Kabanata 26: Bopis

903 Words
Naparaan ako sa bayan, malapit sa palengke kung saan maraming nagtitinda ng street foods. Mahilig ako sa street foods sa totoo lang. Bukod sa mura eh katakam-takam. Hindi mo talaga mapipigilan kumain lalo pa't naglalaway ka sa amoy. Yung iba nandidiri sa street foods, syempre pwedeng pagmulan ng Hepatitis. Pero ako, wapakels, ang trip ko ay kumain ng Bopis at uminom ng Buko Juice, iniisip ko na pang cleanse ng katawan yung Buko Juice para di ako magka-Hepa. Paborito ko sa lahat yung Bopis, yung nakastick tapos piniprito lang, kulay orange tapos sinasawsaw sa toyo na may sili at kung di ako nagkakamali eh may asukal yun kasi matamis yung sawsawan. Grabe kami kumain nun ni Patrick. Si Ernesto, medyo hindi mahilig sa ganun, lalo na sa mga ihaw-ihaw, dahil una sa lahat, naninigurado muna si Ernesto bago kumain, gawain nya yun. At ang weird nun kung kakain ka ng street food tapos papatakan mo ng kalamansi sa harap ng maraming tao. May kilala kaming tindero ng Bopis na si Kuya Tsoy, sa kanya kami lagi bumibili ng bopis kasi masarap talaga. Naalala ko pa nga noong nagkaroon ng kaaway si Kuya Tsoy na tindero rin ng Bopis sa lugar na iyon. Nabadtrip siguro sa kanya kasi palaging nauubos ang paninda ni Kuya Tsoy samantalang yung kanya eh bibihira yung nabili, hindi ko alam kung bakit. Tatlong araw mula noong nanggaling kami sa Lucban, hindi ko na mahagilap kung nasaan si Kuya Tsoy at ang tinda nyang Bopis. Kaya halos tatlong araw din akong hindi kumakain ng Bopis. Ngayon, habang naglalakad ako, nasalubong ko si Patrick na naglalakad din galing sa palengke. Magsasara na ang palengke noong mga oras na iyon, eh pinaltan ni Mang Lino ang oras ng trabaho ko, ginawa nyang tanghali hanggang gabi at pinalitan nya ang trabaho ko pansamantala bilang isang waiter. Pag-uwi ko, kagaya ng sinabi ko, nakasalubong ko si Patrick na pauwi na rin galing palengke. Eto, niyaya akong kumain ng Bopis. "Andyan na ba si Kuya Tsoy?", tanong ko dahil baka siguro andyan na kaya nagyayaya si Patrick. "Wala pa boy. Pero kay Mang Teodoro tayo bumili.", sabi ni Patrick sa akin. "Eh diba yun yung nakaaway ni Kuya Tsoy noon na tindero rin ng Bopis dun sa kantong yun?", tanong ko sa kanya. "Oo, pareho lang naman Bopis yun, tsaka natikman ko na mas masarap yung tinda nyang Bopis tol. Binabalik-balikan ng mga tao grabe. Kung alam ko lang noon na mas masarap yung kanya sa kanya na ko palaging bibili eh.", sabi ni Patrick. Naengganyo ako sa sinabi ni Patrick, syempre Bopis yun tapos mukhang mas masarap pa sa mga niluluto ni Kuya Tsoy. Kaya naman hindi na ako nangsayang ng panahon at pumunta agad kami ni Patrick kay Mang Teodoro. Pagkarating namin sa di kalayuan kay Mang Teodoro, napakabango na ng paligid, talagang matatakam ka sa amoy ng Bopis na dati ko nang naamoy sa mga niluluto ni Kuya Tsoy. Bunot agad ng maraming barya sa bulsa ko. Mukhang makakarami ako ng kain eh. "Oh, bili na kayo. Bagong salang lang yan.", sabi ni Mang Teodoro. Kumuha si Patrick ng limang piraso at nilagay pa nya sa plastic cups. Kumain agad sya, wala nang sawsaw toyo pa, sabay abot nya ng bayad kay Mang Teodoro. "Mang Teodoro, pabili ako ng tatlo.", sabi ko sa kanya. "Tatlo lang?", tanong niya sakin. "Eh... Opo?", sabi ko naman. "Hmm sige. Pag natikman mo baka di ka lang makatatlo.", sabi ni Mang Teodoro sa akin. Kumuha ako ng tatlong Bopis at inilagay ko rin sa plastic cup na binigay sakin ni Mang Teodoro. Nilagyan ko ng toyo yung cup para may sarili akong sawsawan. Nang matikman ko, grabe masarap nga. Mas masarap kaysa sa mga tinitinda ni Kuya Tsoy. Naadik ako sa lasa, kaya kumuha pa ko ng limang piraso at nagbayad ng 25 pesos. Kumuha rin ulit si Patrick ng lima. Maraming mga tao dun na kumakain din nang paulit-ulit. Di ko alam pero sarap na sarap talaga kaming lahat. Ni hindi ko nga akalain na masarap pala talaga yung tinda nya. Dati kasi iniiwasan ng mga tao si Mang Teodoro kaya walang benta. "Masarap ba?", tanong sa akin ni Mang Teodoro. "Opo, ahaha.", tugon ko sa kanya. Nakaramdam ako ng pagbara sa lalamunan ko, siguro dahil sa tuloy-tuloy na pagkain ko ng Bopis eh nabulunan ako. Dumiretso ako sa nagtitinda ng Buko Juice at bumili ako ng sampung piso nun. Nawala yung pagkabara ng Bopis sa lalamunan ko nang makainom ako ng Buko Juice. Pagkatapos kong uminom nun bigla akong naumay sa Bopis, siguro hindi magandang blending ng lasa yung Bopis pagkatapos mong uminom ng Buko Juice. Masamang magtapon ng pagkain kaya binigay ko kay Patrick yung dalawang natirang Bopis. "Oh busog ka na?", tanong sa akin ni Patrick habang kumakain parin ng Bopis. "Oo. Sarap nun ah.", sabi ko sa kanya. Nakaramdam ng uhaw si Patrick kaya nanghingi sya sakin ng Buko Juice. "Oy grabe ha, binigay ko na sayo yung Bopis eh.", sabi ko. "Sige na, konti lang eh...", sabi ni Patrick habang kinakain yung huling stick ng Bopis. Iniabot ko sa kanya yung Buko Juice ko para painumin sya. Pagkatapos nyang uminom ng Buko Juice nagbayad na sya kay Mang Teodoro ng mga kinain nya. "Ano? Busog na?", tanong naman ni Mang Teodoro. "Ah, opo ahaha. Sa susunod ulit!", sabi naman sa kanya ni Patrick. Pagkatapos noon ay naglakad na kami pauwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD