Kabanata 23: Baboy Monster

1442 Words
"Tristan may ibibigay ako sayo.", sabi ni Ramona. Sinuotan nya ako ng bracelet. Tinignan ko yung sa lagayan ng name, ang nakalagay eh Ramona. Tapos pinakita nya din kanya nakalagay naman Tristan. "Oh, salamat ahaha. Ba't mo naman naisipan akong bigyan ng ganito?", tanong ko. "Wala lang, friendship gifts?", sabi ni Ramona. "Ah wait, may ibibigay din ako sayo.", sinuot ko sa kanya yung bracelet na binili ko kay manong. "Ano yan?", tanong nya. "Guardian mo ahaha. Basta wag na wag mong tatanggalin sa katawan mo yan kahit anong mangyari o kahit anong gagawin mo ha?", sabi ko. "Oo naman!", sabi ni Ramona. Bumalik kami sa Jollibee para malaman kung naroon ba sila. Sakto pagpunta namin dun, naglalakad na din sila papuntang Jollibee. "Saan kayo galing?", tanong ko. "Naligaw kami tol.",sabi ni Patrick. "Ay, antatanga.", biro ko. "Tara kain na. Tomguts na ako!", sabi ni Patrick. "Wow, kelan ka ba hindi nagutom ha?", sabi ni Betty. "Siksikan tol eh, daming tao.", sabi ni Komang. "Tara, punta tayo sa may labasan, madaming kainan doon. Para matikman nyo yung authentic na putaheng Lucban.", sabi ni Yvonne. Naglakad kami sa may labasan ng Lucban. Maraming tinda doon, kung anu-ano na ang kinain namin. May nag-iihaw pa ng Lucban Longganisa. Pagkatapos namin kumain, ano pa nga ba, edi ikot ulit. Namili kami ng mga kung anu-anong gamit doon at pagkain. Tapos umikot-ikot na rin sa paligid para makapagpapicture sa mga bahay na may disenyo at maipost sa social media. Medyo nakakatuwa din dahil ang liligalig namin sa daan. Maraming turista sa paligid at mga banyaga yung iba. Pagsapit ng hapon nagkaroon ulit ng parada dahil magkakaroon ata ulit ng misa sa simbahan. Tapos ang nakakatuwa doon para na kaming nalalasing sa sobrang saya. Naglapagan na ng mga mesa sa kalsada mismo sa tapat ng mga bahay-bahay doon dahil mag-iinuman na yung mga katatayan doon. Sabi kasi parang magiging malaking hopping bar yung buong paligid ng plaza. Ang dami na ding tao sa may plaza dahil may mga artista na nag-eentertain at nagkakantahan doon. Habang naglalakad kami niyaya kami ng mga tatay doon na makipag inuman sa kanila, ang gusto naman nila Betty ay pumunta doon sa may gitna ng plaza at makikipagsayawan kaya kami lang ni Komang, Ernesto at Eko ang naupo doon, nakakahiyang tumanggi. Napaka-ingay ng paligid at tumagal ng dalawang oras ang inuman, napansin ko na hindi pa nabalik sina Betty. "Tol, kasama ba nila Betty sina Ramona?", tanong ko kay Komang. "Oo diba magkakasama sila?", sabi ni Komang. Hindi ako mapakali kaya tumawag ako kay Patrick. "Tol, asan kayo?", tanong ko kay Patrick mula sa telepono. "Andito sa gilid ng plaza, paparty party kanina pa.", sabi ni Patrick. "Andyan ba si Ramona?", tanong ko. "Napahiwalay sila ni Yvonne sa amin ni Betty kasi nagkatulakan sa gitna. Nagtext si Yvonne na okay lang daw sila.", sabi nya. "Ah ganun? Akala ko eh-", sabi ko naman. "Oh saglit andito si Yvonne.", sabi ni Patrick. "Teka, asan si Ramona?", tanong ni Patrick kay Yvonne. "Bigla na nga lang nawala sa tabi ko eh.", sabi ni Yvonne. "Ano?! Hello.. Anong oras sya napahiwalay sayo?", tanong ko. "Anong oras daw napahiwalay sayo?", tanong ni Patrick kay Yvonne. "Mga 10 minutes na nakakalipas, akala ko nga kasama nyo eh.", sabi ni Yvonne. Kinabahan na ako, yare talaga. Napatingin ako sa paligid at itinabi ko ang cellphone ko. Palinga-linga ako sa paligid. Gabi na din pala. Paglingon ko sa likod, yung matandang babaeng tumititig kay Ramona kaninang umaga ang nakita ko sa di kalayuan. Tumitig sya sakin nang mga ilang segundo lang sabay tumakbo ito papunta sa ibang direksyon. Sinabi ko kay Eko at Ernesto na bumalik sa bahay at hanapin si Ramona doon. Sinabi ko din kay Komang na puntahan sina Yvonne. Tumakbo naman ako agad palayo, hinabol ko yung matanda, pakiramdam ko talaga may kinalaman yung matanda. Nilabas ko din yung asero ko at tinago ko sa bulsa ng pantalon ko. Habang natakbo ako, nakikita ko pa yung matanda. Magkabilang kalye kami ng tinatakbuhan. Takbo lang ako nang takbo hanggang sa may narinig akong boses sa paligid na kasing boses ni Ramona. Paglingon ko sa kanan, nakita ko si Ramona na hawak ng dalawang foreigner, papunta silang masukal na kakahuyan. Sinugod ko ang mga iyon at sinuntok ko sa likod ng ulo yung isang foreigner. Napabitaw yung isa kay Ramona kaya hinila ko kaagad sya papunta sa likod ko. Hinawakan ko naman ang kamay ng foreigner na susuntukin ako, sinipa ko sya sa tagiliran at binalibag sa lupa. Pagtingin ko sa likod ko, wala si Ramona. Tumingin ako sa kakahuyan at nakita kong hinihila sya ng matandang babae palayo. Tumakbo ako agad papunta kay Ramona. Tumigil ang matanda at sinakal si Ramona. "Sige! Lumapit ka at papata-" Napatigil sya sa pagsasalita nang makapulot ako ng malaking tipak ng bato at ibinato ko sa mukha nya. Hinila ko si Ramona at niyakap ko, tumalikod ako sabay upo nang tumalon ang matanda paatake sa amin para ako ang tamaan imbis na si Ramona. Kaso bigla nalang tumalsik ang matanda sa puno ng mangga. Pagmulat ko, nakita ko yung matandang lalaki na pinagbilhan ko ng kwintas na umuunat-unat pa ng paa. Itinayo ako nito at si Ramona. "Ayos ka lang ba hijo?", tanong nya. "Oo, p-pero paanong?", pagtataka ko. "Parte ako ng Pugad hijo wag kang mag-alala. Alam kong parte ka din ng Pugad. Anong klaseng ibon ka?", tanong nya sakin. "I-Ibon? A-Ano, Night Owl.", sagot ko. "Ah, mga kabataan. Isa akong Tandang, karamihan sa Quezon ay Tandang.", sabi nya. "Ah ganun? Kasi matatanda kayo?", tanong ko. "Ehh, hmmm, ewan eh. Wag na wag mo syang bibitawan hijo. Medyo wala yan sa sarili nya. Umalis na kayo dito.", sabi ng matanda. "Eh paano ho kayo?", tanong ko. "May cellphone number ka ba?", tanong nya. "Meron ho.", sagot ko sabay bigay ko sa kanya ng cellphone number ko. "Pag ka tumawag ako ibig sabihin buhay pa ako.", sabi nya. "Eh... Paano po pag hindi?", tanong ko. "Walang load panigurado.", sagot nya. Tarantado pala tong matandang to eh. Tinignan ko ang mukha ni Ramona at tinignan kung may galos ba sya. "A-Ayos ka lang ba?", tanong ko. Di sya umiimik, bigla nalang akong niyakap at nagsimula syang umiyak. Niyakap ko nalang din sya at pinatatahan ko. "Pasensya na, patawad.", sabi ko. Pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit nangyari sa kanya yun. "Sige na, umalis na kayo dito. Nabubuhayan ulit ng loob itong impaktong ito oh.", sabi ng lalaki. Umalis kami agad sa lugar na iyon, ngayon, mahigpit na talaga ang hawak ko sa braso nya. Iniiwasan kong mapalayo pa sya sakin. Pakiramdam ko may mga tumitingin sa amin habang naglalakad kami kaya sa balikat ko na sya hinawakan at idinikit ko sya sa katawan ko. Doon ko na din inilabas ang asero ko, hindi ako mapakali kapag ganun ang nararamdaman ko dahil alam kong may mangyayari talaga. Pagkarating namin sa bahay naabutan ko sila na naglalagay na ng gamit sa van. "Uy mga chi, bat ang aga naman natin umalis dito.", sabi ni Betty. "Wag ka nang magtanong, bilisan natin.", sabi ni Patrick. "Oh, andyan na pala sila.", sabi ni Yvonne. Tumakbo si Yvonne at niyakap si Ramona. "Anong nangyari tol?", tanong ni Komang. "Delikado tol. Muntik na syang mabiktima ng ano...", sabi ko. "Ng ano?", tanong ni Betty. "Wag ka nang magtanong.", sabi ni Komang. "Eh paano tayo makakapaghanda kung di natin alam ang nangyayari kakaloka chi!", sabi ni Betty. "Aswang.", sabi ko. "Aswang?! Baliw ba kayo?", sabi ni Betty. "Ala eh asan na yareng impakto?", tanong ni Ernesto. "May tumulong sa amin, katulad ko din. Nag-aalala ako sa kalagayan nun kasi pakiramdam ko malakas din yung aswang na hayop na yun.", sabi ko. "What's aswang? Do you mean, ito yung mga folk creatures? Naniniwala kayo dun?", tanong ni Eko. "Naniniwala ka sa demonyo diba?", tanong ni Komang . "Yeah but.", sambit ni Eko. "Oh buti naman, kasi yung demonyo at aswang wala namang pinagkaiba yan. Pasok na kayo sa van, aalis na tayo dito.", sabi ni Komang. Nagsisakay na sila ng Van, ako naman ang nagbukas ng gate para di na sila bumaba pa. Tangina gantong senaryo kinakabahan talaga ako. Pagkalabas ng van, isinara ko ang gate. Napalingon ako sa kanan at nakita ko ang kakaibang klase ng impaktong naglalaway na parang gutom na gutom, labas ang mga ugat sa mukha at parang luluwa na ang mata. Para syang baboy na nakakatayong parang tao. Napaisip na din ako na baka napatay nya yung matandang lalaki. Inilabas ko ang kutsilyo sa asero at humanda sa pag-atake nya. Sinabi ko talaga sa sarili ko na hindi ko hahayaang mabuhay pa yung impaktong iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD