Kabanata 16: Byahe

1088 Words
"Guys, sabi ni Dad pwede daw tayo sa vacation house namin sa Lucban kaya possible na talaga ang gala natin!", sabi ni Yvonne. Mayaman kasi ang pamilya ni Yvonne pero di sila matapobre at madamot. Mayor din kasi yung tatay ni Yvonne sa amin kaya siguro mabait para di masira ang imahe sa publiko. "Ayun naman pala, di na tayo mamomroblema sa tutuluyan natin.", sabi ni Patrick. "Oo may tutulugan ka na, Porky.", sabi ni Betty. "Wow ha? Parang di ka antukin ah.", sabi ni Patrick kay Betty, madalas sila mag-asaran. "Ano yang dala-dala nyong nakasako?", tanong ni Ramona nang mapansin nya yung nakasakong karit na nasa tabi ni Komang. "Ah wala yan, tools lang para sa Van.", sabi ko kay Ramona. "Oy mga gunggong, sino marunong magdrive sa inyo?", tanong ni Komang. "Me, I can drive.", sabi ni Eko. "Wow! Inglatera ka na pala Eko! Ako din nakakapag drive.", sabi ni Betty. "Eh si Tristan, nakakapagdrive din sya diba?", tanong ni Patrick. "Di pa masyado. Natututo lang ako dito kay Komang.", sagot ko. "May lisensya ka ba, Bertonino?", tanong ni Komang. "Hoy! It's Betty! And yes, I have a license.", sabi ni Betty. "Ikaw Eko, may lisensya ka?", tanong ni Komang. "Wala eh, I only have my driver's licence in Italy.", sabi ni Eko. "Pwede na yan, pag may checkpoint palit nalang tayo pwesto. Ikaw muna magdrive Bert-Betty pala.", sabi ni Komang. "Hmmm! Hmm! Okay ako na, keribels ko na yan.", sabi ni Betty. Kaya nagpalit palit kami ng pwesto, si Eko na ang umupo sa passenger seat tapos si Betty na nagdadrive kasi kailangan ni Betty ng kadaldalan para di boring at di sya antukin habang nagmamaneho. Medyo nakakapagod kasi kahapon nung inayos namin yung van kaya gusto muna magpahinga ni Komang para makaipon ng enerhiya. Sina Ernesto at Patrick umupo sa likod nila Eko kasi mga bano, gustong pagmasdan ang paligid tsaka sila yung nakaalam ng daan papunta ng Lucban. Nakakapagtaka lang na tumabi si Yvonne kay Komang the Lover Boy at nag-uusap sila. Sa dulo sila nakaupo kasi makakahiga si Komang sa isang upuan dun na pahaba. Well, dito nalang ako tumabi kay Ramona at di muna namin sila pinansin para magkaroon na din ng personal spaces, malay mo nagkakaligawan. Medyo inaantok din kasi ako gawa ng excitement, bwisit di ako nakatulog nang maayos kagabi kaya pinagpatuloy ko yung tulog ki sa van, si Ramona naman kwento nang kwento sakin habang ako "Oo" lang nang "Oo" sa kanya at pinipilit makatulog. Nagising ako nasa isang lugar kami sa Quezon, nagstop muna sila kasi 12:00pm na at gutom na sila. Nakita ko na nakasandal sa balikat ko si Ramona na natutulog din. Syempre ginising ko nang dahan-dahan. "Ah eh, Ramona, gising na. Tumigil muna sila saglit at kakain daw.", sabi ko sa kanya. "Hmm, ay sorry. Inaantok din kasi ako.", sabi ni Ramona. "Wala yun, tara kumain na muna.", sabi ko sa kanya. Binuksan ni Betty ang pinto sa likod, "Hoy! Hoy! Hoy! Magsigising kayo at chichibog na!", sabi ni Betty. "Uy! Patingin nga ng ulam!", sabi ni Patrick. "Oh? Oh? Saglit lang di ka mauubusan madami yan. Tsaka anong patingin? Kanina mo pa kinakalikot yung mga pagkain dito sa likod oy!", sabi ni Betty kay Patrick. "Tama na bangayan magsipagkain na lang kayo.", sabi ni Komang habang umuunat-unat pa sa labas. "Wow, is that Makiling?", tanong ni Yvonne. "Hindi, Banahaw yan.", sagot ni Komang. "Sa susunod hiking tayo.", sabi ko kay Komang. "Oo ba, kahit saan naman ready to join ako.", sabi ni Komang. So ayun, nagsipag kain muna kami. Parang stop by din yung lugar na may scenery ng bundok at parang may mga karinderya at terminal kaso hindi matao. Kaya ginamit muna namin yung mga upuan at mesa. "Tristan oh.", sabay abot sa akin ni Ramona ng pagkain. "Ay salamat. Ikaw ba nagluto nito?", tanong ko. "Hindi, si Mama ang nagluto ng mga ulam tapos yung mga nasa bilao binili daw ng mama ni Yvonne.", sabi ni Ramona. "Ay! Ganern! Thank you, Yvonne!", sabi ni Betty nang marinig yung sinabi ni Ramona. "Wow! Sa kanya pala galing yung ibang pagkain. Magthank you din kayo kay Ramona oh, si Aling Hilda kaya nagluto ng mga ulam!", sabi ni Patrick. "Salamat, Ramona tsaka kay Aling Hilda.", sabi nila Komang. Galit-galit muna, kanya kanyang pwesto para makakain. Nakapagtataka lang itong si Ramona kasi parang pinagsisilbihan ako. Ayos lang ahahahaha, ehhh, maganda naman sya eh. Tsaka di ko alam, baka may gusto sa akin ito. Dati sinusungitan ako nito eh. Pero malay natin nagmamagandang loob lang, ayoko naman mag-assume lalo pa't wala pa akong interes sa mga ganitong bagay. Importante hindi ko sinusungitan, baka masaktan ko damdamin nito, nako yari ako kay Ninang. "Oh, Ramona.", sabay ako ko sa kanya ng softdrinks. "Salamat!", sabi nya sa akin. "Ano tara na?", tanong ni Komang, bilis kasi kumain eh. "Teka lang kakain pa ako eh.", sabi ni Patrick sabay tayo para kumuha ulit ng pansit. "Aba, aba! Parang di ka ata naglalagay ng kalamansi sa ulam ngayon!", sabi ko kay Ernesto. Alam nilang lahat na naglalagay si Ernesto ng kalamansi sa ulam kahit saan kami mapadpad kaya naw-weirdo-han kami dati sa kanya. Pero ngayon kami-kami lang nila Komang at Patrick nakakaalam kung bakit nya ginagawa yun. "Ala eh syempre are'y luto ni Aling Hilda.", sabi ni Ernesto. "Ala ehy baket mow nilalagyan ng kalamansey ang panseyt ha?! Ikay akeng nahule kaneyna!", biro ni Betty. "Eh ganere naman talaga ang ginagawa para magkalasa ang panseyt.", sabi ni Ernesto. "Ahahaha, di ka talaga nagbabago Ernesto.", sabi ni Eko. "Oh, oh, hinay hinay lang sa pagkuha ng pagkain, Patrick. Baka nakakalimutan mo kung ano nangyari noon dahil sa katakawan mo. Ahahahahaha!", sabi ko kay Patrick para ipaalala sa kanya yung mga kinain namin sa karinderya. "Ahahahahaha, Oo nga ano?", sabi din ni Komang. "Wag na nga lang, busog na pala ako.", sabi ni Patrick. "Bakit? Anong meron?", tanong ni Betty. "Wala.", sabi naman namin. "Ano ngang meron?", tanong ulit nya. "Wala nga sabi.", sabi ni Komang. "Eko, alam mo sinasabi nila?", tanong ni Betty kay Eko. "Uhm, hindi eh.", sabi ni Eko. Nagsipasok na kami sa Van at si Komang na ang nagmaneho, sa passenger seat na ako ulit umupo. Sina Eko at Bertonino naman sa likod namin at sa dulo muna naupo sina Ernesto at Patrick. Nagtabi naman sina Yvonne at Ramona. Bumyahe ulit kami papuntang Lucban, malapit na daw sabi ni Komang pero baka pumunta muna kami ng Lucena dahil may bibilhin muna kami doon saglit sa isang mall.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD