"What? Nag kiss ba kayo? Nag I love you ba sya sayo? Mauulit ba? Ano nangyari? Kwento ka dali!"
Napabuntong hininga nalang ako napairap sa kawalan. Kanina pa ako kinukulit ni Chelsy na magkwento kung ano nangyari noong Sabado sa dinner namin ni Icerael. Kasalanan ko ba na tulog siya nung bumalik ako, at busy kami pareho kahapon kaya di ako nakapagkwento.
"Hindi kami nag kiss. Hindi sya nag I love you. I don't think na mauulit sya. Okay na?" Bored kong sagot sa kanya.
Nasa first class kasi kami ngayon and as usual, late ang prof.
"What?! Literal na sinagot mo lang mga tanong ko sayo. Details naman dyan," pangungulit pa niya sa akin.
Humarap ako sa kanya, "Okay, okay ito. Puta naman oh."
Nanahimik nalang siya at nangalumbaba habang iniintay ako mag salita.
"Awkward ang atmosphere namin. Mas naging awkward pa dahil nasabi ko kung sino talaga ako," pagkwento ko sa kanya at agad syang napakunot na noo.
"Hatdog? Elaborate mo nga!"
Tsk, demanding
"Napagkwentuhan kasi namin kung ano ang trabaho ng mga magulang namin, and yeah," sabi ko sa kanya.
Tumango tango naman siya. Alam naman kasi nila ang tungkol sa lifestyle ko at tanggap naman nila kung ano yun.
Mabilis ang naging takbo ng oras at gaya nga ng nakagawian, tuwing lunch break ay sa rodics kami nagkikita kita magkakaibigan.
"Hoy mga engineer! Late na naman kayo!"
"Tangina, Alysia. Nakalunok ka ba ng megaphone?" Irita kong sabi nang maupo kaming dalawa ni Chelsy sa upuan.
"Nag order na kami. Alam naman na namin kinakain nyo eh," nakangising sabi ni Azure sa amin iyon, pero parang may mali.
Agad syang binatukan ni Gail na nasa tabi lang niya, "Putik, ang baboy!"
Tinapunan ni Azure ng tingin si Gail, "Ang ibig kong sabihin, alam ko na kinakain ng mga iyan dahil puro tapsilog naman yung order nila palagi. Ikaw ang baboy, ano-ano iniisip mo."
"Hoy, tumigil na nga kayo dyan," awat ni Alysia habang pinaiikot ang straw sa cup ng coke.
Agad kaming napatingin sa kanya ng gulat.
"Wow, coming from you? Anong nakain mo at tumino ka ata ng very light," mapang asar na sabi ni Chelsy
Nakaramdam naman ako ng pag sipa sa ilalim ng mesa. Taka ko naman iyon tinignan, and it turns out na si Alysia pala yung nanipa sa akin.
"Ano?" Tanong ko habang nakataas ang isang kilay ko.
"Si Icerael nandyan," sabi niya sa akin.
Agad na nanlaki mata ko at pasimple na lumingon sa pintuan ng Rodics. Tama nga siya, nandoon nga sya at kasama nya sila Taurus at Khyro. Pasimple ko namang siniko si Chelsy na nasa tabi ko, at agad syang napalingon sa akin.
"Sila Taurus nandyan," sabi ko at gaya ko rinj kanina ay nanlaki agad mata niya.
"Hey, something's fishy between the both of you. Anong tea?" Tanong ni Gail kaya sabay kami ni Chelsy na napalingon sa kanya.
"Hatdog? Wala!" Tanggi ni Chelsy at kinurot ang binti ko.
Puta naka shorts ako ngayon! Ang tulis pa ng kuko, langya!
"Hi babe."
Nagulat kami nila Gail nung may lumapit kay Chelsy at hinalikan ito sa pisngi. Sinundan namin iyon ng tingin at si Taurus pala. Tinignan ko naman si Chelsy na ngayon ay hindi na alam kung ano gagawin niya.
"Taurus Del Señor right?" Si Azure ang nag tanong nyan.
Napatingin naman si Taurus kay Azure at agad syang binigyan ng malapad na ngiti.
"Taurus Del Señor, Chelsy's boyfriend," pakilala ni Taurusu sa sarili niya at nag lahad ng kamay kay Azure.
"What the f**k?"
"Tangina?"
"Hi I'm Alysia Mañarez, kilala mo naman na ako right?" Siya lang ata nag lakas loob na tanggapin ang kamay ni Taurus.
Tumango tango naman si Taurus sa kanya, "Yeah, you're the girl who kissed Icerael when you were drunk."
"Puta nalang."
"What the hell?"
Sa sinabi ni Taurus ay agad na pumula mukha ni Alysia sa kahihiyan. Walang filter ang bibig ni koya!
"Taurus!"
Napapikit nalang ako nang marinig ko yung pamilyar na boses na nanggaling sa likuran ko.
"Uh ladies, can we share a table with you?" Tanong ni Taurus sa amin.
Napatingin naman ako sa pwesto namin. We're seating on a place wherein 8 people can seat. Pinalibot ko naman ang paningin ko at puno na ang buong kainan. Lunch time kasi kaya dinagsa ito ng mga estudyante.
"A-ano, pwede naman," sagot ni Chelsy.
Wala naman na kaming nagawang apat kundi tumango nalang. Kawawa naman at wala na silang mauupuan. Ngunit, subalit, datapwat, bakante ang upuan na nasa harapan ko. Halos tawagin ko ang mga Santo para lamang umusog si Alysia, pero naupo na doon si Icerael.
Putangina nalang
"Nakapag order na ba kayo?" Tanong ni Gail para naman hindi manatiling tahimik ang mesa.
"Khyro's ordering for us," simple at plain na sagot ni Icerael.
Mula sa kinalalagyan ko ay pinagmasdan ko kung ano ang suot niya. He's wearing a plain white oversized hoodie, at may panloob sya na shirt na kulay gray. He's wearing a black maong shorts bilang pambaba niya. Nakasuot din sya ng airpods sa kanan na tainga niya, and he's wearing a silver necklace na bumagay sa puting Apple watch niya. Yung sapatos nya ay plain white na Balenciaga shoes.
"Hey, ayaw mo kumain, Hosea?"
Napabalik na lang ako sa realidad nang tawagin ni Azure ang atensyon ko. Yan tuloy, ay napatingin sa akin lahat ng tao dito sa mesa.
"Huh?" Lutang kong tanong.
Natawa naman ng bahagya si Azure sa akin, "Lutang ka sis? Sabi ko, ayaw mo kumain? May pagkain ka na kasi sa harapan mo, hindi mo naman kinikibo."
Unconsciously ay napatingin ako sa plato na nasa harapan ko. Isang malaking PUTA, ganon ba ako kalutang?
"Uy Hope, hindi mo ata ako nakita kanina."
Agad akong napatingin sa tabi ko.
"O-oh, Khyro andyan ka pala. Kelan pa?" Awkward kong sabi.
Nahihiyang ngumiti si Khyro sa akin, "Kanina pa. Tinatanong ko nga sayo kung pwede ba ako maupo dito since ito nalang ang upuan eh."
What?!
Napatingin naman ako kay Icerael na ngayon ay nakangisi sa akin. Tangina, feeling ko alam niya na pinagmamasdan ko siya eh.
"May something ba sa inyo, Hope?" Tanong ni Gail sa akin.
"Ha? N-nino?" Taka ko naman tanong sa kanya.
Hindi siya sumagot pero tinapunan niya ng saglit na tingin si Icerael. Sa ginawa nyang iyon ay alam ko na kung sino at ano ang tinutukoy niya.
"Wala noh," sagot ko sa kanya at sinimulan ko ng kumain.
Noong hapon na iyon, hindi na kami nagkita pang muli nila Alysia since magkakaiba naman kami ng building. Dumeretso kami ni Chelsy sa dorm namin at agad akong sumalpak ng higa sa kama ko.
"Buti nalang talaga at wala tayong pasok bukas," sabi ko habang yung mukha ko ay nakasalampak sa unan ko.
"Hay nako, buti nga naisipan nila iyon eh. Hello, pumasok kaya tayo ng Sabado tapos halos wala naman palang prof. Saan lulugar ang estudyante? Pasalamat nalang talaga tayo at holiday bukas, kahit na Tuesday bukas," Rinig ko namang sabi ni Chelsy.
Nakarinig ako ng pag bukas ng pinto kaya napaangat ang mukha ko mula sa pagkakasalmapak sa unan. Pumasok pala si Chelsy sa banyo. Tamad naman akong tumagilid ng higa at binuksan phone ko. Bumungad sa newsfeed ko ang picture nila nanay na nagdidiwang ng wedding anniversary nila ni tatay.
"Oh s**t! Ngayon ba yun?" Agad naman akong napatingin sa kalendaryo na nakasabit sa likuran ng pintuan namin.
"Ah, putangina! Ngayon pala yung wedding anniversary nila mama," sabi ko at napasabunot sa buhok ko habang umiikot ikot sa kama ko.
Kamuntikan na nga ako mahulog dahil hindi naman malaki ang kama ko.
Agad kong dinial ang number ni nanay, at ilang segundo ang lumipas bago nya ito sinagot.
[Anak! Kanina ko pa iniintay tawag mo!]
Agad naman ako napasapo sa noo ko, "Sorry ma nakalimutan ko. Masyado po kasi akong naging abala dito sa Maynila, Happy anniversary po sa inyo ni tatay."
[Naiintindihan ko naman iyon anak. Teka sandali, nandito tatay mo.]
Nag intay ako ng ilang segundo bago ako may narinig na boses.
[Anak! Abay kanina ka pa namin iniintay tumawag.]
"Pasensya ho tay, nakalimutan ko po. Busy po kasi dito sa Maynila," sabi ko para naman hindi mag tampo si tatay.
[Ayos lang iyon anak. Ang importante nakatawag ka bago matapos itong araw na ito. Pagbutihin mo ang pag aaral mo dyan sa Maynila ah.]
Tumango ako kahit naman hindi nila iyon makikita, "Opo tay, para sa inyo ni nanay gagalingan ko po."
[Osya, baka naaabala ko pag aaral mo anak. Ibabalik ko ang telepono sa nanay mo. Mag iingat ka dyan.]
"Opo, kayo rin po."
[Anak, alalahanin mo---]
Pinutol ko na ang sasabihin ni nanay sa akin, "Uminom palagi ng gamot. Huwag pupunta sa mauusok na lugar, at huwag papagurin ang sarili. Alam ko na po iyan nay."
[Osya, mag ingat ka ah. Galingan mo dyan sa syudad. Bye anak!]
"Opo, sige po. Bye po."
"Sila tita ba iyon?"
"Ay putangina ka gago ka, f**k!"
Natawa naman si Chelsy sa naging reaction ko habang pinapatuyo ang buhok niya, "Ang lutong ng mura ah," umiiling iling pa siya.
"Bwiset ka, aatakihin ako sayo eh!" Singhal ko sa kanya.
Sa sinabi kong iyon ay nag bago bigla ang emosyon ng mukha nya, kaya agad ko naman iyon binawi.
"Joke lang. Peace na. Huwag mo kasi akong gugulatin eh," pampalubag loob ko sa kanya.
Narinig kong napabuntong hininga sya bago niya tinapos suklayin buhok niya, "Huwag ka nga mag biro ng ganon."
Bigla naman akong na guilty, "Opo, opo, hindi na. Maliligo na nga ako at naaamoy ko sarili ko."
Mabilisang buhos lang ginawa ko dahil nanlamig bigla ako sa tubig. Hindi kasi ako nakapag painit ng tubig para maligamgam ang tubig na ipanliligo ko. Pagkalabas ko ng banyo agad kong nakita si Chelsy na nakaupo sa kama habang nakasandal ang likod sa pader.
"Tara kain na tayo," aya ko sa kanya.
"Magluluto ba ako, o mag bubukas nalang ng delata?" Tanong niya habang bumababa sa hagdan ng double deck.
Since ako ang nauna sa mini kitchen ng dorm, tinignan ko kung ano ba ang pwede makain.
"May delata naman, pero may isda sa ref kung gusto mong magluto," Sabi ko sa kanya habang nakabukas ang freezer ng ref.
Tinatamad syang sumalampak sa upuan na nakalaan sa amin sa kainan, "Nakakatamad mag luto. Ikaw, sinisipag ka ba?"
Sinara ko ang pinto ng freezer at kinuha ang dalawang delata saka binuksan, "Oh ito nalang, nakakatamad din kasi eh."
Natawa naman siya sa akin bago kinuha ang mga pinggan at kubyertos. Pagkatapos non ay naupo siya sa katapat kong silya at itinaas ang isang paa niya.
Sanay na ako dyan.
"May balak ka ba bukas?" Tanong niya sa akin habang kumakain kami.
Sandali naman akong tumahimik para makapag isip kung may gagawin ba ako. Wala naman akong icacram na submission sa ngayon, o advance work.
"So far, wala naman. Wala naman kailangan ipasa diba?" Tanong ko sa kanya.
Umiling iling naman siya, "Next month pa kasi ang deadline nung Electronic notepad na project eh."
Tumango naman ako, "So far yun lang noh?"
"Oo, sa pagkakaalam ko."
Ngumuya muna ako, "May balak ka bang lakad bukas, o ngayon?"
Nginitian naman niya ako ng nakakaloko kaya itinuro ko siya gamit ang kutsara ko, "Hoy, ano binabalak mo?"
"Arat, mamaya sa BGC?" Sabi niya habang hindi pa nawawala ang ngiti sa labi nya.
Napakunot naman ang noo ko, "Aano tayo sa BGC?"
"Club, bar," sabi niya habang nakangiti pa rin.
Pinaningkitan ko naman siya ng mata, "Ikaw, sinasabi ko sayo."
"Dali sagot kita. Saka, hindi ka naman inom eh, juice juice lang o kay mild lang. Saka sa hindi tayong mausok na bar pupunta," pangungumbinsi pa niya.
"Hindi mausok na bar? Nag papatawa ka ba? Wala ng ganon boi!" Natatawang sabi ko sa kanya habang kumakain.
"Yung pinsan ko, may kakilala na bar na hindi pwede mag usok," pangungulit pa niya.
"Ewan ko sayo ah. Basta pag mausok and such, uuwi ako," sagot ko naman sa kanya.
Lumiwanag naman mukha niya, "So, pupunta ka? Sasama ka?"
"Oo na, sige na. Dadalhin ko nalang medications ko in case of emergency nalang," sagot ko sa kanya.
Pumalakpak naman siya sa hangin, "Sinabihan ko na kasi yung iba, ikaw nalang hindi. Kaya after natin dito, dirtso tayo sa BGC."
Gaya nga ng sabi niya, after namin kumain pumunta kami sa BGC. Sila Alysia ay may mga sarili naman ng sasakyan pero pinili nilang mag sabay sabay nalang, dahil mamaya malasing sila at hindi makauwi.
"Oh, dala mo naman gamot mo?" Bungad na tanong ni Azure sa akin pagkababa namin ng sasakyan ni Chelsy.
"Yup, in case lang naman," sagot ko naman sa kanya.
Azure is wearing a red tube na halos hanggang dibdib lang ang haba, at itim na skirt. Hindi nakatali ang buhok niya kaya kitang kita ang pagkawavy ng natural brown hair niya. Sa sapatos naman ay naka heels syang kulay na itim kaya kita ang anklet niya.
Si Gail naman ay nakasuot ng fitted na sleeveless na kulay itim at backless iyon. Nakaputi naman syang skirt at nakatali ang buhok niya into a high ponytail. Naka boots naman siya na itim bilang footwear.
While Alysia is wearing a see-through na itim na blouse kaya kitang kita ang black bra niya. Naka white skirt din siya just like Gail pero mas maikli ang sa kanya. Hindi rin nakatali ang buhok niya, at nakalagya lang iyon sa kanang bahagi ng ulo niya. Naka boots din siya na hanggang hita ang haba.
"Tara pasok na tayo," aya ni Chelsy at nilingkis ang braso niya sa akin para mahatak ako papasok.
Yeah, tama nga siya. Hindi mausok ang bar na ito, unlike sa ibang bar na nakikita ko. Hindi rin siya gaano katao dahil sabi ni Chelsy, exclusive lang daw itong bar na ito. Mga VIP lang daw, or mga kakilala lamang ng may ari ang pwede.
"Order na tayo. Pwera kay Hosea na bawal uminom ng hard," sabi i Alysia pagkaupo namin sa sofa dito.
Natawa naman ako, "Cocktail will do naman."
Si Chelsy na ang nag order sa barista at inintay nalang din nya doon sa counter. Mukhang kakilala naman niya kaya hinayaan nalang namin.
"Sa ating magkakaibigan, kayo ni Chelsy ang pinaka conservative," rinig kong sabi ni Gail sa gilid ko.
Well tama naman sila. Naka green and white stripes kasi ako na shorts, white shirt at denim jacket. Habang si Chelsy ay naka white drees na spaghetti strap at naka denim jacket din.
"Eh, pakielam nyo? Ang importante, may suot kami," sagot ko sa kanila.
Bumalik si Chelsy dala ang drinks namin pero napatigil siya sa pagbaba ng drinks at nanatili ang tingin sa pintuan.
"Hanggang dito ba naman, may taga UP?"
Nagtataka naman kaming lumingon sa pintuan at nakita sila Icerael na kakapasok lang din.
Really? Hanggang club makikita namin sila?
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ms. J