Nagising ako, Sabado. Gumala-gala kami sa Lucban. Di na namin ginamit yung van kaya tricycle nalang muna ginamit papunta kung saan-saan. Pumunta din kami sa sikat na tindahan ng halo-halo at naglibot sa napakalaking simbahan doon. Kumain kami dun sa mga resto pati sa Jollibee (not sponsored) na nakatayo sa makalumang bahay kung tawagin nilang "Bahay na Bato". Tapos mga hapon bumalik kami sa bahay, nakita namin na ngayon palang nag-aayos na ng mga disenyo yung mga kapitbahay para sa Pahiyas Festival. Tumulong nalang kami sa pagdisenyo ng kela Kuya Lito tsaka yung mga banderitas na ikakabit nila. Bukas na pala yung pista dahil Linggo, kaya pala nakita ko nagpapraktis na din yung mga banda banda doon. Sabi nila napakaengrande daw talaga ng Pahiyas, tsaka sa Plaza daw may gaganapin na concert ng mga sikat at yung party-party sa gabi.
Pagkatapos tumulong sa mga pagdidisenyo, bumalik na kami sa bahay. Sakto gabi na ar nagluluto na pala ng hapunan sina Yvonne at Ramona. Marami silang pinamili, pang ihaw daw yung iba. Kaya pala nagsimula nang mag-ayos si Patrick ng ihawan. Syempre tumulong na din kami sa pagluluto pagkatapos magsilinis ng katawan. Itong si Komang the Lover Boy, ayaw pahalata ampucha. Tamang konting landian lang sila ni Yvonne. Tinulungan ko nalang si Betty at Ramona mag marinate ng iihawin. Si Betty naman masyadong makatitig nang-iintriga, parang siraulo ampucha.
"Hoy, Bertonino, anong tingin yan?", tanong ko.
"Kayong dalawa Ramona at Tristan, maglayo nga kayo, pag kayo nagkainlababo talaga ay nako yari kayo kay Aling Hilda.", sabi ni Betty.
"Ano? Betty para kang sira. Ahahaha.", sabi ni Ramona.
"Sus.", sabi ni Betty.
"Ramona, tara ilabas na natin tong karne. May nasisiraan na ng bait dito, baka pag tumagal pa tayo dito eh matuluyan.", sabi ko.
"Ay grabe sya. Akin na nga yan at tulungan ko na nga kayo.", sabi ni Betty sabay kuha ng isang tupperware na may lamang liempo.
"Oh, ano? Oks na ba yan?", tanong ko kay Patrick at Eko na pinagtutulungang pabagain yung uling.
"Yup, okay na to, pwede na kayo mag ihaw.", sabi ni Eko.
"Ayun, sige sige.", sabi ko. Eh ano pa nga bang gagawin, malamang mag-iihaw na kami. Habang iniihaw namin ni Betty yung karne, si Patrick at Ernesto naman binuhat yung cooler sa labas.
"Ay! Tulungan nyo oh, baka kumalas si Ernesto!", sabi ni Betty.
"Ahahahay, siraulo!", sabi ni Ernesto, sabay tulong naman ni Eko sa pagbuhat ng cooler. Nilapag na din nila yung mesa at mahahabang upuan. Sa harap kasi ng bahay nila Yvonne, parang bakanteng lupa na may halaman sa gilid.
"Mukhang nangangamoy na naman arey!", sabi ni Ernesto.
"Ay! Jinuman nanamerns?!", tanong ni Betty.
"Nanaman eh di ka nga sumama kahapon, sus!", sabi ni Komang.
"Anukaba chi, puro katatayan ang nandun, di pa ko ready sa ganun noh! Boylets na bagets lang G ko.", sabi ni Betty.
"Usapang inuman, oh!", sabi ni Patrick sabay hagis sa akin ng Red Horse na in-can.
"Oh Ramona.", sabay pasa ko ng beer na hawak ko.
"Ay hindi ako nainom ng ganyan.", sabi nya.
"San Mig Flavored, gusto mo?", tanong ko.
"Oo yun nalang.", sabi nya.
Inabutan sya ni Patrick ng San Mig Flavored. Kaunting inuman muna habang nag-iihaw.
"Eko, inom ka?", tanong ni Patrick.
"Hindi eh, softdrinks nalang.", sabi ni Eko.
"Ako din hindi eh, kaya softdrinks nalang tayo.", sabi ni Patrick saka binigyan nya si Eko.
"Kalerki akala ko naman nainom ka at kanina ka pa abot nang abot ng alak. San Mig lang din akin.", sabi ni Betty.
Pagkatapos ng mga ilang oras luto na din yung mga pagkain. Tinulungan na namin sila Komang na ilabas yung mga niluto nila dahil doon kami kakain. Pagkatapos ng kainan, inuman naman. Lahat kami syempre uupo doon at walang takasan kahit si Eko. Magb-bonding lang naman, di namin pipilitin yung ayaw uminom. Ayun kaunting kwentuhan, tawanan, tapos medyo lasing-lasing na yung iba. Ako di pa ako nalalasing dahil kakaunti lang ininom ko. Si Betty lasing na ganun din si Ramona na katabi ko pa nga, hinayaan ko nalang na dumantay sa akin at mukhang tutumba na eh. Si Ernesto ganun din, langung-lango na. So ito yung talagang nakakatawa, may magkakaaminan.
"H-Hoy, ibon.", sabi ni Betty.
"Anong ibon? Yvonne! Ika'y lasing na lasing na talaga Bertonino.", sabi ni Ernesto, nag-usap yung dalawang lasing
"Y-Yvonne pala, k-kayo ba ni Kom-Komang eb ano ba kayong dalawa ha?", tanong ni Betty.
Napatigil kami sa pag-inom tas nasamid pa ako walangya.
"Baket?", tanong ni Komang.
"E-Eh, di pa ba halata yown? K-Kahapon pa kayo naglalandey-an! M-Mukha bang di yun halata?", sabi ni Ernesto.
"Ay? Talaga? Kayo na ba ni Yvonne?", di sinasadyang tanong ni Eko na lalo ko pang kinaubo walangya.
"Ah eh.", sabi ni Komang na di alam ang sasabihin. Si Yvonne naman tahimik lang na natatawa.
"Tristan juice ka muna, baka pinipilit mo lang yang beer kaya ka nasasamid ha.", sabi ni Patrick.
"Ay h-hindi ehehe, napamali lang higop ko.", sabi ko na patay malisya muna. Walangya kasi bat parang alam nila na meron? Pinipilit kong wag mag tanong kay Komang at makisabay sa chismis nila.
"Eh bakit di mo pa sinasagot yung tanong nila, Komang?", tanong ni Patrick.
"O-Oo n-ngah.", sabi ni Betty.
"Bakit anong meron? Is it true na sila na talaga?", di sinasadyang tanong nanaman ni Eko.
"Aminin mo na kase! K-Kanina pa ko naghihintay dine!", sigaw ni Ernesto. Pag nakainom si Ernesto eh nagmamaoy.
Pucha yung nakakatawa talaga, ngayon ko lang nakita si Komang na nap-pressure, tapos parang siraulo pa si Yvonne na napapangiti, kinikilig ata.
"Oo na, kami na.", sabi ni Yvonne na ikinagulat ni Komang.
"Ano?!", tanong ni Betty na may halong gulat.
"Seryoso ba yan?!", tanong din ni Ernesto na parang nabuhay mula sa kalasingan.
"Sabi na eh, sila nga talaga.", sabi ni Patrick.
"Wow! Great!", sabi ni Eko.
"Eh,,, B-Bakit d-di nyo shinashabe sam-samen?", tanong ni Betty.
"Tinatago lang namin dahil ayaw namin na kumalat at baka paghiwalayin kami ng papa nya.", sabi ni Komang.
"Nako p-pre, pa-papatayin ka ni Mayor.", sabi ni Ernesto sabay tawanan kami.
"Alam nyo, wag nyo nalang ikalat. Respeto nalang sa desisyon nila. Natatakot sila na mapaghiwalay sila kapag wrong timing ang balita kay Mayor.", sabi ko sabay kindat kay Komang, syempre ligtas tropa agad.
"Oo ngah, wag nyo na ikalat haaa.", sabi ni Ramona.
"Oo, it's okay to keep it secret muna. Pero in the mean time magpaalam din kayo agad ha.", payo ni Eko.
"Oo naman, plano talaga namin yun.", sabi ni Ramona
"Yey!!!!!! C-Congrats!!!!!!!", sabi ni Betty.
"P-Para kay Komang at Yvonne!", sabi ni Ernesto sabay cheers kami lahat.
Mga ilang oras pa lumipas nagsusukahan na si Ernesto at Betty. Si Betty nakapunta pa ng banyo at nagbanlaw bago matulog. Si Eko pinasok na yung mga pagkain na natira bago matulog, si Patrick naman ang naglinis ng paligid, si Ramona nakaupo parin, di ko alam kung mag-iinom pa yun pero matik kami ni Komang tatapusin namin ang sinimulan. Naawa ako kay Ernesto kasi bumulagta sa sahig ampucha, sa sobrang kalasingan nun nakalimutan na nya kung saan ba nakalagay yung kama nya kaya ayun binuhat nalang namin sya papunta sa kwarto dahil di naman na sya nagsusuka. Umakyat na din si Patrick dahil inaantok na daw sya, ganun din ata si Eko nasa kwarto na. Bumalik ako sa labas para sabihan si Ramona na umakyat na, nakita ko kasi si Komang na dala-dala na si Yvonne papuntang banyo dahil sinukahan daw sya. Tumingin ako sa relo ko, 10:00pm na rin pala.
"Ramona, tara na, akyat ka na at matulog.", sabi ko.
"M-Mamaya na.", sabi ni Ramona.
"Tara na, wag ka na magmaoy baka magmukha kang tanga.", sabi ko na medyo natatawa pa.
"Maupo ka nga muna.", sabi sakin ni Ramona.
Pagkaupo ko bigla akong niyakap tapos binulungan ako.
"G-Gusto kita, Tristan.", bulong nya.
"Ahahaha lasing ampucha, tara na nga, kung anu-ano pinagsasasabi mo.", sabi ko.
"Seryoso ako, di ko alam, m-mahal na ata kita.", sabi niya.
"Nako po, patay tayo neto kay Ninang.", bulong ko sa hangin.
"I-Ikaw ba, di mo ba ako gusto?", tanong nya.
"Eh, ah di naman sa ganun ano, pero basta.", sabi ko, di ko alam kung required ba na magpaliwanag ako sa babaeng ito, eh lasing lang naman 'to na nagdedeliryo ahahahahahaha.
Bigla syang dumuwal duwal, parang susukahan ako.
"Oh, oh, wag kang susuka sakin.", sabi ko agad.
"D-Di akoh nasusukah.", sabi nya tapos biglang nakatulog.
"Hoy? Nyare sayo?", tinignan ko kasi baka hinimatay sa sobrang daming nainom, eh hindi naman pala dahil nadinig ko pang himihilik.
Binuhat ko nalang sya paakyat sa kwarto. Laptrip si Komang di alam gagawin sa kusina kung uunahin nya ba munang maglinis ng katawan bago iakyat si Yvonne o ano.