Chapter 5

2705 Words
"Hoy, anong ako? Bawal ako dyan." "Ay, oo nga pala. Hoy Azure, ano bagsak ka na?!" "Na-uh." Napailing nalang ako sa mga kaibigan ko. Hindi man nila aminin, eh lasing na ang mga ito. Pwera kay Chelsy at Gail na nag sosober up na para makapagmaneho pa mamaya pabalik ng dorm. "Huy kayong dalawa, umuwi na nga tayo at mamaya baka mag kalat pa kayo," awat ni Gail sa dalawa na nag sasaya pang umiinom. Agad na nilagay ni Alysia ang pointing finger nya sa bibig ni Gail na parang pinapatahimik ito, "Shh, huwag kang epal. Hindi pa ako nakakahanap ng boys." Nagakatinginan kaming tatlo at sabay-sabay na napailing. Goodluck sa kanya mamaya. "Okay ka pa ba?" Tanong ni Chelsy sa akin. I looked at her and smiled at her, "Yeah, okay pa naman ako. Yung dalawa ang------huy! Nasaan na yung dalawa?!" Agad kaming naalarmang tatlo nung mapansin naming nawawala na sila Alysia. Napasapo nalang ako sa noo at napailing habang sila Gail ay pinaghahanap na sila Alysia. Bigla nalang ako nagulat ng may mag baba ng drink sa harapan ko. "Hi miss? Are you alone?" Tinignan ko siya at inirapan, "Tsk, may mga kasama ako." Nakita ko ang pag ngisi niya at walang pasabi na naupo sa tabihan ko. Agad akong napausog para hindi kami magkadikit. Mukha pa namang fuckboy. "Hi, I'm---" "Love, lets go?" Agad na napaangat ang tingin ko nang marinig ko boses ni Icerael. Nakita kong seryoso syang nakatitig sya doon sa lalaki na katabi ko, kaya napatinign ako sa lalaking epal na nasa kanan ko. "Love?" Ulit ni Icerael pero this time, nakatingin siya ng diretso sa mata ko. Napalunok naman ako dahil hindi ko alam kung ano gagawin ko. Sasakyan ko ba trip niya o hindi? Pero kung hindi naman kasi, eh maiiwan ako dito kasama itong gagong ito. Narinig kong natawa naman yung lalaki kaya napabaling doon ang tingin ni Icerael. "Sorry dude, girlfriend mo pala," nakangising sabi ng lalaki kay Icerael. Nanatiling seryoso ang emosyon ni Icerael sa kanya pero hindi nagsasalita. He look so damn hot because of that. Itinaas ng lalaki ang dalawang kamay niya na parang nahuli siya ng police na gumagawa ng krimen, bago siya tumayo at umalis. I was expecting na aalis si Icerael after nun, but no. I saw him breathe a large air before seating down beside me. "Where are your friends? Why are you alone here?" Tanong niya bigla sa akin. Awkward ko syang tinignan habang nakalagay ang kaliwang kamay ko sa batok ko, "Ano...kasi... sila uhm...Chelsy, pinaghahanap na sila Alysia eh lasing na mga yun. Iuuwi na namin at baka kung mapaano pa." I saw him nodded his head before noticed the drink I was holding, "You're drinking a cocktail?" I pursed my lips, "Oo eh, hindi puwede sa akin ang hard." Isaw how the sides of his lips rose up, before biting his lower lip. Hindi naman na siya nag salita pa pagkatapos nun kaya pinagmasdan ko nalang siya. He's wearing a white shirt, with a floral print jacket, dark maong pants at may silver necklace din sya na suot. Adik sa jacket/hoodie ka boi? "Stop looking at me." "Ulol! Huwag kang feeling!" Hindi kalayuan ay natanaw ko na sila Chelsy na pahirapan na ma-akay sila Alyisa. They stopped for a while dahil nakita nila na katabi ko na ngayon si Icerael. I decided na tumayo para salubingin sila at makalabas na rin kami. "You're going already?" Icerael asked. Inodded my head and hold on to the strap of my sling bag, "Oo eh. Kawawa naman yung mga kaibigan ko, they look so wasted." Hindi na siya nag salita pa kaya naglakad na ako. Hindi pa ako nakakalayo ng may humawak sa braso ko. Handa ko na ngang pagsusuntukin at tadyakin ang taong humawak sa akin, bute when I looked back, I saw Icerael holding my arms. "Yes?" I heard him cough a little, "I will accompany you." Hindi na ako nag comment pa at nagpahatak nalang din. Mabuti nga yun dahil baka bumalik yung asungot at guluhin pa ako. Baka makagawa ako ng scene dito ng wala sa oras. "Uy, hi Icerael!" Bati ni Chelsy habang pinipilit na itayo si Alysia na wala ng malay ngayon. Narinig ko ang pagtikhim ni Icerael sa gilid ko, "Need help?" Agad na umling sila Chelsy at Gail sa kaya, "No need. Malapit lang naman na ang parking, we can do this" Gail answered. "I can ask Taurus---" "No need na Icerael, baka maabala ko pa kayong magkakaibigan," Chelsy cut him off. Napatingin ako kay Chelsy na ngayon ay tinatapik ang pisngi ni Alysia para magising. "Mauna na kami, bye!" Paalam ni Chelsy at nag lakad na paalis habang akay si Alysia. Sumunod naman na si Gail habang inaalalayan si Azure. Dinadaldal pa nga ni Azure si Gail habang nag lalakad, at panay tango nalang si Gail sa kanya. Napailing nalang ako sa mga kaibigan ko. I glanced at Icerael na ngayon ay tinitignan pala ako, "Uhm, ano, sige una na ako!" I was about to walk away, nang hilahin na naman niya ang braso ko. Awkward akong napatingin sa kanya pero nanatiling seryoso lang ang emosyon sa mukha niya. "Can I, have your cellphone number?" Tanong niga habang hindi makatinign ng diretso sa mata ko. Napangiti naman ako at muntik ng matawa sa itsura nya ngayon. Hiyang hiya kasi siya ngayon habang----wait, kinukuha nya number ko?! Yung crush ko, kinukuha number ko?! Nananaginip ba ako?! Kasi kung oo, huwag niyo na akong gisingin! "What?" Tanong niya pa sa akin ng hindi ako kumibo. Agad ko namang binuksan nag sling bag ko at kinuha phone ko. He was just there, standing and watching me search for my phone. Nang makita ko phone ko, bigla naman akong nahiya. Malamang maganda phone niya at nakakahiya ipakita yung phone ko. I looked away at tumikhim pa, "Ano, ako nalang kukuha number mo tapos text kita mamaya, or basta bahala na." Nang tignan ko sya ay seryoso lang ang tingin nya sa akin. Hindi naman na siya nag salita at bumuntong hininga bago niya inilabas ang iPhone niya. Binigay niya sa akin iyon at agad ko namang kinuha. "Just put your number there," sabi pa niya sa akin kaya nag angat ako ng tingin sa kanya. "Oh, okay." Mabuti nalang at saulado ko ang number ko kaya hindi ko kinailangan pang tignan sa phone ko. Nang masiguado ko na tama ang number na tinype ko, binalik ko na sa kanya ang phone niya. "I should go, baka iniintay na nila ako. Bye!" Paalam ko at nag mamadaling lumabas para hindi na niya ako mahabol pa. Pagkalabas ko ng bar ay nakita ko sila Gail at Chelsy na nakasandal sa kotse at iniintay ako. "Hey ang tagal mo, ano nangyari sayo sa loob?" Tanong sa akin ni Chelsy nang makalapit ako. Umiling naman ako before looking at Gail, "Ikaw na mag uuwi sa dalawa?" Bumuntong hininga siya bago daha-dahan na tumango, "Magkadorm naman kami ni Azure, habang itong si Alysia eh doon sa mansion nila umuuwi." Tumango naman ako bago ko sinilip yung dalawa kong kaibigan na nasa loob na ng sasakyan na gamit nila Gail. As expected, bagsak na yung dalawa. SI Alysia ay nakaupo sa shotgun seat at sabog sabog na ang itsura, habang si Azure ay nakadapa na sa backseat. Napailing nalang ako sa itsura ng dalawa. Wasted na wasted. "Lets go?" Tanong ni Chelsy habang pinaiikot ang susi ng sasakyan sa pointing finger niya. "Uh-huh, para hindi na abutin ng alas-tres. Ala-una na kasi eh at medyo inaantok na ako," Gail said before opening the drivers seat of their car. Ano?! Ala-una na?! "Tara na, para makapagpahinga," sabi ko before entering the shotgun seat of Chelsy's car. Naunang mag maneho paalis si Gail bago kami. Para hindi kami pareha antukin, nag bluetooth nalang ako ng kanta para may tugtugan at maingay ang sasakyan. Sinigurado ko talagang rock music ang pinatugtog mo para gising kami pareha. The travel time from BGC pabalik ng katipunan ay mabilis lang dahil nga madaling araw na, at wala ng masyadong tao. "Huy Hosea, bagon na anong oras na. Sayang araw!" Nagising nalang ako nang marinig kong nag tatambol si Chelsy. Nagkakamot pa ako ng buhok habang nauupo sa kama ko at kinapa agad ang phone ko para tignan ang oras. "Puta,  6 palang ah?!" Gulat at irita kong sabi nang mabasa ko kung anong oras na. Narinig kong tumawa si Chelsy habang hawak nya ang dalawang takip ng kaserola na ginamit niya para mag ingay kanina. "Oo inday, kaya bumangon ka na dyan. Sayang araw eh!" Natatawang sabi pa niya bago tumalikod at pumunta sa kusina ng dorm. Inayos ko saglit ang kama ko bago ako pumasok sa banyo at mag hilamos. Parehas kaming bagsak ni Chelsy dito kanina pagkauwi at ngayon nalang nagising. Lumabas ako ng banyo habang pinupunasan ng twalya ang mukha ko. "Ano niluluto mo aber?" Tanong ko kay Chelsy nang makita ko siyang nagkakalikot sa kusina. "Lutuin ko nalang yung isda dito. Antagal na kasi nito dito eh, hindi napapansin. Sabi niya, lutuin niyo na po ako!" Tawang sabi niya sa akin, kaya natawa na rin ako. Tumango ako sa kawalan habang tumatawa pa rin bago ako bumalik sa kama ko at naupo. Kinuha ko yung laundry basket namin ni Chelsy at pinaghihiwalay ang decolor sa puti. May laundry house naman dito, at ibababa ko nalang mamaya. Dapat nga sa Sabado pa, pero dahil holiday naman ngayon at maiipon yung mga damit namin, ipapa laundry ko nalang din. "Baba ko lang maruming damit natin!" Paalam ko sa kanya habang bitbit ang dalawa malaking bag na puno ng marumi naming damit. "Ge!" Sigaw ni Chelsy mula sa kusina. Kinuha ko ang susi ng dorm at bumaba na dala ang dalawang bag. Mabuti na nga lang at malapit ang dorm namin dito sa elevator kaya hindi hassle ngayong may bitbit akong mabigat. Actually hindi ko naman bitbit dahil hinahatak ko ito, parang trolly lang. Nang bumukas ang pinto ng elevator sa ground floor kung nasaan ang laundry house, ay agad akong lumabas hatak-hatak pa rin ang dalawang bag. "Oh, papalaundry ka rin?" Nagulat naman ako ng akbayan ako ni Azure. Tinignan ko siga at gaya ko may dala rin syang dalawang bag pero bitbit niya iyon. "Oo eh, baka maipon. Ikaw, kumusta hangover?" Tanong ko sa kanya at agad naman syang natawa. "Ayun, hangover pa rin. Sakit sa ulo. Mabuti nga at may gamot eh," sagot niya sa akin at tumango naman ako. Gaya ko ay nakapambahay na damit din siya. Yun nga lang, naka shorts syang itim at naka white spaghetti strap pa. Nahiya naman yung neon shorts ko at loose shirt na puti. Saglit kaming nag bayad sa laundry house bago kami bumalik sa dorm namin. Nasa 4th floor ang dorm nila Azure kaya mas nauna akong lumabas ng elevator. Pagkabukas ko ng dorm namin ay nakahanda na ang pagkain sa mesa. "Ito yung receipt ng laundry," sabi ko kay Chelsy at binigay sa kanya ang receipt bago naupo. "Oh, since ako nag luto, ikaw mag huhugas," sabi ni Chelsy sa akin habng kumakain kami. Nakakamay ako kung kumain dahil isda naman ang ulam. Nakataas pa nga ang isa kong paa dahil mas kumpurtable ako pag ganon, habang si Chelsy ay nakataas din ang isa nyang paa habang kumakain. Gaya nga ng nakagawian, ako ang nag hugas ng pinagkainan namin dahil si Chelsy naman ang nag luto. After that, pumasok ako sa banyo para makaligo na rin. Nag suot lang ako ng simpleng pink shorts at blue loose shirt. "Ako naman sa banyo!" Anunsyo sa akin ni Chelsy habang kinukuha ang twalya niya. Naupo ako sa kama ko habang tinitignan ang phone ko. Binuklat ko pa nga ang mga libro at notebooks ko na babasahin ko para makapag advance reading ako. Kinukha ko na rin ang mga highlighters, yellow pad at laptop ko para hindi ako tatayo na mamaya. Narinig kong bumukas ang pintuan ng banyo at ang mga yabag ng paa na papunta sa akin. "Ang sipag ah," puna ni Chelsy sa akin habang nag papatuyo siya ng buhok gamit ang twalya. "Aysus, edi mag aral ka rin kung inggit ka," sagot ko sa kanya habang hindi inaalis ang tingin sa laptop ko. Napansin ko mula sa gilid ng mata ko, na tumigil siya sa pagtutuyo ng buhok niya, "Me, naiinggit mag aral? Kung pwede ko lang ibagsak lahat ng subject ko at hindi na mag aral ginawa ko na eh." Tinapunan ko naman siya saglit ng tingin bago ko ibinalik ang tingin sa laptop ko. "Pero syempre, joke lang yun. Dalawang taon nalang at gagraduate na tayo, plus the board exam," bawi niya sa sinabi niya kanina at umakyat na sa itaas na kama. Ganto kami mag aral ni Chelsy, madalas sa kama lang dahil maliit lang naman ang space ng mesa namin, saka may privacy kami pag ganito eh. Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng panibagong topic nung marinig kong tumunog phone ko. Tinapos ko muna basahin yung isang paragraph bago ko kinuha ang phone ko at buksan iyon. From: Unknown number Can we eat lunch outside? Napakunot naman ang noo ko. May kutob ako kung sino ito, pero kailangan ko muna kumpirmahin. Mamaya kasi mag assume ako eh, edi assumera ako. Plus! Baka mapahiya pa ako ng wala sa oras. To: Unknown number Sorry, who's this? Ibinaba ko muna ang phone ko para makapagbasa ulit, pero bigla naman tumunog ang phone ko kaya kinuha ko iyon. From: Unknown number Icerael. Natawa naman ako kay asinilip ako ni Chelsy mula sa gilid ng kama niya. "Huy, anyare sayo? Tahimik natin, bigla ka tatawa." Umiling nalang ako sa kanya kaya umalis siya sa pagkakasilip sa gilid ng kama niya. To: Icerael Ang tipid mag reply, loko! From: Icerael What? Are you going with me or not? Puta, attitude ka sis? To: Icerael Saan ba? UPTC ulit? From: Icerael Yeah. To: Icerael Call! Ibinaba ko na ang phone ko at ipinagpatuloy ang pagbabasa ng mag ring phone ko. Taka ko naman iyon tinignan at halos iitsya ko ang phone ko nang mabasa ko ang caller ID Icerael calling.... Accept  Decline Nag ayos pa ako ng buhok kahit pa hindi naman ako makikita. Tumikhim pa ako ng mga ilang ulit bago ko sinagot ang tawa. "Herow?" Putangina! Ang landi ko! Hosea, umayos ka nga! Narinig kong tumawa siya sa kabilang linya kaya napatikhim ako. "Hello?" Ayan, maayos na. [I will fetch you at your dorm, later at 12] Napaayos naman ako ng upo at tinignan ang orasan ng laptop ko. It's freaking 10 am for f**k sake! "Huh? Ah, oh sige." After that ay walang pasabi na ibinaba ang tawag nya. Yun na yon, wala na? Sure na? Sure na talaga? Last chance..........wala? Umalis ako sa pagkakaupo ko sa kama at tinignan si Chelsy na ngayon ay seryosong nakatinign sa laptop niya. "Inaaya ako mag lunch ni Icerael," sambit ko at agad nalipat sa akin ang tingin nya. "What?! Seryoso ka?! Akala ko ba hindi na mauulit because of....." Hinampas ko ang kama nya sa kilig, "Eh yun nga eh. Baka sya na magiging forever partner ko." Binatuhan naman ako ni Chelsy ng eraser sa mukha kaya pinaningkitan ko siga ng mata, "Ano?!" "Akala ko ba you're not into boys at gusto mo mag aral muna. Scam ka pala eh!" Pang aasar niya sa akin. "Heh! Exception doon si Icerael. Ano ba, he is the man of my dreams. Saka, sino kaya mas scam sa ating dalaw? Pangako-pangako ka pa kay---" Agad nyang tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay niya, "Ulol! Anong oras ka ba aalis? Pwedeng ngayon na?" Tinanggal ko ang ang kamay niya na nakaharang sa bibig ko at nginisian siya, "Susunduin ndaw nya ako dito sa dorm ng 12." Umiling iling naman siya sa akin, "Ingat ka dyan sa mgaMonteferrante, alam mo na." "Duh! Ano, may hugot ka teh sa angkan nila? Putcha," tawang sabi ko sa kanya at umiling na naman siya. "Mag bihis ka na nga! Lumelevel up na ikaw dyan sa crushi mon bells, ah. Sanaol!" Nangingiti naman ako habang nagtitingin ng susuotin ko dito sa cabinet para mamaya. Ano ba maganda? ----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Ms. J
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD