Kabanata 27: Kuya Tsoy

542 Words
Gabi nang muli at nakasalubong ko si Patrick sa daan. Sarado na ang palengke at may dala syang mga sako ng basura galing sa palengke at itinapon nya sa dumaang truck. 10:30 na ng gabi, napansin ko na wala si Mang Teodoro sa daan para magtinda ng bopis, sayang at nagc-crave pa naman ako sa mga oras na yun. Naglalakad kami ni Patrick pauwi dahil walang tricycle sa palengke papunta sa subdivision, o kahit man lang papunta sa mga compound na malapit sa subdivision. Gabing-gabi at nakakaramdam ako ng kaba ngunit hindi ko alam ang dahilan. Halos lahat ng kabahayan ay sarado na at halos wala nang liwanag sa daan bukod sa convenient store sa di kalayuan, lagpas sa subdivision. Napadaan kami sa isang bahay, sarado na ang bintana ngunit tagos ang liwanag ng ilaw na kahel mula sa loob. Dire-diretso lamang ako sa paglalakad at nagtaka ako na hindi ko na kasabay si Patrick. Lumingon ako sa likod at nakita kong nakatitig sya sa tapat ng bahay na may liwanag na kulay kahel. Sinenyasan nya ako ng para lumapit sa kanya, lumapit ako at hinawakan nya ko sa batok sabay tinutok ako sa maliit na butas ng bintana. Nanikip ang dibdib ko sa nakita ko at iniiwasan kong gumawa ng ingay. Hindi ko man isipin na yun nga, ngunit alam kong tama ako, na pugo't na ulo ni Kuya Tsoy ang nakalapag sa mesa iyon. May lalaking may hawak na pantadtad ang nakatayo doon at dinig na dinig namin ang pagtama ng patalim sa sankalang malaki. Hindi na kinakaya ni Patrick na titigan pa ang kaganapang iyon kaya nagyayaya na syang umalis na kami doon. Ngunit mas hindi namin kinaya nang makita naming si Mang Teodoro ang taong gumagawa noon. Mahaba ang dila nya sa pagkakataong iyon na ginagamit nya para punasan ang mukha nyang puno ng dugo. Napasinghap si Patrick at kumaripas ng takbo. Lumingon sa butas si Mang Teodoro at saktong nagtama ang aming mga mata. Hindi ako nagdalawang isip pa na tumakbo dahil doon. "Bilisan mo!", sigaw ko kay Patrick. "Bakit?!", tanong nya sa akin. "Nakita nya ako! Nakita nya tayo!", sagot ko. Nagmadali kaming tumakbo at agad kaming nakapasok sa subdivision dahil malapit-lapit lang naman. Hindi na kami humingi ng tulong sa gwardya dahil sino ba namang maniniwala sa amin. Kinakabahan ako dahil wala kaming dala na kahit anong gamit. Kung mayroon man, ang asero na may kutsilyo lang ang dala ko. Naririnig ko ang pagkalampog ng mga bubong na unti-unting papalapit ang tunog sa amin. Parang bumagal ang sandali nang pagmasdan naming tumalon ang isang taong-baboy sa ibabaw namin. Paglapag nito ay agad kaming hinarang at may dala pa syang itak. "Mga hayop kayo, pinagod nyo ko. Bakit kayo pasilip-silip ha? Nasasabik na ba kayong kainin ulit si Tsoy?!", sabi ni Mang Teodoro. "S-Si Kuya Tsoy?", tanong ni Patrick. "Oo, tama ka. Ginawa ko syang Bopis! Masarap ba ha?!", sigaw ni Mang Teodoro. Hindi ako makakilos, mabigat sa pakiramdam. Hindi ko magawang kumilos para kunin ang armas ko sa bag. "Ngayon, papipiliin ko kayo. Bubuhayin ko kayo pero magiging mga alipores ko kayong dalawa o pagpapapatayin ko nalang kayo at isasama ko sa mga ibebenta ko?", tanong ni Mang Teodoro. "Ayaw naming mamili!", sigaw ni Patrick.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD