maupo ako sa tapat niya, nag angat siya ng tingin sa akin at agad na ibinulsa ang phone niya.
"Hindi ka pa kumain?" Tanong ko sa kanya habang pinupunasan ng tissue ang mga kubyertos ko.
Bahagya syang umiling, "I was waiting for you to come back."
Nag wala agad ang mga paro-paro sa tiyan ko nang marinig ko ang sinabi niya. Maski sa pag pupunas nga ng kubyertos ko, ay napatigil din ako.
Hoy! Crush mo lang diba? Huwag kang aasa!
Tumikhim ako at sinimulan ang pag punas ulit ng mga kubyertos, "L-let's eat na."
Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay bigla akong may naalala na itanong sa kanya.
"Uh, hindi ka ba ano," tumigil ako sa pagkain ko at maski siya ay tumigil din sa pag nguya, "Paano ko ba sasabihin sa iyo ito?" Dagdag ko, at nanatili lang ang tingin niya sa akin.
Inabot niya ang baso ng tubig saka uminom doon,"What is it?" Nakataas ang kilay niya sa akin.
"Uh, diba ano mayaman ka and ako ano mahirap," kinagat ko ang pang ibabang labi ko, "Ano, okay lang sayo na ano, ano, na magkasama tayo?" Putol-putol kong sabi sa kanya habang hindi makatingin ng diretso sa kanyang mata.
Tumaas ang isang kilay niya bigla, "What are you saying?" He asked.
Tumikhim ako at nasuklay ang sariling buhok gamit ang mga daliri, "Ano wala, hehe, hindi ba awkward para sayo?"
He stared at me for a couple of seconds before bringing back his gaze on his plate, kaya kumain nalang din ako para mawala ang kahihiyan na nararamdaman ko.
Why did I even asked that? Mas naging awkward tuloy ang atmosphere.
"It doesn't matter to me if we have a different kind of lifestyle."
Agad akong nag angat ng tingin sa kanya nang mag salita siya, pero nang tignan ko siya, ay tahimik lang siyang kumakain na parang walang sinabi.
"A-ano?" Paki ulit please.
Binitawan niya ang kanyang kubyertos at tinignan ako ng seryoso. Wala sa sarili akong napalunok habang nakatingin din sa mata niya.
"I don't judge people based on their kind of lifestyle they grew up. What matters to me the most is their attitude," seryosong sabi niya bago niya pinagpatuloy ang pagkain.
Napalunok naman ako bigla, at nag baba nalang ng tingin sa pagkain ko. So in short, he doesn't judge people agad-agad.
"Woi, ang cute ng aso oh. Gusto ko ng ganyan kaso," nakanguso ako habang tinitignan ang aso, "hindi ko naman maaalagaan," malalim akong napabuntong hininga habang nakatingin sa aso.
Napadaan kasi kami dito sa may shop kung saan nag groom ang mga alagang aso, at sakto, may nakita akong ginogroom na Siberian Husky. Iyon kasi talaga ang gusto kong aso noon palang, pero hindi ko naman siya maaalagaan.
"You want to be a fur parent?" Icerael asked while he was looking at the dogs inside the shop.
Nilingon ko siya, saka ako tumango, "Oo naman noh. Gusto ko nga ng mga Siberian Husky o kaya yung Golden Retriever," mapait akong napangiti, "Kaso, nakakaputangina yung presyuhan eh."
"You really like to curse huh," biglang sabi niga kayaagad akong nag angat ng tingin sa kanya.
Nahihiya akong napakamot sa buhok ko, "Eh kasi, yung environment na kinalakihan ko," napangiwi ako, "Puro mura ang maririnig mo."
He looked at me for a couple of seconds as if he was studying my facial expression, kaya tinaasan ko sy ang kilay. Natawa siya ng bahagya, kaya nakita ko kung paano naningkit ang mga maga niya.
"Ano?" Nanghahamon kong tanong sa kanya, pero umiling lang siya habang natatawa pa ng bahagya.
Napailing nalang din ako, saka tumingin ulit sa mga aso sa loob. Ang cute-cute nila panoorin! Yung iba tahimik lang habang sinusuklayan, pero may ilan na nag pupumilit na lumabas sa paliguan nila. Hindi ko maiwasan na tumawa habang tinitignan ang mga aso.
I unconsiously look at Icerael at naabutan ko syang pinagmamasdan ako. Nahihiya naman syang umiwas ng tingin bago kagatin ang pang ibabang labi niya.
"Lets go?" Aya niya bigla, at tumango naman ako sa kanya bilang sagot.
Bago kami tuluyan umalis sa shop, ay nag last look muna ako sa mga aso bago ko hinarap ulit si Icerael, "Arat na!"
Nag libot muna kami dito sa UPTC ng ilang saglit. Dumaan pa nga ako sa NBS para mamili ng mga gamit ko, at ganon din ang ginawa niya.
"Thanks for the lunch," nakangiting sabi ko sa kanya habang tinatanggal ang seatbelt ko. Nandito na kasi kami ngayon sa tapat ng dormitory namin.
He didn't bother looking at me pero nakita ko naman ang pagtango niya. Aalis na sana ako ng sasakyan niya nang marinig kong mag salita siga bigla.
"Hosea," he called me.
I pursed my lips before looking at him again, "Yeah?"
"Please don't think that I'm doing this because I like you," nilingon niya ako, " I'm doing this because I want to be your friend."
Ouch! Friend!
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil yung dating crush ko na hirap abutin, eh kaibigan ko na. O malulungkot dahil magkaibigan LANG kami. At mukhang, hanggang magkaibigan lang kami.
"O-oo naman noh. Friends naman na tayo eh, lol," nahihiya kong sabi saka napakamot ulit sa buhok ko.
Hindi na siya nag salita pa kaya lumabas na ako ng sasakyan niya. Saktong pagkababa ko ay narinig kong umandar na ang sasakyan niya palayo. Hinawakan ko ang strap ng string bag ko at tahimik na pumasok ng dormitory.
"Hey! Ano, kumusta ang lunch niyo outside?" Agad na tanong ni Chelsy sa akin nang binuksan ko ang pintuan ng dorm.
Nakita ko siyang nakaupo sa upuan niya dito sa kainan namin. Nakasuot siya ng daster niya na puti, at mukhang ready na siya matulog. Bumuntong hininga ako at sinabit ang susi sa gilid bago ko tinanggal ang suot kong sapatos. Nag hugas muna ako ng kamay bago ako sumalampak sa kama ko.
"Ayun, nag buffet naman kaming dalawa," pagkwento ko at napaupo sa kama, "Pucha! Ang dami kong nakain, feeling ko tatae ako anytime eh," sabi ko at nahiga na uli.
"What?! Buffet?! Sanaol!" Tiling sabi niya at nag lakad palapit sa akin, "Ano nangyari, nanliligaw na ba sya sayo or what?" Pangiintriga pa niya sa akin, at nangalumbaba pa.
Tumagilid ako ng higa, para matignan ko sya, "We're just friends."
Umirap agad siya saka hinampas ang kama ko, "Aysus! Friends daw. Oo nalang, kunwari naniniwala ako," sabi niya at bumalik sa mesa at pinagpatuloy ang pag gawa ng kuno sa sketch pad niya.
Umupo ako sa kama ko at itinaas ang dalawang paa ko para makapag indian seat, "Nilinaw naman niya sa akin eh, " I said kaya habang nag ddrawing kunwari sa bedsheet ko, "Ginagawa niya iyon kasi gusto niya maging close kami, at maging magkaibigan," dagdag ko at tinignan siya.
Mula sa pag sketch niya ay na angat siya ng tingin sa akin, "What?! Friends lang? Nothing more, nothing less?"
Bumuntong hininga ako bago ko kinuha ang twalya na nakasabit sa may ulunan ng kama ko, "Eh, iyon sabi nya eh."
Umakto naman siya na parang nasasaktan. Nilagay pa niya ang kanang kamay niya sa may dibdib, "Aray!Ano feeling ma friendzone?" She dramatically asked habang nakangisi.
Nginiwian ko siga habang nag lalakad ako papasok sa banyo, "Okay lang, at least kaibigan ko yung crush ko."
Nilagay niya sa chin niya ang lapis at tinignan ako, "Girl, may umaabot bang crush ng halos 4 years? Shopee ka gourl? Scam!" Turo niya sa akin.
Binato ko naman sa kanya nag bimpo na nakapa ko sa gilid ko, pero agad syang nakailag, "Ano?" natatawang sabi niya sa akin.
Tinaas ko sa kanya ang middle finger ko, "f**k you."
Pumasok ako sa loob ng banyo at agad sinara ang pinto kahit narinig ko ang sigaw niya sa labas, "Tangina ang lutong!" Narinig ko pa ang pagtawa niya sa huli, kaya napailing ako.
Nagbuhos lang ako saglit bago ko sinuot ang pambahay ko. Simpleng Adidas shorts na itim na binili ko pa sa tyange, at loose shirt na red. Lumabas naman na ako ng banyo at naabutan ko si Chelsy na gumagawa pa rin sya sa kanyang sketch pad sa mesa. Dahil naiintriga ako kung ano ginagawa nya, nilapitan ko na sya para tignan.
"Ano iyan?" Tanong ko sa kanya.
Pinakita niya sa kanya nag sketch ng isang floor plan ng bahay, "Sa tingin mo maganda ba? Or sobra ako ng ilang centimeteres or inches sa sides?"
Pinatitigan ko muna nag floor plan na ginawa nya. So far, maganda , maayos at tamang tama lang ang sukat ng bawat kwarto, pero natuon ko ang pansin sa isang kwarto.
"Talagang pa round iyan?" Tanong ko sa kanya habang nakaturo sa pabilog na kwarto na iyon.
Tinignan din niya iyon, "Ah hindi, sinandya ko iyon. Balak ko kasi na parang isang room lang sya na puro salamin," nag angat siya ng tingin sa akin saka ngumiti, "Lol, pang display lang sa future na bahay ko."
Kumunot naman ang noo ko sa kanya. Bakit ang extra? "Kung ganyan naman, sakto lang naman ang measurements mo."
Lumiwanag mukha nya, "Talaga?! Sakto lang naman noh, tinitignan ko kasi kung ganito, sakto kaya sa budget namin na future ko?"
Binatukan ko naman sya, "Engineer ka, at baka abogado o doktor naman mapapangasawa mo, so okay na iyan."
Nangunot naman ang noo nya, "Anong doktor? Ayoko na sa doktor noh."
Natawa naman ako bago siya iniwan sa mesa para maupo sa kama ko, "Shopee ka rin eh noh."
Tamad syang umirap sa akin kaya naman natawa ako sa kanya.
"Bakit hindi mo ipagawa nalang iyan kay Alyisa. Yun future architect iyong babaeng yun eh," sabi ko sa kanya. Bukod kasi sa pag gawa ng floor plan, eh nag ddrawing din siya, and I must say, hindi ganon kaganda iyon.
Nag angat siya ng tingin sa akin, "Duh, civil engineering student naman ako, gumagawa naman tayo ng floor plan ah," dipensa siya sa sarili niya.
Natatawang tumango naman ako sa kanya, "Oo na, oo na.Pagpatuloy mo lang iyan," sabi ko at sinampay ang twalya ko, "Huwag mo nalang idrawing. Ang panget eh, mukhang grade 1 gumawa," tawang dugtong ko.
"Ang sama mo!" Inis niyang sabi na parang iiyak na kaya tumawa ako.
Hindi na kami nag imikan pang dalawa dahil pareha naman kaming busy at may inaatupag pareha. Nang tumunog ang phone ko, kinuha o iyon sa gilid ko at tinapos ko muli ang isang sentence ng binabasa ko sa libro bago ko binuksan.
From: Ice Ice Yelo
Are you busy?
To: Ice Ice Yelo
Just reading something. Ikaw, diba mas madami ginagawa ang mga taga PolSci?
Ibinaba ko muna ang phone ko at pinagpatuloy ang pagbabasa. Nang tumunog ulit ang phone ko ay tamad kong kinuha ulit iyon.
From: Ice Ice Yelo
Yeah
Wow! Nakakaputa ang reply! Palakpakan natin! Ang haba ng reply!
Aasarin ko na sana sya, kaso biglang nagloko ang phone ko. Inis kong binato iyon sa kama at mukhang narinig iyon ni Chelsy.
"Anyare ba?" Tanong niya sa akin habang nakakunot ang noo niyang pinagmamasdan ako.
"Nakakatangina! Nag loko phone ko! Bwiset na Samsung iyan, nagloloko na naman," inis kong sabi habang hinahampas ang foam ng kama ko.
Narinig kong tumawa si Chelsy kaya tinignan ko siga ng masama, "Chill, mukha kang papatay ng tao," sabi niya kaya pinakita ko sa kanya ang middle finger ko, "Sino ba katext mo at aligagang aligaga ka dyan aber?"
"Wala!" Dipensa ko at nagdadabog na kinuha ang libro ko, na natapon ko pala kanina.
Pinagpatuloy ko nalang ang pagbabasa pero naramdaman ko ang presensya ni Chelsy sa likuran ko kaya taka ko siyang nilingon.
"Oh, gamitin mo muna ito. Nakatambak lang naman dito eh," abot niya sa akin ng iPhone na pinaglumaan nya.
Lumiwanag ang mukha ko at nginitian siga ng malapad, "f**k! Thank you!"
Tinampal naman niya agad ang bibig ko kaya sinamaan ko siya ang tingin, "Lutong ang putek!"
Hindi ko na siya pinansin at kinuha ang sim ko sa Samsung kong phone para ilipat sa iPhone. Nang masigurado ko ng okay ang lahat, in-on ko na ang phone at agad na nag type ng message kay Icerael
To: Ice Ice Yelo
Sorry may nangyari. pero ang tipid mo mag reply ah! Ayaw maubusan ng load sir?
From: Ice Ice Yelo
You're using iMessage? Cool huh
To: Ice Ice Yelo
Nah, pinahiram lang sa akin pansamantala. Putek kasi, nakakatangina yung phone ko, nag loko bigla!
From: Ice Ice Yelo
Pati sa text you're still cursing huh
To: Ice Ice Yelo
K, whatever
After that ay sinilent ko na ang phone para makapag focus ako sa pag aaral ko. Medyo okay naman na ako na magkaibigan lang kami. At least andoon ako every milestone niya, and that's fine with me. Kahit kaibigan nalang.
Nang matapos ko basahin ang buong topic na in-advance study ko, tinignan ko ang phone ko at may message doon na galing kay Icerael.
From: Ice Ice Yelo
I love you, ingat ka dyan
From: Ice Ice Yelo
Sorry wrong send
Napangiti ako ng mapait nang mabasa ko iyon. Looks like may girlfriend na nga sya. Hay puta na ito, walang pag asa kay crush! Ilang taon na rin eh at ngayong 4th year lang kami naging close, kung may pag asa ako edi sana noon palang kami na, pero hindi eh.
To: Ice Ice Yelo
It's fine :")
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ms. J