Chapter 17

2394 Words
"Hi son, how are you?" "I'm fine mom. Kayo po?" Nandito kami ngayon sa sala at nakikipag face time si Icerael sa mga magulang nya na nasa Amsterdam. Naka Indian seat ako sa tabi nya habang umiinom ng chocolate drink ko. "Yes mom, she's here" pagkasabi ni Icerael nun ay agad akong napalingon sa kanya, at naabutan ko ang pag tingin nya sa akin. Inilagay nya ang laptop nya sa gitna namin pareha para makita ako sa camera. "Hi po, kumusta po kayo" agad kong bati sa mga magulang ni Icerael Agad kong naramdaman ang pagpulupot ng ni Icerael sa bewang ko habang nakaharap kami pareha sa laptop nya. "Hi hija, finally napakilala ka rin nitong anak ko. Ito kasing si Jeron, napakatorpe at hindi makalapit sayo" agad na sabi nung mon ni Icerael habang natatawang tinatapik pa ang balikat ng asawa nya. "Mom" asar na sabi ni Icerael sa ina na tumatawa pa rin hanggang ngayon. Maski nga ako ay nagpipigip ng tawa dahil sa panlalaglag ni mrs Monteferrante sa anak nyang si Icerael. "Hi hija, I'm Dr. Monteferrante nagagalak akong makilala ka. Start calling me tito" pormal na sabi ng ama ni Icerael sa akin.  I pursed my lips, "It's nice to meet you rin po, t-tito." "Hija, I'm Atty. Monteferrante, but just call me tita or mom. Anything will do" biglang sabi naman ng ina ni Icerael.  Nasamid naman ako bigla kaya agad akong hinimas sa likod ni Icerael. Nakita ko pang nag alals ang magulang ni Icerael kaya nahiya ako.  "I'm sorry po" nahihiya kong sambit sa kanila.  "I'm sorry hija, nabigla ba kita?" Nag aalalang tanong ni tita sa akin.  Umiling naman ako, "Hindi po, okay lang po." "By the way, what's your course Hosea?" Tanong ni tito sa akin.  Tumikhim ako, "Engineering po" magalang kong sagot sa kanilang dalawa.  Nakita kong namangha sila tita at nagkatinginan pa sila at nag tanguan, bago ibinalik ang tingin sa camera.  After that, hinayaan ko muna si Icerael doon sa sala para makapag usap silang pamilya. I went inside my room at sumalampak sa kama. Nakatitig ako sa kisame ng may maalals ako bigla.  "Oh tangina!"  Dali-dali kong kinuha ang phone ko para makapag video call kayla nanay. Hindi ko pa pala sila nababati. Sinubukan kong tumawa pero nakakailang ulit ako ng tawag, pero hindi naman sila sumasagot.  Sa huli, nag iwan nalang ako ng mensahe sa mga magulang ko. Siguro busy na naman sila sa pagsusugal o pagsasambong.  Hosea: Happy New Year, nay, tay!  Pagkatapos non ay sinunod kong buksan ang gc naming magkakaibigan.  Alysia Mañarez: Hoy, bagong taon na!  Gail Shin: Alam namin. Happy New Year!  Chelsy Makinano: Happy New Year guys!  Azure Demecilio: Ano kaya ginagawa ngayon nung kaibigan nating nagngangalang @Hosea de Sanjose?  Hosea De Sanjose: Happy New Year!  Late ko na naisend iyon kaya hindi nila agad naseen. Nagpasya nalang ako na maligo nalang. Nilabas ko yung isang black shorts na Nike at isang white shirt na Adidas, at pumasok ako sa banyo.  Bahagya pa nga akong napapaigtad pag tumatama ang tubig sa gitnang bahagi ng hita ko. Madaliang ligo lang nagawa ko dahil kumikirot nga ang gitnang bahagi ng hita ko.  Lumabas ako ng kwarto habang yung twalya ko ay nasa buhok ko. Nagulat pa ako nung nakita ko si Icerael dito sa loob ng kwarto. Nakahiga sya sa kama at yung kaliwang braso nya ay nakatakip sa mata nya.  Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at bahagyang tinapik ang braso na nakatakip sa mata nya. Agad naman nyang tinanggal iyon at tinignan ako.  "Hey" malambing na sabi nya at mula sa pagkakahiga ay naupo sya.  He wrapped his arms around my waist. I'm now standing in between his legs. Inangat ko ang kamay ko sa ulo nya, caressing his hair while he's looking up at me.  "Tapos na kayo mag usap ng pamilya mo?" I asked, while I was busy caressing his hair.  "Yeah" he answered huskily.  Napakagat ako sa labi ko before seating on his lap. Ang dalawang hita ko ay nasa magkabilang bewang nya. Agad nyang nilagay ang mga kamay nya sa likuran ko para hindi ako tumaob patalikod.  I wrapped my arms around his neck bago ko isinandal ang sarili ko sa kanya. I felt him planting little kisses on my hair while he was caressing my back.  "I love you" mahinang sabi ko pero sapat na para marinig nya.  Suddenly, he stopped caressing my back kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Akmang mag sasalita ako ng hawakan nya ang pisngi ko, para mahalikan sa labi.  "I love you too" sabi nya pagkabitaw sa akin.  Lumapit ako sa kanya para mahalikan sya ulit. This time, we're kissing each other like there is no tomorrow.  At sa ikalawang pagkakataon, bumigay na naman ako. "b***h?! Pakiulit nga sinabi mo, nabingi ata ako eh" sabi ni Chelsy sa akin nung nag uusap kami dito sa dorm pagkauwi ko galing sa condo ni Icerael.  Napalunok ako bago nag salita, "M-may nangyari sa amin ni Icerael."  Tinignan nya ako na para binabasa kung totoo ba ang sinasabi ko, o nagsisinungaling ako. Bigla syang napailing at napahilot sa sentido nya.  Napatayo sya mula sa pagkakaupo sa kama ko, at nag pabalik balik ng lakad.  "Did you take pills?" Tanong nya sa akin.  Sa sinabi nyang iyon ay nanigas ako sa kinauupuan ko. Doon ko lang narealize na sa dalawang beses na may nangyari sa amin ni Icerael, hindi ako nakabili ng pills.  Napasampal si Chelsy sa noo nya nung hindi ako nagsalita.  "The f**k Hope, hindi mo ba naisip na bawal sayo yun. Hindi naman kita hinahadlangan na gawin yung bagay na iyon, pero sa naman maalala mo that you can't be pregnant, for f**k sake!" Sabi ni Chelsy sa akin, halatang pinipigilan akong singhalan.  "I know, I know, kasalanan ko okay. Pero baka pwede pa naman hindi ba?" Nag aalangan kong sabi sa kanya.  Tinignan nya ako, "Kelan may nangyari sa inyo?"  "Una ay noong New Years Eve, tapos yung pangalawa ay noong New Years day---"  "Tangina Hosea, ilang araw na ang lumipas! Ngayon mo lang balak bumili ng pills?! Nag papatawa ka ba?!" Sigaw nya sa akin. Halatang napupuno na sya.  Napayuko ako at pinigilan ang sarili na huwag umiyak sa harap nya, "Oo na, kasalanan ko."  Walang nag salita sa aming dalawa pagkatapos non. Hanggang sa maramdaman kong lumubog yung kanang bahagi ng kama ko, at may yumakap sa akin.  "Shh, I'm sorry nasigawan kita. Nadala lang ako ng emosyon ko. Hindi ko sinasadya. Nag alala lang ako sayo dahil ayokong mapahamak ka. I can't lose you Hosea. Tinuri na kitang kapatid" Malumanay na sabi ni Chelsy sa akin habang hinihimas ng bahagya ang gilid ng ulo ko.  "N-natatakot ako. Ang bobo ko dahil hindi ko naisio iyon. Tangina" sabi ko sa gitna ng pag iyak ko.  Naramdaman kong nilagay ni Chelsy ang ulo ko sa balikat nya, para doon ko isandal ang ulo ko habang hinihinas ang gilid ng ulo ko.  "Lets just hope na hindi ka mabuntis" rinig kong sabi ni Chelsy sa akin bago ako nakatulog.  Nagising nalamang ako nung may may narinig akong mga kaluskos. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at kinusot pa iyon ng bahagya.  "Sorry, nagising ba kita?"  Napatingin ako kay Chelsy nun mag salita sya. May hawak sya ngayon na plato na may laman na Embutido. Tumayo ko sa kama ko at lumapit sa kanya.  "Oh, saan galing yan?" Tanong ko habang nakaturo sa Embutido.  Binaba saglit ni Chelsy ang plato sa mesa bago ako tinignan, "Eh nag luto daw si Azure nito kanina. Himala nga dahil sinipag ang gaga na mag luto, kaya binigyan nya tayo."  Naupo ako sa upuan dito sa kainan namin, "Aba tangina, ano binuling ng Santo sa kanya at nagluto sya ng ganito" natatawang sabi ko habang tinitignan ang Embutido.  Pinagsaluhan namin ang simoleng ulam na nakahain sa mesa ngayon. Pagkatapos ay nag hugas lang ako ng pinggan, bago pumunta sa banyo at mag hilamos, saka naupo ulit sa sahig para gawin ang putanginang Electronic Notepad na project namin.  "Putragis paano ba ito? Pag tayo bumagsak dito sinasabi ko, ihahampas ko ito sa professor natin" irita kong sabi habang inaayos ang LED lights na nakakabit. Mga 4 ng umaga natapos namin ni Chelsy ang putanginang project na ito. Itinabi lang namin ang notepad sa gilid para hindi maapakan at masira, bago kami matulog dalawa.  Mabilis ang naging takbo ng araw. Ilang linggo na nga rin simula nung bumalik kami sa University. Naipasa na rin namin yung putanginang project na iyon at buti na nga lang ay pasado kami ni Chelsy.  Naglalakad na kami ngayon ni Chelsy papunt sa Rodics para kitain na ang mga kaibigan namin, dahil lunch break na.  "Ayan na pala sila oh, huwag mo na tawagan" si Gail ang nag sabi nun.  Hinatak ko ang silya para makaupo ako, "Bakit, balak nyo kaming tawagan?"  Sumimsim muna su Azure sa kanya water bottle bago itinuro si Alysia na tulala sa kawalan.  "Ayan, nakikita nyo iyan? Kanina pa iyan paranoid sa oras, ewan namin kung bakit." Kumunot ang noo ko at tinignan si Alysia na nakatingin sa kawalan. Nag snap ako mismo sa harapan ng mukha nya, para makuha ang atensyon nya.  "The f**k? Nandyan na pala kayo!" Agad na sabi ni Alysia nung makita kami ni Chelsy sa harapan nya.  "Oo, kararating lang" sabi ni Chelsy at nangalumbaba, "Ano ba nangyayari sayo?"  Umiling kaagad si Alysia sa amin at ngumiti ng malapad sa amin, "Wala, iniisip ko lang paano ko sisimulan plates ko."  Tumango tango naman kaming lahat sa kanya. Nagkakapalitan nga kaming apat ng tingin, obviously hindi naniniwala sa sinasabi ni Alysia. Pero hindi namin pupwersahin na sabihin ni Alysia iyon, hahayaa namin na sya ang magkusa.  Pagkatapos namin kumain, nakita ko di kalayuan sila Icerael kasama sila Khyro na naglalakad papunta sa direksyon namin. Mukhang hindi nila kami napansin dahil panay ang kwentuhan nilang tatlo.  "Hi love" bati sa akin ni Icerael nung magkasalubong kami.  Nagsiubuhan nang peke yung mga kaibigan ko kaya niingon ko sila, mga nakangisi lang sila sa akin. Napatingin naman ako kayla Khryo at Tauru na ngayon ay nakaiwas ng tingin, pero nakangisi rin.  Naramdaman kong may tumapik sa balikat ko kaya nilingon ko ito, si Chelsy pala.  "Mauna na kami" paalam nya at hindi na hinintay ang sasabihin ko dahil hinatak na sila Alysia palayo.  Narinig kong may umubo bigla kaya napalingon ako sa gawi nila Khryo.  "Bro, mauna na kami" paalam ni Khryo bago sila umalis ni Taurus.  Sinundan ko sila ng tingin habang nag lalakad sila palayo. Nabalik lang ang tingin ko ka Icerael nung hapitin nya ako sa bewang para mapalapit sa kanya.  "How are you?" Tanong nya sa akin habang inilalagay ang mga takas kong buhok sa likod ng tainga ko.  Napalunok ako at lumingon sa paligid, na sana hindi ko ginawa dahil maraming tao ang nakatingin.  Mga deputang chismosa!  Binalik ko nag tingin ko kay Icerael na ngayon ay diretsong nakatitig lang sa akin.  "Uhm, ano, the usual" sagot ko sa kanya at tumango naman sya.  "How about you, hindi mo ako tatanungin?"  Napatingin ako sa kanya ng gulat. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko dahil sa sinabi nyang iyon.  I pursed my lips at lumunok muna, "I-ikaw, k-kumusta?" Napangiti sya sa akin, mistula pang parang natutuwa sya na nauutal ako.  Kasalanan ko bang natatanga ako pag ganito kami kalapit?  "Late ata kayo ngayon pinalabas?" Tanong ko sa kanya bigla.  Tumango sya sa akin, "Yeah, obviously."  Nilingon ko yung daan kung saan dumaan sila Khyro kanina, "Sumunod ka na sa kanila para makakain ka na. Ako naman ay pupunta na sa Engineering building."  Bumaba ang kamay nya mula sa bewang ko papunta sa kamay ko. Pinagsiklop nya ang mga daliri namin at nag lakad papunta sa daan, opposite kung saan dumaan sila Khyro.  "Hey, huwag mo na akong ihatid, I'm fine. Sumunod ka na sa mga kaibigan mo para makakain ka na rin, anong oras na rin eh" pigil ko sa kanya.  Lumingon sya sa akinat pinatitigan ako ng matagal na parang binabasa ang utak ko. Nginitian ko naman sya ng malapad na parang sinasabing okay lang kahit hindi mo ako ihatid at nakita kong napabunting hininga naman sya.  "Fine, but are you sure you can---"  Hindi ko na pinatapos ang sinasabi nya, "I'm fine. Now go, para kumain ka na."  Binitawan nya ang kamay ko at yumuko para halikan ako sa noo.  "Ingat ka" paalam nya at ngumiti ako at tumango sa kanya bago kami nag lakad sa magkabilang direksyon.  Nakikita ko na ang Melchor Hall nung maramdaman kong nahihilo ako. Napahawak ako sa sentido ko at nag lakad ng dahan-dahan, kaso naramdaman ko nalang na bumagsak ang katawan ko.  "Nurse, ano ho nangyari sa kaibigan ko?"  Iminulat ko ang mga mata ko at tinignan ang paligid. Nasa ward ako ng University. Mula sa pagkakahiga ay napaupo ako, kaya nakuha ko ang atensyon ng nurse at ni Chelsy na nandito ngayon.  "Nurse ano pong nangyayari?" Tanong ko habang hinihulot ang sentido ko.  Bumuntong hininga yung nurse sa akin bago ibinigay sa akin ang isang kit.  "Take this, use the washroom here" sabi nung nurse sa akin.  Tinignan ko yung kit at binasa ang nakasulat doon. Nangunot ang noo ko at nakaramdam ako ng kaba nung basahin iyon.  Naluluha akong napatingin kay Chelsy na ngayon ay nakalagay ang kamay sa bibig nya, naluluha.  "H-hindi.... i-imposible" utak kong sabi at naluha na bigla.  Agad akong niyakapni Chelsy para patahanin, "Shh, try mo lang Hosea."  "A-ayoko."  "Hija, mag test ka lang para masiguro mo" rinig kong sabi ng nurse.  Sa bandang huli ay pumayag na rin ako. Kasama ko si Chelsy at nag iintay sya sa labas ng cubicle kung nasaan ako. Halos tawagin ko ang lahat ng Santo habang iniintay ko ang resulta.  "Isang linya okay na---"  Hindi ko naituloy ang sinasabi ko nung makita kong nag appear ang isa pang linya. Two red lines...... positive.  Nanlulumo akong lumabas ng cubicle at agad na napaayos ng tayo si Chelsy.  "A-anong resulta?" Kinakabahan nyang tanong sa akin.  Nanginginig ang kamay ko ng iabot ko sa kanya yung pregnancy test. Agad naman nya iyon kinuha at tinignan. Walang nakapag salita sa amin kaya hindi ko napigilan na umiyak.  "Ch-chelsy, natatakot akong mamatay, pero mas natatakot ako na baka hi-hindi magustuhan ni Icerael ito at hindi nya akuin ang bata."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD