Kabanata 14: Pinsan

851 Words
Nagising ako dahil sa isang tunog mula sa telepono. Sinagot ko at si Tito pala ang tumawag, sinabi nya na sunduin ko daw si Eko sa NAIA. Nagulat ako at na-excite na din kase makikita ko si Eko, may pagtitripan na naman akong isang kababata! Nagising din sina Komang at sinabi ko na pahiram muna ng sasakyan dahil susunduin ko si Eko. Balak ko dapat na arkilahin yung kapitbahay namin para magdrive dahil yun ang may lisensya pero sinabi ni Komang na sya nalang daw ang magd-drive dahil gusto nya din makita si Eko. Bale dalawa na yung aasar kay Eko. Sumama na din si Patrick at Ernesto. Kalaro namin si Eko kapag nagbabakasyon sila dito noon. Tagal na din pala ng panahon na lumipas at makukumpleto ulit kami. Nang makarating kami ng terminal, nakita namin agad si Eko na naghihintay sa labas. "Eko!", sigaw ni Patrick, sabay tingin naman ni Eko sa amin. "Oh!", sabi ni Eko sabay kaway nya samin at lumapit. Inapiran namin si Eko at dinala ang iba nyang gamit. Dumiretso agad kami ng Van. "Kumusta Eko? Mukhang big time ka sa Italya ah!", sabi ni Komang. "Ayos lang, actually di pa ko nagtatrabaho. Pumunta ko dito sa Philippines para magseminaryo, mas gusto ko kasi dito magpari.", sabi ni Eko. "Ala! Ikaw pala'y magpapare! Mano po padre!", sabi ni Ernesto. "Ahahaha, tara daan muna tayo sa mall, kakain tayo. Sabi ni Dad libre ko daw yung susundo sa akin sa airport.", sabi ni Eko. "YOWNN!!!!", sigaw ni Patrick. So ayun, dumiretso muna kami ng mall at kumain sa Mang Inasal (not sponsored). Di pa nakakakain si Eko sa Mang Inasal eh kaya dun namin sya dinala. Tapos nagkwentuhan na din kami dun at namahinga saglit. "Eko, saan ka nga pala magpapahinga?", tanong ko. "Sabi ni Dad dun nalang daw kela Aling Hilda. Umupa daw muna ako ng apartment.", sagot nya. "Gusto mo dun nalang sa inuupahan ko na apartment. Para di ka na gumastos.", sabi ko sa kanya. "Ah, Tristan, di ba natin sasabihin sa kanya yung nangyari dun?", tanong ni Patrick sakin na pabulong. "Hindi muna sa ngayon, pero ako na bahala.", bulong ko kay Patrick. Kumain kami at pagkatapos ay sinamahan muna namin si Eko na mamili ng mga kailangan nya sa supermarket. Si Ernesto at Patrick naglibot libot muna sa mga tindahan ng damit. "Teka, mukhang kailangan ko ito.", sabi ni Eko sabay lagay ng sabon sa basket. "Komang, bilhin na natin 'to", sabi ko sabay pakita sa kanya ng Jack Daniels. "Mahal gagi, pero pwede kung hati tayo.", sabi ni Komang. "Uy, Komang, masama sobra sa alak ha.", sabi ni Eko. "Ahahaha, minsan lang.", sabi ni Komang. "Teka, bakit yung nickname mo Komang, eh di ka naman Komang?", pagtataka ni Eko. "Komang dati yan eh, pinagamot ni Aling Nerva.", sabi ko. "Ah ganun pala. Kuha kayo ng tsitsirya oh, sagot ko na. Pulutan nyo.", sabi ni Eko. "Oh, kuha daw tayo, ahahaha. Salamat, Eko.", sabi ni Komang sabay lagay ng mga tsitsirya sa basket kasama yung mga alak na binili namin. Pagkatapos naming mamili ng kung anu-ano. Sumakay kami agad ng kotse at dumiretso na pauwi. Hinatid namin si Patrick at Ernesto sa bahay nila dahil hindi naman daw sila iinom, nagpasalamat naman sila sa binigay sa kanila ni Eko. Medyo watak watak muna kami ngayon dahil magtataka yung mga kasama nila sa bahay kasi halos mag-iisang araw na silang hindi nauwi. Kaya heto, inuman muna kami ni Komang. Alak na naman. Habang syuma-shot kami ng alak ay nanonood kami ng telebisyon. Kakalabas lang ni Eko sa banyo dahil nag shower. Niyaya ko uminom pero tumanggi, malamang. Tinry ko lang naman kung kakagat sya eh. Naupo nalang si Eko sa harap namin habang kumakain ng pinamili nya sa supermarket. "Anong plano mo, Eko? Dito ka talaga magpapari?", tanong ni Komang. "Oo eh, susubukan ko. Gusto ko talaga dito makapagmisa sa Pilipinas. Pero bago yun, I'll first attend some seminars, and then kaunting vacation. Actually may pupuntahan ako, sa Quezon, I have a contact here, Filipino priest. Sabi nya pumunta daw ako ng Quezon at doon mag seminaryo, sa Lucban ata.", sabi ni Eko. "Oh, Lucban. Tara Tristan sama tayo kay Eko, magbakasyon man lang muna tayo sa ibang lugar.", sabi ni Komang. "Ahahahaha, palagi ka naman nakabakasyon Komang eh.", pabiro kong sabi dahil may wala naman balak yun mag-aral o magtrabaho. "Tara, ako na bahala sa sasakyan tapos ambagan nalang sa gas tsaka lapagan nalang para sa pagkain kung ano kakayanin.", sabi ni Komang. "Sige sige, Im in.", sabi ni Eko. "Sige, tuloy na din ako.", sabi ko naman. "Teka, gagawa ako group chat ia-add ko kayo pati iba nating kababata. Reunion na din 'to noh!", sabi ni Komang. Gumawa sya ng group chat kasama ako, si Eko, si Patrick, Ernesto, Ramona, si Yvonne na isa din naming kababata na crush ni Komang, at si Bertonino, ay este Betty, vaklang twooohhh! So far, sumang-ayon naman sila at ang larga namin ay Biyernes pa kaya uunahin muna naming ayusin at i-upgrade yung van ni Komang para walang aberya sa byahe. Mukhang magiging masaya ito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD