Final Episode
Hindi ko inaasahan na ililigtas ni Lyka ang kanyang kapatid na si Fortress. Sa halip na si Fortress ang aking masasaktan kay Lyka tumagos ang matalas na dulo ng aking buntot. Iniharang niya ang sarili niya.
"Lyka!!!" Sigaw ko nang makita kong bumagsak siya sa lupa.
Lahat ay nagulat sa nangyari, tulala ang magkakapatid na prinsesa nang makitang duguan si Lyka. Maski ang mga Diyosa na sina Ares, Athena at Natalia ay hindi makakilos dahil sa nangyari.
"Ly....Lyka!!!!" Sambit ko.
Yun lang reaction ko matapos mangyari ang hindi ko inaasahan. Parang huminto ang oras sa pagitan naming lahat. Katahimikan ang bumalot sa paligid tanging ang sipol ng hangin ang naririnig ko sa malawak na lupain ng Avarlone.
May kakaibang puwersa na nagmula kay Lyka para itong shock wave na naramdam ko at naglakbay sa buong paligid.
Isang himala nang maikilos ko na ang aking katawan ayon sa gusto kong gawin, kaya nagawa kong mailapit ang sarili ko kay Lyka na nakahandusay sa lupa.
Narinig kong umatungal muli ang halimaw, dahil doon ay umatras ang lahat ng nasa paligid namin. Walang nagtangka pumigil sakin nang kunin ko ang katawan ni Lyka at upang dalhin saking kandungan. Maingat kong niyakap si Lyka.
"NO!!!"
Sa unang pagkakataon ay narinig ko na mismo aking tinig. Tiningnan ko si Lyka na lumuluha halos madurog ang puso ko nang makita ko ang maganda niyang mukha niya. Sumuka pa ng kunting dugo ang bibig si Lyka hudyat na masama ang tinamong sugat na likha ko. Mismo ang puso niya ang tinamaan ng buntot ko. Dahil doon ay hinaplos ng mala halimaw kong kamay na may matatalim na kuko ang pisngi ni Lyka.
"Mahal na mahal kita Razzo." Dinig kong bulong ni Lyka.
"Mahal na mahal kita Lyka! bakit mo ginawa yun hindi mo dapat iniharang ang sarili mo!" Sigaw ko.
Halos sasabog ang dibdib ko sa tindi ng kalungkutan at paghihinagpis na nadarama.
"Hindi mo dapat isinakripisyo ang buhay mo para sa akin Lyka." Nanginginig ang aking tinig. Pakiramdam ko'y may parang nakabara saking lalamunan.
Habang sinasabi ko iyon ay nakaramdam ako ng init sa parte ng aking dibdib kung saan tumulo o sumayad ang kanyang mga luha. Kumalat ang init sa buo kong katawan pero hindi ko pinansin ang nadarama kong iyun, instead ay mas pinagtuunan ko ng pansin si Lyka na sa mga anumang oras ay baka kunin na siya sakin ng Diyos.
"Masaya akong nakasama kita Razzo." Lyka said.
Humagulgol na ko sa pagkakataong ito. I feel that Lyka was loosing her strength dahil pahina na ng pahina ang boses niya.
"Bago ako lumisan aalisin ko muna ang sumpa ng iyong ina."
Nanginig na din ang katawan ni Lyka kaagad kong inabot ang kanyang kamay na hahaplosin ang aking mukha.
"Huwag mong sabihin yan Lyka, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nawala ka." Pagkasabi ko nito ay tuluyan ng nagbalik sa normal ang aking katawan.
It was her love for me ang nag alis ng sumpa ng aking Ina at masamang kapangyarihan na bumabalot sakin.
Pinatid ni Lyka ang suot niyang kuwintas at ibinigay sakin.
"Saan man ako naroroon Razzo babaunin ko ang pagmamahal mo at mga masasayang alaala natin Razzo."
"No.. no Lyka please... dont leave me Lyka hindi ko kayang mawala ka, Ayaw kong mamuhay nang mawala ka.
Hindi ako magkandatuto sa pagsasalita nang mqg umpisa na siyang maghingalo.
"Lyka!!! Please save her!! f**k s**t why all of you just standing there tulungan niyo ang mahal ko. Tulungan niyo kami iligtas niyo si Lyka!"
Lumapit na samin ni Lyka si Natalia, Eyhan at matandang wizard.
"Lyka gumising ka, Lyka huwag kang sumuko!" Sigaw ni Natalia.
"Umalis ka dito halimaw ka! Ikaw ang pumatay kay Lyka!"
Sapilitan inagaw sakin ni Eyhan ang walang buhay na katawan ni Lyka. Habang nasa kandungan ni Eyhan si Lyka ay nagliwanag ang kamay niya. Sa isang iglap qy tumilapon ako sa di kalayuan.
"Huwag niyo ilayo sakin si Lyka kailangan ko namin ang isa't isa." Sigaw ko.
Isang dipa ang layo ko Lyka kaya kitang kita ko ang mga nagaganap sa paligid namin. Niyuyog ni Eyhan si Lyka pinipilit niyang magmulat ang pinakamamahal kong nobya. Sa tabi niya ay nagliwanag ang kamay ng matandang Wizard sa palagay ko nilulunasan niya ang sugat ni Lyka.
Humagulgol si Natalia at Eyhan isa lamang ang ibig sabihin nun tuluyan nang namayapa si Lyka.
"Hindi!!!" Isang nakalulunos at mahabang sigaw ang pinakawalan ko.
Hindi ako makapaniwalang sa mga kamay ko nagwakas ang buhay ni Lyka. Ako ang pumaslang sa pinakamamahal kong nobya.
Nakita kong nakayuko ang mga Diyos at Diyosa ng Digmaan na si Ares at Athena. Patakbong papalapit sina Nympha, Myst at Fortress umiiyak silang lahat sa sinapit ni Lyka. Ang Mama ni Lyka na si Reyna Aurora ay nakatingala sa Crystal tower sa hindi ko mawaring dahilan. Nagliwanag ang Crystal Tower pagkatapos ay biglang lumitaw ang isa pang babae at Amang Hari ni Lyka. Sa tingin ko'y kapatid pa siya ni Lyka dahil may pagkakahawig ang babae sa kanya.
"Umalis ka na rito! Umalis ka na ngayon din kung hindi pananagutin kita sa ginawa mo kay Lyka!
Isang pagbabanta ang naririnig ko mula kay Eyhan, sa halip na matakot ako sa kay Eyhan na nagliliwanag ang kanyang mga mata at kamay.
"Hindi ko nakokontrol ang sarili ko kahit anong pilit ko. Ang halimaw na sumanib sakin ang may kagagawan ng lahat!" Giit ko.
Wala akong pake whether Eyhan is going to unleash his full strength of his power basta mapatunayan kong hindi ko intention saktan si Lyka.
"Eyhan!" Sambit ni Natalia.
Kaagad na pumagitna si Natalia saming dalawa para pigilan si Eyhan. Nakaramdam kong may humawak saking balikat nang tingan ko ito ay si Percy pala.
"Razzo kailangan na nating umalis dito. Tingnan mo ang nasa paligid." Saad ni Percy.
Sinunod ko ang sinabi ni Percy nang ilibot ko ang aking paningin. Nakita kong nagtipon-tipon ang mga sugatang kawal, ang natitirang dragon na lumilipad sa dakong itaas kung saan kami naroroon. Nakita ko rin ang isang batalyon ng mga Orcs na paparating, pinangungunahan sila ni Asragoth. Ang pinuno ng mga Orcs.
"Umuwi na tayo Razzo, nanganganib ang buhay mo ngayon dito sa Avarlone!" mariing utos ni Natalia.
"Hindi, hindi ako aalis dito hanggat hindi ko nakikitang buhay muli si Lyka, Pakiusap buhayin niyo si Lyka!" basag ang tinig ko na dahilan para lalong umiyak ang mga kapatid ni Lyka.
"Wala na si Lyka namayapa na siya, wala ka na tayong magagawa kaya halika na umalis na tayo."
Pagkasabi ni Natalia ay marahas niyang hinatak ang braso ko.
"Hindi ako aalis dito, You know all of you how much Lyka means to me, hindi ko siya maaaring iwan!" Giit ko.
"Napapalibutan na nila tayo!" Sigaw ni Percy.
Bigla na lamang may gumapang na tubig sa palibot samin tatlo nila Natalia. Paikot ikot samin ang tubig, pabilis ng pabilis hanggan sa makabuo ito ng harang palibot samin.
"Razzo umalis na tayo, hindi ka sasantuhin ni Fortress papatayin ka nila, lalong lalo na si Asragoth. Ipaghihiganti nila ang kamatayan ni Lyka. Nalimutan mo na ba isang Reyna si Lyka at minamahal nila ng lubos."
"Pabayaan niyo na lang akong mamatay kasama si Lyka mapatunayan ko lang na hindi ko nais na mawala siya." Pagkasabi nun ay humakbang ako papalapit kay Lyka. Isang malakas na hampas saking batok ang naramdaman ko at dahil dun ay nawalan ako ng malay.
Pagkagising ko ay narito na ko sa hospital. Ipinagtaka ko ito ng sobra, bakit naririto na ko sa hospital?
Matapos kong masdan ang kuwarto sunod kong tiningnan ang mga natamo kong sugat sa katawan.
Ibinalik na ako ni Natalia. Hindi maari ito!
Hinablot ko ang karayom ng dextrose na nakadugtong malapit saking pulso.
"Sir anong ginagawa niyo!" Bulalas ng Nurse nang mabungaran niya ako dito sa loob ng ward.
Nagsisigaw ang nurse para humingi ng tulong sa labas. Paika-ika akong naglakad nang makababa ako sa hospital bed at pinilit na makalabas ng kuwarto. Nasalubong ko ang mga duktor at mga lalaking nurse at mabilis akong hinawakan para maibalik sa kuwarto.
"Bitawan niyo ko kailangan kong makita ang fiance' ko." Sigas ko.
"Sir kumalma lang po kayo kailangan niyo po munang magamot at saka ang braso niyo dumudugo."wika ng Doctor
"I dont care just let me get out of here, I dont need your help!" Mariin kong sabi.
Mapilit akong kumakawala mula sa pagkakahawak sakin ng mga Nurse. May dumating pang mga Nurse kaya wala na kong nagawa nang ihiga nila ako sa bed. Matapos nila akong itali sa bed ay tinirukan nila ako ng injection ng pampakalma o kung anu man yun ay hindi ko alam.
Natagpuan ko na lamang ang sarili kong tulala na lumuluha habang sinasambit ang pangalan ni Lyka.
"I'm sorry Lyka...Im so sorry."
The End