Nakahanda na ang lahat. Kotse, extra gas, oil, spare na gulong, tubig, tools, extra baterya. Nagdala kami ng cooler para lagyan ng inumin. Kanina pa kami nila Eko at Komang na naghihintay sa kanila dito sa labas ng apartment. Umakyat muna ako ulit at chineck kung wala bang nakabukas na switch o balbula ng tubig. Sinuguro ko na din na nakalock ang bintana. Sinubukan ko kung di ba masisira ang doorknob, okay naman sya, kaya minarapat ko nang lumisan pa kaso nakita ko yung mga armas ko. Ang ginawa ko, kumuha ako ng bag at inilagay doon ang buntot pagi at yung armas ko na binigay sa akin ng Night Owls.
Pagkababa ko, saktong nandoon na si Bertonino ay este Betty at Patrick na pareho pang may dalang unan.
"Uy! Eko, totoo nga! Mygosh you're so pogi!", sabi ni Betty kay Eko nang makita nya ito sabay lapirot sa mukha ni Eko.
"Ahahaha, grabe. Ikaw na ba yan Bertonino?", tanong ni Eko.
"Uh uh, not Bertonino, it's Betty!", sabi nito kay Eko.
"Oy, Bertonino, iwasan mo yan. Magpapari pa yan.", sabi ko kay Betty.
"Ay, hala, kalerki, sayang naman ang kapogian. Pero kung ang iyong destinasyon ay tungo sa pagsisilbi sa ating Panginoon, support kita dyan!", sabi ni Betty.
"Sakay na kayo, dun na tayo paparada kela Ramona.", sabi ni Komang.
"Oy Koms, nandun daw si Yvonne ah.", sabi ko bilang pang-asar sa kanya.
"Tara na nga!", sabi ni Komang sabay nagtawanan kaming dalawa.
Pagkarating namin doon sinalubong kami agad ni Ninang Hilda at kinamusta si Eko. Tinawag ako ni Ramona dahil humingi sila ng tulong na dalhin yung mga pinaluto ni Ninang para sa byahe namin.
"Oh buti pinayagan ka. Walang kasama asawa ng kuya mo dito aba.", sabi ko kay Ramona.
"Eh, sabi ni Mama sya na daw muna bahala dito sa bahay dahil wala daw syang lakad sa loob ng isang buwan.", sabi ni Ramona sa akin.
"Ah, ganun ba.", sabi ko.
"Pahelp naman buhatin 'tong bilao, medyo mabigat po.", sabi ni Yvonne.
"A-Ako na Yvonne.", sabi ni Komang.
"Yiiieeeeeee!!", sabay sabay naming sabi bilang kantsaw kay Komang the lover boy!
"Ahaha, wag nga kayong maissue dyan, tinutulungan lang ako ni Koms eh.", sabi ni Yvonne.
"Oo nga, kayo talaga masyado kayong ano!", sabi ni Komang the lover boy hehehehe.
"Sus gusto rin kasi!", kantsaw ni Bertonino, este Betty pala anuba ha.
Nang maipasok na namin ang lahat ng pagkain sa loob ng van, nagpaalam na kami kay Ninang Hilda at nagsisakay na kami. Pupunta pa kami sa tirahan nila Ernesto dahil susunduin pa namin yun. Kailangan kasi dun sa payatot na yun eh sinusundo kasi di papayagan ng tatay nya na lumakad mag-isa. Nakaimpake kasi, iniisip nila baka maglalayas! AHAHAHA!
"Ernesto! Tara na!", sigaw ko mula sa labas.
Walang sumasagot kaya bumaba muna kami ni Komang para katukin bahay nila Ernesto.
"Ernesto? Tito?", tawag ni Komang habang nakatok.
Biglang bukas ng pinto, "Oh, Komang bakit naparine kayo?", tanong ng tatay ni Ernesto.
"Eh di po ba nasabi sa inyo ni Ernesto na magbabakasyon kami pansamantala sa Lucban?", tanong ni Komang.
"Ah, nabanggit nya, akala ko kasi ey nagsisinungaling are at gusto na naman maglayas. Mabuti na yaong sa kakilala ko siya nasama nang sa gayon ay mahahanap agad. Pasok muna kayo rine at may ibibigay ako sa inyo.", sabi ng tatay ni Ernesto.
Pagkapasok namin, nakita ko si Ernesto na nagdidikdik ng luya at naghihiwa ng bawang.
"Ginagawa mo Ernesto?", tanong ko.
"Areng luyang dilaw ey gamot para di tayo malason o makulam, itong bawang ey alam mo na iyon.", sabi ni Ernesto.
"Oh hijo, hawakan mo.", sabay abot ng tatay ni Ernesto ng karit.
"Para saan ho ito eh wala naman kaming tatabasin na damo?", tanong ni Komang.
"Hijo, ikaw ba'y nakasisigurong wala kayowng tatabaseyn maske lieyg ng....alam mo na iyon ha?", tanong ng tatay ni Ernesto.
"Ah, naiintindihan ko na po.", sabi ni Komang.
"Are pa, dalhen nyo na din areng buntot pagi.", sabi ng tatay ni Ernesto.
"Ay dala-dalawa na ho, baka wala na kayong proteksyon.", sabi ni Komang.
"Hijo, marami nyan dine.", sabi ng tatay ni Ernesto.
"Asan po asawa nyo?", tanong ko sa tatay ni Ernesto.
"Ay nasa palengkey nagtitinda pa ruon, maya maya ngay aking tutulungan duon magligpet at susundueyn.", sabi niya.
"Ah ganun po ba. Kami na po bahala kay Ernesto, una na po kami.", sabi ko sa tatay ni Ernesto.
"Sya sya sige, kayo'y mag iingat ha.", bilin ng tatay ni Ernesto.
"Opo, salamat po!", sabi ko sabay pasok namin nila Ernesto sa van at umalis na doon. Alas nuwebe na din pala ng umaga kaya mukhang gagabihin kami papuntang Lucban kung trapik. Sana naman huwag.