Chapter 18

2624 Words
"You're almost 4 weeks pregnant, hija." Halos mabingi ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa narinig. Ngayong weekend ay napag desisyunan namin ni Chelsy na mag punta sa ob-gyne para matignan talaga ang lagay ko. Hindi ako nakapagsalit sa gulat at sa takot na nararamdaman ko ngayon, kaya si Chelsy ang nakipag usap sa doctor. Mistulang parang lumulutang ang isip ko habang nakatingin sa kisame. "Tara na Hosea" malumanay na sabi ni Chelsy sa akin at ginaya akong makatayo. Lumabas kami ng clinic at nag lakad na kami ni Chelsy palabas mg hospital. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa itsura ko, dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. "Anong balak mo?" Tanong sa akin ni Chelsy pagkasakay namin ng sasakyan nya. Hindi ako umimik at tahimik na nagsuot ng seatbelt. Mukhang naramdaman naman ni Chelsy na ayoko makipag usap, kaya hindi na nya ako kinulit pa hanggang sa makarating kami sa dorm namin. "Anong gusto mong pagkain?" Tanong sa akin ni Chelsy pagkapasok namin ng dorm. Naupo ako sa kama ko at nahiga, "Hindi ako gutom." "Anak ng Hosea, kailangan mong kumain. Kung ayaw mo, para sa anak mo kumain ka" mariin na sabi ni Chelsy sa akin. Naupo ako mula sa pagkakahiga ko sa kama ko, "Edi okay, at least mamatay na anak ko." Nakita ko kung paano si Chelsy natigilan sa sinabi ko. "Puta naman Hosea, dinadamay mo anak mo dito? Kung ayaw mo sa anak mo, halika sasamahan kita, ipapalaglag natin yang bata na nasa sinapupunan mo" mariin na sabi ni Chelsy sa akin at kinuha ang braso ko para sapilitan akong itayo. Siguro dahil na rin sa lagay ko ngayon, bigla akong humagulgol. Naramadaman kong binitawan ako ni Chelsy sa braso at lumuhod sya sa harapan ko. "Hey, huwag ka ng umiyak. Masama sa baby" nang sinabi ni Chelsy ang salotang baby ay hinawakan nya ang tyan ko. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko, "H-hindi naman sa ayoko sa anak ko" sabi ko at hinawakan ang tyan ko at tinignan iyon, "Hindi naman ako takot mamatay dahil sa anak ko, tanggap ko naman na kasi na iyon ang kahihinatnan ko, mas takot ako sa anak ko dahil hindi ko alam kung paano sya pag nawala ako." Hinawakan akoni Chelsy sa buhok at hinaplos iyon ng dahan-dahan, "Huwag mong sabihin na mamamatay ka, who knows baka magkaroon ng milagro at mabuhay kayo pareho." Umiling ako sa kanya, "Masyadong mahina ang puso ko para mabuhay pa ako. Alam ko sa sarili ko na hindi ko kakayanin iyon" sabi ko sa kanya habang nakayuko ako. Nag angat ako ng tingin kay Chelsy at nakita ko ang mukha nya. Halatang pinipigilan lang nya na umiyak sa harapan ko, kaya napabuntong hininga ako. Hinawakan ko ang kamay nya ng mahigpit at bahagya pa iyong piniga. "P-promise me na pag nanganak ako, k-kayo nila Alysia mag alaga sa anak ko" nanginginig na sabi ko habang nag lalandas ang luha na galing sa mata ko. "Promise, palalakihin namin sya. Pero, may karapatan si Icerael na malaman ito. Afterall, sya naman ang ama ng batang dinadala mo" sagot nya sa akin. Dahan-dahan kong binitawan ang kamay nya, "P-paano pag ayaw nya?" "Paano pa gusto nya? Edi tinanggalan mo sya ng karapatan sa anak nyo. Saka, kung ayaw nya edi kami bahala nila Alysia dyan sa anak mo. Basta dapat kailangan nyang malaman" sabi ni Chelsy at hinawakan ako sa balikat, "Nandito lang kami for you, hindi ka namin iiwan." Tumango ako kaya tumayo na si Chelsy para makapagluto ng ulam namin. Naramdaman ko na parang hinahalukay amg tyan ko, kaya tumakbo ako papunta sa banyo at lumuhod sa tapat ng inidoro at doon sumuka. "Hosea! Gosh! Okay ka lang?" Nag aalalang tanong ni Chelsy sa akin habang hinahagod ang likod ko ng dahan-dahan. Agad kong finlush yung toilet at nag gargle sa lababo. Lumabas naman na si Chelsy ng masigurado nya na okay ako. "Ano gusto ng inaanak ko?" Malambing na sabi ni Chelsy habang nakatingin sa tyan ko. Natawa naman ako sa kanya, "Tangina, pag yung anak ko sumagot tumakbo na tayo." Tinawanan naman nya ako at nag kalikot sa kusina. Out of curiousity, tinignan ko kung anong balak nyang lutin ngayon. Mukhang naramdaman ni Chelsy na nasa likod nya ako, kaya nilingon nya ako. "Oh jontis, anong request mo?" Tanong nya sa akin. Bigla naman akong may naramdaman na pagkatakam sa iniisip kong ulam kaya sinabi ko, "Pwedeng Sarciado? Yung maraming sabaw, tapos maraming kamatis? Yung tipong halos puro kamatis ang makikita mo, kaysa sa isda" sabi ko at nginitian sya ng malapad. Napakurap ng ilang beses si Chelsy sa akin, halatang gulat, "As far as I know, halos isumpa mo ang kamatis dati ah." Oo nga noh. "Eh, malamang buntis ako. Kaya go na dahil nagugutom na ako. Dapat maraming kamatis ah, pag hindi sa labas ka ng dorm matutulog" seryoso kong sabi at iniwan sya sa kusina. "Wow ah, walang thank you?" Rinig kong sabi ni Chelsy mula sa kusina. Naupo ako sa kama ko, "Mamaya na pag nasunod mo ang bilin ko!" Nahiga ulit ako sa kama at tinignan ang phone ko. May message pala na galing kay Icerael. From: Icerael Hey, are you okay? Ngumiti ako sa kawalan bago nag tipa ng mensahe. To: Icerael Yeah, I'm fine :") From: Icerael Tomorrow, lets go to the Church, sabay tayo mag misa. After that, punta tayo sa UPTC. To: Icerael Ok. What time? From: Icerael 9am. Sunduin kita sa dorm nyo. To: Icerael Ok :") Sunod kong binuksan ang gc naming magkakaibigan. Alysia Mañarez: Hoy @Hosea De Sanjose, totoo ba na jontis ka na?! Gail Shin: The f**k?! Kaya pala sobrang picky mo sa pagkain lately. Azure Demecilio: What's your plan @Hosea De Sanjose? Hosea De Sanjose: Hindi ko ipalalaglag ang bata. Basta ibibilin ko nalang sa inyo itong anak ko. Ayusin nyo pagpapalaki dahil kung hindi, mumultuhin ko kayong apat. Azure Demecilio: Fine. Nasabi mo na kay Icerael saka sa pamilya mo? Natigilan ulit ako. Anong sasabihin ko kayla nanay? Lalo na kay ate? Hosea De Sanjose: Not now. After that ay in-off ko yung internet ko at ipinikit ang mga mata ko. Napapansin ko na lately ay mabilis akong antukin. Siguro dahil nga buntis ako kaya ganon. Nakita ko si Chelsy na nag bibihis ng pang alis kaya napakunot ang noo ko sa kanya. "Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya. Nilingon nya ako, "Kulang ang kamatis na mayroon tayo dito, kaya bibili ako. Saglit lang." Natawa naman ako sa kanya, "Bilisan mo Chelsy, gutom na ako." Tinignan nya ako kinunotan ng noo, "Ang hirap talaga pag may buntis kang kaibigan" naiiling na sabi nya bago sya lumabas ng dorm namin. Tumawa ako sa kawalan habang nakatingin sa pintuan. Bigla naman akong nanahimik and unconsiously, I rubbed my tummy a little. "Hi baby, I'm your mommy" malambing kong sabi habang yung kamay ko ay nasa tyan ko. "I just want to say that I love you, okay? Kaya kong isakripisyo ang lahat para sayo, anak" sabi ko at bigla akong naluha. Thinking na ipapanganak ko sya dito sa mundo, pero hindi naman nya ako makakasama, ang sakit lang. "Don't worry, anak, may mga tita ka naman na maaasahan. I just hope na palakihin ka nila ng maayos, ng tama. I will watch you from above alright?" Sabi ko pa at pinunasan ang sarili kong luha. "Yung daddy mo naman, matalino iyon at gwapo kaya nasisiguro ko na maganda o gwapo ka anak paglaki. Sana nga lang ay tanggapin ka nya, para pwedeng sya nalang mag alaga sayo, anak." "Hindi mo ako makakasama, physically, pero nasa tabi mo lang ako anak. Mahal na mahal kita." Sabi ko bago ko ipinikit ang mga mata ko at agad naman akong nakatulog. Naalpimpungatan nalang ako nung makarinig ako ng mga kaluskos. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita si Chelsy na nag lalagay ng mga kutsara at tinidor sa plato namin. Naupo ako mg dahan-dahan sa kama ko at tinignan si Chelsy. "Oh, kelan ka pa nakabalik?" Tanong ko at nakita kung paano sya nagulat sa kinatatayuan nya. "Jusmiyomarimar naman Hosea, nangugulat ka ba?" Tanong nya sa akin habang nakahawak ang isang kamay nya sa dibdib nya. Umiling ako sa kanya at tumayo na para mag lakad papunta sa mesa namin. Nakita ko yung ulam na Sarciado at agad nanubig ang bagang ko ng makita na maraming kamatis ang nakapalibot doon. "Thanks Chelsy" nakangiti kong sabi sa kaibigan ko. Namewang sya sa harapan ko, "Aba dapat lang. Alam mo bang wala akong makitang kamatis, kaya napadpad pa ako sa Commonwealth para bumili nyan?" Natawa naman ako sa kanya bago ako naupo, at naupo na rin si Chelsy sa harapan ko. Agad akong nag sandok ng kanin sa plato ko at kumuha ng maraming ulam. Para akong hindi pinakain ng ilang araw dahil sa bilis kong kumain. "Hoy, hinay-hinay lang at baka mabilaukan ka" paalala sa akin ni Chelsy habang kumakain sya nang mabagal. Hindi ko sya pinansin at pinagptuloy ang pagkain ko. Naka apat na sandok ako ng kanina bago ako tumigil. Ramdam ko pa nga na gusto ko pang kumain ng ulam pero nakakahiya na dahil halos maubos ko yung ulam namin. "Ano, okay ka na o gusto mo pa kumain?" Tanong sa akin ni Chelsy habang umiinom sya ng tubig sa baso nya. Umiling na ako at nag salin ng tubig sa baso ko saka iyon ininom, "Okay na ako. Ako na mag liligpit nyan." Tumayo na ako at niligpit ang pinagkainan namin ni Chelsy. Ako na rin ang nag hugas ng pinagkainan namin. Pagkatapos non ay pinunasan ko ang kamay ko sa basahan na nakasabot dito sa kusina, habang sinisilip ko yung orasan namin. 7pm na. Binuksan ko yung ref namin at nakita kong may gatas doon sa loob. Malamang para sa akin iyon, dahil hindi naman kami bumibili ng gatas kapah ordinary day. Yumuko ako para kunin ang gatas at binasa ang post it na nakalagay sa ibabaw ng karton ng gatas. Every 7pm or bago ka matulog, uminom ka ng gatas. 3 times a day will do. Kailangan mo raw iyan para sa anak mo, sabi ng doctor -Chelsy Tinignan ko si Chelsy na ngayon ay nakadapa sa kama nya habang nag babasa ng libro. Malamang binili nya ito kanina nung kumabas sya para bumili ng kamatis. Nag lakad ako palapit sa kanya habang hawak ko ang karton mg gatas sa kanang kamay ko.  "Hey, thank you dito" pukaw ko sa atensyon nya at winagayway ang karton ng gatas. Ngumiti sya sa akin, "Welcome. Sabi ko naman sayo, ako bahala eh." Ngumiti ako sa kanya bago ako nag lakad sa mesa namin dito. Kumuha ako ng baso at saka nag lagay ng gatas sa baso ko saka ko ito ininom. Umiinom ako sa baso habang nag lalakad ako papunta sa kusina, para malagay ko sa ref ulit ang karton ng gatas.  Nag stay ako sa kusina at doon inubos ang gatas na iniinom ko. Ibinaba ko sa lababo ang baso at binuksan ang faucet para hugas ang baso na ininuman ko. Pagkatapos non ay nag lakad na ako papunta sa banyo para gawin ang night routine ko. "Oh, bawal ka mag puyat ah. 8pm, tulog ka na dapat, bilin sa akin ni Chelsy ng mahiga ako sa kama ko. "Yes mam, masusunod po" sagot ko sa kanya. Tumagilid ako ng higa at agad naman akong dinapuan ng antok. Kinabukasan ay 8am ako nagising. Agad akong naligo at mag bihis ng simpleng kulay yellow na dress na off shoulder saka ako lumabas ng banyo. "May lakad?" Tanong sa akin ni Chelsy na ngayon ay pababa palang sa hagdan ng double deck namin. Tumango ako sa kanya at nag lakad papunta sa ref para kunin ang tinapay, gatas at kamatis saka bumalik sa mesa at doon naupo. "Sabay kami mag mimisa ni Icerael" sagot ko sa kanya at agad syang napatingin sa akin. "Sasabihin mo na ba?" Tanong nya sa akin habang kinukuha ang twalya nya. Nag kibit balikat ako, "Bahala na kung ano ang mangyayari mamaya." Kumuha ako sa supot ng tinapay at kinain iyon kahit walang palaman. Kumagat ako sa kamatis na para bang isa iyong mansanas. Napansin kong natigilan sa pag pasok sa banyo si Chelsy at tinignan ako ng nandidiri. Napailing naman sya bigla, "Ang weird mo mag lihi" sabi nya bago pumasok sa banyo. Natawa naman ako at pinagpatuloy ang pagkain ko. Umiinom ako ng gatas ng tumunog ang phone ko. Agad ko iyon kinuha para tignan kung sino ang nag text. From: Icerael Are you ready? Ibinaba ko yung baso na pinag inuman ko ng gatas para dalawang daliri ang gamitin ko sa pag tipa ng mensahe. To: Icerael Bababa na ako mga 20 minutes From: Icerael Okay, I will wait for you Agad kong nilagay sa lababo ang baso na ininuman ko. Pagkabalik ko sa may mesa ay saktong lumabas si Chelsy. "Ako naman" paalam ko at pumasok sa banyo. Nag sipilyo lang ako sa loob at lumabas na rin ng banyo. Kinuha ko ang twalya ko para punasan ang bibig ko. Nag tungo naman ako sa shoe rack namin at kinuha ang puting sandals ko at iyon ang sinuot ko. Kinuha ko na rin ang puting sling bag ko at sinuot na iyon bago ko tinali ang buhok ko into a half ponytail. Humarap ako kay Chelsy at umikot sa harapan nya, "How do I look?" Pinasadahan nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa, "You look nice. Mukha namang hindi ka buntis kung iyon inaalala mo." Tumango ako sa kanya ng nakangiti, "That's good. Una na ako baka mahuli pa kami sa misa." "Mag ingat ka ah, huwag kang madulas o mabunggo sana" paalala ni Chelsy sa akin at tumango ako sa kanya bago ako lumabas ng dorm namin. Mag isa ako sa elevator at ng bumukas iyon sa ground ay agad akong lumabas. Nakita ko agad si Icerael na nakahilig sa pader ng lounge habang nakayuko sya sa phone nya.  Baby, that's your daddy. Ang gwapo nya diba? Lumapit ako sa kanya at aagd syang niyakap sa bewang nya. Ramdam kong natigilan sya pero agad din namang bumalik sa wisyo ng makitang ako iyon. "Hi love" nakangiting bati nya sa akin saka ako hinalikan sa noo. "Lets go, baka mahuli tayo sa misa at hindi tayo makaupo" aya ko sa kanya at hinatak na sya palabas. Hindi nya dala ngayon yung sasakyan nya, which is good, dahil malapit lang naman ang dorm ko sa simbahan at malamang sa malamang, walang parking mamaya. Habang nag lalakad kami ay nakalagay ang kamay nya sa bewang ko, habang ako ay ingat na ingat sa pag lalakad. Saktong pagkarating namin sa simbahan ay nag sasalita yung comentator sa harapan. Mag sign of the cross muna ako bago naupo sa pew. Pagkatapos ng misa, nag lakad kami papunta sa dorm nya para kunin ang sasakyan nya. Habang nag lalakad kami ay naramadaman kong nahihilo ako kaya napapakapit ako ng mahigpit sa braso nya. "Hey, are you okay?" Nag aalalang tanong ni Icerael sa akin. "I'm-I'm fine, medyo mainit lang siguro" excuse ko. Tinignan nya ako ng matagal, obviously he's not buying my excuse, kaya naman nag lakad na ako palayo. Pero bago ko iyon magawa ay bumagsak na ang katawan ko, pero agad na may humawak sa akin para hindi ako matuluyan mahulog sa sahig. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko na ansa ward ulit ako. Naupo ako sa kama ko habang hinihilot ang sentido ko. Nakita ko si Icerael na nakaupo sa gilid ko, at nakatingin sa kawalan. "Icerael---" "Kelan pa iyan?" Malamig na tanong nya sa akin habang hindi ako tinitignan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD