"Hindi ko inasahan yun ah.", sabi ni Eko.
"Oo, at ganun talaga. Noong una di ako naniniwala. Pero muntik na akong mapatay ng isa sa kanila.", sabi ko.
"By the way... Tinanggap ko yung offer sakin ng church sa Kamay ni Hesus, sa kanila ako magpapatuloy ng seminaryo.", sabi ni Eko.
"Kelan ka tutuloy?", tanong ko.
"Sa Tuesday pinapapunta ako dun para makahabol ako sa mga magseseminaryo na.", sabi ni Eko.
"Ah ganun, buti yun nakapili ka kaagad ng pagseseminaryohan mo.", sabi ko.
Pahinga lang ng Lunes, kinabukasan Martes, inihatid namin ni Komang si Eko sa terminal ng bus na dadaan ng Lucban. "Ingat ka tol.", sabi ni Komang kay Eko.
"Yup, kayo rin, God bless you. Tristan, ingat kayo dyan ha.", sabi ni Eko.
"Sige sige, ingat ka din. Tawagan mo lang ako o kung sino man sa tropa kapag may problema, respondehan ka namin agad.", sabi ko.
"Thanks! Hanggang sa muli!", sabi ni Eko bago ito tumuloy sa upuan nya sa bus. Kumaway nalang kami ni Komang mula sa labas.
"Uwi na?", tanong ni Komang nang makaalis na ang bus.
"Tara na.", sabi ko naman. Kaya sumakay na kami ng van pauwi.
"Nga pala, tol. Lakas mo noong isang araw ah.", sabi ni Komang.
"Hmm, di ko nga din alam kung bakit eh.", sabi ko.
"Baka dala na din ng adrenaline rush mo. Nga pala, sino yung matanda na tumulong sayo kahapon?", tanong ni Komang.
"Kakampi, kamiyembro ko pero sa ibang samahan sya. Kahit papaano, mayroon din palang ganun sa ibang lugar. Akala ko sa atin lang eh.", sabi ko.
"Curious na talaga ako sa samahan nyong iyan. Pero wala pa akong balak sumama ha. Natatakot akong mapaso eh.", sabi ni Komang.
"Ahahaha, parang paso lang eh.", sabi ko naman.
Matapos ang isang linggo, nagtext sila na balik operasyon ulit ang Lino's. Balik trabaho na ulit ako sa madaling salita. Heto, hinintay ko ulit ang pagsapit ng hapon saka ako lumarga. Sakay ng jeep at lakad papuntang Lino's, dating gawi, sa likod ako pumapasok.
"Magandang Hapon....", pagbati ko pagpasok ko sa loob.
"Oy, magandang hapon din", sabi ni Maverick.
"Aba, kumusta Tristan?", tanong ni Mang Lino.
"Ayos lang, kayo ho, kumusta operasyon nyo?", tanong ko habang nag-aayos ng damit.
"Medyo ayos naman, at naging madugo sa totoo lang.", sabi ni Mang Lino.
"Bakit ho?", tanong ko.
"Naputulan ng kaliwang kamay si Juan.", sabi ni Mang Lino habang umiinom ng alak. Lumabas ako at dumiretso sa stage, nakita ko si Mang Juan na nakasupporter ang kaliwang braso.
"Hmmm, oo, di ako makakatugtog ng saxophone ngayon o kahit ng trumpet.", sabi ni Mang Juan.
"Hayaan mo, may tutugtog pa naman ng gitara para sayo.", sabi ni Mang Jose.
"Anong nangyari?", tanong ko kay Mang Juan.
"Napasabak eh, masyadong agresibo kaya di naiwasan. Ayan ang nangyari.", sabi ni Mang Juan.
"Hayaan mo na yan si Juan, magtrabaho nalang tayo. Nga pala Tristan. Subukan mong mag-aral bilang tauhan ng ospital o eskwelahan manlang. Wag ka munang papasok sa kahit anong may kinalaman sa pulisya o krimen. Mahihirapan tayong gumalaw.", sabi ni Mang Lino.
"Paano nyo nalaman na mag-aaral ako ng kolehiyo?", tanong ko.
"Malamang, kasi di ka pa nakakapagkolehiyo at kagagagraduate mo lang ng Highschool diba?", sabi ni Mang Lino.
"Hmm, oo nga ano.. Pero gusto kasing maging imbetigador, gusto ko maging detective...", sabi ko dahil plano ko talagang maging imbestigador, gusto kong ayusin ang nangyari sa kapatid ko.
"Hijo, tandaan mo na nasa samahan ka. Sundin mo ang sinasabi namin para di mo maipahamak ang mga kasama mo dito.", sabi ni Mang Jose habang inaayos ang plugs.
Hays, di ko alam kung ano bang dapat na gawin ko pero mukhang wala akong magagawa. Kahit na ganon, hindi parin ako titigil sa paghahanap ng hustisya para sa kapatid ko.
Natanong ni Mang Jose kung ano yung nakasabit sa leeg ko. Sinabi ko kwintas na nabili ko sa Lucban.
"Hmm, pangil ng buwaya...", sabi ni Mang Jose.
"Oho, paano nyo po nalaman?", tanong ko.
"Halata naman eh", sabi ni Mang Jose.
"Kay Islaw mo nabili yan ano?", tanong nya.
"Hindi ko po alam ang pangalan eh", sabi ko.
"Mukhang pulubi na nagtitinda ng kwintas at porselas na pangontra.", sabi ni Mang Jose.
"Eh, mukhang sya na nga po. Pero paano nyo po nalaman na may ganung tao dun?", tanong ko.
"Nakasama na namin sya dati sa isang misyon. Kala nga namin aswang yun eh. Mukha lang pala.", sabi ni Mang Jose.
"Nga pala... Panigurado walang operasyon ngayon. Walang napapabalita na mga kalabang naparaan dito sa ating lugar. Pero manatili kayong alerto anumang oras ha?", bilin naman ni Mang Lino.
"Opo!", sabi naming lahat.