Kabanata 24: Uwian Time

1033 Words
Pag-sunggab sa akin ng aswang, sinugod ko din sya at inandayan ko ng saksak. Pero tumigil sya sa pagsugod at napaatras. Sinunggaban nya naman ako ng kagat, buti nalang naiiwas ko kaagad ang braso ko. Sinuntok ko sya sa panga at napabalikwas sya sa gate. "Tangina mo!!!!", sigaw ko sabay sugod ko sa kanya. Sinipa nya ako at napatalsik naman ako sa likod ng van. Pasugod sya sa akin pero napatigil sya dahil may biglang pumulupot sa kanya na kadena. "Oh teka, dyan ka lang....", sabi ng matandang lalaki na akala ko namatay na. Hinala nya iyon at inihampas sa kalsada sa kanyang likod. Lumapit ako sa matanda at kinamusta sya. "Akala ko namatay ka na eh.", sabi ko. "Nakatakas eh, tsaka wala akong load. Pasensya na.", sabi nya. Sumugod kami parehas sa aswang. Patakas sana ang aswang pero hinila nya ang aswang sa pamamagitan ng kadena. Lumutang ang aswang sa ere at hiniwa ko ng kutsilyo ang likod nya. Paglanding nito malapit sa matandang lalaki, sinipa sya nito papunta sakin. Sinuntok ko naman ang aswang na tumalsik papunta sakin gamit ang brass knuckles. Napunit ang pagmumukha nya sa ginawa ko. "Hmmm, ang ganda ng armas mo hijo. Brass Knuckles na may Bronze Edge Copper Knife.", sabi ng matandang lalaki. "Ang ganda din ng sayo. Kadena, kaso bakit hindi brass, bronze o copper manlang?", tanong ko. "Copper yan hijo, kinulayan ko lang ng itim.", sabi niya. Lumapit kami sa aswang na hinang hina at nakahandusay sa sahig. Binuhat sya ng matandang lalaki sa pamamagitan ng pagkadena sa leeg. "Kailan pa nangbibiktima ito?", tanong ko. "Matagal na, palaging nakakatakas sakin eh.", sabi ng matandang lalaki. "M-Mga hayop kayo! P-Pag n-nakatakas ako d-dito, kakainin ko a-ang bituka at atay nyo!!!", sigaw ng aswang. "Sige.", sabi ko sabay saksak ko sa kanya. Pinigilan pa nya ang pagsaksak ko sa kanya. Pinutol ng matandang lalaki ang kamay nya at saka ko naibaon ang kutsilyo sa leeg nya. Hinila ko iyon pakanan kaya naputol ang leeg nya. Paunti-unti, nagiging abo ang katawan nya at hinahangin palayo. "Salamat.", sabi ko. "Ako dapat ang magpasalamat, hijo. Ang tagal ko na ding binabalaan ang mga kabataan dito at hinahabol ang hayop na yan, palagi akong bigo at ngayon lang ako nagtagumpay.", sabi ng matandang lalaki. "Walang anuman, manong. At isang pa salamat na din. Muntik na akong mamatay kung di ka pa dumating.", sabi ko. "Sige, umalis na kayo dito at baka hanapin pa kayo ng kamag-anak nyan. Hanggang sa muli.", sabi ng matandang lalaki. "Hanggang sa muli.", tugon ko naman. Nakita ko si Ernesto at Eko na nasa labas ng van, pagpunta ko sa van, nicheck pa nila katawan ko kung may sugat ako. Pagtingin ko sa likod, wala na yung matandang lalaki at nag-iwan pa ng isang feather ng manok sa ere. "T-Tristan, ang tindi mo doon ah.", sabi ni Ernesto. "Ayos ka lang ba?", tanong ni Eko. "Oo, ayos lang ako. Tara na, umalis na tayo dito.", sabi ko, sumakay na kami ng van. Dumaan muna kami kina Kuya Lito at Ate Risa para ibalik ang mga susi bago umalis at nangakong babalik din sa susunod. Habang nasa byahe kami, mga balisa sila at hindi alam kung anong gagawin dahil sa nakita nila. Napagdesisyunan din namin na umuwi nalang kesa pumunta pa kung saan saan. "Ayos ka lang ba tol?", tanong sa akin ni Komang. "Oo, ayos lang ako.", sabi ko. "N-Nanaginip ba ako? Ako lang ba nakakita ng impaktong iyon?", tanong ni Betty. "Hindi lang ikaw, nakita din namin, dalawang mata namin.", sabi ni Patrick. "T-Tol, ala eh, pasensya na ha, di talaga kami makakilos sa aming nakita...", sabi ni Ernesto. "Ayos lang, ligtas naman ako at napatay ko na yung hayop na yun.", sabi ko. Ramdam ko ang higpit ng hawak sakin ni Ramona. Alam kong parang natrauma sya kaya sinabi ko na din na umuwi nalang kami kesa mamalagi. Pagkarating namin ng kamaynilaan, inihatid pa namin sila sa kanya-kanya nilang bahay at hindi kami umaalis hanggat di sila pinagbubuksan ng pinto. Sa kabutihang palad, naihatid naman namin sila pauwi lahat, nasa iisang subdivision lang naman kami, medyo layo-layo lang ang bahay. Pagkarating sa amin, sinabi ni Eko na mauna na syang bumalik sa apartment, si Komang naman umuwi na dahil andyan lang naman sa malapit ang bahay nila at ni-park nya na din ang van sa kanila. Hindi muna ako naalis sa tabi ni Ramona hanggat di pa binubuksan ang pinto nila, nakailang door bell na din kami. "Tristan, salamat...", sabi ni Ramona. "Hmm, walang anuman. Pasensya na, nahuli ako ng dating.", sabi ko. "Ayos lang. Ang akala ko nga hindi nyo na ako makikita pa, pero dumating ka. Isa pa, di ko alam ang nangyari. Kanina, hinawakan nung matanda yung braso ko kaso bigla syang bumitaw. Tapos hinawakan nya sa batok yung dalawang foreigner na nasa loob tabi ko. Nag-iba kinikilos ng mga foreigner at pwersahan nila akong dinala sa kakahuyan. Isa pa, bigla akong nahilo. Salamat, iniligtas mo ako.", sabi nya. "Hindi ko naman kakayaning pabayaan ka.", sabi ko. Niyakap nya ako ulit at dinidiin pa nya mukha nya sa dibdib ko. Niyakap ko nalang din sya para gumaan ang pakiramdam nya. Biglang bumukas ang pinto kaya bumitaw sya. "Oh, ang aga nyo naman ata nakauwi?", tanong ni Ninang Hilda. "May emergency po kasi kila Yvonne kaya umuwi na din po kami agad.", sabi ni Ramona kay Ninang Hilda. "Ninang oh.", sabi ko sabay abot ko ng mga pasalubong at gamit na hiniram namin. "Kumusta naman ang galaan nyo ha?", tanong ni Ninang Hilda. "Ayos lang naman po.", sabi ko. Oo, pagsisinungaling pero para na rin sa ikatatahimik nila. "Asan si Eko?", tanong ni Ninang Hilda. "Nauna na pong umakyat, magpapahinga po ata.", sabi ko. "Ah ganun ba. Buti naman. Pasok ka muna at magkape dito. Total madaling araw na eh mag-uumaga na.", sabi ni Ninang Hilda. "Ay hindi na ho, papahinga din po ako eh.", sabi ko. "Oh sige, buti pa nga. Amoy alak ka pang bata ka, eh kung piningot kita riyan, sinusunog mo ang atay mo ha?", sabi ni Ninang Hilda. "Ahahaha, di naman po. Sige po, uwi na po ako. Salamat po.", sabi ko. "Oh sige sige.", sabi nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD