"Goodmorning", bati sakin ni Betty.
"Oy, goodmorning..", bati ko din sa kanya habang nagkakape kami nila Komang, Patrick at Eko sa kusina.
"Aga gising mo ha.", sabi ni Betty sabay diretsong banyo.
"Syempre di naman ako nalasing eh...", sabi ko.
"Hays, sakit ng ulo ko...", sabi naman ni Ramona habang nababa ng hagdan.
"Kape na, Ramona.", sabi ni Komang.
"A-Anong nangyari...kagabi?", tanong ni Ramona na ikinasamid ko.
"Oh, oh ayos ka lang?", sabi ni Eko sabay tapik sa likod ko.
"Oo tol, ayos lang...Hehehe", sabi ko.
"Wala namang nangyari kagabi bukod sa inuman.", sabi ni Patrick.
"Eh bakit ako nasa kama na? Di ko maalala na umakyat ako dun.", sabi ni Ramona habang nagtitimpla ng kape.
"Binuhat ka ata nila paakyat. Lasing na lasing ata kayo ni Yvonne kagabi.", sabi ni Eko.
"Nila? Alam ko si Tristan lang bumuhat kay Ramona.", sabi ni Komang na lalo kong ikinasamid, naubo-ubo pa ako.
"Tol ayos ka lang?", tanong ni Eko sabay tapik sa likod ko.
"Oo tol, ayos lang... Hehehehe", sabi ko na medyo naubo-ubo pa.
Di umimik si Ramona pagkatapos magtimpla ng kape, nagmadali itong dumiretso ito ng terrace sa baba. Tinawag naman ni Yvonne si Komang sa taas. Pagkalabas ni Betty sa banyo na katatapos lang maligo, sunod naman na nagbayo si Patrick.
"Uy, pyesta na pala ngayon ano? Tara sa simbahan?", tanong ni Betty.
"Naliligo na nga sila eh, nakaligo na kami nila Eko.", sabi ko.
"Paghandain mo na sila at dadagsa ang tao sa simbahan ngayon.", sabi ni Betty.
Matapos maligo ni Patrick. Bumaba naman si Ernesto at nagbanyo. Nagyaya na din si Eko na mauna na sa simbahan para makita nya yung kaganapan doon sa simbahan. Excited kasi syang makita yung misa. Sumama nalang sa kanya si Betty at Patrick. Pinauna ko na sila kasi Komang nagpatulong sakin na ayusin yung kalat ni Yvonne sa sahig ng kwarto, alam mo na, bumulwak yung sikmura kagabi eh. Matapos ang lahat, nakapag-ayos na din si Yvonne kaya humabol sila Komang at Yvonne kasama na si Ernesto kina Eko sa simbahan. Susunod na din sana ako, nakasuot na nga ako ng pang-alis tulad ng kaki fitted pants at top sider shoes tsaka itim na short sleeve polo, kaso maliligo palang pala si Ramona.
"Uy, wag moko iwan. Tatakot ako dito...", sabi ni Ramona.
"Ehh, sige sige. Linisin ko nalang yung kusina habang hinihintay kita.", sabi ni Ramona.
"Sige...", sabi ni Ramona sabay pasok sa banyo.
Habang naghuhugas ako ng tasa nakita kong nakaawang ang pintuan ng banyo, hindi sya nakasara talaga, nakaawang ng konti. Syempre, inisyatibo nalang, isinara ko nang dahan dahan yung pinto kasi baka makita ko ang... alam mo na.
"T-Tristan, wag mong sara...", sabi ni Ramona na ikinagulat ko.
"A-Ay! Pasensya na, bakit ayaw mong isara? Baka pag humangin eh bumukas yan...", sabi ko.
"Natatakot nga ako... Dyan ka lang wag kang pupunta kung saan-saan. Kwentuhan mo din ako...", sabi ni Ramona.
Matatakutin pala to, hmmm, lahat naman siguro ng babae. Umupo nalang muna ako para hintayin sya. "Eh ano naman ikekwento ko sayo?", tanong ko sa kanya.
"Tungkol kasi sa ano.... kagabi...", sabi nya.
"Oh?"
"May nasabi ba akong... weird.... kagabi?", tanong ni Ramona.
"Hmmm, magpapakatotoo ako... Oo, meron.", sabi ko.
"Eh?! A-Ano, wala yun... kalimutan mo na yun...", sabi ni Ramona.
"Hmmm, okay hahahaha...", sabi ko.
"Hmmm, kung sakaling totoo... anong... reaksyon mo?", tanong ni Ramona.
"Ehh, di ko alam... pero bahala na kung anong mangyayari...", sabi ko.
"Hmm, teka ba't ko ba tinatanong to...", sabi ni Ramona at nagpatuloy sa pagligo. Medyo may pagkasira pala ulo neto. Hinintay ko nalang sya doon habang magc-cellphone ako. Pagkatapos nyang maligo, sinamahan ko din sya sa taas. Haysss. Sinara ko nalang din yung mga bintana sa taas at pagbaba namin saka ko sinara yung bintana sa baba. Nakamaikling palda pa sya at pambabaeng polo. May one strap na parang backpack akong dala, dun ko nilagay mahalaga kong gamit... In case lang. Tapos nilock ko na yung pinto. Habang sinasara ko yung gate, kinalabit ako ni Ramona.
"Tristan, kilala mo ba yung matandang yun? Kanina pa pasulyap-sulyap satin.", sabi ni Ramona habang nakalingon sa kinaroroonan ng matanda sa di kalayuan.
Naalala ko yung matandang nakatitig sa amin noong nag-iinuman kami sa bahay nila Kuya Lito. Hinawakan ko sa braso si Ramona at umalis kami. "Wala yun, baka tinitignan lang tayo kasi di naman tayo tiga-rito.", sabi ko.
Dumaan kami ng tapat ng plaza, may ginagawang stage doon at sineset-up din ang mga malalaking speakers sa paligid. Magkakasiyahan kasi mamaya, as in party-party. Pagkarating namin ng simbahan, sobrang dami nang tao, ni hindi namin alam kung saan pa kami makakapasok sa loob nun. Nagchat ako sa group chat namin kung nasaan sila. Ang sabi nakaupo sila sa upuan. Sabi ko naman baka doon nalang kami sa gilid nakatayo dahil sobrang daming tao, pero after ng misa, magkita kita nalang daw sa Jollibee. "Di na daw tayo makakapasok doon sa loob sa tabi nila kasi siksikan din yung mga nakaupo. Hays, dito nalang tayo. Ayos lang ba?", tanong ko kay Ramona.
"Oo, ayos lang.", sabi ni Ramona. Nagmisa na lahat lahat dahil nakabalik na din ang santo pagkatapos ng parada. Pagkatapos ng misa naglabasan yung mga tao sa simbahan. Medyo nagkakakatulakan kaya hinila ko si Ramona papunta sakin para di sya maipit ng mga tao, liit-liit pa naman parang batang mawawala.
Nangmedyo gumaan na yung tao sa paligid, pumunta na kami sa Jollibee sa bahay na bato. Ngayon lang ako nakakita ng ganun, medyo may pagka retro yung dating. Kaso wala pa sila dun, nakapagtataka lang kasi wala na sila sa simbahan. Kaya nag-ikot ikot muna kami sa paligid dahil sayang ang oras at maraming nagtitinda dun. Napadaan kami sa isang tindahan, nagtitinda ng kwintas na kahoy at bracelet na rasta at metal rock yung designs tsaka yung nagsusulat ng names sa bracelet. Tinitignan ko yung kwintas habang abala si Ramona sa pagpapagawa ng bracelet na may pangalan. Sinabihan ko si Ramona na sa kabilang tindahan lang ako at wag syang aalis doon. Pagpasok ko sa kabilang tindahan kakatingin ng kwintas, nagulat ako sa tindero kasi kamukha nya yung binigyan ko ng tinapay at rice meal sa may parking lot noong nakaraang araw.
"Oh, ikaw pala yan. Hijo..", sabi ng lalaki. Ibig sabihin sya nga kasi naaalala pa nya ako.
"Ah eh oho, hehe. Magkano ho sa kwintas na ito? Ang ganda.", sabi ko, parang pangil kasi.
"Pangil ng buwaya iyan. Magandang agimat, nagbibigay ng lakas ng loob at senyales sa panganib.", sabi ng lalaki.
"Magkano po?", tanong ko.
"100 lang hijo..."
"Bilhin ko po.", sabi ko.
"Hmmm, teka. Palitan ko ng tali at mukhang di magtatagal sayo ito lalo na pag nakipaglaban ka. Ito matibay-tibay na.", sabi nya nang palitan nya ang tali. Hindi ko alam kung anong ipinalit nyang tali. Nakapagtataka din ang mga sinasabi nya. Tumayo sya at dumungaw sa labas. "Kasintahan mo ba yun?", tanong niya habang nakatingin kay Ramona.
"Ah, hindi po. Kaibigan ko.", sabi ko.
"Sus, pabagal-bagal ka, hijo. Nga pala, itong bracelet. Maganda itong pangontra.", sabi nya sabay pakita sakin ng parang barya na may butas sa gitna kung saan nakapasok ang tali sa magkabilang bahagi, kulay tanso yung parang barya.
"Pangontra ho saan?", tanong ko.
"Ahahaha, ikaw naman hijo, para kang pinanganak kahapon.", sabi nya.
"Sige bilhin ko nalang din. Magkano ho ba?", tanong ko.
"Isang daan lang din... Ako'y tao lang, nagugutom at kailangang kumayod. Buti pa kung aswang ako eh di na ako kakayod, nasa paligid lang naman ang pagkain...", sabi nya.
"Ahehehe, sige ho, salamat.", sabi ko sabay abot ng bayad. Medyo ang weirdo nya.
"Hijo...", sabi nya bago ako umalis kaya napatigil ako sa paglalakad, "Iingatan mo yang kasama mo....Bantayan mo...", sabi niya. Napatungo nalang ako at napangiti sabay punta kay Ramona.