"Pst, huy si Icerael nasa labas ng hall, mukhang may iniintay," Chelsy said while we're walking towards the front door of this hall.
I looked at her, "Pinagsasasabi mo dyan?"
Imbes na sumagot ay inginuso niya ang front door ng hall. Napanganga ako sa nakita ko. Standing there is Icerael Monteferrante wearing his oversized black and white hoodie, a black maong shorts. Nakalagay pa sa bulsa ng shorts niya ang kanyang right handa, habang nakasalmpak sa kaliwang tainga niya ang airpods at nakasandal siya sa railings ng hagdan ng hall, na mukhang nag hihintay.
"Hi Icerael!"Masayang bati ni Chelsy sa kanya kaya napaayos siya ng tayo.
Putspa! Kelan pa sya nakapunta doon?!
Nahihiyang napakamot sa ulo ni si Icerael, "Uh, hey. Do I know you?"
Narinig ko ang paghagikgik ni Chelsy kaya niilang akong lumapit sa kanya para hatakin paalis, kaso ayaw niya.
Naglahad ng kamay si Chelsy kay Icerael, "Lyric Chelsy Faller Makinano, at your service sir!"
Napangiwi ako sa inasal ng kaibigan ko at hinatak siya. I heard Icerael chuckled kaya napalingon ako sa kanya.
Nagulat ako nung tinanggap niya ang kamay na nakalahad kay Chelsy, "Icerael Monteferrante."
Umiling naman agad si Chelsy, "No need to introduce yourself, kilala naman kita bilang---"
"Ay! Nako, pasensya na Icerael, may pagkamadaldal kasi itong kaibigan ko. Hehe, mauna na kami," nagmamadali kong sabi at hinatak na si Chelsy.
We were about to walk outside the hall nang tawagin kami ako ni Icerael.
I looked back at him, "Yes?"
Napatingin siya sa kaliwa at kanan bago siya lumapit sa amin. Narinig ko kung paano napatili ng tahimik si Chelsy sa tabi ko.
"I-uh, can I take you outside? Dinner? My treat," nahihiya nyang sabi sa akin.
Hindi ako agad nakaimik sa gulat. Dinner? Outside? Ano ito, date ba ito?
Tumawa ako para mabawasan ang awkward atmosphere, "Ang speed mo naman Icerael. Hinay hinay lang."
Napakunot naman nag noo niya, "What?"
Napakagat naman ako sa ibabang labi ko sa kahihiyan.
Tangina Hope, ginagawa mo?!
"I mean, now na? Ang speed naman dahil--dahil ano, mag papalit pa ako eh," pambawi ko sa sinabi ko.
Nakita ko kung paano tumaas ang magkabilang dulo ng labi niya, "I will just wait for you sa dormitory nyo."
"Wait---"
Hindi ko na nasabi pa ang dapat kong sabihin dahil bigla nalang syang umalis. Humarap ako kay Chelsy at agad syang hinatak papunta sa dormitory.
"Lets go."
"Hosea! What is the meaning of this?! Ang bilis naman. Nanliligaw ba?" Iyan agad ang sinabi ni Chelsy sa akin pagkarating namin ng dorm.
Nagmamadali kong kinuha ang twalya ko bago siya hinarap, "Aba putangina, hindi ko alam."
Hindi na siya umimik pa kaya naman pumasok na ako sa banyo. Nag buhos lang ako ng saglit since hindi uso shower dito. Tabo at timba tayo mag beshy. Pagkatapos non ay nag tapis muna ako ng twalya bago lumabas ng banyo.
"Aba, naligo si ate mong gurl. Palibhasa first time lumabas kasama si crushie mong bells," asar sa akin ni Chelsy habang nakaupo sa kama niya na nasa taas lamang ng kama ko.
I went back again inside the washroom at doon nag bihis. Since hindi ko alam kung saan kami kakain nitong si Icerael at libre nya, mamaya dalhin nya ako sa mamahalin na kainan. Eh mayaman pa naman kasi yung lalaking yon.
Simpleng black leggings, white shirt at denim jacket na itinali ko sa bewang ko ang suot ko ngayon. Malapit na kasi ang pasko kaya medyo may kalamigan na rin, at lamigin pa ako. Lumabas ako ng banyo at agad na tumaas kilay ni Chelsy sa akin habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Really, iyan suot mo sa dinner date nyo?" Hindi makapaniwalang sabi niya sa akin.
I rolled my eyes at bumuntong hininga bago ako pumunta dito sa shoe rack namin, "Ano ba dapat?"
"Duh! Dapat nag wedding gown ka na!"
Natawa naman ako at napailing sa kanya habang sinusuot ang white sneakers ko, "I don't know lang ah."
Narinig kong tumawa siya, "Oh sige basta mag enjoy ka sa dinner nyo together."
Hinarap ko naman siya habang kinukuha ang sling bag ko na blue, "Ikaw, ano pagkain mo dito?"
Tumingala siya at ngumuso pa, "May stocks naman na pagkain dito. Madali nalang iyun."
Medyo mahamog na sa labas kaya nag suot na rin ako ng puting cap at nilingon ko si Chelsy na ngayon ay nakadapa na habang nag babasa.
"Bye Chelsy!" paalam ko bago ko binuksan nag pintuan.
"Ge enjoy!"
Nag elevator ako pababa sa mismong hall ng dormitory. Hindi ko maiwasan mapaisip at mag taka kung bakit out of nowhere ay mag aaya yung lalaking iyun na mag dinner.
Weird
Nang tumunog na ang elevator at bumukas ang mga pinto, bigla akong nakaramdam ng kaba. Pwede naman akong bumalik sa taas at sabihin sa kanya na may ginagawa ako at busy ako. Eh kaso, wala naman akong number non kaya---
"Hey, lets go?"
Napatingin ako sa nag salita. Si Icerael pala na nakasandal sa pader opposite kung nasaan yung elevator. He didn't change, ganon pa rin suot niya nang nakita namin sya ni Chelsy kanina sa labas ng hall.
"Huh? Ah sige. Tara," Aya ko at bahagya pang kinagat ang pang ibabang labi ko.
Nauna siya sa paglalakad palabas ng dormitory kaya sinusundan ko lang siya. Tumigil nalang kami pareho sa tapat ng isang kulay itim na BMW.
Putangina! Bakit kailangan ng sasakyan?!
"Hey, you want me to open the door for you?"
Nabalik lang ako sa realidad nang marinig ko syang nag salita. Nasa gilid ko pala siya at parang pinagmamasdan niya kung ano gagawin ko.
Dahil sa hindi ko pag imik, siya na ang nag bukas ng pintuan ng sasakyan dito sa shotgun seat. Lutang naman akong naupo doon bago nya isinara at umikot para makaupo sa driver's seat. Walang umiimik sa amin pareha kaya nanatili ang mga mata ko sa labas.
"Wait, lalabas tayo ng campus?" Gulat kong sabi sa kanya nang lumabas kami ng gate ng UP.
He nodded his head, "We'll eat in UP Town. If it's okay with you?"
I pursed my lips at sumandal nalang sa upuan, "As if may magagawa pa ako. We already left the University."
He looked at me for a little while before putting back his gaze sa harap, "We can go back, Hope."
"No, no, no, o-okay lang. Sige tara UP Town na," agad kong bawi sa sinabi ko.
I saw how the sides of his lips went up before bago niya pinaglaruan ang labi niya gamit ang bibig. Hindi na kami nag imikan pareho hanggang sa makarating kami sa UP Town.
"Where are we going?" Tanong ko sa kanya nung nag skip siya ng line sa parking.
"Mag valet tayo. Mas matagal pag tayo ang mag park," sabi niya sa akin.
Saka ko lang na alala. Sabado pala ngayon at nakakapunyeta dahil pinapasok kaming engineering at archi students. The rest, walang pasok. Apakadaya naman.
Tumigil ang sasakyan at agad kaming nilapitan ng mag assit sa sasakyan.
"Good evening sir," bati nung valet boy.
"Good evening," bati naman pabalik ni Icerael.
Lumabas si Icerael ng sasakyan kaya ganon din ang ginawa ko. Nakita kong binigay niya ang susi ng sasakyan doon sa lalaki bago nag idinrive para mapark ang sasakyan.
"Lets go inside now, Hope."
As expected, maraming tao ngayon ang nasa UPTC. Madalas ay puro pamilyang nag bobonding ang nakikita ko. Bigla ko tuloy namiss ang pamilya ko na nasa Bicol.
"What are you thinking?" Tanong sa akin ni Icerael.
Nilingon ko naman siya, "Ah, saan tayo kakain?"
Hinawakan niya ang wrist ko at hinatak ako sa isang mamahaling restaurant.
"Good evening sir," bati nung babae na nag bukas ng pintuan.
Ay ganon, si Icerael lang binati? Ako hindi? Ano ako, hangin?
Narinig kong tumikhim si Icerael, "Table for two please."
Sa sinabi ni Icerael ay doon palang na realize nun babae na may kasama siya. Agad akong pinasadahan ng tingin ng babae bago umirap sa kawalan. Nang binalik nya ang atensyon nya kay Icerael, doon bumalik ang ngiti niya.
"This way sir......mam," sabi nung babae at minwetra ang table na may dalawang upuan.
Nang maupo kaming dalawa ni Icerael, agad na binigay sa amin ang menu. Bahagya pa ngang ibinaksak sa harapan ko yung menu kaya napaangat ang tingin ko sa babae, na nagayon ay pinagmamasdan si Icerael. Mabuti nga at yung baso na may tubig ay hindi nya nilagay ng nagdadabog, dahil ibubuhos ko iyon sa kanya pag nagkataon.
"I will just call you kung reay na kami for order," sabi ni Icerael habang hindi tinatapunan ng tingin yung babae.
Nagdadabog na umalis yung babae bago bumalik sa pwesto niya na nasa may pintuan. Napailing nalang ako at binuksan ang menu.
Anak ng deputa naman oh, kamahal!
"Is there something wrong?" Tanong sa akin ni Icerael nang makita niya reaction ko pagkabukas ko ng menu.
Napangiwi ako at uminom sa baso na may tubig, "Huh? Wala namang problema."
Putragis, meron! Baka mabankrupt ka!
"What's your order?" Tanong niya habang binabasa niya ang mga pagkain.
Tinignan ko muli ang menu. Ang mamahal nya halos lahat! Balak ko ngang mag salad nalang pero naalala kong hindi ko pala kayang kumain ng dahon lang.
"Uh, hindi ko alam kasi yung pagkain nila dito," nahihiya kong sabi sa kanya.
Nag angat siya ng tingin sa akin, "Masarap yung burgers nila dito."
Napalunok ako at tinignan ang burgers na nasa menu. Napakagat nalang ako sa labi ko nang makita ko yung presyuhan.
"Uh, pwedeng kung ano sayo, yun na rin akin?" Nakangiwi kong sabi sa kanya.
Bahagya syang naigilan at pinatitigan ako ng matagal na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Hindi sya nag salita at bigla nalang nag taas ng kamay.
"I would like to order 2 servings of this," sabi ni Icerael sa babae habang nakaturo ang sa menu.
Ibang babae ang nag kuha ng order ngayon, which is good. Nakakabwiset kasi yung babae kanina eh.
"How about drinks sir?" Tanong ng babae.
"Water nalang sa akin," sabi ko kay Icerael pero hindi niya ako pinakinggan.
"Give us 2 milkshakes, miss," sabi ni Icerael obviously ignoring me.
"Ist that all, sir? Mam?" Tanong sa amin ng babae.
Agad na umiling si Icerael, "That would be all. Thank you."
Habang iniintay dumating ang pagkain namin, naisipan kung chikahin muna si Icerael.
"Pst, uy Icerael," tawag ko sa kanya.
Mula sa pagkakatingin niya sa phone niya ay umangat ang tingin niya sa akin, "Yeah?"
"Ang haba kasi ng pangalan mo eh,may nickname ka ba?" Tanong ko sa kanya.
Napakunot naman nag noo niya sa akin kaya napakagat ako sa pang ibabang labi ko dahil sa kahihiyan.
"Sorry, ang fc," mahinang smabit ko.
Tinitigan niya ako ng matagal, before licking his lower lip a little and breathing a large amount of air, "Just call me Ice."
Agad akong napalingon sa kanya, ngiting ngiti, "Talaga?! Oh sige, hi yelo!" Magilaw na sabi ko, at humagikhik pa.
Dahil sa sinabi ko ay mas kumunot ang noo niya sa akin, "I said Ice, not the tagalog version."
Nag make face naman ako sa kanya, "It's the same. Tinagalog nga lang," diepensa ko at kinindatan pa siya.
Napailing nalang sya habang nakangiti, "Whatever you please."
"By the way, just call mo Hosea. Masyadong formal pag Hope. Tinatawag lang naman akong Hope ng isang tao pagkahindi kami magkaibigan. I assume, we're already friends right?" Sabi ko sa kanya at nangalumbaba.
Tinapunan niya ako ng tingin. He was about to answer pero biglang ibinaba sa amin ang order namin.
"Lets eat," sabi niya ignoring what I said earlier.
Nag simula nga kami kumain at walang nag sasalita sa amin both. Napatingin ako sa front door ng restaurant nang makita kong may pumasok na pamilya dito sa restau. Yung mga bata, sobrang excited na naupo sa pwesto na inilaan sa kanila nung babaeng nag assist ng mauupuan ng mga costumers. Mukhang napansin iyon ni Ice kaya napalingon din siya.
"Why are you looking at them?" Tanong niya nang nilingon niya ang pamilya at binalik sa akin ang tingin.
Bumuntong hininga ako bago ko sinimulan kainan yung fries na nasa gilid ng burger, "Wala, namiss ko lang pamilya ko sa probinsya."
"Oh, you're from what province?" Tanong niya sa akin.
Nginuya ko muna ang fries na kinakain ko at nilunok, "I'm from Bicol. Albay to be exact."
Tumango naman siya, "You leave there ever since your young?"
Tumango naman ako sa kanya, "Doon ako pinanganak, nag dalaga, pero mukhang dito sa Manila ako tatanda."
Narinig kong tumawa siya ng bahagya kaya napalingon ako sa kanya. He is smart enough to know na kaya ko sya tinapunan ng tingin ay para manahimik siya.
"Eh ikaw ba? Taga Manila ka na talaga?" Tanong ko sa kanya.
Uminom muna sya sa baso ng tubig before looking at me again, "Yeah. I was born and raised here in Metro Manila. Particularly in Makati."
Tumango naman ako. Well, as expected na mayaman na mayaman sya. Sa pagkakaalam ko pinakamayaman na city ang Makati sa buong Pilipinas ata, kung hindi ako nagkakamali.
"Ano trabaho ng pamilya mo?" Tanong ko sa kanya habang hinihimay ang burger into small pieces para naman makain ko.
"Well ," pinunasan niya ang bibig niya gamit ang table napkin, "I belong into a family na sa abogado at doctor lang umiikot ang trabaho," simpleng sagot nya.
Halos naman mabilukan ako sa narinig. Putspa naman, ni laLANG nya iyon?!
"How about you?" Tanong kapagkwan ni Ice sa akin.
Bigla naman akong nahiya sa isasagot ko. Kung gumawa kaya ako ng istorya? Eh, ang sinungaling ko naman kung ganon.
"Walang trabaho both parents ko. Yung tito ko, na mayor ng Albay ang nag paaral sa aming magkakapatid. Although ngayon, sila ate at kuya ang nag papaaral sa akin since professional naman na sila," mahina at nahihiya kong sagot .
"Oh, is that so?"
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ms. J