Kabanata 12: Misteryoso

1181 Words
"Tangina nyo bilisan nyo ang takbo!!!", sigaw ni Komang. "Di natin sila kayang harapin dito! At isa pa, marapatin nating wag maghiwa hiwalay!", sabi ko naman. "Teka lang, tangina hinihingal ako!", sabi ni Patrick sabay hinto. Napahinto din kaming lahat sa pagtakbo. "Putangina, siguradong makakasagupa natin sila.", sabi ko. Delikado ang sitwasyon namin dahil wala ang Night Owls ngayon, di ako makakahingi ng tulong mula sa tawag. "Mas mabuti pa siguro dun muna tayo sa apartment, marami akong gamit doon.", dagdag ko. "Wak wak wak!", nakarinig kami ng napakalakas na tunog ng isang uwak kahit wala namang uwak sa paligid. Ibig sabihin lamang noon ay malayo pa sila. "Tara na takbo ulit!", sabi ni Komang. "Naririnig ko na sila, at malayo pa sila.", sabi ko. "Paanong malayo pa kung naririnig na natin?", tanong ni Patrick. "Mas malakas, mas malayow! Mas mahina, mas malapeyt!", sabi ni Ernesto. Nakarating na kami sa apartment at nagsipasok kami agad sa loob. Sinara ko ang pinakagate sa pangalawang palapag at ang mga pinto sa bahay. "Alam kong mga aswang sila.", sabi ko sa kanila. "Oo mga aswang nga sila.", sabi ni Ernesto. "Nako nako, ayan na naman tayo. Kanina pa kayo. Pati ikaw Tristan naniniwala na din dyan? Nahawa ka na sa kaweidohan ni Ernesto. Baka mga psychopath lang yun! Mga cannibal!", sabi ni Komang. "Di lang ito ang unang beses, Komang. Si Jona na kapitbahay ko dyan sa dulo, ako ang pumatay sa kanya, naging abo sya. Isa syang aswang.", sabi ko kay Komang. "Paano naman kayo nakasisiguro na ligtas tayo dito?", tanong ni Patrick. "May buntot pagi ako dito at may proteksyon ang pintuan. Ikaw na ang humawak ng buntot pagi Komang, baka sakaling mawasak nila ang gate at makapasok dito.", sabi ko. "Teka paano naman kami?", tanong ni Patrick. "Hawakan mo iyang isang garapon ng asin, tig-isang garapon kayo ni Ernesto. Lagyan nyo yang sahig at yung nag iisang bintana doon. At pag lumabas kami ni Komang, mula dyan sa pintong yan, protektahan nyo kami sa pamamagitan ng pagbabato ng asin.", sabi ko sa kanila. "Sige, kame'y nakahanda na.", sabi ni Ernesto. Kinakabahan ako, at nanginginig. Ang dilim ng labas nang silipin ko ito. Binuksan ni Komang ang pinto at nilagyan nya ito ng kalso para manatiling nakabukas ang pinto. Lumapit si Patrick sa pinto at nakahandang magsaboy ng asin. Si Ernesto naman ay nilalagyan ng proteksyon ang bahay. Nakita ni Ernesto ang langis mula sa nakabukas kong bag. Kinuha nya ito. "T-Tristan, nakulo ang langis....", sabi sa akin ni Ernesto. Nanlaki ang mga mata ni Komang nang makita ang kumukulong langis. "Totoo ngang kukulo iyan kapag....", sabi nya at mas lalong nanlaki ang aming mga mata nang makita namin ang napakalaking uwak na paikot ikot sa buong gusali. Nakapagtataka na wala masyadong tao sa labas at ang ibang mga tao ay nasa loob lamang ng mga bahay. Dumungaw ako sa baba at nakita kong nagapang ang mga aswang na may itsurang bayawak, anlalaki nila na parang mga bayawak. "Mga Abwak.", sabi ko. "Anong Abwak?", tanong ni Komang. "Mga aswang na nagiging bayawak ang lalaki at uwak ang babae. Ang uwak kanina ay si Aling Sonya at ang mga bayawak na paniguradong nasa baba ay ang mga lalaking trabahador.", paliwanag ko sa kanya Sumampa si Aling Sonya sa isang malaking puno sa tapat ng gusali. "PUTANGINAMO HINDI AKO NATATAKOT SAYO!", sigaw ni Komang. "Hoy! Bakit ka nagmumura?", pabulong kong tanong. "Sabi ni tita murahin daw yung aswang para matakot sila.", pabulong nyang sagot sakin. "O-Oo nga! T-TANGINA KA!", medyo awkward na sigaw ko at biglang sumigaw ang uwak sabay lipad papalapit sa amin na mukhang mas nagalit pa. Napa atras kami bigla ni Komang. "Tangina mo!", sigaw ni Komang. Di sya nakapasok sa gusali dahil hindi sya kasya sa pagitan ng mga grills pero binaliko nya ang mga bakal. Sinugod sya ni Komang at hinagupit ng buntot-pagi pero umilag ito. Sabay na nagsiakyatan ang mga Abwak na bayawak sa grills. Lumusot ang isa sa pagitan ng balikong bakal. Sinugod ako nito, buti nalang naka ilag ako. Tinadyakan ko ito sa tagiliran at napatalsik ito sa dulo. Hinagupit ni Komang ang isa pang papasok na aswang kaya nalaglag ito. Sumunggab ang Abwak na tinadyakan ko sa likod ni Komang na sakto namang hinagisan ni Patrick ng asin kaya nawala ang atensyon nito sa paglusob, mabilis kong sinaksak ito sa batok. Agad na naging abo ang katawan nito. Tumalon ang isa sa akin kaya napatumba ako. "TANGINAMO!!! ANG BAHO BAHO MO!!!!", sigaw ko nang daganan nya ako. "Tanggapin mo to!!!", sigaw ni Patrick sabay sampal ng isang dakot ng asin sa Abwak. Nalapnos ang mukha nito. Tinadyakan ko sya palayo sabay bangon ko at sinaksak ko sya sa ulo. "Ilan pa ba sila?!", tanong ni Komang matapos gawing abo ang isang aswang na kinalaban nya. "Hindi ko alam, higit sa lima?!", sabi ko sa kanya. Sumilip sya para tignan kung ilan pa ang nasa baba ngunit may biglang sumakal sa kanya. Agad ko syang sinaklolohan at sinaksak ko ang braso ng Abwak na iyon. Hinila kami ni Patrick nang biglang sumugod ang uwak. Napagapang paatras kami. Galit na galit ang uwak. Hindi parin tumitigil sa pagpasok ang mga bayawak. Lumabas si Ernesto para ihagis ang mga asin sa kanila. "Nagsilayuan sila.", sabi ni Komang. "Hindi natin sila dapat hayaang makatakas, babalik sila.", sabi ko. "Ano pang hinihintay natin? Tara na!", sabi ni Komang. "Dyan lang kayong dalawa at wag kayong magbubukas ng pinto!", sabi ko kay Ernesto at Patrick. Nanakbo kami at hinabol namin ang uwak. Dinala kami nito sa kakahuyan sa labas ng subdivision. Walang kasiguraduhan na mabubuhay kami, pero ito ang dapat gawin, na wag hayaang makatakas ang aswang. May mga abwak na bayawak ang sumugod sa amin, mabilis ang reaksyon ni Komang kaya nagawa nya itong hampasin nang malakas at halos mapunit ang katawan nito. Tumigil sa paglipad palayo ang uwak na Abwak at sumampa sa sanga na para bang pinapanood kami. Sinugod ako ng isa pang bayawak na Abwak. Buti nalang mabilis ang aking reaksyon na tamaan ang leeg ng aswang na yun kahit nagawa noon na sugatan ako sa balikat. Wala sa aking malay na sumugod din ang uwak na Abwak at sinugatan ako sa kaliwang braso. Sumugod muli ito at pinatumba si Komang. Gumapang ako kay Komang at sinabi kong wag tatayo. Nagmatigas sya at tumayo parin sabay pinulot nya ang tumalsik na buntot-pagi. Akala ko mamamatay na si Komang nang sugurin sya ng uwak. Nang sa isang iglap, may isang misteryosong lalaki ang humati sa katawan ng uwak. Isang ninja! Igorot na ninja! Oo, nakakatawa pero ganun nga ang itsura nya. Napatulala kami pareho ni Komang sa sobrang bilis ng pangyayari. Napakatahimik at hindi namin naramdaman ang pagdating nya. Tumayo sya saglit at ibinalik ang kanyang espada mula sa kinalalagyan nito. Nagsimula itong maglakad palayo kaya tinawag ko agad siya. "Saglit! S-Sino ka?!", tanong ko sa kanya. Lumingon lang ito at umalis na hindi sinasabi sa amin kung sino sya. Mabilis na paran bang hangin na dumaan. "Sino kaya ang taong iyon? Para syang ninja.", sabi ni Komang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD