Kabanata 45: Regalo

869 Words
Medyo kabado ako sa totoo lang. Linggo na ngayon, June 16! Bukas na ang birthday ni Ramona. Ano kayang magandang iregalo? Something na magagamit? Ano ba? Bracelet? Relo? Hikaw? Ah, kwintas nalang. Teka, di ko pa pala nalalaman yung theme ng birthday nya. Siguro maroon kasi maroon yung invitation card. Si Ninang naman sinukatan ako ng susuotin ko tapos sya na daw bahala umorder at magpatahi nun, ibibigay nya nalang sakin bukas. Si Eko uuwi ata mamaya dahil invited din sa birthday ni Ramona. Tapos uuwi rin mamayang hapon sina Komang. Dapat siguro bumili nalang ako regalo ngayon. Ay, mamaya nalang pala. Isasama ko na sina Komang dahil panigurado magpapasama pa yung mga yun sa mall pag-uwi ko. Natataranta ako ha. Di ko alam kung bakit eh! Bakit kasi napakaengrande ng 18th birthday ng mga babae? Tsaka nakakapressure yung maraming bisita at seremonya. Sabi nila importante daw na araw yun para sa mga nagdadalaga. Ayos din. Pagkatapos kong maligo at mag-ayos eh may biglang kumatok sa pinto. Si Eko pala. "Oh, akala ko hapon ka pa darating ahahahaha.", sabi ko naman. Pinapasok ko kaagad. "Buti walang traffic nung bumyahe ako, ahahaha. Tsaka sabi kasi ni Aling Hilda, punta daw ako maaga kasi ihahabol daw yung susuotin ko for tommorow.", sabi ni Eko. "Ahh, buti pinayagan ka. Nagstart na na seminaryo mo?", tanong ko. "Hindi pa eh. Nag-oobverse pa ako sa ginagawa nila. Marami din akong aayusin pa muna sa legal papers ko dito before ako magstart.", sabi ni Eko. "Nga pala, kumusta? Anong nangyari after natin sa Lucban? Di ka ba inaatake ng mga creatures na ano?...", tanong nya sa akin. "Nako, alam mo tol, marami rin ang nangyari. Di ko rin inaasahan ang mga bagay na pinasok ko sa ngayon.", sabi ko sa kanya. "Bakit? What happened?", tanong nya. "Hmmm, di mo pa siguro kailangang malaman yun ngayon. Pero for sure lalapit at lalapit ako sayo soon na may kinalaman doon.", sabi ko sa kanya. "Well, basta, the most important is that you are safe.", sabi naman nya. Nagkwentuhan kami at kumain ng tanghalian. Dumating pa nga si Ninang para sukatan din sya kasi tumawag si Tito Hermin kay Ninang na pakiasikaso sana ang damit ni Eko. Buti maihahabol yung damit kasi yung isang anak ni Ninang na galing Boracay kakauwi lang din kaninang umaga. Hinintay namin sina Komang, Patrick, at Ernesto na umuwi bago kami pumunta ng mall para mamili ng regalo. Excited din kami kasi bonding na naman ng magtotropa ang birthday ni Ramona. *Tok tok tok* May kumakatok na naman, binuksan ko at si Komang pala kasama si Patrick. "Oh, pasok-pasok.", sabi ko sa kanila. "Wohoi, Eko! Umuwi ka rin pala.", sabi ni Patrick. "Ahaha, oo. Invited din eh.", sabi naman ni Eko. "Ano? Tara? Bili na regalo?", tanong ni Komang. Nagchat kasi ako sa kanya na bibili kami ng regalo para kay Ramona pag-uwi nila. "Tara na. Asan si Ernesto?", tanong ko. "Umuwi muna. Sasabay nalang siguro yun kay Yvonne at Bertonino. Mamaya siguro sila bibili pag-out ni Bertonino sa trabaho.", sabi ni Komang. "Oh, tara, tara. Para makauwi agad.", sabi ko naman. Diretso agad kami sa mall. Maghahanap ako ng mabibilhan ng magarang kwintas. Buti may sweldo na ako sa trabaho ko sa Lino's Cafebar. Nasa mall na kami at pasikot-sikot sa paligid. Nag-iisip pa kasi sila ng bibilhin so sinabi ko na sa kanila na pumunta muna kami sa jewelry store. "Woowww, bigat mo. Legit na alahas. Ano bibilhin mo?", tanong ni Patrick sa akin. "Kwintas nalang siguro. Friendship gift.", sabi ko. "Aba, aba. Naisip ko pa naman eh kwintas. Iba nalang siguro.", sabi ni Komang. "May napili ka na bang designs?", tanong naman ni Eko. "Wala eh. Wala akong idea.", tugon ko. "Nako paktay, wala rin akong alam na idea about sa kwintas.", sabi ni Komang. "Ako rin eh.", sabi ni Patrick. "Same.", sabi naman ni Eko. "Hmmm... Okay lang kaya kung itong rose pendant ang ibigay ko? May meaning ba? May deep meaning?", tanong ko. "Alam mo, yang mga meaning-meaning na yan dipende yan sa interpretasyon ng mga tao sa bagay-bagay. Tsaka isa pa, naniniwala ka ba sa mga pamahiin o kasabihan?", tanong ni Komang. "Hindi eh.", sabi ko naman. "Ayun naman pala eh.", sabi nya. "How about, how you see her? Or anong naiimagine mo kapag naririnig yung pangalang Ramona?", tanong ni Eko. "Hmmm... Feel ko nakakaimagine ako ng red.", sabi ko naman. Feel ko lang talaga kapag naririnig ko name ni Ramona o sinasabi ko man name nya. Yung background nya sa imagination ko parang something red. Ganun. "Oh, edi okay na yang rose. Kasi diba ang roses are red?", sabi ni Patrick. "Pero may white roses diba? Tsaka pink?", sabi ko naman. "Pwede naman siguro palitan ng red na stone yung transparent. Di ko sure kung legit na precious stone talaga yan. Parang design lang sa silver.", sabi ni Komang. "May red ba nyan?", tanong ko naman sa saleslady na kanina pa nakikinig sa amin. "Yes, meron po.", sabi ng saleslady tapos pinakita sa akin yung box na may laman na red rose necklace. Binili ko kaagad para makabili na rin sina Komang. Red Rose Necklace.... maganda ha. Ayos, ayos. Feel ko talaga magugustuhan 'to ni Ramona.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD