Chapter 19

2181 Words
"May plano ka bang sabihin sa akin iyan? O baka naman itatago mo lang anak ko?" Naupo ako sa kama ko at pinatitigan si Icerael na ngayon ay nakatitig sa akin ng malamig. Yung nurse kanina na nandito ay umalis para mabigyan kaming dalawa ng privacy. "Look, m-may balak naman akong sabihin sayo---" "At kelan iyon?! Kapag malaki na yang tyan mo?! Kapag manganganak ka na?!" Putol nya sa sinasabi ko. Naitakip ko ang mga palad ko sa mukha ko at doon humagulgol, "H-hindi ganon iyon. Na-natakot kasi ako na b-baka hindi mo magustuhan at itakwil ako." Umiiyak kong sabi habang yung mukha ko ay nakasubsob sa palad ko. Natatakot ako na baka hindi mo panagutan ang anak natin pagkatapos kong mamatay. "Hosea naman, ganon ba ang tingin mo sa akin? Did you honestly think that I will do that? Ganon ba kababaw ang tingin mo sa akin?" Sagot nya at bakas sa boses nya ang pagkairita. Nag angat ako ng tingin sa kanya, "Oo, mababaw na kung mababaw pero natakot ako. Masisisi mo ba ako Icerael kung hindi ko agad nasabi sayo, ang tungkol dito?!" Umiling ilong sya sa akin at napahilamos sa mukha nya, "Hosea, I love you. I love you and I will always love you and stay with you. Hindi ba iyon sapat na dahilan na mahal kita at manatili sa tabi mo hanggang sa dulo, para hindi ka matakot na sabihin ang tungkol sa anak natin?" Napakagat ako sa pang ibabang labi ko. He's right. Naduwag ako. Naunahan ako ng takot. Mas inuna kong naisip ang mga negatibong mangyayari, kaysa sa positibo. "Answer me now Hosea" biglang sabi ni Icerael kaya nag angat ako ng tingin sa kanya. "Kelan mo pa nalaman ang tungkol" sabi nya at bumaba ang tingin nya sa tyan ko at bahagyang umangat ang kamay ko at inilapat doon, "Dito?" Napalunok ako, "R-recently lang, pero kahapon ay nagpunta kami ni Chelsy sa hospital at nalaman ko na almost 4 weeks na akong, buntis." Mula sa pagtitig nya sa tyan ko ay nag angat sya ng tingin sa akin, at nag tama ang mga mata namin. "You didn't take your pills?" Tanong nya sa akin at agad naman akong umiling. "I lied" sabi ko at agad akong napakagat sa pang ibabang labi ko. Napansin ko ang pagkalito sa mukha nya, kaya dinugtungan ko na ang sinasabi ko. "I lied doon sa bagay na may pills ako, when in fact hindi naman ako bumibili non" mahina kong sabi at yumuko para paglaruan ang mga daliri ko. Hinawakan ni Icerael ang kamay ko para pigilan ang ginagawa ko. Nag angat ako ng tingin sa kanya at naabutan ko syang nakatitig sa mga kamay ko. Infelt him caressing my ring finger, kaya napatingin ako doon. "You will keep the baby, right?" Tanong nya bigla sa akin. No, you will keep the baby in the end. Ikaw ang makakasama nya araw-araw. Ikaw ang mag aalaga sa kanya. Ikaw lang, dahil wala ako. Tumango ako sa kanya, "I-I will keep the baby." Nakita kong sumilay ang ngiti sa labi nya, "I'm glad." Makalipas ng halos isang linggo, naging mas maingat sa akin ang mga kaibigan ko lalo na si Icerael. Yung tipong pati bag ko ay sila na nag bibitbit. Kulang na nga lang ay tratuhin nila akong imbaldido. Next time, pag papa request ako sa ward ng wheel chair at iupo nila ako doon. Ako na mag aadjust, nakakahiya naman kasi "Tangina naman Aylisa, Chelsy, kumalma nga kayo. Ako mag tutulak sa inyo dito" awat ko sa kanila habang nag lalakad kami papunta sa Rodics. Paano ba naman kasi. Kung maka asta ang mga ito pag may taong mapapalapit sa akin, ay kulang nalang itulak nila palayo. Reason? Baka daw kasi mabunggo ako at mahulog ang baby. Oh diba, paranoid amputa. "Oh, awat na, nagagalit na si jontis" tawang sabi ni Azure kaya tinignana ko sya ng masama at agad syang napangiwi. "Oh, si Icerael nandoon na" sabi ni Gail at tinuro ang harapan namin. Napalingon naman ako sa harapan namin. She's right, Icerael is standing near the post. He's wearing his black maong pants, sky blue denim jacket na nakatupi hanggang siko nya, at puting t-shirt pang loob. Nakasuot din sya ng pangmalakasan na white shoes at ang kanyang Apple watch at airpods. Nang makita nya kami ay agad syang nag lakad papunta sa amin. Agad syang dumukwang para mahalikan ako sa noo, at agad na humgikhik ang mga kaibigan ko sa likod. "Oh baby, yung daddy mo nandito na. Siya na bahala sa inyo ng mommy mo dahil kami ay gogora na. Ciao!" Agad na sabi ni Chelsy at hinatak sila Alysia paalis. "Where do you want to go?" Tanong ni Icerael sa akin pagkaalis ng mga kaibigan ko. Tumikhim ako, "Kumain ka na ba?" He licked his lower lip a little before giving me a small smile, "Not yet, how about you?" Ngumuso naman ako, "Hindi pa rin." Agad na kumunot ang noo nya at tinagilid ang ulo nya pakanan, "It's already 12 noon, bakit hindi ka pa kumakain?" "Ah baka kasi kalalabas lang namin ng building diba" sarkastiko kong sagot. Tangina naman kasi, hindi ba obvious na kakatapos lang ng klase namin. Hindi naman kasi katulad nila na maaga pinaalis ng professor. Nakakairita ah! Tumawa naman sya ng bahagya kaya sinamaan ko sya ng tingin at agad syang tumigil at sumeryoso ulit, "Tara?" Hinawakan nya ako sa kamay bago dahan-dahan hinatak papunta sa Rodics. Pagkapasok namin ay agad siyang pumila para makapag order ng kakainin nya. Habang ako ay abala sa pag libot ng paningin para mag hanap ng mauupuan. "What's yours?" Bulong ni Icerael sa akin sa tainga. Umiling ako, "May baon ako." Kumunot ang noo nya saglit bago ibinaling ang tingin ulit sa harapan. Habang nag oorder sya ng kakainin nya, saktong may nakita ako na magkakaibigan tumayo at nag lakad na paalis. Agad akong nag lakad patungo sa pwesto nila at naupo. Nag taas naman ako ng kamay para makiha atensyon ng waiter para mapalinis ang mesa. "Your fast huh" sabi ni Icerael at naupo sa katapat kong upuan. Ngumuso ako at nilagay ang mga braso sa mesa para mangalumbaba, "Unahan lang kasi sa pag kuha ng upuan. Mahirap pa nga ngayon dahil lunch time." Tumango naman sya sa akin, "You have a point." Bigla namang kumalam ang sikmura ko kaya napatingin kami ni Icerael sa tyan ko. Natawa pa nga sya ng bahagya pero iniiwas nya ang tingin nya para hindi ko sya makitang tumatawa. Sa irita ay inabot ko ang tainga nya at hinatak iyon. "Ah-ouch!" Asik nya pagkabitaw ko sa tainga nya. "Naiirita ako sayo pag tumatawa ka" seryoso kong sabi sa kanya. Bahagya kong hinimas ng pikot ang tyan ko, "Baby, are you hungry na?" "You should start eating, ma." Gulat akong napatingin kay Icerael at nakita kong nakangiti sya ng malapad sa akin. "M-ma?" Gulat at taka kong tanong sa kanya. Sumandal sya sa upuan nya at yung mga daliri nya ay bahagyang tumatapik sa mesa, "Well you're the mother of my unborn child" sabi ni Icerael at nag baba ng tingin sa tyan ko. Ramdam kong umangat ang dugo sa pisngi ko kaya alam kong namumula ako ngayon. Umibo ako ng peke para maibsan ang kilig na nararamdaman ko ngayon. "By the way, you should start eating right now. Baka matagalan pa yung akin eh" seryosong sabi nya sa akin. "Sure ka?" Hindi sya sumagot pero tinanguan kang nya ako. Kinuha ko naman yung bag na dala ko na may laman na pagkain ko. Nilabas ko yung tatlong tupperware na nandito at ihinain sa mesa iyon. Yung mga kubyertos ko ay pinunasan ko pa ng tissue bago ko itinabi ang bag sa gilid ko. Agad kong binuksan ang takip ng baunan ko. Una kong nabuksan ay yung kanina. Sumunod naman ay yung itlog na may kamatis, at yung pang huli ay nandoon nakalagay ang limang kamatis na hindi hiwa. Nag angat ako ng tingin kay Icerael at nakita kong pinagmamasdan nya ang pagkain ko. "You like tomatoes?" Tanong nya. Umiling ako sa kanya, "Actually hindi, recently lang ako nahilig sa kamatis." Tumango tango naman sya sa akin, "Pregnancy thing." Hindi ako sumagot sa sinabi nya dahil natatakam na ako sa pagkain na nakahain sa harapan ko. "Kain na ako, gutom na kami eh" paalam ko kay Icerael at tumango sya. "Go on." Nakangiti ako habang kumakain. Hopia, mani, putangina, ang sarap ng kamatis putcha! Akala ko hindi masarap ang ulam na naluto ko dahil nag mamadali ako kanina, pero puchangina! Para kang nasa langit. "Sarap na sarap?" Nabalik ako sa realidad ng marinig ko si Icerael mag salita. Tinignan ko sya habang ngumunguya ako at naabutan ko syang nakangiti sa akin. Nilunok ko muna yung pagkain na nginunguya ko, "Pakielam mo ba? Napaka epal mo eh." Hindi sya sumagot dahil dumating ang order nya. Nang maamoy ko iyon ay agad akong napatakip sa ilong ko. "Ang baho naman nyan! Ilayo mo sa akin yan, ayoko maamoy yan!" Taboy ko sa pagkain nya. Nagtataka naman nya akong tinignan, "What? Ang weird mo naman. Dati parati mong kinakain itong tap---" "Eh sa ayoko maamoy yan! Ilayo mo nga iyan sa akin, o itatapon ko iyan sa mukha mo" banta ko sa kanya at napahilot nalang sya sa sentido nya. "Alright, alright" sagot nya sa akin at umalis sa pagkakaupo sa harapan ko. Kahit hindi sya nakaupo mismo sa harapan ko ay naamoy ko yung amoy ng Tapsilog na kinakain nya. Hindi ko nalang pinansin at pinagpatuloy ang pagkain ko, kahit minsan nasusuka ako sa amoy ng tapa. "Hatid na kita sa building nyo" sabi ni Icerael pagkalabas namin ng Rodics. Umiling ako, "No need, dyan lang naman iyon." Kinuha nya ang bag na dala ko, "I insist. Lets go." Wala na akong nagawa dahil hinatak na nya ako. Sumakay kami ng jeep na umiikot dito sa campus para daw hindi na kami mag lakad. Sa kabilang side pa kasi iyon, at medyo malayo pag nilakad namin, although nilalakad ko lang naman iyan dati. "Take care. I love you" malumanay na sabi ni Icerael pagkarating namin sa paanan ng building ng Engineering. Niyakap ko sya sa bewang at sinandal ko ang ulo ko sa may leeg nya, "I love you" mahinang sabi ko at hinalikan sya sa leeg bago humiwalay sa yakap. Naabutan ko syang nakangiti sa akin, pero hindi nakatakas sa aking mga mata ang pagkapula ng tainga nya. Pinigilan ko ang sarili ko na matawa dahil baka sigawa nya ako dito. "Ingat ka ah" paalam ko sa kanya at tumalikod na para mag lakad paakyat sa stairs ng building. Nilingon ko sya pagkaakyat ko sa hall at nakita ko pa syang nandoon sa kinalalagyan nya kanina pa. Napangiti ako at kumaway sa kanya, at kinawayan nya rin ako bago ako nag lakad papasok ng building. "Hoy kamatis!" "Tanginang kamatis iyan!" Natawa si Chelsy habang nag lalakad patungo sa akin. Agad nya akong inakbayan kaya kinurot ko sya sa bewang nya kaya napahiwalay sya agad. "The hell, para saan iyon?" Tanong nya sa akin at nag kibit balikat lang ako. Ambang hahampasim nya ako, pero agad din syang napatigil. Nakita ko syang bumntong hinga ng ilang beses, mistulang parang pinapakalma nya ang sarili nya. "Lyric Chelsy Faller Makinano, huminahon ka at yung kaibigan mong nasa harapan mo ngayon ay buntis" rinig kong bulong nya sa sarili nya kaya natawa ako sa kanya. "Weirdo. Tara na nga umakyat na tayo" sabi ko sa kanya at ako na mismo ang nag hatak sa kanya paakyat sa room namin. "Hay susko. Tangina ang sarap mahiga!" Agad kong sabi pagkauwi namin dito sa dorm. Dumeretso ako sa kama ko at nahiga. Inakap ko pa nga ang isang unan ko at tumagilid ng higa. 5 pm na ngayon at katatapos lang ng last class namin kaninang 4. "Ano ulam natin?" Tanong ko kay Chelsy habang abala ako sa pag gamit ng phone ko. "May egg with tomatoes pa dito, ikaw na kumain non, habang ako meron naman ditong mackarel" sagot ni Chelsy sa akin at narinig ko ang pag sara ng pintuan ng banyo. Payapa lang akong nag sscroll sa news feed ko ng mag pop up ang caller ID ni ate sa screen ko. Agad akong napaayos ng higa at lumunok ng ilang beses bago ko sinagot ang tawag ni ate. "H-hello?" Kinakabahn kong bungad sa tawag ni ate. [Buntis ka? Kelan pa?] Napapikit ako at pinigilan ang sarili na huwag maluha. Malamang sinabi sa kanya ng ob-gyne ko dahil kilala ako sa hospital bilang kapatid ni ate. "A-ate sor---" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla nalang binaba ni ate ang tawag. Itinakip ko ang unan na yakap ko sa mukha ko at doon umiyak. "Hosea! Goodness! Bakita ka umiiyak?!" Nag aalalang tanong ni Chelsy sa akin at pinilit na tanggalin ang unan na nakaharang sa mukha ko. "W-wala, okay lang ako." "Tanga! Sa tingin mo maniniwala ako? Ano ba nangyari?" Tanong ni Chelsy at hinatak ang unan na nakatakip sa mukha ko. "A-alam na ni ate."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD